[Letlet]ILANG beses siyang nagpaikot-ikot sa harap ng salamin. Halos hindi niya makilala ang sarili niya.Ang ganda pala niya kapag malaki ang salamin at kita ang buo n'yang katawan! Iyon nga lang ay hindi siya maputi katulad ni Lance.Isang kulay asul na bestida ang suot niya. Mahaba iyon at halos umabot sa talampakan niya. Nakangiting tumakbo siya palabas ng kwarto-pero agad siyang nahigit sa bewang ng matipunong braso ni Lance."Sweetheart, di'ba sabi ko sa'yo na huwag kang lalayo sa akin?" "Seryoso ka ba do'n sa sinabi mo kagabi?" Nang tumango si Lance ay napangiwi siya.'Simula ngayon ay dito ka lang sa tabi ko. Hindi ka aalis, naiintindihan mo ba?' Akala niya ay biro lang ang sinabi kagabi nito sa kanya. 'Yon pala ay hindi!"Dahil ba 'yon sa nangyari kagabi?" Malakas siyang napatili ng buhatin siya nito pababa ng hagdan bago siya sinagot."Hindi lang dahil do'n, sweetheart. Ayaw ko lang na mawala ka pa sa paningin ko. Gusto ko kasi palagi kang kasama." Nadaanan nila si Aling
[SOMEONE SCENE]Exclusive Club...MASAYANG itinaas ni Ben ang hawak na baso na may lamang alak. Lasing na ito, at halata na wala na sa huwisyo. "Cheers!" Siya si Ben Kerford, ang pangalawang anak ni Lauro Kerford na kilala bilang isa sa pinakamatagumpay na businessman sa mundo. Wala itong pamilya- hindi dahil sa ayaw niya, kundi dahil wala itong pagpipilian. Napatigil sa pag-inom ng alak si Ben. Ang mukha nito ay namutla ng makita kung sino ang lalaki sa hindi kalayuan mula sa kanyang kinaroroonan. Nahimasmasan ito at nawala ang kalasingan. Nagmamadali n'yang nilisan ang lugar.Pagdating sa kotse ay agad na pinaharurot iyon ni Ben habang ang isang kamay nito ay hawak ng cellphone para tawagan ang ama."Dad!" May panic sa boses ni Ben. "Hindi ba may kasunduan na tayo?" "Yes-""Then why are they here?!" Butil-butil ang pawis sa noo nito. "Don't lie to me, Dad! Hindi nila ako pupuntahan if they knew na hindi ako ang sasalo ng iiwanan mo!" Bumuntong-hininga si Lauro Kerford sa kabilan
[Letlet]PATAKBO siyang lumapit kay Birang ng makita ito. "Birang!""Letlet!" Malakas na boses ni Birang. Para silang bata na tumatalon habang magkahawak pa ang mga kamay. Narito sila ngayon sa bahay ni Vicencio. Katulad ng bahay ni Lance ay napakalaki nito. Nabanggit niya kay Lance na gusto n'yang makita si Birang, at ito nga ay pinagbigyan agad siya nito.Habang abala si Lance at Vicencio sa pag-uusap ay narito naman sila ni Birang kwarto kung saan ito tumutuloy ngayon."Letlet, lalo kang gumanda." Puri ni Birang sa kanya na ikinangiti niya. "Pero syempre mas maganda ako sa'yo." Inirapan niya ito. "Nasaan na ang listahan natin?" Nilahad niya ang palad. "Gagawin pa ba natin, o hindi na?" Halos magkandarapa si Birang na kunin ang listahan nila. Listahan ng mga bibilhin at gagawin rito sa Maynila."Syempre gagawin, no! Kaya nga tayo nandito, di'ba!" Napahawak siya sa baba habang nakadapa sa higaan na ang tawag pala ay 'kama. "Ano ang uunahin natin pagkatapos bumili ng makukulay na s
