Share

Chapter 2

ELISA CIANA

kinabukasan. nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. ang sama nang pakiramdam ko nang bumangon.

ang sakit ng ulo at mata ko. inabot kasi ako nang ala una kagabi bago maka tulog dahil sa pagka praning at takot.

hinanap ng aking kamay ang alarm clock ko. ngunit iba ang aking nahawakan. isa iyong manipis na bagay na may roong tinik.

agad akong napa mulat ng mata bago tingnan ang bagay na iyon. agad akong napa upo at nanlalaki ang matang naka tingin sa hawak ko.

isa iyong itim na rosas. isang rosas na kulay itim na nagpa tindig ng balahibo ko.

ano nanaman ba ito!

patapon ko itong ibinalik sa sidetable ko bago bumangon sa kama. pinipilit kong alisin ang mga negatibo sa aking isipan bago bumaba dala ang aking tuwalya.

"oh gising kana pala..pumasok na ang papa mo sa trabaho may almusal na dyan. kumain kana lang at mag zuzumba pa ako" sabi ni mama habang inaayos ang leggings na suot. 

nag tungo ako ng kusina at kumuha ng pitsel sa ref at nag salin ng tubig sa baso.

tahimik akong umiinom nang marinig ang boses ng kaibigan ni mama.

"mare! naku nabalitaan mo na ba na mayroon daw pa feeding si mayor mamayang alas singko sa coverdcourt" ani nito.

"oo nabalitaan ko nga. akala ko nga bukas pa eh. sabi kasi ni nita petsa dise otso daw. aba'y fake new naman pala ang babaeng iyon" bigla akong natigilan sa sinabi ni mama.

may 18 bukas? ibig sabihin may 17 ngayon? at mamaya ay may pa feeding sa mayor sa oras na..... 5:00 pm?!!

sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang akong nanghina. rinig ko ang pagka basag ng isang bagay ngunit napa balik lang ako sa reyalidad ng marinig ang boses ni mama.

"jusko naman elisa! ke ganda gandang baso nyan eh!" anito. dun ko lang nalaman na nabitawan ko pala ang basong hawak ko.

agad akong kumuha ng walis at duspan ngunit inagaw iyon sa'kin ni mama.

"ako na. maligo kana at anong oras na. mag aalmusal ka pang bata ka" bagamat medyo malakas ang boses nito ay mukhang hindi naman ito galit.

"sige po" ani ko. pumasok nalang ako sa banyo at nag simulang maligo. nag babakasakaling madala ng tubig ang kung ano mang bumabagabag sa utak ko.

"HOY!" napa pitlag ako nang marinig ang boses ni yna. kunot noo ko itong nilingon sa gilid ko. "ano?!" asik ko dito.

"pupunta ka ba nang canteen o hindi? s***a ka kanina pa ako tanong nang tanong dito!" naka busangot kong kinuha ang wallet ko sa bulsa ng aking bag bago sya hinila palabas ng room.

kanina pa pala naka alis ang teacher namin. at buong oras ay tulala lang ako.

"friend punta tayo mamaya sa pa feeding ni mayor after class? sabi kasi ni papa e lahat daw pwedeng pumunta ron" sabi nito. nag tatrabaho kasi ang papa nya kila mayor bilang isang personal driver.

napa isip muna ako. pupunta rin naman si mama roon so pwede rin akong pumunta. "cge" maikli kong sagot.

tila nag tataka naman ito sa akin. hindi naman kasi talaga ako ganito. madaldal ako at maligalig na tao pero hindi ko magawang maging ganon ngayon. lalo na't hindi parin nawawala sa utak ko ang lahat ng pangyayari sa'kin kagabi at kaninang umaga.

Pag sapit ng hapon ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko. hindi ko alam kung bakit pero sobra sobra ang kaba ko ngayon habang nag aantay ako ng jeep.

sabi ni yna ay pupunta raw kami sa coverdcourt pero sinundo ito ng kuya nya kanina kaya hindi kami magka sabay umuwi.

nanginginig, nanlalamig at namamasa rin ang mga palad ko sa hindi malamang dahilan.

Ang tagal naman dumaan ng mga jeep!!!

Ramdam ko ang pawis sa aking noo. tila ako nabuhayan ng makitang mayroong jeep na paparating sa gawi ko. agad ko itong pinara. 

huminto ito sa aking harap ngunit bago pa ako maka hakbang papunta sa jeep ay may humigit na sa aking beywang at may kung anong malambot na bagay na tumakip sa aking ilong.

ang huling naramdaman ko nalang ay ang pag lutang ng katawan ko bago ako nawalan ng malay.

