THANK YOU FOR READING đź“š
[Letlet]LITERAL na nakanganga sila ni Birang habang nakatingin sa mga bagay na umaandar sa kanilang harapan. May mahaba, may maliit, may mga tama lang ang laki, at ang mas nakakabilib ay merong mga sakay na tao ang mga ito! "Bus ang tawag sa isang 'yon." Tinuro ni Lance ang isang mahabang bagay na umaandar na nasa unahan. "Iyon ay kotse, ang isang 'iyon naman ay van." Marami pang itinurong mga bagay ang binata. "Ang tawag sa mga 'yan ay sasakyan. Ginagamit 'yan ng mga tao para mapadali ang pagpunta nila sa iba't ibang lugar." Ang daming pinaliwanag ni Lance sa kanila—pero wala roon ang atensyon nila ni Birang. Paano ay ubo sila ng ubo dahil sa mabahong at makapal na usok na nanggagaling sa ilang sasakyan.Hinimas ni Lance ang likuran niya. "Masasanay ka din dito, sweetheart. Iba talaga ang hangin dito kumpara sa Isla. Kung doon ay presko, dito naman ay hindi. Kapag tumagal ka rito ay marami ka pang malalaman na pinagkaiba nito sa Isla."Tama si Lance. Ang hangin dito sa Maynila ay m
[Letlet]KANINA lang ay nakasunod pa si Birang sa kanila matapos siyang hilahin ni Lance.Pero ngayon ay wala na ito!Halos maluha siya habang hinahanap nila ito."Wag kang mag-alala, sweetheart, makikita din natin siya." Pagpapagaan ni Lance sa kaba na nararamdaman niya.Paano nila makikita si Birang agad gayong napakaraming tao paligid?"Nakakaawa naman ang babae! Buhay pa ba siya? Dalhin na agad sa hospital 'yan!" "Diyos ko, mabuti nalang at nakahinto agad ang koste!""Patay na yata!""Oo nga patay na yata!"Ang dami nilang boses na naririnig nakatayo at tila may tinitingnan. Nagpatianod siya kay Lance ng hilahin siya nito sa kamay patungo sa lugar kung nasaan nagkakagulo ang mga tao.Nanlaki ang mata niya ng makita si Birang na nakahandusay sa lapag at duguan."B-Birang!" Hinila niya ang kamay kay Lance at patakbong nilapitan si Birang. Kinalong niya ang ulo nito habang panay ay iyak. "Diyos ko, wag niyo pong kunin ang kaibigan ko! Sasamahan ko pa siyang maghanap ng mapapangasawa
[Lance]HINAGIS ni Vicencio sa kanya ang bagong labas na model phone ng Apple. Agad niya itong sinalo bago naupo sa isang couch kaharap ito. Narito pa rin sila ngayon sa hospital na pag-aari nito. Bago umuwi sa bahay niya ay may kailangan muna siyang siguraduhin. Hindi niya gustong malagay sa alanganin ang buhay nila ni Letlet kapag nalaman ng Uncle Ben niya buhay pa siya. Kaya kailangan niyang tawagan sina Philip at Paul, ang kanyang dalawang secretary. Sa ngayon ay iniwan niya muna si Letlet sa kwarto kasama si Birang. Mas pinili niya rito sa hospital ni Vicencio mag-stay dahil mas ligtas sila rito."Thanks, buds." Aniya habang binubuksan ang kahon ng Iphonè phones. "Hindi mo ba napapansin na parang may mali sa ginawa ni Uncle Ben sa'yo, Lance?" Tumayo si Vicencio at kumuha ng mamahaling alak at ice sa mini ref nito at saka nagsalin sa dalawang baso at binigay sa kanya ang isa."Alam mo kung ano ang mali? Iyon ang pagiging kanang kamay mo ng Presidente ng Mardones. Hindi talaga ak