[Letlet]AGAD na inginiwi niya ang mukha ng makita si Lance na kalalabas lang ng banyo at bagong ligo."Sweetheart." Nag-aalalang lumapit agad ito sa kanya. "Ano ang masakit sa'yo? Tell me para mapa-check up agad kita kay Vicencio."Todo iling siya— eh, wala naman kasing masakit sa katawan niya. Kailangan lang niyang gawin ito para maiwan siya rito at ng makaalis sila ni Birang.Para sa panregalong salawal ay gagawin niya ang lahat!"H-Hindi na kailangan, Lance. Natural lang ito sa aming mga babae. Ganito talaga kapag dinudugo kami, masakit sa puson." Hinaplos ni Lance ang kanyang likod. Nakokonsensya tuloy siya. Tumango-tango si Lance. "Alright, I understand. Hintayin mo ako rito at kukuha lang ako ng gamot kay Vicencio." Hinalikan siya ni Lance sa noo bago umalis.Hindi nagtagal ay bumalik si Lance at may inabot sa kanya. "Here, inumin mo 'to." "Inumin? Hindi ba kakagatin?" Bilog ang bagay na inaabot ni Lance sa kanya. Paano maiinom ito?Nilagay ni Lance sa kamay niya ang gamot at
[Letlet]MADILIM ang mukha ni Lance habang nakaupo sa upuan na nasa harapan niya habang siya ay nakatayo sa harap nito. Ganito siya noon sa harap ng Lola Asun niya kapag handa ng tumanggap ng parusa kapag may mali siyang nagawa."Why did you lied to me, huh? Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa'yo?" Kagat-labi na tumango siya. "Pasensya ka na, Lance—""Pasensya? Letlet naman! Ginagawa ko ang lahat para protektahan ka sa lugar na 'to! Ayaw ko lang naman na mapahamak o masaktan ka! Mahirap bang intindihin 'yon?" Lalo lang siyang nakaramdam ng konsensya sa ginawa n'yang pagsisinungaling. "Pasensya ka na talaga, Lance. Gusto ko lang naman na bilhan ka ng breyp. W-Wala kasi akong alam na pwedeng ibigay sa'yo bukod do'n." Pigil niya ang pag-iyak. "Ang dami mo ng binigay sa akin... palaging ikaw nalang..."Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Lance. "Wala akong ibang hinihingi sa'yo, sweetheart. Ikaw at ang pag-ibig mo lang ay sapat na sa akin." Tumayo ito at lumapit sa kanya. Hinawakan ni
[Lance]"MR. KERFORD, dumating na ang siya. Narito siya ngayon sa kanyang opisina.""Alright, I'm on my way." Mabilis na tumayo siya para magbihis matapos marinig ang sinabi ng tauhan n'yang inutusan na hanapin at bantayan ang Lolo Lauro niya.It's been one week, at ngayon lamang nakita at nalaman ng isa sa informant niya ang kinaroroonan ng kanyang Lolo Lauro. Walang makuhang impormasyon tungkol sa Lolo Lauro niya kung saan ito nagpupunta o kung sino ang kasama- na nakapagtataka.Pinilig niya ang ulo. Anumang speculation ang nasa utak niya ngayon ay hindi na mahalaga. Kailangan n'yang sabihin sa Lolo niya ang tungkol sa ginawa ng kanyang Uncle Ben. Balak niya rin na ungkatin kung bakit binalik nitong i-merge ang company niya sa Mardones. At higit sa lahat ay nais n'yang ipakilala si Letlet rito. Gusto n'yang ipaalam rito ang balak n'yang pagpapakasal.Matapos n'yang ipakilala si Letlet sa Lolo niya ay saka niya pag-iisipan ang gagawin sa Uncle niya. Gusto rin niya malaman ang totoong
[Letlet]NAKAKAPAGOD. Parang bibigay ang katawan niya sa sobrang pagod at sakit ng ulo. Paano ay kumuha si Lance ng magtuturo sa kanya, o tutor kung tawagin. Bukod sa salitang 'English' ay itinuturo din sa kanya ang tungkol sa lahat ng bagay tungkol dito sa Maynila. Ayon pa kay Lance ay kapag natutunan niya ang tungkol sa mga bagay dito ay marami pang ibang ituturo sa kanya-Hindi pa nagsisimulang ituro sa kanya ang ibang bagay na 'yon pero ngayon palang ay sumasakit na ang ulo niya!'Sweetheart, ginagawa ko 'to hindi para sa akin, kundi para sa'yo. Kailangan mong matuto para sa sarili mo' Litanya ni Lance sa kanya.Mahigit isang buwan na siya rito sa Maynila. May mga bagay na siyang natutunan pero kulang na kulang parin 'yon, alam niya. Simula ng alukin siya ng kasal ni Lance ay pinakilala na rin siya sa lahat ng empleyado nito at maging sa buong mundo- sa pamamagitan ng isang video. Ayaw ni Lance na lumabas siya ng bahay at pagkaguluhan ng mga tinatawag na reporters, dahil baka map
