"GOD! Bakit ko ba nagawa 'yon?" frustrated na saad in Aki sa sarili habang nakahiga sa kama at nakatingala sa kisame. "Bakit kasi may pa-haplos haplos pa akong nalalaman?! Baka bigyan n'ya pa 'yon ng kahulugan. E, naaawa lang naman ako sa kan'ya," kausap pa ni Aki sa sarili habang hindi maalis-alis sa isipan ang ginawa kani-kanina lang.
Aywan rin niya alam kung bakit wirdo ang naging epekto sa kan'ya nang makitang may tinamong bukol ang dalaga. Bigla-bigla nakaramdam siya ng matinding pag-aalala. Kaya naman pakiramdam niya sa sarili kanina ay para siyang ibang tao.
"Shit! Nakainom lang ako kaya gan'on! No way! Naawa lang talaga ko sa kan'ya!" giit pa niya sa sarili habang panay ang iling.
Totoong nakaramdam siya ng awa matapos makita ang bukol sa noo ni Kiah. Ang buong akala niya, hindi ito
"SIR, ito na po ang info about sa member ng Budol-budol Gang na ipinahahanap n'yo."Inabot ni Aki ang itim na folder na ibinigay ni Maggie, ang researcher sa DISG saka pinasadahan iyon ng basa."Nakalagay po sa info na 'yan kung saan makikita si Rosalia Marquez a.k.a Lucita Dimayuga, maging ang mga address ng mga kasamahan niya. Ayon din po sa surveillance team, ang Star Creator Agency ang ginagamit ng gang na 'yan para makapanloko. Malamang po ay nar'yan ang iba pang member ng gang na wala sa watch list. At ayon rin sa mga otoridad, mailap ang mga 'yan. Sa tingin nila ay may malaking tao ang nasa likod ng grupong 'yan," tuloy-tuloy na paliwanag pa nito sa kan'ya."Okay. Thanks Maggie. Ako na ang bahala rito," ani Akihiro saka tumango rito.
"GRACIAS, abogado y usted hizo un camino para que yo obtuviera la fianza, (Thank you attorney, and you made a way for me to get bail,)" ani Alejandro sa kanyang private lawyer na si Attorney Hernandez, saka nakipag-kamay."No, Señor. Es mi deber como su abogado, (No, Sir.It is my duty as your lawyer,)" tumatango-tangong saad naman nito kay Alejandro. "Cuál es su próximo plan, Señor Montenegro? (What is your next plan, Mr. Montenegro?)" tanong pa nito kay Alejandro habang itinutulak siya gamit ang wheelchair papalabas ng city jail kung saan siya ikinulong.Tumiim-bagang si Alejandro nang maisip ang mga taong may d
Warning! Contains mature scenes ahead. Read at your risks!• • •"KUPS, alam mo na ba ang balita?" pakli ni Heinz kay Akihiro nang magkita sila sa café ng DISG. Lunch nila iyon at eksakto namang nakasabay niya ang matalik na kaibigan. Madalang lang din silang magkita ng lalaki lately dahil sa pagkakaalam niya, busy ang ungas sa misyon nito.