[Letlet]DILAT na dilat ang mga mata nila ni Birang habang nakatutok ang mga mata sa isang bagay na mayro'ng palabas-ang sabi ni Lance ay telebisyon daw ang tawag dito."Siya din, Letlet! Gusto ko din siyang mapangasawa!" Sigaw ni Birang habang nakaturo sa telebisyon.Nakangiwi na tumingin siya sa kaibigan. "Lahat nalang itinuro mo. Akala ko ba si Vicencio ang gusto mong mapangasawa?" Lahat nalang yata ng lalaki basta maputi ay gusto nito maging asawa."Ah basta lahat sila gusto ko maging asawa." Nagtitili pa ito ng maghalikan ang dalawang tao sa loob ng telebisyon.Kanina pa hindi bumabalik si Lance. Gusto niya sana na puntahan ito pero hindi naman niya alam kung nasaan ito."Saan ka pupunta?" Tanong ni Birang ng makita siya nitong tumayo."Lalabas lang ako, hahanapin ko si Lance." Aniya.Tumayo si Birang at lumapit sa kanya. "Sasama ako! Ayoko maiwan dito." Nginuso niya ang telebisyon. "Panoorin mo nalang ang mga asawa mo d'yan. Malay mo swertehin ka at mapangasawa mo ang isa d'yan
[Lance]HE called his secretary to bring one of his car. Nagdesisyon siya na pumunta sa isang townhouse niya para dalhin doon si Letlet. Hindi na niya mahihintay pa na ipagpabukas pa ang pag alis. Alam niya na iiyak lang at mas lalong matatakot si Letlet sa oras na magising ito na nasa hospital pa sila.Humigpit ang yakap niya sa maliit na katawan ni Letlet. Narito siya sa back seat habang nasa kandungan niya ang nobya na nakatulugan na ang labis na pag iyak."Mr. Kerford, may I ask who she is?" Philip asked while driving. Kanina pa ang sulyap nito sa rear view mirror na halata na kanina pa nais magtanong."She's my fiance-the fcvk, Philip!" Malakas na angil niya sa secretary ng biglang nagpreno ito."I'm sorry, Mr. Kerford. Nagulat lang ako sa narinig ko." Umupo ng tuwid si Philip at pinausad na ang sasakyan. "Akala ko ba ay hindi mo gusto ang arranged marriage na gusto ng Lolo Lauro mo para sa'yo?""She is not the woman my grandfather wants me to marry. Kilala mo ako, hindi ako susun
[Letlet]ILANG beses siyang nagpaikot-ikot sa harap ng salamin. Halos hindi niya makilala ang sarili niya.Ang ganda pala niya kapag malaki ang salamin at kita ang buo n'yang katawan! Iyon nga lang ay hindi siya maputi katulad ni Lance.Isang kulay asul na bestida ang suot niya. Mahaba iyon at halos umabot sa talampakan niya. Nakangiting tumakbo siya palabas ng kwarto-pero agad siyang nahigit sa bewang ng matipunong braso ni Lance."Sweetheart, di'ba sabi ko sa'yo na huwag kang lalayo sa akin?" "Seryoso ka ba do'n sa sinabi mo kagabi?" Nang tumango si Lance ay napangiwi siya.'Simula ngayon ay dito ka lang sa tabi ko. Hindi ka aalis, naiintindihan mo ba?' Akala niya ay biro lang ang sinabi kagabi nito sa kanya. 'Yon pala ay hindi!"Dahil ba 'yon sa nangyari kagabi?" Malakas siyang napatili ng buhatin siya nito pababa ng hagdan bago siya sinagot."Hindi lang dahil do'n, sweetheart. Ayaw ko lang na mawala ka pa sa paningin ko. Gusto ko kasi palagi kang kasama." Nadaanan nila si Aling
[SOMEONE SCENE]Exclusive Club...MASAYANG itinaas ni Ben ang hawak na baso na may lamang alak. Lasing na ito, at halata na wala na sa huwisyo. "Cheers!" Siya si Ben Kerford, ang pangalawang anak ni Lauro Kerford na kilala bilang isa sa pinakamatagumpay na businessman sa mundo. Wala itong pamilya- hindi dahil sa ayaw niya, kundi dahil wala itong pagpipilian. Napatigil sa pag-inom ng alak si Ben. Ang mukha nito ay namutla ng makita kung sino ang lalaki sa hindi kalayuan mula sa kanyang kinaroroonan. Nahimasmasan ito at nawala ang kalasingan. Nagmamadali n'yang nilisan ang lugar.Pagdating sa kotse ay agad na pinaharurot iyon ni Ben habang ang isang kamay nito ay hawak ng cellphone para tawagan ang ama."Dad!" May panic sa boses ni Ben. "Hindi ba may kasunduan na tayo?" "Yes-""Then why are they here?!" Butil-butil ang pawis sa noo nito. "Don't lie to me, Dad! Hindi nila ako pupuntahan if they knew na hindi ako ang sasalo ng iiwanan mo!" Bumuntong-hininga si Lauro Kerford sa kabilan
