Share

HIS ILLEGAL POSSESSION
HIS ILLEGAL POSSESSION
Author: eliflouirre

Chapter 1

"SHIT FRIEND. Bakit late ka nanaman?" Salubong sa akin ng kaibigan kong si Yna pagka upo ko sa tabi nito.

"si mama kase hindi ako tinantanan kanina. Dapat daw alas syete na ako pumasok dahil baka raw nasa paligid pa yung night. Baka matyempohan daw ako. Aba'y pina hatid pa ako kay papa. Tangina naman kala mo bata pa ako eh!" Reklamo ko. Biglang napa tingin saakin ang teacher namin. Napa yuko ako.

late na nga ako ang daldal ko pa!

"may point naman kase si tita friend. Kanina nga habang papasok ako may nakita akong nag kukumpulang tao dun sa purok singko eh. Dun sa tabi ng basurahan. Hindi na ako naki usosyo kase alam mo na" bulong nito sa'kin. Alam ko naman ang ibig nyang sabihin. Hindi na rin nakaka gulat pero nakaka takot parin. Halos araw araw nalang.

"bakit ba kasi dito nag hahasik ng lagim iyong night na iyon?" Asik ko. Nag kibit balikat naman ito at humarap na sa unahan para makinig. Ganoon din ang ginawa ko. 

Pag sapit ng uwian ay sabay kaming nag lalakad ni yna palabas ng gate. Ngunit palapit palang kami sa malaking puno kung saan madaanan mo muna bago lumabas ng gate ay may sumabunot sa aking buhok.

naka highpony ako kaya napa atras ako dahil sakop na sakop nito ang buhok ko. "Aray lintek!" D***g ko. "You!" Biglang sigaw ng isang babae matapos bawiin ang kamay nito sa buhok ko.

Kunot noong napa tingin ako dito para lang mapa irap. Yung bubuyog nanaman. Tsk!. Galit na galit itong naka tingin sa'kin.

"ano nanaman ba ang kailangan mo ah? Inagaw ko nanaman sayo ang bago mong boyfriend? Inang yan! Kahit sino nalang kase ang boyfriend mo. Halos linggo linggo paiba iba. Ano ka? Nag papalit ng pante?!" Gigil kong sigaw dito sabay duro.

natigilan naman ito at tila napa hiya dahil sa lakas ng boses ko. O dahil sa mga sinabi ko?

napa awang naman ang mga bibig ng dalawa nyang kaibigan. Tila nagulat din ang mga ito sa sinabi ko.

"y-you sto~" nauutal nitong sabi ngunit agad ring natigilan ng pinandilatan ko ito ng mata. sumosobra na ang babaeng ito eh!

walang paalam na umalis ang mga ito. Kumakalampag pa ang paa nito na tila inis na inis.

"Grabe friend. Ang lutong mo pala mang trashtalk" ani yna sa gilid ko sabay tawa. Inirapan ko ito bago inayos ang bag ko at nag patuloy na sa pag lalakad.

"napaka sama naman ng araw na ito" ani ko. Hinaplos ko papunta sa likod ang mahaba at straight na straight kong buhok.

Tahimik lang si yna pero kita ko ang pagtataray ng mukha nito na tila hindi pa nakakabawi sa nangyare kanina. Narinig ko din itong mahinang ginagaya ang mga sinabi ko kanina. 

Nang maka labas ng gate ay sasakay na sana kami ng jeep ng may tumawag sa pangalan ko. "Elisa!" Sabay kaming napa lingon ni yna sa lalaking nasa gilid ng isang fishball-an. 

Sinenyasan kami nitong lumapit na agad naman naming ginawa. "Ano nanaman ba sebastian?  Kaka sugod lang ng gerlpren mo kay elisa kanina" asik agad ni yna at hinampas pa sa braso si baste.

nangunot naman ang noo nito. "Girlfriend?" Hindi makapaniwala nitong sabi pagkuwan ay tumawa ng malakas. "Tang ina. Ni hindi ko nga yon trip eh!" Ani nito sabay hampas din kay yna para maka bawi. Napa simangot naman doon si yna.

"tang ina ka ah!" Aambahan pa nito ng suntok si baste nang pigilan ko sya gamit ang kwek-kwek na naka tusok sa stick.

habang nag sasagutan kase ang mga ito ay kumukuha na ako ng kwek-kwek at kikkiam.

Napa tigil ito at kinain nalang ang kwek-kwek. "Ikaw mag babayad nito baste ah" paninigurado ko dito kahit wala naman itong sinabi. Tumango naman ito.

"Totoo ba talagang ginawa iyon ni Berlice?" Tanong nito sa akin pagka tapos uminom ng palamig. Tumango naman ako habang ngumunguya. Napa iling iling naman ito.

