SLOW UPDATE!
[Someone]NAGPUPUYOS sa galit si Chloe. Halos lahat ng kanyang mahawakan ay tinatapon niya. "Stop it, Chloe." Mariing sita ni Gian sa dalaga."No!" Malakas na tili nito. "I would never accept it! Never!" Napupuno ng galit, sakit, at inggit ang puso niya. Hindi siya makapaniwala na inalok ng kasal ni Lance si Letlet.Si Lance Kerford na hindi naniniwala sa kasal ay nagpropose sa isang ignorante at mangmang na babaeng 'yon!"That's why narito ka, Chloe. I called you because I knew that we have the same situation." Lumapit si Gian kay Chloe, with a evilly smile in his face. "Kapag nagawa mong mapaghiwalay sina Lance at Letlet, pareho tayong makikinabang." Pinahid ni Chloe ang luha at tiningnan ng masama si Gian. "Ako lang ba ang kikilos? What about you? Saka ano ba ang nagustuhan niyo sa mangmang na babaeng-arrcchk." Hindi na nagawang magsalita pa ni Chloe bigla itong sakalin ni Gian.Nakaramdam ng takot ang dalaga sa kaharap. Ibang-iba si Gian sa harap ni Letlet. Tila isa itong maamong
INALIS ni Gian ang pang-itaas na saplot ni Letlet. Ang init na nararamdaman niya ay lalong nag-alab lalo pa't makikita na niya ang buong katawan ng dalaga. Subalit ng aalisin na niya ang suot na bra ni Letlet ay siya namang bukas ng pinto at dating ni Lance."Putâng ina!" Bulalas ni Lance. Tila nagdilim ang paligid ng makita niya na nakapatong si Gian sa katawan ng natutulog n'yang nobya.Isang suntok ang pinakawalan ni Lance sa mukha ni Gian. He's furious as hell! He wanted to kill him right now!Nagpambuno silang dalawa hanggang sa makarating sila sa labas. Panay naman ang sigaw ni Chloe habang humihingi ito ng tulong para awatin sila."Papataýin kitang puțàng ina ka!" Lance was on top of Gian and was punching him in the face one after the other. He doesn't care if Gian died right after this! This bastard deserves it!Nanginginig ang katawan niya sa sobrang galit. Gusto n'ya itong patayin!"Tulong! Awayin niyo sila!" Takot na takot si Chloe habang nakatingin sa dalawang binata—lalo n
[Letlet]NAKIIYAK na rin siya kina Birang habang namamaalam sa pamilya nito. Narito na sila ngayon sa tinatawag nilang bayan. At syempre pa bago sila sumakay ng panibagong bangka ay nag iyakan muna sila.Wala ng atrasan 'to. Sasama na talaga siya kay Lance para harapin ang mundo nito.Hinila niya ang kamay ng hawakan 'yon ni Lance. Hindi pa kasi nakakaalis ang magulang at kapatid ni Birang. Baka mamaya ay makita pa sila nito. Ang sinabi pa naman nilang dahilan ay pupuntahan nila ang Lola Asun niya para sunduin, kahit ang totoo ay ipakikilala na siya ni Lance sa Lolo nito at sasabihin ang lahat ng ginawa ng tiyuhin nito.Matapos ang mahaba-habang iyakan ay nagpaalam na sila sa mga ito at sumakay sa mas malaking bangka. Mas matagal daw ang biyahe nila ngayon. Aabutin sila ng gabi sa daan pero ayos lang. Hindi siya natatakot ngayon maski sa tsokoy pa. Kasama kasi niya si Lance kaya wala siyang dapat ikatakot.Maraming sakay ang bangka. Katulad ni Birang ay napakaraming dala ng iba.Kini