[Letlet]PANAY ang tingin niya kay Lance. Nagtataka siya sa ikinikilos nito. Paano ay simula ng manggaling sila sa restaurant ay napansin niya ang pananahimik nito. Hindi siya nito masyadong kinakausap at tila ba malalim palagi ang iniisip nito."Lance, may problema ka ba?" Hinawakan niya ang kamay ni Lance na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Umiling si Lance, ito naman ang humawak sa kanyang kamay. "Sweetheart, babalik tayo sa Isla after 5 days para tingnan kung naroon na si Lola Asun, right?" Seryosong tumingin sa kanya si Lance. "Hindi mo ba talaga alam kung nasaan si Lola Asun rito sa Maynila?""Eh, wala naman kasing sinabi sa akin si Lola Asun kung saan siyang eksaktong naroon. Basta ang alam ko ay pinuntahan niya si Lolo Roro—" Natigilan siya.Naalala niya bigla ang bilin ni Lolo Roro sa kanya."Sweetheart?" Untag ni Lance sa kanya. "A-Ah, hehe... sorry, Lance, may naalala lang kasi ako." Aniya.Ngayon lang niya naisip na nasa kapatagan pala si Lolo Roro nakatira— at ilang beses
[Lance] "Ahhhhh!!!!! Bwisìt ka, Lance Kerford!!!! Hindi ka na makakaulit sa akin!!!!" Umalingaw sa paligid ang malakas na boses ng asawa niya habang sakay ito ng stretcher. Hindi na siya sumunod pa papasok sa loob ng silid kung saan manganganak na ito. Hindi niya kayang makita si Letlet na nanganganak. Nanghihina ang tuhod niya sa nerbyos. Namewang si Birang at tumawa ng malakas. "Hindi na daw makakaulit pero pang-sampong anak niyo na 'yan! Aba, Lance! Paabutin niyo naman ang isang taon ang pagitan ng tanda ng mga anak niyo! Sinunod- sunod mo naman ang kaibigan ko!" Ngumiwi si Birang habang sapo ang malaking tiyan. Si Vicencio naman ay natatarantang lumapit sa asawa. "Mahal, manganganak ka na rin? Gaano katagal ang pagitan ng pagsakit? Humihilab na naman ba?" Magkakasunod na tanong ni Vicencio kay Birang. Napailing nalang siya. Tsk. Kung magsalita ito ay parang hindi pang- sampo ang nasa tiyan na ipinagbubuntis ngayon. Aba'y kapag buntis si Letlet at buntis din ito. Kung m
[Letlet]NAGHAHANDA siya ng pagkain para dalhin kina Lance at Stefano. Naroon rin kasi si Lance ngayon. Nakakaawa nga dahil pinatulog din ito ni Kapitan Tanggol sa takot na baka mangarate din ito katulad ni Stefano. Pagkatapos magluto ay agad na umalis siya para magpunta sa dalawa. Nasalubong pa niya ang isang babae na Menggay ang pangalan. Kilig na kilig ito at may dala din itong pagkain para kay Stefano."Ang swerte mo talaga, Letlet. Palagi ka nalang nagugustuhan ng mga imported at makikisig na lalaki!" Inipit niya ang buhok sa likod ng tenga at ngumiti. "Gano'n yata talaga kapag maganda, hehe." "Sabihin mo naman ang sikreto mo. Gusto ko na rin mag-asawa, eh!"Huminto siya sa paghakbang ng makita ang isang lalaki na nakatingin sa kanya mula sa hindi kalayuan. Natatandaan niya na Balug daw ang pangalan nito ayon kay Lance. Napansin niya na simula ng magising ito mula sa pagkahimatay ay palagi na itong nakatingin sa kanya mula sa malayo. Hanggang ngayon ay tila hindi ito makapaniwa