"NAKU po! Lalagnatin pa yata ako!" ani Kiah habang sinasalat ang noo. Mainit rin ang pakiramdam niya at nanlalamig na hindi maintindihan.Bahagya na rin siyang nakararamdam ng pananakit ng ulo. Subalit hindi pa siya natatapos sa mga gawaing bahay kung kaya't isinantabi muna niya ang nararamdaman at ipinagpatuloy ang labada.Habang nakasalang ang mga labada sa washing machine, ay nagpasya rin si Kiah na palitan ang mga kurtina sa sala at maging sa kwarto ng amo. Isinama na rin niya ang mga seat cover at punda sa paglalaba.Masama man ang pakiramdam ay ipinagpatuloy ni Kiah ang ginagawa. Pinilit niyang tapusin ang paglalaba saka isinunod ang paglilinis ng buong kabahayan.Sinasamantala na kasi niya ang pagkakataon habang hindi pa siya pumapasok sa eskwela. Dahil alam niyang kapag nag-umpisa na ang
NAGISING si Kiah dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang baywang, ganoon din sa mainit na hanging tumatama sa kaniyang batok. At nang maimulat n'ya ang kanyang mga mata, halos atakihin siya sa puso nang makitang may matipunong braso ang nakayakap sa kaniyang baywang.Hala! Nananaginip pa ba ako? tanong n'ya sa isipan. Ang ganda-ganda naman kasi ng panaginip niya. Inalagaan daw siya ni Akihiro at tinabihan pa sa pagtulog.Subalit nang gumalaw ang tao sa likuran ni Kiah ay natigilan siya. Dahan-dahan niyang ipinihit ang ulo upang lingunin ito, at gayon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makitang ang gwapong amo ang katabi niya sa higaan. Wala sa loob siyang bumalikwas nang bangon, dahilan upang magising rin ng nahihimbing na lalaki."Ki
"NAKU! Nasaan ba ang orientation hall dito?"Nakagat ni Kiah ang kanyang mga kuko dahil sa labis na tensyong nararamdaman. Kanina pa kasi siya paikot-ikot sa unibersidad pero hindi pa rin niya mahanap ang orientation hall. Tuloy ay nag-umpisa na siyang kabahan dahil sa sitwasyon. Tiningnan rin niya ang oras sa relong pambisig na ibinigay ni Aki. Alas-otso na nang umaga at alas-nueve ang umpisa ng orientation.Ang orientation ay para sa mga baguhang mag-aaral sa taong iyon gaya niya. Sa orientation na iyon malalaman ng mga bagong estudyante ang tungkol sa school policy, campus tour at ang mga clubs na maaaring salihan ng mga ito. Kasama rin doon ang pagbibigay ng schedule of class at uniporme. Kaya't alam ni Kiah na hindi siya maaaring hindi makadadalo roon.Isa pa, maaga pa naman siyang inihatid ni Aki kanina, at ang bilin pa'y mag-tex
"I THOUGHT, you wouldn't call me back eh!"Pilyo namang ngumisi si Akihiro kay Belinda na noon ay tila sawang nakalingkis sa kanyang mga braso ng oras na iyon. Nagsasawa na kasi siya sa iba niyang partners in bed kaya ito naman ang naisip niyang tawagan. Besides, hindi natuloy ang sex nila last time dahil sa emergency call ni Kiah."Pwede ba naman, 'yon? E, naudlot na nga last time. But don't worry, babawi ako sa'yo." Kumindat pa siya rito bago muling sumimsim ng alak sa wine glass. Nasa The Marcello sila ni Belinda ng mga oras ma 'yon kung saan n'ya ito nakita no'ng huli.Matamis namang ngumiti si Belinda saka hinaplos-haplos pa ang matipunong dibdib niya. "I would love that, Sweetie" anas n'ya pa sa mismong tenga ng lalaki. "So, let's go? I badly wants to taste you, Akihiro." Kasabay niyon a
Papaling-paling si Kiah sa higaan nang gabing iyon. Hindi kasi siya makatulog pagkatapos nang namagitang halik sa kanila ni Aki. Tila nararamdaman pa nga niya ang malambot na labi ng lalaki sa labi niya. Ganoon pala ang unang halik, hindi maipaliwanag. . . ani Kiah sa isipan sabay hawak pa sa kanyang labi.Kakaiba rin ang bilis ng tibok ng kanyang puso nang mga sandaling iyon. Kinakabahan siya, ngunit hindi dahil sa natatakot siya, kung hindi, pakiramdam niya ay may bahagi ng kanyang pagkatao ang nagdiwang dahil sa kakaibang halik na iyon.Iyon ang una niyang halik, kung kaya't bago sa kan'ya ang pakiramdam. Kanina, habang ramdam niya ang labi ni Aki sa labi niya'y linukob siya ng kaba, ng nerbiyos, at maging ng saya.