[Letlet]"LETLET, bakit?! Ang sabi mo sa akin ay sabay tayong pupunta ng Maynila! Bakit ngayon ay iniwan mo na ako?!" Nagtakip siya ng tenga, ang sakit kasi sa tenga ng boses ni Birang. "Letlet, paano na ako?!" Hindi na siya nakatiis at bumangon. "Ano ba?!" Malakas na singhal niya. "Kung maka-atungal ka naman ay parang patay na ako!" Umawang ang labi niya. Ano 'to? Kumakain habang umiiyak?"Pasensya naman. Nagpa-practice lang naman akong umiyak, eh." Sumubo si Birang."Saan galing ang mga 'to?" Agad na tanong niya ng makita na mayro'n silang iba't ibang klase ng pagkain dito sa kubo kung saan nagpapalipas ng gabi ang mga byahero.Nilunok muna ni Birang ang laman ng bibig. "Binigay 'to kay Lance ng mga taong sakay kanina ng bangka. Natuwa kasi sila dahil sa ginawa ng nobyo mo kanina." Muling sumubo ng sunod-sunod si Birang na parang isang baboy.Hinanap ng mata niya si Lance, hindi niya kasi ito nakita pagmulat niya."Kung hinahanap mo si Lance ay wala siya rito. Naroon siya sa lab
PINAGPAPAWISAN sa takot ang tatlong lalaki habang kaharap ang isang matandang lalaki, ang kanilang boss. Ang pagkakaupo nito ay tila isang hari habang hawak sa isang kamay ang isang baso na may laman na alak, at sa isang kamay naman ay may baril na hawak."P-Pasensya na, boss! H-Hindi namin nagawa ang inutos mo dahil sa inyong anak-"Hindi na natapos magsalita ang lalaki, binaril ito ng matanda sa ulo kaya agad itong binawian ng buhay. Halos maihi ang dalawa sa takot na baka sila ang sunod na barilin ng kanilang pinaglilingkuran. Wala silang nagawa kundi ang tahimik na umiyak habang ang tilamsik ng dugo ng kanilang kasamahan ay nasa kanilang katawan."Malinaw ang utos ko sa inyong apat, hindi ba?" Kaswal na tanong ng matanda na para bang madali lamang ang ipinagagawa nito. "Ang gusto ko lamang ay dalhin niyo ang babaeng 'yon dito, buhay man o patay. Huwag niyo lamang sisirain ang kanyang mukha para malaman ko kung siya nga ang bangkay na inyong dadalhin.""O-Opo, boss. M-Masusunod." K
[Letlet]NAKAPILA ang lahat ng taong pasakay ng bangka, at habang nasa pila sila ay napapansin niya ang isang lalaki na panay ang tingin sa pwesto nila. Hindi naman niya matiyak kung si Birang ba, si Lance, o siya ang tinitingnan nito dahil nakasuot ito ng kakaibang gamit sa mata na kulay itim na hindi niya alam kung ano ang tawag. Agad na naupo sila ng makasakay, at katulad ng madalas gawin ni Birang ay naghanap ito ng pwesto kung saan may natipuhan itong binata. Tumingin siya sa lalaking umupo sa tabi niya, ito ang lalaki na tingin ng tingin sa pwesto nila kanina. Sa palagay niya ay nasa singkwenta mahigit na ang edad nito, may katabaan, at mahaba ang baba. May dala rin itong bag na hindi kalakihan.Hinarang ni Lance ang dala nilang bag sa kanyang tabi para hindi makadikit sa kanya ang lalaki. Nang tumingin siya kay Lance ay nakita n'yang nakasimangot ito.Nilapit ni Lance ang bibig sa tenga niya at saka bumulong. "Mas gwapo ako d'yan, kaya ako lang dapat ang tingnan mo."Mahina si
[Letlet]LITERAL na nakanganga sila ni Birang habang nakatingin sa mga bagay na umaandar sa kanilang harapan. May mahaba, may maliit, may mga tama lang ang laki, at ang mas nakakabilib ay merong mga sakay na tao ang mga ito! "Bus ang tawag sa isang 'yon." Tinuro ni Lance ang isang mahabang bagay na umaandar na nasa unahan. "Iyon ay kotse, ang isang 'iyon naman ay van." Marami pang itinurong mga bagay ang binata. "Ang tawag sa mga 'yan ay sasakyan. Ginagamit 'yan ng mga tao para mapadali ang pagpunta nila sa iba't ibang lugar." Ang daming pinaliwanag ni Lance sa kanila—pero wala roon ang atensyon nila ni Birang. Paano ay ubo sila ng ubo dahil sa mabahong at makapal na usok na nanggagaling sa ilang sasakyan.Hinimas ni Lance ang likuran niya. "Masasanay ka din dito, sweetheart. Iba talaga ang hangin dito kumpara sa Isla. Kung doon ay presko, dito naman ay hindi. Kapag tumagal ka rito ay marami ka pang malalaman na pinagkaiba nito sa Isla."Tama si Lance. Ang hangin dito sa Maynila ay m