[Letlet]PATAKBO siyang lumapit kay Birang ng makita ito. "Birang!""Letlet!" Malakas na boses ni Birang. Para silang bata na tumatalon habang magkahawak pa ang mga kamay. Narito sila ngayon sa bahay ni Vicencio. Katulad ng bahay ni Lance ay napakalaki nito. Nabanggit niya kay Lance na gusto n'yang makita si Birang, at ito nga ay pinagbigyan agad siya nito.Habang abala si Lance at Vicencio sa pag-uusap ay narito naman sila ni Birang kwarto kung saan ito tumutuloy ngayon."Letlet, lalo kang gumanda." Puri ni Birang sa kanya na ikinangiti niya. "Pero syempre mas maganda ako sa'yo." Inirapan niya ito. "Nasaan na ang listahan natin?" Nilahad niya ang palad. "Gagawin pa ba natin, o hindi na?" Halos magkandarapa si Birang na kunin ang listahan nila. Listahan ng mga bibilhin at gagawin rito sa Maynila."Syempre gagawin, no! Kaya nga tayo nandito, di'ba!" Napahawak siya sa baba habang nakadapa sa higaan na ang tawag pala ay 'kama. "Ano ang uunahin natin pagkatapos bumili ng makukulay na s
[Lance] "Ahhhhh!!!!! Bwisìt ka, Lance Kerford!!!! Hindi ka na makakaulit sa akin!!!!" Umalingaw sa paligid ang malakas na boses ng asawa niya habang sakay ito ng stretcher. Hindi na siya sumunod pa papasok sa loob ng silid kung saan manganganak na ito. Hindi niya kayang makita si Letlet na nanganganak. Nanghihina ang tuhod niya sa nerbyos. Namewang si Birang at tumawa ng malakas. "Hindi na daw makakaulit pero pang-sampong anak niyo na 'yan! Aba, Lance! Paabutin niyo naman ang isang taon ang pagitan ng tanda ng mga anak niyo! Sinunod- sunod mo naman ang kaibigan ko!" Ngumiwi si Birang habang sapo ang malaking tiyan. Si Vicencio naman ay natatarantang lumapit sa asawa. "Mahal, manganganak ka na rin? Gaano katagal ang pagitan ng pagsakit? Humihilab na naman ba?" Magkakasunod na tanong ni Vicencio kay Birang. Napailing nalang siya. Tsk. Kung magsalita ito ay parang hindi pang- sampo ang nasa tiyan na ipinagbubuntis ngayon. Aba'y kapag buntis si Letlet at buntis din ito. Kung m
[Letlet]NAGHAHANDA siya ng pagkain para dalhin kina Lance at Stefano. Naroon rin kasi si Lance ngayon. Nakakaawa nga dahil pinatulog din ito ni Kapitan Tanggol sa takot na baka mangarate din ito katulad ni Stefano. Pagkatapos magluto ay agad na umalis siya para magpunta sa dalawa. Nasalubong pa niya ang isang babae na Menggay ang pangalan. Kilig na kilig ito at may dala din itong pagkain para kay Stefano."Ang swerte mo talaga, Letlet. Palagi ka nalang nagugustuhan ng mga imported at makikisig na lalaki!" Inipit niya ang buhok sa likod ng tenga at ngumiti. "Gano'n yata talaga kapag maganda, hehe." "Sabihin mo naman ang sikreto mo. Gusto ko na rin mag-asawa, eh!"Huminto siya sa paghakbang ng makita ang isang lalaki na nakatingin sa kanya mula sa hindi kalayuan. Natatandaan niya na Balug daw ang pangalan nito ayon kay Lance. Napansin niya na simula ng magising ito mula sa pagkahimatay ay palagi na itong nakatingin sa kanya mula sa malayo. Hanggang ngayon ay tila hindi ito makapaniwa
