“Galen mag-usap nga tayo,” bungad ni Donya Ysabel nang makarating siya sa kanilang bahay. Naabutan niya ang kanyang mga magulang na nasa kanilang sala. “Mom, Dad bakit gising pa kayo?” “Hinihintay ka talaga namin na dumating,” saad ni Don Samuel. “Anak nakikiusap ako sayo na kailangan mong magawa ang kondisyon ng lolo mo kung hindi mo ‘yun magagawa siguro ako na hindi n’ya talaga ibibigay ang mana na para sa atin,” saad ni Donya Ysabel na nababahala. “Mom huwag kana mag-alala ako ng bahala magagawan ko ‘yan ng paraan.” “Sabi ko naman kasi sayo Ysabel kaya na yan ni Galen.” “Naku Samuel, sana nga talaga.” “Tiwala ako sa anak mo alam ko na hindi ka n’ya bibiguin. Diba Galen?” “Yes dad, makakaasa po kayo.” “Mabuti naman, s’ya sige kumain kana para makapahinga kana,” saad ni Donya Ysabel bago pumasok sa kanilang silid. “Anak pagpasensyahan mo na ang Mommy mo.” “Ok lang Dad, naiintindihan ko si po Mommy.” Nang makaalis ang kanyang mga magulang ay pumasok na siya sa kanyang sil
“5pm palang, bakit nandito na s’ya, sabi n’ya 6pm,” saad ni Haya sa kanyang sarili nang makita niya ang kotse ni Galen sa harap ng kanyang bahay.Kasalukuyan palang akong naghahanap ng ipapalit ko sa damit na binigay ni Galen dahil hindi ako kumportable sa spaghetti straps na kulay red na dress at sa mataas na sandals.Ngunit mag-iisang oras na akong naghahanap ay wala pa rin akong mahanap na pamalit. Hindi rin ako sanay na may naghihintay sa akin, kaya naman nataranta na ako sa aking paggayak.Wala akong nagawa kundi isuot ang dress na ibinigay ni Galen, pinatungan ko na lamang ng kulay white na blazer na bumagay naman maging sa aking sandals.Bumaba si Galen sa kanyang kotse nang makita niya akong lumabas ng bahay. Habang papalapit ako sa kanya ay hindi ko napigilan na hangaan siya sa taglay niyang kakisigan.”“Bakit para kang nakakita ng multo,” iritang saad ko sa kanya ng makalapit ako.“Angel yung nakita ko,” nakangiting saad ni Galen. “Ang ganda mo naman bagay sayo yung dress, p
“Lolo mo si Don Bermardo?” “Yes. Sorry kung hindi ko na nasabi sayo na s’ya si lolo,” saad ni Galen saka niya hinawakan muli ang aking kamay. “Magandang gabi sa inyong lahat. Maraming salamat sa pagpapaunlak sa paanyaya ko. Matagal tayong hindi nagsalu-salo kaya naman gusto ko na maging makabuluhan ang gabing ito.” “Masaya ako na makita ko kayong lahat. Sa aking mga kapatid, pamangkin, mga apo at syempre sa aking anak Ysabel na hanggang ngaun, anak table mo pa rin ang pinaka may kakaunting bilang. Gusto ko na rin na madagdagan kayo dyan?” nagtawanan ang mga bisita sa huli niyang sinabi. “Ngayon gusto ko na e-welcome natin ang pagbabalik ng isa ko pang anak Cynthia Silvestre at ang aking apo Gabriel Sandoval,” saka lumapit sa kanya ang dalawang tinawag. Namimilog ang aking mata sa kakikinig at nalaman kong impormasyon tungkol sa pagkatao ni Don Bernardo. Lalo pa ng malaman ko na hindi pala siyang iba-iba kila Galen. Naghihintay ako ng sasabihin ni Galen tungkol sa aking mga natuk
