Share

CHAPTER 27

Penulis: Author Lemon
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-21 22:40:08

MABILIS lumipas ang mga araw. Matapos ang mahigit isang lingo ay kailangan na nilang bumalik ng Manila, at ngayon nga ay kasalukuyan silang bumabyahe pabalik sa lungsod. Hawak-hawak ni Apollo ang kanyang kamay habang nagmamaneho ito. Para silang bagong kasal na galing sa honeymoon, may mga ngiti sa labi na hindi mawari.

"Matulog ka muna, Adella. Mahaba-haba pa ang byahe, " ani Apollo sa kanya.

Ngumiti siya, kanina pa nga siya inaantok dahil maaga silang umalis sa beach resort. Ipinikit niya ang mga mata at ilang saglit lang ay nilamon na siya ng antok.

_______________________________________

Makalipas ang mahabang byahe, nakarating sila ng alas-onse ng umaga sa penthouse.

Marahan siyang ginising ni Apollo. "We're here, Love."

Bakit hindi niya mapigilan ang paglukso ng puso niya sa tuwing tinatawag siya sa ganoong endearment ng binata. Nag-unat pa siya. Bumaba si Apollo at pinagbuksan siya ng pinto. Inalalayan pa siya nito. Masyado itong gentlem
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 28

    TAKIP-SILIM na, umaasa pa rin si Adella na baka uwian siya ni Apollo sa penthouse. Kanina pa siya nagbabaka-sakali na dumating si Apollo, hindi niya alam bakit hinahanap-hanap niya ang presensya ng binata. Kaya ayaw niya nasasanay sa mga bagay-bagay, dahil hinahanap-hanap niya. Nagulat pa siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag si Kimmy, agad niyang sinagot 'yun. "Hello?" "Oy, inday! Ilang araw kang walang paramdam? Ano na ang nangyari sa'yo?" Gaya ng dati, napaka-energetic ng boses nito. Ngayon lamang niya naalala na hindi pa pala siya nakakatawag sa mga ito. "Pasensya na, nawala sa isip ko," aniya na napangiwi. "Ay wow! Kasama mo lang si Fafa Apollo eh nakalimutan mo na ang mga beauty namin? In fairness, nakakatampo." Natawa siya sa sinabi ng kaibigan. Naiimagine niya ang mukha nito na nakanguso gaya ng laging ginagawa nito sa tuwing nagtatampo. "Hindi sa ganoon." Teka? Ano nga ba ang dapat niyang ipaliwanag sa kaibi

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-22
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 29

    UMAGA na nang malingat si Adella, nasa sofa pa rin pala siya ng sala. Nakatulugan na niya kagabi ang paghihintay sa binata, pero walang Apollo na dumating. Kailangan niyang sanayin ang sarili na hindi laging pupuntahan siya ni Apollo. Bumangon na siya at naglinis ng sarili. Pagkaraan ay nagluto na ng almusal para sa kanyang sarili. Abala siya sa paghahanda pagluluto at palibhasa ay nakatalikod sa pinto. Halos mapasigaw siya nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Pero kumalma siya nang maamoy ang pamilyar na pabangong iyon. Si Apollo "Good Morning. Hindi ako nakapunta kagabi, may biglang lakad. I miss you, Adella." He rested his face in between of her head and shoulder. Tila sininghot pa nito ang amoy niya. God! Namiss niya rin ito. Humarap siya sa binata, kaya nagkalapit ang kanilang mukha. Ngumiti siya rito. Hindi na siya nagulat nang angkinin nito ang labi niya para gawaran ng isang mainit na halik. Nagtagal iyon ng ilang segundo bago nito pinaghiw

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-23
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 30

    HINDI lang pala basta Hacienda ang sinasabi ni Rigel. Kung hindi isang napakalawak na Hacienda, sa lawak nito ay halos may mga pamilya ng naninirahan sa loob ng nasasakupan nito. Siguro ay iyon ang mga tagapag-silbi ng mga La Gresa. Bago makapasok sa loob ng hacienda ay may malaking arko na ang nakasulat ay 'HACIENDA AMOR'. Marami rin kabayo ang pamilya La Gresa, halos malula siya sa laki ng Ancestral house ng mga ito. Pero natigilan siya, tila ba nakarating na siya roon. Hindi niya mawari ang pakiramdam. "Ayos ka lang?" Usisa ni Apollo sa kanya. Napatango siya. Inilibot niya ang paningin sa paligid, abala ang mga ibang tauhan sa mga iba't ibang gawain. "C'mon guys." Nagpatiuna na si Rigel sa pagpasok sa bahay. "Damn! This hacienda is no joke!" Bulalas ni Rom kay Apollo na umiikot din ang paningin sa paligid, hangang makapasok sa loob. May mga maid na nagsilbi sa kanila at naghanda ng meryenda. "Sorry, hindi makakababa si Lola Amor. Inii

