GUSTONG malaman ni Yesha kung totoo bang handa na si Shawn. Ang tagal na ng problema nila. Hindi niya alam kung bakit nahihirapan sila ng ganito--- oh baka naman kasi dahil mahirap kalabanin ang sariling pamilya. Totoo man o hindi.
"Handa na ako. Nang malaman ko pa lang na totoong may kinalaman siya sa pagkawala ni mommy, hinanda ko na ang sarili ko." Hindi napigilan ni Yesha na yakapin si Shawn. Bakas sa boses nito ang labis na galit at pagkadismaya sa sariling ama.
Kanina si Erika ang iniisip niya, ngayon naman si Shawn na. Kung sana puwede lang niyang baguhin ang lahat. Kung sana puwede lang niyang gawan ng paraan ang lahat para sumaya ang mga mahal niya sa buhay; gagawin ni Yesha. Hindi siya magdadalawang-isip dahil alam niyang iyon ang magpapasaya rin sa kaniya.
"What if... i-report na natin sila sa pulis?" Humiwalay si Shawn sa pagkakayakap sa kaniya. Napakunot naman ang noo ni Yesha.
"Why?"
"Hindi natin sila puw
ANG LAHAT ay masaya para sa hindi inaasahang proposal ni Shawn kay Yesha. Maging siya ay hindi makapaniwala na ngayon; sa wakas ay masasabi niyang sila na talaga. Sa dami ng pinagdaanan nila, sa dami ng nangyari ito na yata ang pinakasamayang araw para sa kanila. "Congratssss, sissyy!" Masayang-masaya siyang niyakap ng kaniyang kaibigan na si Erika. Masyado ring maayos ang kaibigan dahil isa ito sa mga kasabwat ni Shawn. Kaya pala pansin na pansin niya ang kakaibang kilos ng kaibigan dahil kampi na ito ngayon sa fiancee niya. "Thank you! Pero tampo pa rin ako sa 'yo. Ikaw, ha? Natuto ka na mag-secret sa akin!" aniya gamit ang isang nagtatampong boses. Tinawanan lang siya nito habang hinahampas ang kaniyang baikat. "Sorry na nga, e. Napa-utusan lang naman ako ng jowa mo. At isa pa, ayaw ko namang masira ang plano niya nang dahil lang sa akin." Tumawa siya at saka muli itong niyakap. Wala na yata siyang mahihiling pa kung 'di ang maging masaya lang sila
INIHANDA ni Yesha ang mga beer para sa mga kaibigan nila. Balak nilang mag-celebrate nang mahaba dahil sa proposal. Kabuwanan na rin niya kaya naman talagang bawal siyang uminom. Tamang tulong lang siya sa pag-ayos kahit ayaw ng mga ito. Alam ni Yesha na tuloy-tuloy na ang kasiyahan nila at magkakaroon na rin sila ng isang tahimik na buhay."Magpahinga ka na kaya muna, hija?" Napangiti siya nang makalapit ang ina ni Shawn sa kaniya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na talagang kasama na nila ito at mas lalong hindi siya makapaniwala hanggang ngayon na mukhang diyos ang ina ni Shawn. Sobrang bait at sobrang ganda. Medyo nawawala na rin ang mga pasa nito sa katawan kaya naman mas lalong lumalabas ang tunay nitong ganda. Nakakatuwa dahil magkakasundo rin sila. Ang mamita naman ni Shawn nagpapahinga muna habang hindi pa ayos ang mga pagkain."Ayos lang po ako, ma. Kayo nga po ang dapat magpahinga, dapat magpagaling lang
NAPAILING na lamang si Yesha. Alam niyang guni-guni lamang ang kaniyang nakita at imposibleng makalabas ng kulungan ang ama ni Shawn. Masyadong mahigpit ang mga nagbabantay roon para mangyari iyon."Hey, you okay?" Bahagya pa siyang nagulat nang hawakan ni Shawn ang kaniyang balikat. Tipid na lamang niya itong nginitian. Kailangan niyang magpanggap na okay dahil alam niyang maaari lamang na sanhi ito ng trauma. Sino ba namang hindi ma-t-trauma matapos makakita ng kung anu-anong kasamaan. Hindi sila lumaki sa magulong pamilya kaya hindi siya sanay. Kahit naman kasi na nasa eskwater sila noon nakatira, hindi naman kasi siya nakarinig kahit kilan ng kung ano mang putukan ng baril. At napakaimposible rin namang masundan sila rito. "Oo, medyo sumama lang ang pakiramdam ko. Sila ba? Hindi pa rin sila tapos lumangoy?"Hinil siya ni Shawn papalapit lalo rito. Nahigit pa niya ang kaniyang hininga. "Hindi pa, mukhang magtatagal pa sila roon. Gusto mo na bang magpahin
"Ewan ko? Hahahahahaha." Hindi alam ni Yesha kung bakit hindi niya ito kayang sabayan sa tawa nito. Alam niyang may kakaiba sa kilos ni Erika at kung ano man 'yon, may tiwala naman siya sa kaibigan niya na hindi iyon makakasama. "Kuhanin mo na lang din akong ninang kapag buntis ka na."Nginiwian ito ni Erika pero nag-iiwas sa kaniya ng tingin si Erika. Gusto niyang ngumiti sa isip niya pero ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano sa ngayon. Gusto niyang makausap muna si Erika nang sila lang. Baka kasi medyo nahihiya itong sabihin lalo na at may kasama rin sila. "Alam niyo? Nakakainggit kayong magkakaroon na ng pamilya.""Darating din naman ang tamang panahon para sa inyo. Maghintay ka lang at suportado ka rin naman namin."Nakahanap siya bigla ng isang solid na mga kaibigan.