Hindi ko alam kung saan ako patungo nang mga sandaling iyon patuloy lamang ako sa paglalakad malayu-layo na rin ang aking nalalakad dahil wala na akong nakikitang bahayan. Tanging ilaw sa daan ang nagsisilbing liwanag, malamig na simoy ng hangin at wala rin mga tao sa lugar. Ngunit hindi ko iyon alintana ang mahalaga sa akin ay makalayo ako sa lugar na iyon. Nangingibabaw sa akin ang galit, pag-inis kay Galen na hindi man lang niya sinabi sa akin ang kanyang plano. Sa kabila ng lahat ng pagtulong niya sa akin ay mayroon pa lang kapalit na hindi man lang inisip kung anu ang aking mararamdaman. Saglit akong natigil ng mapansin kong may sasakyan na nakasunod sa akin kaya naman binilisan ko ang aking paglalakad. “Haya sumakay kana rito, magpapaliwanag ako. please!” pakiusap ni Galen sa akin habang mabagal na sumasabay ang sasakyan niya sa aking paglalakad. Nang hindi ko siya pinansin ay iginilid niya ang sasakyan at sinabayan niya ako sa paglalakad. “Makinig ka muna sa akin bago ka ma
Kinabukasan ay nagising ako na mabigat pa rin ang aking pakiramdam, nanakit ang aking ulo at katawan. Kaya naman nagdesisiyon akong lumiban sa aking trabaho. Nang magbukas ako ng cellphone ay napakaraming text message ang dumating na mula kay Lyza at Galen. Nang bumangon ako ay wala na doon ang sasakyan ni Galen, marahil ay nainip na rin sa paghihintay. Naupo ako sa sofa ay nagpatugtog ng worship song pakiramdam ko iyon ang makakapagpaalis ng sakit ng ulo ko. Kahit paano ay gumaan ang aking pakiramdam kaya naman nagpasya akong magpunta sa Orphanage nang araw na iyon. “Sister Bea, kumusta na po kayo?’ bungad ko nang makarating ako sa Orphanage. “Haya, mabuti naman kami. Buti naman at napasyal ka?” “Na miss ko na po kayo,” masuyo kong saad saka ako nagmano kay Sister. “Talaga ba! aba teka diba may pasok ka ngaun?” “Hindi po ako pumasok Sister.” “Bakit? May masakit ba sayo?” Yun puso at isip ko bulong ko sa aking sarili, “wala naman po Sister na miss ko lang po talaga rito.”
“Maupo ka.”“Salamat,” naupo siya sa pang- isahang sofa saka ibinaba niya ang hawak niyang paper bag na may laman na pagkain.Bago ako naupo sa katabing silya na kanyang pinag-upuan ikinuha ko muna siya ng maiinom.“Gusto ko lang magpaliwanag sayo sa mga nangyari noong weekend. After na mangyari yun hindi ako nakatulog, alam ko na sobra kitang nasaktan.”Bakas sa kanyang mukha ang sensiridad, “sorry talaga Haya mali yung ginawa ko kaya naisip ko after ng pag-uusap natin ngaun sasabihin ko kay Mommy at Lolo na ako lang yung may gusto ng nangyari at napilitan ka lang.”“Sorry kung -” hindi ko naituloy ang aking sasabihin.“Wala kang dapat ihingi ng paumanhin Haya kasalanan ko ‘yun. Tama ka na hindi ko man lang naisip yung mararamdaman mo lalo na hanggang ngaun mahal mo pa rin ang kakambal ko. Ipapaliwanag ko ang lahat ng nangyari kay Mommy at kay Lolo.”“Ibig ba sabihin na wala silang alam sa plano mo na proposal?” usisa kong tanong sa kanya.“Wala silang ideya sa ginawa ko, ang alam ni
“Hello Teacher Haya, good morning,” bati ni Sir Bryan nang magkasalubong kami sa hall way. “Good morning Sir,” bati ko rin sa kanya saka ako nagdiretso sa faculty room. “Good morning Teacher Haya, mukhang good mood tayo ah,” bati ni Teacher Ann. “Good morning, thank you kahapon sinalo mo ‘yun mga students ko. Bawi ako sayo sa susunod.” “Wala ‘yun. Bakit ka ba kasi absent kahapon?” “Masama ang pakiramdam ko,” alibi ko na saad sa kanya. “Yung totoo? Parang hindi naman?” usisa niyang tanong. Sa tagal namin na magkasama ay kilala na ako ni Teacher Ann kaya naman wala na rin akong maitago sa kanya. Napabuntong hininga na lamang ako, “magtatrabaho muna ako,” paalam ko sa kanya. “May iba kang dahilan, kita tayo mamayang breaktime,” pahabol na saad ni Teacher Ann. Mabilis na lumipas ang oras ng hindi ko namalayan dahil sa dami ng aking gawain. Dumiretso na ako sa canteen nang matapos ang aking pagtuturo. Ngunit bago ako makarating sa canteen ay tinawag ako ng security gurad. “Teache