[Lance]MASAMA ang tingin niya kay Stefano kanina pa. Narito sila ngayon sakay ng Yatch nito papunta ng Isla. Nagpasya siyang do'n niya dadalhin si Letlet. Marami silang alaala ng magkasama sa Isla kaya baka makatulong 'yon para agad na bumalik ang alaala nito. Tsk. Ang hindi niya maintindihan ay bakit kailangan pang sumama ng Stefano na ito sa kanilang dalawa ni Letlet. Ang sarap itulak sa dagat. Pasipol- sipol pa ang gagò!"Letlet." Dinikit niya ang katawan sa dalaga. Grabe! Pakiramdam niya ay kinukuryente siya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang epekto nito sa kanya."Bakit, Lance?" Malambing na tanong ni Letlet. Napatitig siya sa labi nito na mamula- mula. Gusto n'ya itong halikan!'Shìt! Control yourself, Lance! Baka mamaya ay matakot mo siya!' Kastigo ng utak niya. Tinaas niya ang braso para akbayan si Letlet, pero may pumigil sa kanya- si Stefano! Napahilot siya sa sintido. Limang araw na siyang nagtitimpi sa siraùlong ito. Paano ay hindi siya makaporma kay Letlet dahil palagi
[Lance]Lumipas ang bente minuto bago niya naramdaman ang pagbalik ng kanyang pakiramdam. Puno ng katanungan na tumingin siya rito. "What the hell are you doing here, Vicencio?!" Sa pagkakaalam niya ay mahigpit at hindi basta- basta nakakapasok sa PDA events. Kaya ano ang ginagawa ni Vicencio rito?Umawang ang kanyang labi ng makita ang mga high-end weapons na nakasiksik sa tagiliran nito."Don't tell me..." Hindi siya makapaniwala ng aminin sa kanya ni Vicencio ang lahat. Isa pala ito sa miyembro ng Knights at maging si Joey. Kaya pala taon ng hindi nagpapakita ang isa pa nilang kaibigan ay dahil sa buwis-buhay na misyong ginagawa nito ngayon.Damn! Lahat ba ng malapit sa kanya ay kasapi ng organisasyong ito?Pinigilan na naman siya ni Vicencio ng maglakad siya pabalik sa loob kung nasaan nagkakasiyahan ang miyembro ng PDA.Madilim ang mukha na tumingin siya sa kaibigan. "Naglihim ka sa akin, Vicencio. Nakita mo kung paano ako umiiyak araw-araw dahil sa pagkawala niya. Pero hindi mo
NAGKAKASIYAHAN ang lahat sa Isla Lasun sa nalalapit na kasal ng magkasintahan na sina Lance at Letlet. Itinaas ni Kapitan Tanggol ang hawak na Red Horşe. "Para sa magandang kinabukasan nila Lance at Letlet! Magsaya tayong lahat at hilingin na silay magkaanak ng sampo o higit pa!" Wika nito sabay tungga."Walang uuwi ng hindi gumagapang!" Si Mang Hagud ay itinaas din ang hawak na Tandųay Ice na kulay pula. Tuwang-tuwa ito dahil ngayon lang ito nakainom ng iba't ibang kulay ng alak.Lahat ng matatanda sa Isla ay tuwang- tuwa dahil sa iba't ibang klase ng alak na dala ni Lance na galing pa ng Maynila. Ang mga kadalagahan naman ay kanya- kanyang pahid ng kolorete sa mukha gamit ang mga iba't ibang klase ng makeup na dala pa ni Letlet galing din ng kapatagan."Letlet, salamat nga pala dito, ha. Pakiramdam ko ay gumanda ako ng isandaang porsyento dahil sa mga 'to." "Anong gumanda? Aba, hoy, Menggay wag ka ng umasa na gaganda ka! Partida lasing pa ako neto pero hindi ka naman gumanda sa pan
[Letlet]HINDI niya mapigilan ang luha na patuloy sa pag-agos habang naglalakad sa altar kung nasaan si Gian naghihintay. Katunayan ay kanina pa siya umiiyak kahit noong inaayusan palang siya.Hindi niya gustong ma-ikasal kay Gian pero wala siyang magawa. Gusto n'yang humingi ng tulong sa kanyang Lola at sabihin na napipilitan lang siya subalit natatakot siya sa maaaring gawin ng mag-amang Garry at Gian kay Lance.Kaunti lamang ang bisita at pili lang dahil bukod sa minadali ang kasal nila ay iyon din ang gusto ng mag-ama. Ngayon ay malinaw na ang lahat sa kanya kung bakit gustong madaliin ni Gian ang kasal nila. Napakasama ng mga ito... mga walang puso...Inamin din ni Gian sa kanya na maging ang pagpadpad ng mga ito sa Isla ay planado, maging ang pagdating ni Chloe doon... ang masakit pa ay nalaman n'yang maging ang nangyari 2 years ago at ang aksidente kung bakit nawalan ng alaala si Lance ay ito ang mga dahilan...Nakakasuklam... hindi na yata tao sina Garry at Gian... masyadong ma
