"I THOUGHT, you wouldn't call me back eh!"
Pilyo namang ngumisi si Akihiro kay Belinda na noon ay tila sawang nakalingkis sa kanyang mga braso ng oras na iyon. Nagsasawa na kasi siya sa iba niyang partners in bed kaya ito naman ang naisip niyang tawagan. Besides, hindi natuloy ang sex nila last time dahil sa emergency call ni Kiah.
"Pwede ba naman, 'yon? E, naudlot na nga last time. But don't worry, babawi ako sa'yo." Kumindat pa siya rito bago muling sumimsim ng alak sa wine glass. Nasa The Marcello sila ni Belinda ng mga oras ma 'yon kung saan n'ya ito nakita no'ng huli.
Matamis namang ngumiti si Belinda saka hinaplos-haplos pa ang matipunong dibdib niya. "I would love that, Sweetie" anas n'ya pa sa mismong tenga ng lalaki. "So, let's go? I badly wants to taste you, Akihiro." Kasabay niyon a
Papaling-paling si Kiah sa higaan nang gabing iyon. Hindi kasi siya makatulog pagkatapos nang namagitang halik sa kanila ni Aki. Tila nararamdaman pa nga niya ang malambot na labi ng lalaki sa labi niya. Ganoon pala ang unang halik, hindi maipaliwanag. . . ani Kiah sa isipan sabay hawak pa sa kanyang labi.Kakaiba rin ang bilis ng tibok ng kanyang puso nang mga sandaling iyon. Kinakabahan siya, ngunit hindi dahil sa natatakot siya, kung hindi, pakiramdam niya ay may bahagi ng kanyang pagkatao ang nagdiwang dahil sa kakaibang halik na iyon.Iyon ang una niyang halik, kung kaya't bago sa kan'ya ang pakiramdam. Kanina, habang ramdam niya ang labi ni Aki sa labi niya'y linukob siya ng kaba, ng nerbiyos, at maging ng saya.
"KIAH, please pack your things. Aalis tayo."Nilingon ni Kiah ang lalaki nang sabihin nito iyon saka ginawaran niya ng nagtatanong na tingin. "B-Bakit? May pupuntahan ba tayo?"Saglit munang tumingin sa kan'ya ito at tila nag-isip, pero mayamaya rin ay bumuntong-hininga. "Uuwi tayo sa Cavite, sa parents ko." Hindi naman maiwasang magulat ni Kiah sa narinig. "Ayaw kitang iwan dito mag-isa kaya isasama na lang kita. Dalhin mo na rin ang school bag at uniform mo, ihahatid na lang kita bukas ng maaga sa school mo," sunod-sunod pang utos nito.Walang nagawa si Kiah kung hindi sumunod na lamang sa lalaki. Inimpake niya ang mga mahahalagang gamit na alam niyang kakailanganin niya sa eskwelahan. Naglagay din siya ng mga ilang pares na damit-bihisan. At wala pa ngang isang oras ay sakay na sila ng sasakyan nito at binabagtas ang kahabaan ng Edsa, ayon na r
BUMANGON si Kiah at lumabas nang silid nang makaramdam ng pagkauhaw. Ala-una na iyon ng madaling-araw at tahimik na ang buong kabahayan. Marahan na tinalunton ni Kiah ang pasilyo patungo sa kusina ng malaking bahay ng mga Tetsuya.At bagaman isang beses lang siyang nagawi kanina sa kusina noong sabay-sabay silang maghapunan, ay natatandaan pa rin niya kung nasaan ito naroroon.Pagpasok ni Kiah sa kusina ay nagulat siya nang may maaninag siyang taong naroon. Madilim kasi roon dahil nakapatay ang ilaw. Kaya naman ang tanging liwanag lamang na tumutunghay sa kabuohan ng kusina ay nanggagaling sa poste sa labas ng bahay.Sandali munang nakatayo si Kiah sa bungad ng pinto at pilit inaaninag kung sino iyon. Nakaramdam din siya nang kaba sa pag-aalalang baka masamang tao ito o kaya naman ay kawatan.