 NAGISING ako sa mga kalampag na hindi ko alam kung saan banda. ang alam ko lang ay malapit ako dito.

dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. inilibot ko ang paningin sa paligid.

pumikit pikit ako dahil sa sakit ng aking ulo at leeg. nag ka stefneck ata ako.

umupo ako ng naka pikit habang hawak ang aking sintido at leeg. "you're awake" isang malalim at paos na boses ang aking narinig.

napa tigil ako at iminulat ang aking mga mata. ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang matangkad na lalaki na naka suot ng puting apron. naka pants ito at tanging apron lang ang nag tatakip sa katawan nitong pang itaas.

inaayos nya ang mga pagkaing bagong luto sa isang maliit na mesa. wari koy nasa sala kami. dahil naka upo ako ngayon sa isang hindi kalakihang sofa.

"s-sino ka?" nauutal kong tanong. bigla na lamang bumalik sa aking isip ang mga nangyare bago ako mawalan ng malay.

bumilis ang aking pag hinga at tila ako napako sa aking kinauupuan.

natigil ito sa ginagawa ngunit naka yuko parin. sa pag kakayuko nya ay nakita ko ang tattoo sa kanyang braso. isang medusa tattoo.

bigla itong tumingin sakin na nag pakabog lalo ng aking dibdib.

inaamin kong gwapo ang lalaking ito. from that black thick eye brows. long lashes. beautiful green eyes. matangos na ilong na tila ba ibinigay ng isculptor ang lahat ng makakaya nito para lang maging perpekto ang gawa nya. that red senxual kissable lips. and that perfect sharp jawline.

ang mukha nya? napaka perpekto. 

ngunit...

"i am night" tila nayanig ata ang utak ko sa sinabi nya. sya iyong.. iyong killer?!

hindi ko maiwasang matakot. lalo na sa isiping nandito ang sa bahay nya-- sa lungga nya! tapos kasama ko pa sya. nakaka usap. natititigan ng malapitan. nakikita ang gwapo nyang mukha at kung gaano katikas ang kanyang katawan at kung gaano sya katangkad!

"b-bakit ako nandito? anong kaylangan mo sakin? kung gusto mokong patayin hindi mo na kaylangang dalhin ang dito!!" sigaw ko sa inis at takot. ang kulay berde nyang mata ay naka tingin lamang ng malamig sa'kin. hindi ito sumagot bagkus pumunta ito kusina. 

nakita ko kasing may kalan doon at lababo kaya alam kong kusina iyon. pinatay nya ang stove at inalis ang kawali doon. 

nakita ko lang ang laman non nang kumuha sya ng plato ay inilagay doon ang apat na pirasong bacon.

kitang kita ko ang ginagawa nya dahil wala namang pinto ang kusina. as in malapit lang sa sala.

nang nag lakad ito pabalik ay napa yuko ako. gulat akong napa tingin sa gilid ko ngunit naka yuko parin. umupo kasi sya sa gilid ko mismo pagka tapos ilagay ang bacon sa mini table.

"eat.. it's already 8:00 pm. you should eat" anito nang hindi tumitingin sakin at abala sa pag lagay ng pagkain sa plato nya.hindi ko ito pinansin at nanatili lang na naka yuko. tumigil ito sa ginagawa at napa buntong hininga.

napa singhap ako ng umusod ito ng kaunti sakin bago ako hinigit sa baywang at pina upo sa kandungan nya. 

"hoy! ano bang-" agad nyang pinutol ang sasabihin ko sa pamamagitan ng pag bulong nya sa tenga ko.

"eat" maikling aniya.

naka kandong ako paharap sakanya kaya ganon na lamang ang pag iwas ko ng mukha ng kunin nito mula sa aking likod at platong nilagyan nya ng pagkain.

"kaya ko namang kumain mag isa" ani ko nang idikit nito ang kutsara sa aking bibig. isang malamig na titig lamang ang ibinigay nito sakin.

walang pake alam nyang idiniin ang kutsara sa bibig ko. wala naman akong nagawa kundi ang ibuka ang aking bibig at kainin ang laman ng kutsara.

gustong gusto ko nang umalis sa kandungan nya. nakaka ilang. at isa pa bakit pa sya ganito? nakaka takot ang mga galawan nya. baka mamaya nyan ay balatan nya ako ng buhay.

naka ilang subo pa sya sakin ng maka ramdam ako ng pagka uhaw. nahihiya naman akong mag sabi sakanya kaya pinilit kong itikom ang aking bibig.

gulat akong napa hawak sa magka bilang braso nya nang bigla itong gumalaw at may kung anong kinuha sa likod ko.

saka ko nang nalaman ang kinuha nya ng itapat nya ang bunganga ng baso sa aking mga labi. kinuha ko iyon para uminom. hindi na ako nag inarte pa.

habang umiinom ay naka tingin ako sakanya. ganon din naman sya sakin kaya medyo nailang ako at ibinaling nalang ang tingin sa tubig na nasa loob ng baso habang umiinom.

naubos ko ang laman ng baso. kinuha nya iyon sakin pagka tapos. umiling ako nang susubuan nya sana ako ulit.

muka namang naintindihan nya na busog nako kaya hindi na sya nag pumilit. wala akong ka galaw galaw sa kandungan nya at naka yuko lang. naka tingin lang ako sa pantalon nya. napaka awkward talaga!.