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-24
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 31

    NAGISING si Adella na wala na si Apollo sa tabi niya, pero napansin din naman niya agad ang note na iniwan nito. Napangiti siya nang mabasa iyon. Atleast, hindi ito basta-basta umaalis na lamang. Alas-dies na ng umaga kaya bumangon na siya. Naglinis ng katawan at ng penthouse, para lamang maibsan ang pagkainip niya. Bago sumapit ang alas-dose ay nagluto na siya ng pagkain niya, kakain na rin sana siya nang biglang may mag-door bell. Nagliwanag ang mukha niya. Umuwi si Apollo para sabayan siyang kumain? Dali-dali siyang tumayo at nagtungo sa pinto. Ano kayang gimik ni Apollo? Dati-rati naman e diretso na itong pumapasok sa loob. Ang malawak na ngiti niya ay biglang naglaho nang mabungaran kung sino ang nag-door bell. Isang matangkad, kayumanggi, maganda at mukhang istriktong babae ang nabungaran niya. Tila female version ito ni Apollo. Napaka-intimidating ng dating nito, lalo na nang makita niya ang pagkunot ng noo nito at ang marahang pagtaas ng kilay nang mapagmas

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-26
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 32

    DUMATING ang araw na inimbitahan si Adella sa mansion ng nga Williams. Kanina pa siya nakatingin sa salamin at minamasdan ang sarili. Nagdadalawang isip siya kung tutuloy pa ba siya o ano. Nagsuot lamang siya ng black jeans at simpleng peach na T-shirt. Doon siya mas komportable. "You look great." Napalingon siya kay Apollo na kakapasok lamang sa kwarto. Nainip siguro ito kakahintay sa kanya sa labas. "T-thank you," alanganin niyang saad. Bigla siya nitong niyakap mula sa likuran at hinalikan sa leeg. "Bago tayo umalis, gusto mo?" Mapang-akit na tanong sa kanya ni Apollo na ikinatawa niya. Bahagya niya itong itinulak palayo. "Umayos ka nga. Tara na," aniya sa binata at hinila ito sa kamay palabas ng kwarto. Natawa na lang si Apollo, habang nakasunod sa kanya. Mas okay ng medyo maaga sila sa dinner, nakakahiya naman sa mga magulang ng binata. Mag-iisang oras lamang ang byahe at nakarating na sila sa mansion. Pinagbuksan siya ng pinto nit

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-26
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 33

    "SORRY about that, Adella." Napatigil si Adella sa planong pagsakay na sana sa sasakyan nang magsalita si Apollo. Nginitian niya ito at tinapik sa balikat. "Ayos lang 'yun, ano ka ba. Tayo na." Pagkasabi nun ay sumakay na ang dalaga sa kotse. Napailing si Apollo, alam niya pilit lang itinatago ni adella ang tunay na nararamdaman. Umikot na rin siya para makasakay. Kakausapin niya ang ate niya pero magpapalipas muna siya ng ilang araw. Ayaw din niyang magpang-abot sila na naiinis siya rito, baka mag-away sila. Iyon ang ayaw niyang mangyari. Imbes na umuwi sa Penthouse, dinala niya si Adella sa isang kainan sa overlooking sa city. Mas nakaka-relax doon at alam niyang mawawala pareho ang masamang awra na kanina ay nararamdaman nila. Doon ay masaya silang kumain habang nagkukwentuhan. Napaka liit lamang ng kaligayahan ni Adella, kahit yata saan niya dalhin ito ay okay lang, sa mahal na restaurant o sa murang kainan. She's always smiling, iyon ang paulit-ul

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-27
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 34