After five years. . ."MOMMY, pauwi na po ba from work si Tito Gav?" tanong ng four years old na si Hikari sa kanyang mommy. Nasa kindergarten na ito at talagang napakabibong bata.Mula sa paghahalo ng nilutong caldereta para sa kanilang dinner, nilingon ni Hezekiah ang napaka-cute niyang anak saka hinaplos ang mahaba at kulot na buhok nito. "Yes, baby. Pauwi na ang Tito Gavin mo. Why?""E kasi po, Mommy, mag-pl-play po kami ng new doll ko," ani Hikari saka inakyat ang may kataasang stool at saka naupo. Bakas sa mukha ng musmos ang kasiyahan habang nakatingin sa kanyang mommy."Galing pa sa work ang Tito Gavin mo, baka pagod na siya,
Samantala, si Gavin ay kasalukuyang kinakaharap ang sariling kamatayan. Nakasuot sa katawan niya ang vest na may nakakabit na C-4 bomb. At hindi niya alam kung ilang minuto na lang ang nalalabi sa buhay niya. Ni wala siyang ideya kung sino ang mga dumukot sa kan'ya. Wala siyang kaaway lalong-lalo, wala siyang kinaatraso. Wala rin siyang kaalam-alam na sa mga oras na iyon, nasa panganib din ang buhay ng kanyang pamilya.Naroon siya ngayon sa isang lumang silid na mistulang isang bodega. Nakaimbak kasi roon ang kung anu-anong abubot na hindi niya mawari kung ano. Nakaupo siya sa mono block chair habang nakatali ang kanyang kamay at paa. Habang ang bibig ay mayroong duct tape.Kasabay nang nararamdamang takot at panginginig ng katawan nang mga sandaling iyon, lihim na lang ipinigdasal ni Gavin na sana ay may sumaklolo sa kan'ya sa bingit ng kamatayan.
"OKAY men, listen. Ang layunin ng misyon na ito ay upang mai-rescue si Mr. and Mrs. Tetsuya, pati na rin ang nakababatang kapatid ni Agent Tetsuya na ngayon ay hawak ng isang unknown kidnappers. Kasama rin natin sa operasyon na ito ang Cavite Provincial Police kaya makipag-cooperate kayo. Huwag magyabang. Ipakita ninyo na hindi basta-basta ang mga agents ng DISG. Am I clear?" malakas na turan ni Heinz sa mga ito.Si Agent Mikael Alvarez na matalik na kaibigan ni Akihiro ang team leader ng kanilang grupo na kung tawagin ay "The Black Squad". Ang nasabing grupo ay binubuo ni Akihiro Tetsuya, isang sniper; si Claude Scott na ekperto sa bomb denotation; si Raiko Ramos, Zyair Villanueva at Seven Cruz na pawang may excellent skills sa paghawak ng baril.Ang The Black Squad ang ipinadadala ng DISG sa m
"MASAYA kami ng Itay Luciano mo, anak at nadalaw mo kami. Talagang nami-miss ka na rin namin," nagagalak na ani Nanay Erlinda kay Hezekiah.Naisip kasi niyang dalawin ang mga biyenan at kumustahin ang mga ito. Matagal-tagal na rin kasi noong huli niyang nabisita ang mga ito. Iyong huli ay noong buhay pa si Carlos."Na-miss ko rin po kayo, Inay, Itay," nakangiti namang saad ni Hezekiah sa dalawang matanda. "Kumusta po naman kayo?" usisa pa niya sa mga biyenan."Medyo nagkakasakit na rin, anak dahil may edad na kami ng Inay Erlinda mo. Ngunit kayang-kaya pa naman," si Tatay Luciano niya ang sumagot noon na may kalakip na ngiti sa labi."Ako nga'y madalas na inaatake ng altapresyon," sabat ni Erlinda sa ma