MALINAW ang isip ni Aki nang mga sandaling iyon. Lasing man siya, pero matino ang kanyang isip. Kaya ramdam din niya ang pagtutol ni Kiah sa mapangahas na kilos n'ya. Pero hindi na niya kayang kontrolin pa ang sarili.Ang alam lang niya nang mga oras na 'yon, gusto niyang pagbigyan ang sarili. Sapat na siguro ang matinding pagpipigil niya noon, lalo pa't nagpapaubaya naman ang babae sa pananalakab niya ngayon."Oh, Kiah! I want you. . ." anas niya habang walang sawang pinaliliguan ng halik ang magkabilang dibdib nito. Nanatili namang hindi kumikibo si Kiah at hinahayaan lamang siya sa ginagawa, pero naramdaman niyang bumabaon ang kuko nito sa kanyang balikat dahil nakahawak ito roon ng ubod ng higpit. "I want you, Kiah. Can you please let me?" masuyong tanong
"GOOD luck sa first day mo, love. Alam kong kayang-kaya mo 'yan."Hindi mapigilang mapangiti ni Kiah nang marinig ang sinabi na iyon ni Aki. Nakakataba iyon ng puso, lalo pa't pakiramdam niya ay nag-iba ang pakikitungo nito sa kan'ya.Mas maging malambing kasi ito ngayon. At dahil doon, nagkaroon siya ng munting pag-asa na baka may damdamin din para sa kaniya ang lalaking minamahal."Salamat. Ikaw rin, mag-iingat ka sa trabaho," aniya sa lalaki saka kiming ngumiti. Matamis naman itong ngumiti bilang sagot.Umasta nang bababa si Kiah sa kotse nito nang hawakan siya nito sa pulsuhan. Nasa parking lot pa kasi sila ng unibersidad ni Aki ng mga oras na iyon. Nilingon niya ang lalaki ngunit nagulat siya ng bigla siyang kabigin nito at walang sabing hinagkan sa labi.
"KIAH, kumusta ang first day mo sa school? Okay naman ba?"Mula sa labas ng bintana ng sasakyan kung saan sila nakalulan, ay nilingon ni Kiah ang lalaki sa tabi niya. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit, pero nakaramdam siya ng paninibago sa kadahilanang Kiah lang ang tawag nito sa kaniya at hindi ang Love.Diretso ang tingin ni Aki sa kalsada habang nagmamaneho nang tingnan niya. Pakiramdam tuloy niya ay may hindi magandang nangyari sa pag-uusap ng magkapatid. Hindi pa kasi ito nagkukuwento sa kan'ya."Maayos naman. Kaya lang, nanibago ako nang bahagya, lalo na sa mga aralin. Pagdating ko nga sa bahay ay babalikan kong muli iyong mga pinag-aralan namin kanina," salaysay niya sa lalaki habang nakatingin rito. Nakita naman niyang ngumiti ng lalaki sa tinuran niya."G
HABANG lulan ng sasakyan ni Aki patungo sa bahay ng mga magulang nito sa Cavite, walang kibo si Kiah sa kinauupuan. Samantalang si Gavin na katabi niya, ay panay ang kausap sa kaniya. Paminsan-minsan, palihim na sumusulyap ang dalaga kay Aki na siyang nagda-drive.Maging ang lalaki ay hindi rin masyadong kumikibo, maliban na lamang kung kakausapin ng nakababatang kapatid. Hindi rin sila nag-uusap pa nito pagkatapos nang namagitan sa kanila noong nagdaang gabi. Kaya naman ang nararamdamang sakit, lungkot, at hinanakit para sa lalaking minamahal ang namamayani sa dibdib ni Kiah ng mga sandaling iyon.Naiinis din siyang kung umakto ang lalaki ay tila wala lamang dito ang lahat ng namagitan sa kanila. Ang pakiramdam tuloy niya ay nagpaubaya lamang siyang gamitin nito ng paulit-ulit.Kasalana