HABANG abala sa pakikipagtawanan si Shawn, nakita niya si Erika na kumukuha ng pagkain. Gabing-gabi na pero gising na gising at buhay na buhay pa rin silang lahat. Kahit pa nga na sinabihan na siya ni Shawn na matulog at huwag magpupuyat dahil nga baka makasama sa kaniya pero heto siya. Naghihintay kung kailan niya magagawang masolo si Erika dahil gusto niya itong kausapin.Medyo nag-aalala rin kasi siya. Oo nga at tapos na ang problema nila ni Shawn, pero hindi naman siya makakapante kung ang kaibigan naman niya ang humaharap sa malaking problema ngayon. May iba naman siyang naiisip na dahilan pero mas nangingibabaw pa rin ang pag-aalala.
HINAWAKAN siya ni Erika. Paulit-ulit siya nitong tinatanong kung anong nangyayari at kung anong nararamdaman niya pero hindi magawang magsalita ni Yesha. Masyadong masakit ang kaniyang tiyan at para bang gusto niyang ma-cr."May nakain lang yata ako. Para akong na-c-cr." Nanghihina niyang sagot. Bakas ang taranta at pag-aalala sa mukah ng kaniyang kaibigan. "Kaya mo ba rito? Tatawagan ko lang sila or gusto mong dalhin kita sa c.r?" hindi alam ni Yesha ang kaniyang isasagot."H-hindi, a-ang sakit ng tiyan ko. H-humihilab, manganganak na yata ako." Mas lalo itong nag-panic na sa narinig. "Gagi? Talaga ba? Putek, sandali! Huwag kang aalis dito, tatawagin ko sila!" Binitawan nito ang kamay niya at saka tumakbo pababa. Napapahiyaw naman siay sa sakit."Erikaaaa!" Alam niyang hindi siya nito maririnig. Naghanap siya ng makakapitan. Hinahapo at pinagpapawisan na siya. Mayamaya pa ay sunod-sunod na yabag na ang kaniyang narinig. Hindi naman na niya kai
Hindi maipaliwanag ni Shawn ang kaniyang mararamdaman habang nakatingin sa mag-ina niya. Tulog pa rin si Yesha at kinuha naman sa kaniya ang baby upang malinisan daw muna. Pinayagan na rin naman silag bisitahin si Yesha kaya nasa tabi siya nito ngayon."Paano ba 'yan? Edi, kasalan na ang next?" Natatawang tanong sa kaniya ni Adrian. Ang iba naman ay tulog sa isang tabi. Hindi niya alam kung bakit nagsisama at nagsipagsunuran ang mga ito. Pero masaya siya dahil talagang ang lahat ay umaalalay."Yeah, iyon naman talaga ang plano ko. Ang pakasalan si Yesha pagkatapos niyang manganak. I badly want her to be my wife, dude." Tila nagbago ang pananaw niya sa buhay. Hindi na siya makapaghintay na mabuhat ang baby nila. Hindi siya makapaghintay na makapag-umpisa ulit bilang isang totoong pamilya. "Congratulations, bro.""Thank you, Adrian. Sa inyo rin, alam mo naman na malapit talaga itong dalawa, at alam natin kung ano ang deserve nila." Sa ngayon, ang gusto
EXCITED na umuwi sina Yesha habang buhat-buhat ng kaniyang ina ang baby niya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala. Lumulukso pa rin ang puso niya sa tuwa. Parang kahapon lang, nangangarap silang magkaroon ng isang pamilya. Ngayong narito na. Ibinigay na sa kaniya, wala na siyang mahihiling pa. Walang makakapagpaliwanag ng saya na meron ang puso niya. "Are you happy?" tanong ni Shawn sabay halik sa kaniyang noo. Nakagat niya ang labi sabay tango. "Hindi natin makuha si baby, ayaw ibalik ng mga lola." Natatawang dugtong nito. Kaagad naman siyang inalalayan ni Shawn paupo. Mas lalong naging doble ang pangangalaga ng lalaki sa kaniya. Isang bagay na mas lalong minahal pa niya. Araw-araw na lang siya nito binibigyan ng dahilan. Dahilan upang mas lalo siyang humawak sa relasiyon na mayroon sila. "Mukhang mamaya pa nila ibabalik si Queen sa atin." Napagpasyahan kasi nilang Queen ang itawag sa anak. Akala pa nga ni Shawn lalaki ang unang magiging anak