Naglalakad si Gavin papunta sa parking lot ng St. Benedict University nang biglang may huminto na itim na van sa tapat niya. Hindi na sana niya papansinin pa iyon nang bigla siyang harangin ng dalawang lalaki na lumabas mismo sa loob ng sasakyan."Ano'ng kailangan n'yo sa'kin, ha?!" naalertong tanong ni Gavin habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki.Nakasuot ang mga ito ng pawang itim at pero hindi naman nakatakip ang mga mukha. Kaya naman malaya niyang nakikita ang mga mukha nang mga ito kahit gabi na iyon at poste lang ng ilaw ang tumutunghay sa kanila."Sumama ka sa amin. Kung ayaw mong masaktan," banta ng isa sa mga ito at humakbang pa palapit kay Gavin."Ano?! Bakit ako sasama sa inyo?!" kinakabahan nang
"ANAK, Hezekiah?!"Masayang sinalubong si Kiah nang yakap ng kanyang Nanay Rebecca nang bumaba siya ng tricycle. Gumanti rin naman siya ng yakap rito ng may luha sa kanyang mga mata. Talagang nangulila siya sa kanyang pamilya at ngayong kasama na niya ang mga ito, labis na kaligayahan ang nadarama niya."Nay, na-miss ko po kayo," lumuluhang usal ni Hezekiah sa may edad na ina habang yakap ito nang mahigpit."Kami man, anak. Nangungulila kami sa'yo ng mga kapatid mo," turan naman ng matanda na noon ay lumuluha na rin. Ni hindi pa nga sila nakakapasok sa kanilang kabahayan, ngunit iyon na sila at kapwa umiiyak.Nagbitiw nang yakap ng dalawa saka nagpunas ng kanya-kanyang luha. "'Lika, anak. Pumasok na tayo sa loob," nakangiting ani Nanay Rebecca at saka kinuha ang
"Ano'ng update sa ipinatatrabaho ko sa'yo, Attorney?" tanong ni Alejandro Montenegro sa kanyang abogado. Naroon sila ngayon sa kanyang private office sa mismong mansyon niya."El hermano menor de Akihiro Tetsuya actualmente asiste a la Universidad de St. Benedict. (Akihiro Tetsuya's younger brother currently attends St. Benedict University.) And anytime, we can take him," nakangising saad ng tiwaling abogado. Matapos niyon, nagsalin ito ng mamahaling alak sa wine glass at inabot ang isa kay Alejandro."Bien, porque quiero comenzar mi venganza. (Good, because I want to start my revenge,)" ani Alejandro sa kausap at saka nakasusuklam na ngumiti sa kaharap."I'm sure he has no idea about our plan, Mr. Montenegro," se
MULA sa pagkakahiga sa malambot na kama ay bumalikwas ng bangon si Akihiro nang pumasok ang kanyang Mama sa kwarto niya."Mom," ani Aki sa kanyang Mama. Ipinagtaka rin niyang seryoso ang mukha nito nang humarap sa kan'ya. Mukha itong galit na ewan."I'm sorry kung hindi na ako kumatok, anak. Where's Ysabelle?" usisa nito matapos maupo sa kanyang tabi."Nasa bathroom pa. Mag-sh-shower raw muna s'ya bago mag-breakfast. Why, Mom?" clueless na tanong niya sa ina.Katulad kanina, walang kangiti-ngiti ang kanyang Mama, kaya nasisiguro ni Aki na importante ang sadya nito sa kan'ya. "Can we talk? Ngayon na. Hihintayin kita sa library."Tungkol siguro 'to sa away
"PAKIUSAP Gavin, huwag mo sanang sasabihin kay Akihiro at maging kay Mr. at Mrs. Tetsuya ang kalagayan ko," nakikiusap na turan ni Kiah sa lalaki."But why, Kiah? Bakit ayaw mong ipaalam kay Kuya Akihiro?" kunot-noong tanong ni Gavin. "May karapatan si Kuya dahil niya ang dinadala mo," dagdag pa ng binata na bakas ang pagtutol sa tinig.Yumuko si Kiah dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Ni hindi niya magawang tingnan si Gavin sa mga mata nito dahil natatakot siyang bigla siyang bumuhos ng iyak. Kaya naman, tumungo na lamang siya at pinagsalikop ang nanginginig na mga kamay."Kung ayaw mong ipaalam kay Kuya, fine. Naiintindihan ko, Kiah," ani Gavin mayamaya. Sa sinabi nito ay hindi mapigilang lumuha ni Kiah.