MAY dalawang linggo na simula no'ng umalis si Kiah at lumipat sa bahay ng parents ni Akihiro. At isang linggo na ring hindi niya malaman kung ano ba ang nangyayari sa kan'ya. Lagi kasi niyang iritado o kaya naman ay wala sa hulog. Madalas din siyang uminom na para bang may mabigat siyang problema, kahit ang totoo ay wala naman.Halos araw-araw din siyang may inuuwing iba't-ibang babae sa condo niya. Ayaw niya kasing umuwi d'on ng mag-isa. Hindi niya gusto ang pakiramdam na para siyang may hinahanap na kung ano. Pero sa tuwing nag-uuwi naman siya ng babae ay iisa lang ang nangyayari, nauuwi lang 'yon sa away."Oh, shit! Please enter me, honey!" halinghing ni Zea nang umalis siya sa pagkababae nito at ihanda ang sarili sa pagpasok sa pagkababae nito.Pero after a minute, hindi niya maintindiha
After five years. . ."MOMMY, pauwi na po ba from work si Tito Gav?" tanong ng four years old na si Hikari sa kanyang mommy. Nasa kindergarten na ito at talagang napakabibong bata.Mula sa paghahalo ng nilutong caldereta para sa kanilang dinner, nilingon ni Hezekiah ang napaka-cute niyang anak saka hinaplos ang mahaba at kulot na buhok nito. "Yes, baby. Pauwi na ang Tito Gavin mo. Why?""E kasi po, Mommy, mag-pl-play po kami ng new doll ko," ani Hikari saka inakyat ang may kataasang stool at saka naupo. Bakas sa mukha ng musmos ang kasiyahan habang nakatingin sa kanyang mommy."Galing pa sa work ang Tito Gavin mo, baka pagod na siya,
Samantala, si Gavin ay kasalukuyang kinakaharap ang sariling kamatayan. Nakasuot sa katawan niya ang vest na may nakakabit na C-4 bomb. At hindi niya alam kung ilang minuto na lang ang nalalabi sa buhay niya. Ni wala siyang ideya kung sino ang mga dumukot sa kan'ya. Wala siyang kaaway lalong-lalo, wala siyang kinaatraso. Wala rin siyang kaalam-alam na sa mga oras na iyon, nasa panganib din ang buhay ng kanyang pamilya.Naroon siya ngayon sa isang lumang silid na mistulang isang bodega. Nakaimbak kasi roon ang kung anu-anong abubot na hindi niya mawari kung ano. Nakaupo siya sa mono block chair habang nakatali ang kanyang kamay at paa. Habang ang bibig ay mayroong duct tape.Kasabay nang nararamdamang takot at panginginig ng katawan nang mga sandaling iyon, lihim na lang ipinigdasal ni Gavin na sana ay may sumaklolo sa kan'ya sa bingit ng kamatayan.
"OKAY men, listen. Ang layunin ng misyon na ito ay upang mai-rescue si Mr. and Mrs. Tetsuya, pati na rin ang nakababatang kapatid ni Agent Tetsuya na ngayon ay hawak ng isang unknown kidnappers. Kasama rin natin sa operasyon na ito ang Cavite Provincial Police kaya makipag-cooperate kayo. Huwag magyabang. Ipakita ninyo na hindi basta-basta ang mga agents ng DISG. Am I clear?" malakas na turan ni Heinz sa mga ito.Si Agent Mikael Alvarez na matalik na kaibigan ni Akihiro ang team leader ng kanilang grupo na kung tawagin ay "The Black Squad". Ang nasabing grupo ay binubuo ni Akihiro Tetsuya, isang sniper; si Claude Scott na ekperto sa bomb denotation; si Raiko Ramos, Zyair Villanueva at Seven Cruz na pawang may excellent skills sa paghawak ng baril.Ang The Black Squad ang ipinadadala ng DISG sa m
"MASAYA kami ng Itay Luciano mo, anak at nadalaw mo kami. Talagang nami-miss ka na rin namin," nagagalak na ani Nanay Erlinda kay Hezekiah.Naisip kasi niyang dalawin ang mga biyenan at kumustahin ang mga ito. Matagal-tagal na rin kasi noong huli niyang nabisita ang mga ito. Iyong huli ay noong buhay pa si Carlos."Na-miss ko rin po kayo, Inay, Itay," nakangiti namang saad ni Hezekiah sa dalawang matanda. "Kumusta po naman kayo?" usisa pa niya sa mga biyenan."Medyo nagkakasakit na rin, anak dahil may edad na kami ng Inay Erlinda mo. Ngunit kayang-kaya pa naman," si Tatay Luciano niya ang sumagot noon na may kalakip na ngiti sa labi."Ako nga'y madalas na inaatake ng altapresyon," sabat ni Erlinda sa ma