[Lance]MASAMA ang tingin niya kay Stefano kanina pa. Narito sila ngayon sakay ng Yatch nito papunta ng Isla. Nagpasya siyang do'n niya dadalhin si Letlet. Marami silang alaala ng magkasama sa Isla kaya baka makatulong 'yon para agad na bumalik ang alaala nito. Tsk. Ang hindi niya maintindihan ay bakit kailangan pang sumama ng Stefano na ito sa kanilang dalawa ni Letlet. Ang sarap itulak sa dagat. Pasipol- sipol pa ang gagò!"Letlet." Dinikit niya ang katawan sa dalaga. Grabe! Pakiramdam niya ay kinukuryente siya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang epekto nito sa kanya."Bakit, Lance?" Malambing na tanong ni Letlet. Napatitig siya sa labi nito na mamula- mula. Gusto n'ya itong halikan!'Shìt! Control yourself, Lance! Baka mamaya ay matakot mo siya!' Kastigo ng utak niya. Tinaas niya ang braso para akbayan si Letlet, pero may pumigil sa kanya- si Stefano! Napahilot siya sa sintido. Limang araw na siyang nagtitimpi sa siraùlong ito. Paano ay hindi siya makaporma kay Letlet dahil palagi
[Lance]Lumipas ang bente minuto bago niya naramdaman ang pagbalik ng kanyang pakiramdam. Puno ng katanungan na tumingin siya rito. "What the hell are you doing here, Vicencio?!" Sa pagkakaalam niya ay mahigpit at hindi basta- basta nakakapasok sa PDA events. Kaya ano ang ginagawa ni Vicencio rito?Umawang ang kanyang labi ng makita ang mga high-end weapons na nakasiksik sa tagiliran nito."Don't tell me..." Hindi siya makapaniwala ng aminin sa kanya ni Vicencio ang lahat. Isa pala ito sa miyembro ng Knights at maging si Joey. Kaya pala taon ng hindi nagpapakita ang isa pa nilang kaibigan ay dahil sa buwis-buhay na misyong ginagawa nito ngayon.Damn! Lahat ba ng malapit sa kanya ay kasapi ng organisasyong ito?Pinigilan na naman siya ni Vicencio ng maglakad siya pabalik sa loob kung nasaan nagkakasiyahan ang miyembro ng PDA.Madilim ang mukha na tumingin siya sa kaibigan. "Naglihim ka sa akin, Vicencio. Nakita mo kung paano ako umiiyak araw-araw dahil sa pagkawala niya. Pero hindi mo
NAGKAKASIYAHAN ang lahat sa Isla Lasun sa nalalapit na kasal ng magkasintahan na sina Lance at Letlet. Itinaas ni Kapitan Tanggol ang hawak na Red HorĹźe. "Para sa magandang kinabukasan nila Lance at Letlet! Magsaya tayong lahat at hilingin na silay magkaanak ng sampo o higit pa!" Wika nito sabay tungga."Walang uuwi ng hindi gumagapang!" Si Mang Hagud ay itinaas din ang hawak na TandĹłay Ice na kulay pula. Tuwang-tuwa ito dahil ngayon lang ito nakainom ng iba't ibang kulay ng alak.Lahat ng matatanda sa Isla ay tuwang- tuwa dahil sa iba't ibang klase ng alak na dala ni Lance na galing pa ng Maynila. Ang mga kadalagahan naman ay kanya- kanyang pahid ng kolorete sa mukha gamit ang mga iba't ibang klase ng makeup na dala pa ni Letlet galing din ng kapatagan."Letlet, salamat nga pala dito, ha. Pakiramdam ko ay gumanda ako ng isandaang porsyento dahil sa mga 'to." "Anong gumanda? Aba, hoy, Menggay wag ka ng umasa na gaganda ka! Partida lasing pa ako neto pero hindi ka naman gumanda sa pan
[Letlet]HINDI niya mapigilan ang luha na patuloy sa pag-agos habang naglalakad sa altar kung nasaan si Gian naghihintay. Katunayan ay kanina pa siya umiiyak kahit noong inaayusan palang siya.Hindi niya gustong ma-ikasal kay Gian pero wala siyang magawa. Gusto n'yang humingi ng tulong sa kanyang Lola at sabihin na napipilitan lang siya subalit natatakot siya sa maaaring gawin ng mag-amang Garry at Gian kay Lance.Kaunti lamang ang bisita at pili lang dahil bukod sa minadali ang kasal nila ay iyon din ang gusto ng mag-ama. Ngayon ay malinaw na ang lahat sa kanya kung bakit gustong madaliin ni Gian ang kasal nila. Napakasama ng mga ito... mga walang puso...Inamin din ni Gian sa kanya na maging ang pagpadpad ng mga ito sa Isla ay planado, maging ang pagdating ni Chloe doon... ang masakit pa ay nalaman n'yang maging ang nangyari 2 years ago at ang aksidente kung bakit nawalan ng alaala si Lance ay ito ang mga dahilan...Nakakasuklam... hindi na yata tao sina Garry at Gian... masyadong ma