"uhm. pwede na ba akong umalis sa kandungan mo?" tanong ko sa mababang boses. tangina! hindi naman ako ganito mag salita!.

napa tingin ulit sa'kin ang kulay berde nyang mga mata. 

"no" matigas ngunit kalmado nitong sabi. napa pikit nalang ako ng mariin bago nag salita ulit. "hindi mo ba niintindihan? hindi ako komportable at ayoko ko na dito! gusto ko nang umuwi!" inis na sabi ko at akmang aalis na sa kandungan nya ngunit inilagay sa sa gilid ng sofa ang hawak na plato bago mariing pinigilan ang aking baywang.

"don't be stubborn. you will not leave here" aniya. sinamaan ko ito ng tingin at pilit na nakipag tagisan ng titig.

"kung gusto mo akong patayin. patayin mo nako ngayon mismo" walang pag dadalawang isip kong sabi. totoo iyon. dahil doon lang naman papunta ang lahat.

lumamlam ang mata nito. "im not gonna kill you" masuyong sabi nito bago ibalik ang malamig na titig nito sakin.

napa kunot ang noo ko sa sinabi nito. "anong pinag sasabi mo? isa kang mamamatay tao" may pang aasar sa tono ko. napa kurap kurap ito na tila ba hindi inaasahan na sasabihin ko ang mga katagang iyon.

tumikhim sya at nag iwas ng tingin bago ako alisin sa kandungan nya kaya napa tayo ako. ganon din sya. 

sinundan ko lang ito ng tingin ng pumasok ito sa isang pinto sa kaharap lang ng sala. pag balik ay may dala na itong kulay pulang tuwalya at iniabot sakin. 

"Take a shower first and then we'll go to sleep" anito. hindi ko tinanggap ang tuwalya. tsk! feeling close lang?

bumuntong hininga ito na tila ba nauubusan na ng pasensya. "Just follow what I say because no matter how stubborn you are. I will not bring you back to your family again" mautoridad nitong sabi.

mahina ako nitong hinila papasok ng banyo na katabi lang ng pintong pinasukan nito kanina. 

binuksan nito ang ilaw kaya nakita ko kung gaano kalinis ang banyo. maliit lang ito at talagang inidoro at shower lang ang kakasya. may maliit rin na lababo at salamin.

maraming stock ng ibat ibang shampoo at sabon. may mga pambabae at panlalaki. 

nakaka mangha.

nagulat ako ng isarado nito ang pinto ng hindi lumalabas. kinunutan ko ito ng noo.

tumaas ang kilay nito.

"what? just incase you think of running away" anito na mas ikina kunot ng noo ko.

"papanoorin mo akong maligo??!" singhal ko dito. aba! hindi lang pala mamamatay tao ito! manyak rin pala!.

"relax. I can only see your back" sabi nito bago itinuro ang shower. tama sya. likod ko lang naman ang makikita nya pero tangina naman! bakit hindi nalang sya umalis! ang liit lang naman ng bintana dito sa cr kaya pano ako makaka takas!

"hindi ako tatakas, tang ina mo lumabas kana!" inis kong sabi rito. nagulat ako ng tumaas ang sulok ng mapulang labi nito.

dahan dahan itong lumapit sakin kaya naman atras ako ng atras hanggang sa maramdaman ko na ang malamig na tiles sa likod ko.

itinukod nito ang kaliwang kamay sa gilid ng ulo ko at inilapit ang mukha sa mukha ko.

"I really like it when you're angry" may panunukso nitong sabi. napa tingin ako sa labi nya ng dilaan nya ang pang ibabang labi nya.

kanda lunok nako. tang ina ng lalaking ito.

pwersahan ko itong itinulak.

"lumabas kana!!" sigaw ko rito. ngingisi ngisi naman itong lumabas ng cr. ngunit bago pa sya lumabas ay kinindatan nya muna ako..

anong problema ng lalaking iyon? sya ba talaga ang sikat na killer na si night?? pero bakit parang ibang iba ang mga balita tungkol sa kanya sa ipinapakita nya sakin ngayon?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status