Kinabukasan habang abala ako sa pag-aayos ng mga halaman sa labas ng aking bahay ay dumating si Lyza. “Ang sipag naman,” bungad ni Lyza nang makalapit sa akin. “Ngaun ko na lang ulit ito na ayos,” maikli kong tugon. “Saan ka ba kasi nagpupunta?” “Bahay, trabaho at sa Orphanage,” saad ko sa kanya habang dinadakot ang mga tuyong dahoon. “Last week nandito kaya ako, sabi nung kapitbahay mo wala ka. Tapos hinahanap ka sa akin ni Kuya Galen nag-abot nga kami rito. Nasaan ka last week?” “Dami mong tanong ah imbestigador lang?” halika ka na muna sa loob,” paanyaya ko sa kanya nang mailigpit ko ang mga kalat. Dire-diretso siyang pumasok sa aking kusina dala niya ang isang paper bag habang naghuhugas ako ng kamay. “Anu ba yang dala mo?” “Food, from Kuya Galen. Pinadaan niya ako sa office nung nalaman n’ya na pupunta ako sayo. Kumain kana ba?” “Hindi pa,” maikli kong tugon. “Sakto pala, kumain muna tayo. Sabi ni kuya s’ya ang nagluto nito para sayo.” “Talaga ba?” paniniguro kong ta
Masaya kong pinapanood ang aming mga anak ni Galen na naglalaro sa malawak na garden sa harapan ng aming bahay. Apat na taon na rin ang lumipas mula nang maipanganak ko ang mga anak namin. Ang malaking bahay at malawak na garden ng pamilya Sebastian ay mas naging masaya, nang dumating sa buhay namin sina Albie at Ashira. Ang buhay na dating pinapangarap ko lang ngayon ay tinatamasa ko, kasama ang mga mahal ko sa buhay. Ang pagpapatawad ko kay Papa Harold, ang lubos na nagpagaan sa aking pakiramdam. Itinuloy rin niya ang kanyang pag-awit at minsan ay nakakasama ako sa kanya. Si Galen, ang pinakamamahal kong asawa ay mas lalo ko pa s’yang minahal dahil napatunayan din niya ang tapat na pagmamahal niya sa ‘kin at sa aming mga anak. Tinanggap niya ako ng buo, siya ang pumuno sa lahat ng aking kakulangan at aking kalakasan sa tuwing nanghihina ako. Ngayon ay hindi na ako natatakot na mawala ang aking paningin dahil alam kong nasa sa tabi ko ang pamilya ko na magsisilbing paningin ko.
“Sino ka ba? Wala akong utang sayo,” sinikap kong itago ang takot na nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng mamatay rito, kawawa ang mga anak ko.“Ikaw, wala, pero ang tatay mo meron.” Nagimbal ako sa narinig sa kanya. Tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya sinadya pa niyang e-loudspeaker iyon:“Hello my dear, husband, na miss mo ba ako kaya ka tumawag?” malandi niyang bati mula sa kabilang linya.“Walang hiya ka talaga, Mildred, huwag mong idamay ang anak ko. Pakawalan mo si Haya, at ibibigay ko ang perang kailangan mo,” boses iyon ni Papa Harold. Mildred pala ang pangalan ng babaeng baliw na ito. Sayang lang at hindi ko makita ang itsura n’ya, pero sigurado akong kamukha s’ya ng mga kontrabida sa pelikula.“Oh, come on, Harold. Hindi lang pera ang kailangan ko. Ikaw ang kailangan ko, ang pagmamahal mo,” pasigaw na saad ni Mildred.“Sige, kapalit ng buhay at kalayaan ng anak ko, ibibigay ko ang gusto mo.”“Talaga?”“Maawa ka sa anak ko, Mildred, pakawalan mo na s’ya.”“Pakakawalan ko,