[Lance]Muntik na siyang matumba sa kanyang narinig mula sa kanyang Lolo Lauro. Si Letlet ay ikakasal na daw sa loob ng dalawang linggo.Nanlalabo ang kanyang mata dahil sa luha. "Lance!" Tawag ng kanyang Lolo.Hindi siya lumingon at agad na umalis para puntahan si Letlet.Sunod-sunod ang ginawa n'yang pagpindot ng doorbell at makailang ulit na kinalampag ang gate ng mansion ng Mardones."Sir, pasensya na po pero ayaw ni Ma'am na harapin kayo———""Pakisabi sa kanya na hindi ako aalis dito hangga't hindi niya ako kinakausap." Napakamot na lamang sa ulo ang kasambahay bago umalis. Mayamaya pa ay lumabas si Letlet na nakasuot pa ng pantulog."Umuwi ka na, Lance. Wala na tayong dapat lang pag-usapan." Iwas ang mata na sabi ni Letlet sa kanya.Akmang aalis na ito ng pigilin niya ito sa braso. "Bitiwan mo nga ako———" Natigilan ito ng makita ang kanyang mukha na puno na ng luha."P-Please, wag kang magpakasal sa kanya..."Bumagsik ang mukha ni Letlet at hinila ang braso mula sa kanya. "Wal
[Gian]"Ano ba, Gian! Bitiwan mo nga ako!" Pilit na hinila ni Lizeth sa kanya ang braso subalit hindi niya ito binitiwan, bagkus ay mas lalo lamang dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ng dalaga.Punýeta! Ginagalit talaga siya ng babaeng ito! Ang tagal n'yang nagpakabuti makuha lamang ang tiwala nito, tapos makikita niya itong kasama si Lance at dinala pa ito sa hospital!"Nasasaktan ako, Gian—–—""Talagang masasaktan ka kapag inulit mo pa ang ginawa mo!" Banta niya kay Lizeth. Halata na nagulat ito sa sinabi niya subalit wala siyang pakialam. Sobra ba ang selos niya at galit... "Nangako ka sa akin na hindi na makikipaglapit pa kay Lance, hindi ba?!"Kahit minsan ay hindi ni Lizeth sinabi na mahal siya nito. Ramdam niya na wala itong pagmamahal sa kanya kahit na siya ang nasa tabi nito sa paglipas ng 2 taon. Kaya naman ang puso niya ay nanggagalaiti sa sobrang selos at galit ng makita na kasama nito si Lance.Kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang pag-aalala ni Lizeth para kay Lance
[Letlet]"Ma'am, mayro'n dumating na mga bagong bulaklak galing kay Mr. Kerford." Imporma ng kanyang secretary habang inilalagay ang napakaraming bulaklak dito sa loob ng kanyang opisina.Napahilot siya sa sintido. Hindi pa ba sapat ang mga sinabi niya para tantanan na siya nito? "Itapon mo lahat ng iyan. Sa susunod na magpadala siyang muli ng mga bulaklak ay itapon mo na agad at huwag ng ipasok dito sa office ko." Agad naman na tumango ito sa sinabi niya.Dalawang buwan na simula ng bumalik siya ng Pilipinas, at isang buwan siyang kinukulit ni Lance. Panay ang padala nito ng mga bulaklak ba may kalakip na note na 'sorry'. Hindi lang iyon, palagi din siya nitong inaabangan at sinusundan saan man siya magpunta. Mabuti na lamang at hindi ito nagpapang-abot at si Gian. "Ma'am?" Untag ng kanyang secretary sa kanya. "Ipapaalala ko lang po ang meeting ninyo mamaya kay Mr. Ferrer." Tumango siya at saka tumayo.Siya na ngayon ang CEO ng Mardones Group of Companies. Dalawang taon na rin mula