    LUMIPAS ang dalawang buwan na hindi nakikialam ang kapatid ni Apollo sa kanila. Lubos niyang ikinagalak iyon."You okay?" Tanong ni Apollo, nakita niyang papalapit ito sa kinauupuan niyang duyan. Basa ang buong katawan nito. Ang sarap sa paningin nang hitsura ng binata. Ang mga naglalakihang muscles nito ay kitang kita dahil hubad baro ito.Nasa Zambales na naman sila, and this time ay kasama sina Kimmy. Nag-day off ang mga ito at himalang pinayagan ni Madam."Oo okay lang ako.""Kanina pa kasi kita pinagmamasdan mula sa malayo. Tila ang lalim ng iniisip mo, what is it?" Usisa pa nito na umupo naman sa upuan na nasa malapit lang sa kanya. Lumipad ang tingin niya kina Kimmy na naglulunoy ngayon sa karagatan."Naisip ko kasi, tila hinayaan na tayo ng kapatid mo, ang saya ko sa bagay na 'yun."Natawa ito."We're already talked. Hahayaan na raw niya tayo, kung saan daw ako masaya, she would let me na. In short, hahayaan na niya ako sa'yo kasi sa'yo ako masaya."Natawa ang dalaga at kunwa

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-28
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 35

    "HEY." Napatingin si Adella sa papalapit na si Rigel. Kasalukuyan niyang nakaupo sa kubo, isinama kasi siya ngayon ni Apollo. "Hello, Rigel," aniya sa binata na nakangiti sa kanya. Nginitian niya rin ito. Mukha naman talaga itong mabait, pero bad boy lang ang datingan. Sa tagal-tagal na niyang nakikita at nakakasama ito, ngayon lamang siya nito kinausap ng sarilinan. Abala kasi si Apollo sa pakikipag-usap sa mga tao sa plantasyon. Umupo sa tabi niya ang binata pagkalapit sa kanya. "Alam mo, unang beses pa lang kitang nakita, parang may kamukha ka," anito at muli siyang pinagmasdan "Kamukha? Sino naman?" Curious niyang tanong. "Iyon ang hindi ko alam. Everytime I see you, you remind me of someone, someone I knew maybe? Pero hindi ko matukoy." Natawa siya. "Baka may kamukha o kahawig ako sa mga babaeng nakasalamuha mo na noon pa man?" Ito naman ang natawa. "Yeah, maybe." Biglang lumipad ang pansin nito sa kwintas

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-29

Bab terbaru

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   THE END

    "I'M sorry for everything we've done," banayad na sabi ni Althea kay Adella. Nasa balkonahe sila ngayon ng mansion nina Apollo at kapwa nakatingin sa ma-bitwin na kalangitan. Napangiti si Adella and she sweetly said, "Matagal na kitang pinatawad, Althea. Pinatawad kita noon pa para sa ikatatahimik ng puso ko, hindi ko naman kayang magalit ng matagal sa isang tao." "Totoo ang sinabi ni Apollo, sadyang napakabuti mo. Tama siya ng babaeng minahal at pinag-alayan ng kanyang puso," ani Althea na mababakas pa rin ang kalungkutan sa tinig. "Lahat tayo, may mabuting puso. Nagkamali ka lang, kayo ng Mama mo. Naiintindihan ko na gusto mo lamang protektahan noon si Apollo sa pag aakalang isa akong mangagamit. Kaya wala akong karapatang masuklam sa'yo, dahil mahal mo lang si Apollo." Nagulat siya nang bigla na lang humikbi si Althea. "Pakiramdam ko, napakasama kong tao. Lahat ng pagkakamali ko ay na-realized ko lamang nang makita ko si Atlas na buhay na ebidensya na anak siya

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 75

    PAMILYAR ang daan na tinatahak nila ni Apollo, hindi nga siya nagkamali nang makarating sila sa penthouse nito. Pinihit ni Apollo ang Seradura at tumambad sa kanya ang loob ng penthouse na matagal na niyang hindi napuntahan. Malinis ito na tila may taong nakatira roon. "Walang nagbago rito. All your things is still here," ani Apollo na nasa unahan niya at nakapamulsa. Pagkaraan ay hinila siya nito palapit at nakita niya ang masayang ngiti nito sa labi. "I'm jealous. Nakailang yakap sa'yo si David," biro ni Apollo na ikinatawa niya. "I salute him. Siya pa lang ang taong nakita kong kayang magparaya. Dahil ako? Pagdating sa'yo, hindi ko nakikita ang sarili ko na nagpaparaya." Napangiti siya sa sinabi nito. "But if ever na siya ang mahal mo at pinili mo, masaya akong ibibigay ka sa kanya because he's a good man." Napanguso siya at yumakap kay Apollo. God! It feels home, pakiramdam niya nang mga oras na 'yon ay buong-buo na siyang muli. "Pinasalamatan mo na ba siya sa