[Letlet]KANINA lang ay nakasunod pa si Birang sa kanila matapos siyang hilahin ni Lance.Pero ngayon ay wala na ito!Halos maluha siya habang hinahanap nila ito."Wag kang mag-alala, sweetheart, makikita din natin siya." Pagpapagaan ni Lance sa kaba na nararamdaman niya.Paano nila makikita si Birang agad gayong napakaraming tao paligid?"Nakakaawa naman ang babae! Buhay pa ba siya? Dalhin na agad sa hospital 'yan!" "Diyos ko, mabuti nalang at nakahinto agad ang koste!""Patay na yata!""Oo nga patay na yata!"Ang dami nilang boses na naririnig nakatayo at tila may tinitingnan. Nagpatianod siya kay Lance ng hilahin siya nito sa kamay patungo sa lugar kung nasaan nagkakagulo ang mga tao.Nanlaki ang mata niya ng makita si Birang na nakahandusay sa lapag at duguan."B-Birang!" Hinila niya ang kamay kay Lance at patakbong nilapitan si Birang. Kinalong niya ang ulo nito habang panay ay iyak. "Diyos ko, wag niyo pong kunin ang kaibigan ko! Sasamahan ko pa siyang maghanap ng mapapangasawa
[Lance] "Ahhhhh!!!!! Bwisìt ka, Lance Kerford!!!! Hindi ka na makakaulit sa akin!!!!" Umalingaw sa paligid ang malakas na boses ng asawa niya habang sakay ito ng stretcher. Hindi na siya sumunod pa papasok sa loob ng silid kung saan manganganak na ito. Hindi niya kayang makita si Letlet na nanganganak. Nanghihina ang tuhod niya sa nerbyos. Namewang si Birang at tumawa ng malakas. "Hindi na daw makakaulit pero pang-sampong anak niyo na 'yan! Aba, Lance! Paabutin niyo naman ang isang taon ang pagitan ng tanda ng mga anak niyo! Sinunod- sunod mo naman ang kaibigan ko!" Ngumiwi si Birang habang sapo ang malaking tiyan. Si Vicencio naman ay natatarantang lumapit sa asawa. "Mahal, manganganak ka na rin? Gaano katagal ang pagitan ng pagsakit? Humihilab na naman ba?" Magkakasunod na tanong ni Vicencio kay Birang. Napailing nalang siya. Tsk. Kung magsalita ito ay parang hindi pang- sampo ang nasa tiyan na ipinagbubuntis ngayon. Aba'y kapag buntis si Letlet at buntis din ito. Kung m
[Letlet]NAGHAHANDA siya ng pagkain para dalhin kina Lance at Stefano. Naroon rin kasi si Lance ngayon. Nakakaawa nga dahil pinatulog din ito ni Kapitan Tanggol sa takot na baka mangarate din ito katulad ni Stefano. Pagkatapos magluto ay agad na umalis siya para magpunta sa dalawa. Nasalubong pa niya ang isang babae na Menggay ang pangalan. Kilig na kilig ito at may dala din itong pagkain para kay Stefano."Ang swerte mo talaga, Letlet. Palagi ka nalang nagugustuhan ng mga imported at makikisig na lalaki!" Inipit niya ang buhok sa likod ng tenga at ngumiti. "Gano'n yata talaga kapag maganda, hehe." "Sabihin mo naman ang sikreto mo. Gusto ko na rin mag-asawa, eh!"Huminto siya sa paghakbang ng makita ang isang lalaki na nakatingin sa kanya mula sa hindi kalayuan. Natatandaan niya na Balug daw ang pangalan nito ayon kay Lance. Napansin niya na simula ng magising ito mula sa pagkahimatay ay palagi na itong nakatingin sa kanya mula sa malayo. Hanggang ngayon ay tila hindi ito makapaniwa