Naglalakad si Gavin papunta sa parking lot ng St. Benedict University nang biglang may huminto na itim na van sa tapat niya. Hindi na sana niya papansinin pa iyon nang bigla siyang harangin ng dalawang lalaki na lumabas mismo sa loob ng sasakyan."Ano'ng kailangan n'yo sa'kin, ha?!" naalertong tanong ni Gavin habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki.Nakasuot ang mga ito ng pawang itim at pero hindi naman nakatakip ang mga mukha. Kaya naman malaya niyang nakikita ang mga mukha nang mga ito kahit gabi na iyon at poste lang ng ilaw ang tumutunghay sa kanila."Sumama ka sa amin. Kung ayaw mong masaktan," banta ng isa sa mga ito at humakbang pa palapit kay Gavin."Ano?! Bakit ako sasama sa inyo?!" kinakabahan nang
"ANAK, Hezekiah?!"Masayang sinalubong si Kiah nang yakap ng kanyang Nanay Rebecca nang bumaba siya ng tricycle. Gumanti rin naman siya ng yakap rito ng may luha sa kanyang mga mata. Talagang nangulila siya sa kanyang pamilya at ngayong kasama na niya ang mga ito, labis na kaligayahan ang nadarama niya."Nay, na-miss ko po kayo," lumuluhang usal ni Hezekiah sa may edad na ina habang yakap ito nang mahigpit."Kami man, anak. Nangungulila kami sa'yo ng mga kapatid mo," turan naman ng matanda na noon ay lumuluha na rin. Ni hindi pa nga sila nakakapasok sa kanilang kabahayan, ngunit iyon na sila at kapwa umiiyak.Nagbitiw nang yakap ng dalawa saka nagpunas ng kanya-kanyang luha. "'Lika, anak. Pumasok na tayo sa loob," nakangiting ani Nanay Rebecca at saka kinuha ang
"Ano'ng update sa ipinatatrabaho ko sa'yo, Attorney?" tanong ni Alejandro Montenegro sa kanyang abogado. Naroon sila ngayon sa kanyang private office sa mismong mansyon niya."El hermano menor de Akihiro Tetsuya actualmente asiste a la Universidad de St. Benedict. (Akihiro Tetsuya's younger brother currently attends St. Benedict University.) And anytime, we can take him," nakangising saad ng tiwaling abogado. Matapos niyon, nagsalin ito ng mamahaling alak sa wine glass at inabot ang isa kay Alejandro."Bien, porque quiero comenzar mi venganza. (Good, because I want to start my revenge,)" ani Alejandro sa kausap at saka nakasusuklam na ngumiti sa kaharap."I'm sure he has no idea about our plan, Mr. Montenegro," se
MULA sa pagkakahiga sa malambot na kama ay bumalikwas ng bangon si Akihiro nang pumasok ang kanyang Mama sa kwarto niya."Mom," ani Aki sa kanyang Mama. Ipinagtaka rin niyang seryoso ang mukha nito nang humarap sa kan'ya. Mukha itong galit na ewan."I'm sorry kung hindi na ako kumatok, anak. Where's Ysabelle?" usisa nito matapos maupo sa kanyang tabi."Nasa bathroom pa. Mag-sh-shower raw muna s'ya bago mag-breakfast. Why, Mom?" clueless na tanong niya sa ina.Katulad kanina, walang kangiti-ngiti ang kanyang Mama, kaya nasisiguro ni Aki na importante ang sadya nito sa kan'ya. "Can we talk? Ngayon na. Hihintayin kita sa library."Tungkol siguro 'to sa away
"PAKIUSAP Gavin, huwag mo sanang sasabihin kay Akihiro at maging kay Mr. at Mrs. Tetsuya ang kalagayan ko," nakikiusap na turan ni Kiah sa lalaki."But why, Kiah? Bakit ayaw mong ipaalam kay Kuya Akihiro?" kunot-noong tanong ni Gavin. "May karapatan si Kuya dahil niya ang dinadala mo," dagdag pa ng binata na bakas ang pagtutol sa tinig.Yumuko si Kiah dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Ni hindi niya magawang tingnan si Gavin sa mga mata nito dahil natatakot siyang bigla siyang bumuhos ng iyak. Kaya naman, tumungo na lamang siya at pinagsalikop ang nanginginig na mga kamay."Kung ayaw mong ipaalam kay Kuya, fine. Naiintindihan ko, Kiah," ani Gavin mayamaya. Sa sinabi nito ay hindi mapigilang lumuha ni Kiah.