"Alam mo. Matagal ko nang napapansin na trip ka ng babaeng iyon eh. Sama maka tingin samin pag kasama ka" ani yna na kumukuha narin ng sarili nyang kikkiam at kwek-kwek.

napa tsk naman si seb. "Mag laway sya noh!" Ani to bago ngumisi ng pilyo. Sabay naman kaming napa irap ni yna. 

"Wow naman sebastian del mundo! Gwapong gwapo naman ata sa sarili mo" pang babara ko rito. Hindi naman ito na apektohan. Bagkus ay ngumisi pa ito lalo na para bang nag yayabang. Kapal ah.

MAAGA akong naka uwi sa bahay dahil nag presenta si sebastian na ihatid ako. hindi lang naman ako ang inihatid nito kundi pati narin si yna. 

"oh himala. naka uwi ka nang maaga babae" napa pikit ako ng pag bukas ko nang pinto ay ang boses agad ni mama ang sumalubong sa'kin.

naka upo ito sa mahabang sofa habang kumakain ng chitcharon at naka tutong sa tv.

naka ngiting nag mano naman ako dito. "hinatid po kasi ako ni seb" ani ko. "abay mabuti at nag pa hatid ka. dahil baka-" naputol ang sasabihin nito nang ako na ang tumuloy sa balak nitong sabihin.

"baka matyempohan ka nung night na iyon at mabalitaan nalang namin ng papa mo na ikaw na ang laman ng balita na panibagong biktima ng lalaking iyon na nasa tabing ilog at duguan na halos hindi na makilala dahil sa mga natamong saksak" masama ako nitong tiningnan. lihim akong napa irap.

"kabisadong kabisado ko na iyang mga linyahan mo ma. halos yata araw araw nalang kapag umuuwi ako ay iyan agad ang bungad nyo sa'kin" ani ko. "mag bihis ka na nga lang bata ka!" ani nito na tila naiinis sa akin.

umakyat ako sa aking kwarto ay nag hilamos ng katawan at nag bihis nang pan tulog.

pinapa tuyo ko ang dulo ng aking buhok na nabasa kanina gamit ang puting tuwalya. umupo ako sa kama habang patuloy parin sa pag papatuyo ng aking buhok ng mapa tingin ako sa maliit na lamesa na nasa gilid ng aking higaan.

natigilan ako at agad na binalot ng kaba. halos hindi na ako maka galaw sa kinauupuan ko.

isang kulay puting ribon na may mga dugo ang naka patong sa ibabaw ng aking libro na naka lagay sa ibabaw ng aking maliit na lamesa ang aking nakita.

ang simbolong ito. 

sa isang tao lang nanggagaling ang bagay na ito. 

napa lunok ako bago tumayo at dahan dahang kinuha ang ribon na iyon. itinapat ko iyon sa aking ilong at inamoy.

agad ko rin itong ibinalik sa ibabaw ng aking libro ng maamoy ang masangsang na amoy ng dugo.

napa tingin ako sa aking may kalakihang bintana nang may marinig na parang may bumato roon. naka bukas ito na ikina kilabot ko pa lalo. hindi ko iniwanang naka bukas ang aking bintana kapag may pasok ako.

hindi ko rin ito binuksan ng umuwi ako kanina. nanginginig na lumapit ako roon. may nakita akong isang papel na nilukot na naka siksik sa gilid ng aking bintana.

kinuha ko iyon at binuksan. 

*May 17. 5:00 pm*

naguguluhan akong muling napa tingin sa naka sulat sa papel. petsa lamang ito at oras ngunit naka ramdam ako ng matinding kaba.

ano ang meron sa araw at oras na iyon? at..... kanino ito galing?

iisang tao lang ba ang may gawa nito? pero imposible! bakit... bakit ako?!. wala naman akong ginagawang masama sa taong iyon at paanong ako ang puntinrya nya e hindi naman ako sikat para makilala nya! 

ilang minuto akong naka titig sa papel na hawak ko habang nanginginig at pinag papawisan dahil sa takot.

nabalik lang ako sa wisyo nang marinig ang sigaw ni mama mula sa baba. "Elisa kakain na!" sigaw nito.

kinuha ko ang ribon at dali daling pumunta sa gilid ng aking pinto kung saan naka lagay ang aking trashcan.

ibinasura ko iyon kasama ang papel. tiningnan ko muna iyon bago huminga ng malalim at punasan ang pawis ko sa noo.

Bumaba ako at na abutan si mama at papa na mag sisimula palang kumain. tumabi ako kay mama dahil doon naman talaga lagi ang pwesto ko.

walang imik kong kinuha ang kanin at nag sandok para ilagay sa plato ko. kumain kami ng hapunan na parang normal lang ang lahat.

tila hindi naka halata ang mga magulang ko sa pamumutla ko. mas ok na iyon para hindi na mag alala si mama. sigurado akong kung ano ano nanaman ang masasabi nito dahil sa pag aalala at takot.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status