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 74

    "BAKIT hindi mo siya pasukin?" Napalingon si Adella sa nagsalita, nakasilip kasi siya sa salamin ng silid na kinaroroonan ni Apollo. Limang araw na ito roon at stable naman daw ang lagay. Ayaw niyang magpakita sa lalaki, atsaka ngayon lamang niya ito dinalaw ulit. Sa tingin niya kasi mas makakabuti sa kanilang dalawa ni Apollo kung hindi na siya magpakita pa rito. "Ikaw pala David..." "David..." ulit ni David sa sinabi niya. "I mean, honey..." Nagpamulsa si David at ngumiti, "Bakit hindi ka pumasok at kamustahin mo siya? Okay na siya, nakausap ko na siya kanina at ilalabas na siya sa susunod na mga araw," anito. Umiling siya. "Hindi na kailangan, okay na ako sa kaalamang ligtas na siya at para masabi ko kay Atlas, gaya ng sabi mo, okay naman na siya, " aniya na pilit itinatago ang totoong nararamdaman. Bigla siyang niyakap ni David na ikinagulat niya. "Can I invite you for a dinner date next week?" Kumalas siya sa binata at ngumiti. Hindi na siya ma

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 73

    Tahimik silang dalawa ni David sa loob ng kotse nang nasa byahe na sila pauwi. Ligtas na si Apollo, David saved him. At lubos siyang nagpapasalamat doon, kumalma na rin siya at ang matinding pag-aalalang bumalot sa puso niya kanina ay nabawasan. Naroon na din ang pamilya ni Apollo at sila na ang bahala sa binata.Nahihiya niyang tinignan si David na diretso lamang ang tingin sa daan. "About kanina, Sorry kung histerikal na ako. Nag-alala lang ako, Ama pa rin siya ni Atlas," marahan niyang paliwanag.Nilingon siya ni David at nginitian, pagkaraan ay muling binalingan ang daan. "Don't worry, hindi ko naman binigyan ng malisya iyon. After all alam ko namang may pinagsamahan pa rin kayo, so, it's a normal reaction.""Salamat sa pagliligtas mo sa buhay niya...""Tss. Don't mention it, that's my duty as a doctor, honey," magaan na sabi nito. "Oobserbahan ko pa siya, medyo malaki ang sugat sa kanyang ulo," imporma nito. Doon na itinakbo si Apollo nang mga taong nakakita rito, dahil iyon ang

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 72

    "Talk. Hindi ko matagalan na kaharap ka," malamig na sabi ni Apollo sa Ate niya. "Because of you and Mom, I am about to lose her, for the second time. Magpapakasal na siya sa iba, ako dapat 'yun. Pero dahil sa'yo,-""I am sorry." Panimula ni Althea.Hindi agad nakasagot si Apollo, nakakuyom pa rin ang kamao at nakatitig lamang sa kapatid."It's too late.""Alam kong hindi na maibabalik sa'yo ng paghingi ko ng tawad ang mga nawala sa'yo. Nasayang na apat taon sa piling ng anak mo at ang pagkawala sa'yo ni Adella.""Yeah, right."Malungkot na ngumiti ang kanyang Ate. "Gusto lang kitang protektahan noon, because I love you. Akala ko noon, katulad lamang si Adella nang babaeng muntikan ng sumira sa pamilya natin.Hindi makakabuti si Adella sa'yo noon, iyon ang nasa isip ko. Dahil sa kagustuhan kong ilayo ka sa kanya naisip kong gawin ang hakbang na 'yun. Dahil ayokong matulad ka kay Papa."Nag-igting ang mga panga ni Apollo. "But Adella is different," pigil ang emosyong sabi niya."Yes. N