[Lance]MASAMA ang tingin niya kay Stefano kanina pa. Narito sila ngayon sakay ng Yatch nito papunta ng Isla. Nagpasya siyang do'n niya dadalhin si Letlet. Marami silang alaala ng magkasama sa Isla kaya baka makatulong 'yon para agad na bumalik ang alaala nito. Tsk. Ang hindi niya maintindihan ay bakit kailangan pang sumama ng Stefano na ito sa kanilang dalawa ni Letlet. Ang sarap itulak sa dagat. Pasipol- sipol pa ang gagò!"Letlet." Dinikit niya ang katawan sa dalaga. Grabe! Pakiramdam niya ay kinukuryente siya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang epekto nito sa kanya."Bakit, Lance?" Malambing na tanong ni Letlet. Napatitig siya sa labi nito na mamula- mula. Gusto n'ya itong halikan!'Shìt! Control yourself, Lance! Baka mamaya ay matakot mo siya!' Kastigo ng utak niya. Tinaas niya ang braso para akbayan si Letlet, pero may pumigil sa kanya- si Stefano! Napahilot siya sa sintido. Limang araw na siyang nagtitimpi sa siraùlong ito. Paano ay hindi siya makaporma kay Letlet dahil palagi
[Lance]Lumipas ang bente minuto bago niya naramdaman ang pagbalik ng kanyang pakiramdam. Puno ng katanungan na tumingin siya rito. "What the hell are you doing here, Vicencio?!" Sa pagkakaalam niya ay mahigpit at hindi basta- basta nakakapasok sa PDA events. Kaya ano ang ginagawa ni Vicencio rito?Umawang ang kanyang labi ng makita ang mga high-end weapons na nakasiksik sa tagiliran nito."Don't tell me..." Hindi siya makapaniwala ng aminin sa kanya ni Vicencio ang lahat. Isa pala ito sa miyembro ng Knights at maging si Joey. Kaya pala taon ng hindi nagpapakita ang isa pa nilang kaibigan ay dahil sa buwis-buhay na misyong ginagawa nito ngayon.Damn! Lahat ba ng malapit sa kanya ay kasapi ng organisasyong ito?Pinigilan na naman siya ni Vicencio ng maglakad siya pabalik sa loob kung nasaan nagkakasiyahan ang miyembro ng PDA.Madilim ang mukha na tumingin siya sa kaibigan. "Naglihim ka sa akin, Vicencio. Nakita mo kung paano ako umiiyak araw-araw dahil sa pagkawala niya. Pero hindi mo
NAGKAKASIYAHAN ang lahat sa Isla Lasun sa nalalapit na kasal ng magkasintahan na sina Lance at Letlet. Itinaas ni Kapitan Tanggol ang hawak na Red Horşe. "Para sa magandang kinabukasan nila Lance at Letlet! Magsaya tayong lahat at hilingin na silay magkaanak ng sampo o higit pa!" Wika nito sabay tungga."Walang uuwi ng hindi gumagapang!" Si Mang Hagud ay itinaas din ang hawak na Tandųay Ice na kulay pula. Tuwang-tuwa ito dahil ngayon lang ito nakainom ng iba't ibang kulay ng alak.Lahat ng matatanda sa Isla ay tuwang- tuwa dahil sa iba't ibang klase ng alak na dala ni Lance na galing pa ng Maynila. Ang mga kadalagahan naman ay kanya- kanyang pahid ng kolorete sa mukha gamit ang mga iba't ibang klase ng makeup na dala pa ni Letlet galing din ng kapatagan."Letlet, salamat nga pala dito, ha. Pakiramdam ko ay gumanda ako ng isandaang porsyento dahil sa mga 'to." "Anong gumanda? Aba, hoy, Menggay wag ka ng umasa na gaganda ka! Partida lasing pa ako neto pero hindi ka naman gumanda sa pan
[Letlet]HINDI niya mapigilan ang luha na patuloy sa pag-agos habang naglalakad sa altar kung nasaan si Gian naghihintay. Katunayan ay kanina pa siya umiiyak kahit noong inaayusan palang siya.Hindi niya gustong ma-ikasal kay Gian pero wala siyang magawa. Gusto n'yang humingi ng tulong sa kanyang Lola at sabihin na napipilitan lang siya subalit natatakot siya sa maaaring gawin ng mag-amang Garry at Gian kay Lance.Kaunti lamang ang bisita at pili lang dahil bukod sa minadali ang kasal nila ay iyon din ang gusto ng mag-ama. Ngayon ay malinaw na ang lahat sa kanya kung bakit gustong madaliin ni Gian ang kasal nila. Napakasama ng mga ito... mga walang puso...Inamin din ni Gian sa kanya na maging ang pagpadpad ng mga ito sa Isla ay planado, maging ang pagdating ni Chloe doon... ang masakit pa ay nalaman n'yang maging ang nangyari 2 years ago at ang aksidente kung bakit nawalan ng alaala si Lance ay ito ang mga dahilan...Nakakasuklam... hindi na yata tao sina Garry at Gian... masyadong ma