Kumalas ako sa pagkakayakap sa asawa ko. Naramdaman ko ang pagpunas niya sa mga luha ko, at ginawaran pa n’ya ako ng magaan na halik sa ‘king noo. “Do what you know will be good for you, Hon, nasa likod mo kami ng mga anak natin.” Masuyong saad ni Galen. Pinakalma ko ang sarili ko bago nagsalita. Sa sandaling ito ay ayoko ng umiyak tama na ang mga luhang pinakawalan ko para sa maling akala mula sa ‘king nakaraan. “Anak, mapapatawad mo ba ako? Please patawarin mo ako. Kahit anong kapalit ibibigay at gagawin ko patawarin mo lang ako. Gusto kong maging ama sa’yo kahit sa maikling panahon.” Pakiusap niya sa ‘kin. Tumango ako at ginawaran siya ng matamis na ngiti. Naramdaman ko ang paghalik ni Galen sa likod ng aking kamay. Ramdam ko rin ang presensya nila daddy at mommy na natuwa sa aking sagot. “Talaga anak?” Naramdaman kong lumapit sa ‘kin si Mr. Harold. Inabot ni Galen ang aking kamay sa kanya. Paulit-ulit na humingi ng tawad sa ‘kin si Mr. Harold at ginawaran n’ya ng halik ang kam
Tahimik din sila mommy sa susunod na mangyayari naramdaman ko ang paghawak ni Galen sa ‘king mga kamay. “Hon, pakinggan natin ang video na dala ni Mr. Harold. Baka ito na rin ang daan para mawala ang bigat na nararamdaman mo. Kahit hindi mo sabihin sa ‘kin, alam kong tuwing hating gabi ay lumalabas ka sa balkonahe para doon umiiyak.” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Galen, ibig sabihin ay narinig niya ang mga sinasabi ko tungkol sa tatay ko. Umiiyak ako dahil sa nararamdaman kong galit sa kanya, nahirapan si mama dahil sa kapabayaan n’ya. Kung nasa tabi siya ni mama habang ipinagbubuntis ako at noong ipinanganak ako baka nasustentuhan ng maayos ang pangangailangan namin. Baka hindi ako ipinanganak sa labas ng orphanage habang malakas ang ulan. Baka hindi ako nabulag. Baka napagamot si mama ng mas maaga at humaba pa ang buhay n’ya at baka na tanggap na rin sila ng mga magulang ni Mama Hana, kung naging mabuting asawa at ama s’ya sa amin. “Sige, Harold, pakikinggan namin ang video,” ma
Dahan-dahan akong naglakad palabas nang aming silid patungo sa nursery room ng aming mga anak. Gamay ko na rin ang kabuuan ng aming bahay kaya kahit na wala akong kasama ay nakakapaglakad ako mag-isa. “Hon? Bakit hindi mo ako hinintay na makabalik sa silid natin para na alalayan kita.” Boses iyon ni Galen, katatapos lamang niyang mag-jogging. Mas naging health conscious din siya mula nang maaksidente siya, at tuwing weekend ay inilalaan niya ang kanyang oras sa mga anak namin. “Ok lang naman gamay ko na rito sa bahay.” “Ihahatid na kita sa room ng mga anak natin,” inalalayan niya ako sa paglalakad. “Good morning, Ma’am Haya, Sir Galen,” boses iyon ni Cristy. “Gising na ba ang mga baby namin?” “Tulog pa sila, sir, pero maya-maya gigising na rin po sila.” “Sige. Hon, maiwan na muna kita rito maliligo lang ako.” “Buti pa nga para paggising nila nakaligo kana rin.” mabilis naman siyang umalis. “Kumusta ang tulog ng mga baby namin, Cristy?” “Palagi po masarap ang tulog nila, ma’a
“Naniniwala akong babalik ang paningin mo, Hon,” saad ni Galen sa ‘kin. Nang makarating kami sa bahay ay nandoon ang mga malalapit naming kaibigan. Sina Sister Lucy, Sister Bea, Sir Bryan, Teacher Ann, Richard maging si Lyza na nasa ospital kanina ay nauhan pa kaming makauwi. Sabi n’ya ay s’ya ang punong abala sa paghahanda ng mga pagkain. Nagkaroon ng salu-salo at masayang nagkuwentuhan sobrang na mis ko rin sila. Kahit na wala akong makita at naninibago sa sitwasyon ko ay pinilit kong maging masaya sa harapan nila. Ang pangarap kong pamilya ay nasa kamay ko na ngayon kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Ngunit tila may kulang pa rin sa ‘king pagkatao marahil iyon ang pagbabalik ng aking paningin “Haya, anak,” naagaw ang aking atensyon sa boses na tumawag sa ‘kin. “Sister Bea?” “Ako nga, hindi na kami nakabalik sa ospital may mga kailangan asikasuhin sa orphanage.” Inalalayan pa niya akong makaupo sa silong ng puno na madalas kong tambayan noong buntis pa ako. Nagtataka man ako