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 71

    Matamlay si Adella nang makauwi sa hacienda, hangang sa makaluwas na sila pa-manila ni Atlas. Sobrang bigat ng nararamdaman niya at hindi alam kung paano pa niya kayang sikilin ang nararamdaman. Pakiramdam niya, ipit na ipit na siya sa sitwasyon at wala na siyang pag-asang maka-alpas doon. "Ayos ka lang ba, hija?" Usisa ng kanyang Ina na si Lucila nang papasok na sana siya sa kwarto niya.Binalingan niya ang Ina, nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Marahan siyang tumango, pero hindi niya napigilan ang sarili, yumakap siya sa Mama niya at bigla na lamang siyang nag-iiyak sa balikat nito. Hindi na kasi niya kinakaya ang bigat sa puso niya...May pag-aalalang hinaplos ni Lucila ang likod ng anak. "Adella, anak. Napapano ka ba? May masakit ba sa'yo? Nag-away ba kayo ni David?" magkakasunod na tanong nito kay Adella. Ngunit hindi makasagot si Adella at patuloy lamang siyang nag-iiyak sa balikat ng kanyang Ina hangang sa kumalma na siya. "Ma, nahihirapan na po ako," aniya sa ba

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 70

    "MOMMY?" Mula sa pagbabasa ng libro, tumingin si Adella sa anak niya na katabi niya sa kama. Ang buong akala niya ay tulog na ito, bukas ng hapon pa sila makakabalik ng manila. "Why baby? akala ko tulog ka na," nakangiti niyang sabi sa anak. Ngumuso ito."Mommy, can I ask you something?" Inilapit niya ang sarili sa anak at tumango. "Sure. What is it?""Is there a chance na mabuo tayo nina Daddy Apollo?" inosenteng tanong ni Atlas.Natigilan si Adella. Unang beses na nagtanong ng ganito ang anak at hindi siya handa. Hindi siya agad sumagot, paano ba niya sasabihin sa anak na wala na? Dahil ikakasal na siya kay David."Don't get me wrong, Mmy. I love Daddy David, I really do. He's our knight in shining armor, right? You told me that. But." Lumungkot ang mukha ng bata at ang tinig nito. "But? "Huminga ng malalim si Atlas. "But I want to have a complete family, Daddy Apollo is my real Daddy, and I am happy when he's around." Muli na naman natigilan si Adella. Hindi alam kung ano

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 69

    NAKAUWI si Apollo sa mansion nila, ngunit tahimik iyon. Hindi niya nadatnan ang Ina na karaniwan ay nasa sala ng ganoong oras. Naisip niyang baka natutulog ito. Hindi alam ng Mama niya na dumating na siya mula sa Hacienda Amor. Dumiretso kasi siya sa condo niya. Hindi naka-attend ito at ang kapatid niya dahil bawal ang Mama niya sa malayuang byahe. They only send their gifs. Papasok na sana siya sa kwarto niya nang mapansin na medyo awang ang pinto ng library, ibig sabihin ay may tao roon. Marahan siyang naglakad patungo doon, baka ang Ate niya ang naroon o pwede rin ang Mama niya. Pipihitin na sana niya ang seradura, nang ang mga usapang narinig niya sa loob ay nagpatigil sa pag-hinog ng mundo niya. "Natatakot ako na malaman ni Apollo ang ginawa natin noon, Mama." Boses ng kapatid niya. "Me too, bakit hindi na lang kaya natin sabihin sa kanya?" Boses naman ng Ina niya. "Sabihin? Paano natin uumpisaang sabihin sa kanya na tayo ang naging dahilan ng paglayo noon ni Adel

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 68

    "BAKA naman masunog ang tinititigan mo," ang sabi ni Rom nang makalapit kay Apollo na masama ang tingin kay David, na ngayon ay nakaakbay kay Adella, habang si Adella ay hawak -hawak sa kamay si Atlas. Marahas na sinimot ni Apollo ang alak na nasa kopitang hawak. "Ang sarap burahin ng ngiti sa mukha ng Doctor na 'yon," pabulong niyang sabi. Paano ba naman, ang lawak-lawak ng ngiti ni David, habang kausap ang ibang bisita. Pilit na lamang niyang itinatago sa inis ang pait at sakit na nararamdaman nang mga oras na 'yon. "Bakit pakiramdam ko, I am the outcast sa mag-ina ko," may lungkot sa tinig niya nang muling magsalita. Tinapik ni Rom ang kanyang balikat tanda ng pakikiramay sa sakit na nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. Akala niya noon, wala ng isasakit nang bigla na lamang nawala si Adella nang walang paalam. Pero mali pala siya, mas masakit pala ang ngayong nakikita mong masaya ang mag-ina niya sa piling ng iba. Para iyong milyon-milyong karayom na dum

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status