[Lance]Muntik na siyang matumba sa kanyang narinig mula sa kanyang Lolo Lauro. Si Letlet ay ikakasal na daw sa loob ng dalawang linggo.Nanlalabo ang kanyang mata dahil sa luha. "Lance!" Tawag ng kanyang Lolo.Hindi siya lumingon at agad na umalis para puntahan si Letlet.Sunod-sunod ang ginawa n'yang pagpindot ng doorbell at makailang ulit na kinalampag ang gate ng mansion ng Mardones."Sir, pasensya na po pero ayaw ni Ma'am na harapin kayo———""Pakisabi sa kanya na hindi ako aalis dito hangga't hindi niya ako kinakausap." Napakamot na lamang sa ulo ang kasambahay bago umalis. Mayamaya pa ay lumabas si Letlet na nakasuot pa ng pantulog."Umuwi ka na, Lance. Wala na tayong dapat lang pag-usapan." Iwas ang mata na sabi ni Letlet sa kanya.Akmang aalis na ito ng pigilin niya ito sa braso. "Bitiwan mo nga ako———" Natigilan ito ng makita ang kanyang mukha na puno na ng luha."P-Please, wag kang magpakasal sa kanya..."Bumagsik ang mukha ni Letlet at hinila ang braso mula sa kanya. "Wal
[Gian]"Ano ba, Gian! Bitiwan mo nga ako!" Pilit na hinila ni Lizeth sa kanya ang braso subalit hindi niya ito binitiwan, bagkus ay mas lalo lamang dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ng dalaga.Punýeta! Ginagalit talaga siya ng babaeng ito! Ang tagal n'yang nagpakabuti makuha lamang ang tiwala nito, tapos makikita niya itong kasama si Lance at dinala pa ito sa hospital!"Nasasaktan ako, Gian—–—""Talagang masasaktan ka kapag inulit mo pa ang ginawa mo!" Banta niya kay Lizeth. Halata na nagulat ito sa sinabi niya subalit wala siyang pakialam. Sobra ba ang selos niya at galit... "Nangako ka sa akin na hindi na makikipaglapit pa kay Lance, hindi ba?!"Kahit minsan ay hindi ni Lizeth sinabi na mahal siya nito. Ramdam niya na wala itong pagmamahal sa kanya kahit na siya ang nasa tabi nito sa paglipas ng 2 taon. Kaya naman ang puso niya ay nanggagalaiti sa sobrang selos at galit ng makita na kasama nito si Lance.Kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang pag-aalala ni Lizeth para kay Lance
[Letlet]"Ma'am, mayro'n dumating na mga bagong bulaklak galing kay Mr. Kerford." Imporma ng kanyang secretary habang inilalagay ang napakaraming bulaklak dito sa loob ng kanyang opisina.Napahilot siya sa sintido. Hindi pa ba sapat ang mga sinabi niya para tantanan na siya nito? "Itapon mo lahat ng iyan. Sa susunod na magpadala siyang muli ng mga bulaklak ay itapon mo na agad at huwag ng ipasok dito sa office ko." Agad naman na tumango ito sa sinabi niya.Dalawang buwan na simula ng bumalik siya ng Pilipinas, at isang buwan siyang kinukulit ni Lance. Panay ang padala nito ng mga bulaklak ba may kalakip na note na 'sorry'. Hindi lang iyon, palagi din siya nitong inaabangan at sinusundan saan man siya magpunta. Mabuti na lamang at hindi ito nagpapang-abot at si Gian. "Ma'am?" Untag ng kanyang secretary sa kanya. "Ipapaalala ko lang po ang meeting ninyo mamaya kay Mr. Ferrer." Tumango siya at saka tumayo.Siya na ngayon ang CEO ng Mardones Group of Companies. Dalawang taon na rin mula