ILANG sandali lamang ay dumating na si Dr. Flores at Lyza. Dumistansya ako para mabigyan sila ng espasyo, nakita ko ang kanilang ginagawa sa ‘king asawa. Tinulungan pa s’yang makainom ni Lyza, may malay na s’ya, hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. “Galen,” tawag sa ‘kin ni Dr. Flores. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “H-hon, Haya,” humigpit ang paghawak n’ya sa ‘kin, luminga-linga pa s’ya sa paligid bago tumingin sa gawi ko. “G-galen?” “Yes, Hon, kumusta na ang pakiramdam mo?” “B-bakit p-puro kulay puti ang n-nakikita ko?” nahihirapan niyang usal. Napatingin ako kay Dr. Flores at Lyza. “H-hon, ang b-baby natin s-safe ba s-sila?” naiiyak na s’ya. “Nasa incubator ang baby ninyo ate, safe na safe na sila. Kaya magpalakas ka para mabuhat mo na ang mga baby mo.” “L-lyza?” “Yes, ate.” “A-anong nangyayari, hindi ko kayo makita?” “Nakaranas ka ng temporary blindness. Habang wala kang malay nag-undergo ka ng cesarian session para ilabas ang baby ninyo. Bumaba rin ang pulse
Lyza: Oh, my God. Wala kayo sa ambulance?Galen: Wala.Lyza: Ok, sige, ituloy mong bigyan s’ya ng hangin hanggang sa makarating kayo sa ospital. H’wag kang mataranta, ok. Pupuntahan ko kayo.Nang makapagbigay ng instruction si Lyza ay naputol na ang aming pag-uusap. Ilang beses kong inulit-ulit ang pagbibigay ng hangin sa asawa ko bago makarating sa ospital. Pagdating namin ay sumalubong sa ‘min sina Dra. Mendez, Dr. Flores, Nurse Lyza at may dalawa pang doctor silang kasama.“Doc, please iligtas ninyo ang mag-iina ko.”“Gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya,” saad ni Dra. Mendez bago sila tuluyang nagtungo sa emergency room. Sumama rin si Lyza sa loob ng Emergency Room.“Sir, tumawag si Donya Ysabel papunta na rin sila rito ng daddy mo,” saad ni Cristy.Ngunit tila wala akong narinig, wala akong tigil sa paglalakad ng pabalik-balik. “Sir, nahihilo na ako sa’yo, maupo ka muna rito ipagdasal natin sila ma’am,” hindi na nakatiis si Cristy na sitahin ako. Tumigil naman ako at
Mula nang mangyari ang insidenteng iyon sa company ay hindi na muli pumasok si Galen. Sa bahay na niya ginagawa ang kanyang mga gawain para masiguro niyang masamahan ako. “Hon, naka-prepare na ang breakfast. Kumain muna tayo,” tinulungan pa niya akong bumangon at inalalayan patungo sa balkonahe na nasa gilid ng aming silid kung saan nakahain ang pagkain. “Hindi ka ba papasok sa office?” “Hindi na muna, Hon, nagagawa ko naman ang trabaho ko kahit nandito ako sa bahay.” Masarap lahat ng nakahain kaya naman mas natuon ang atensyon ko na kumain muna. Nang matapos ako ay muli akong nagtanong tungkol sa kalagayan ngayon ng kumpanya. “Hon, kumusta na ang company ngayon? Wala bang na apektuhan na empleyado sa biglaang pagkuha ng share ni Mr. Harold, kahit hindi pa lubusan na nakakabawi?” pansin kong natahimik si Galen sa tanong kong iyon. “Meron, Hon, may mga pinagbakasyon muna ako, habang inaayos ang financial status ng company. Pero h’wag kang mag-alala dahil malapit ko ng matapos ang