[Lance]Muntik na siyang matumba sa kanyang narinig mula sa kanyang Lolo Lauro. Si Letlet ay ikakasal na daw sa loob ng dalawang linggo.Nanlalabo ang kanyang mata dahil sa luha. "Lance!" Tawag ng kanyang Lolo.Hindi siya lumingon at agad na umalis para puntahan si Letlet.Sunod-sunod ang ginawa n'yang pagpindot ng doorbell at makailang ulit na kinalampag ang gate ng mansion ng Mardones."Sir, pasensya na po pero ayaw ni Ma'am na harapin kayo———""Pakisabi sa kanya na hindi ako aalis dito hangga't hindi niya ako kinakausap." Napakamot na lamang sa ulo ang kasambahay bago umalis. Mayamaya pa ay lumabas si Letlet na nakasuot pa ng pantulog."Umuwi ka na, Lance. Wala na tayong dapat lang pag-usapan." Iwas ang mata na sabi ni Letlet sa kanya.Akmang aalis na ito ng pigilin niya ito sa braso. "Bitiwan mo nga ako———" Natigilan ito ng makita ang kanyang mukha na puno na ng luha."P-Please, wag kang magpakasal sa kanya..."Bumagsik ang mukha ni Letlet at hinila ang braso mula sa kanya. "Wal
[Gian]"Ano ba, Gian! Bitiwan mo nga ako!" Pilit na hinila ni Lizeth sa kanya ang braso subalit hindi niya ito binitiwan, bagkus ay mas lalo lamang dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ng dalaga.Punýeta! Ginagalit talaga siya ng babaeng ito! Ang tagal n'yang nagpakabuti makuha lamang ang tiwala nito, tapos makikita niya itong kasama si Lance at dinala pa ito sa hospital!"Nasasaktan ako, Gian—–—""Talagang masasaktan ka kapag inulit mo pa ang ginawa mo!" Banta niya kay Lizeth. Halata na nagulat ito sa sinabi niya subalit wala siyang pakialam. Sobra ba ang selos niya at galit... "Nangako ka sa akin na hindi na makikipaglapit pa kay Lance, hindi ba?!"Kahit minsan ay hindi ni Lizeth sinabi na mahal siya nito. Ramdam niya na wala itong pagmamahal sa kanya kahit na siya ang nasa tabi nito sa paglipas ng 2 taon. Kaya naman ang puso niya ay nanggagalaiti sa sobrang selos at galit ng makita na kasama nito si Lance.Kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang pag-aalala ni Lizeth para kay Lance
[Letlet]"Ma'am, mayro'n dumating na mga bagong bulaklak galing kay Mr. Kerford." Imporma ng kanyang secretary habang inilalagay ang napakaraming bulaklak dito sa loob ng kanyang opisina.Napahilot siya sa sintido. Hindi pa ba sapat ang mga sinabi niya para tantanan na siya nito? "Itapon mo lahat ng iyan. Sa susunod na magpadala siyang muli ng mga bulaklak ay itapon mo na agad at huwag ng ipasok dito sa office ko." Agad naman na tumango ito sa sinabi niya.Dalawang buwan na simula ng bumalik siya ng Pilipinas, at isang buwan siyang kinukulit ni Lance. Panay ang padala nito ng mga bulaklak ba may kalakip na note na 'sorry'. Hindi lang iyon, palagi din siya nitong inaabangan at sinusundan saan man siya magpunta. Mabuti na lamang at hindi ito nagpapang-abot at si Gian. "Ma'am?" Untag ng kanyang secretary sa kanya. "Ipapaalala ko lang po ang meeting ninyo mamaya kay Mr. Ferrer." Tumango siya at saka tumayo.Siya na ngayon ang CEO ng Mardones Group of Companies. Dalawang taon na rin mula