Tinignan ko noon yung liwanag na nagmula sa bulsa ni sofia,pero kapirasong papel lang ang naroon at wala nang iba. Mga isipin ni tristan hanggang sa makatulog nalang ito sa kanilang byahe patungo sa Mansion nang mga Buenavista. KINABUKASAN: "Sumapit na ang araw nang kaarawan ni Donya Felly Buenavista Ang ina ni Dexter Buenavista. Maraming dumating na mga bisita sa Mansion Halos lahat nang mga staff mga ka office at mga Investor sa kompanya ng mga Buenavista ay dumating. Ganun din ang mga kaibigan,kamag-anak at mga kakilalang mayayamang tao sa kanilang lugar ay imbitado rin. Maliban sa mga kaibigan ni Tricia(aka sofia) ay walang dumalo. Dahil hindi naman sila nasabihan at lalong hindi nasabihan ni sofia ang mga kaibigan ni tricia dahil hindi naman niya kilala ang mga ito. Pati ang Ex Girlfriend ni Dexter Buenavista na si Elina Lucifer '' Ay imbitado rin. Lingid iyon sa kaalaman ni Dexter dahil hindi niya nalalaman ang mga inimbita nang kanyang ina. Sabagay ay kaarawan naman ng kany
"Grabeeeee! Dapat bang ako pa ang dumistansya sa asawa ko,este sa asawa ni tricia!''Tsk...' nakakainis ah!'Sabay simsim nito sa wine na hawak hawak niya. Habang si Tricia ay nakatingin sa gawi nila Dexter at Elina na masayang nag-uusap,tila ba wala silang ibang kasamang tao sa loob nang Mansion. At tanging sila lang ang nag-uusap. Magka-ano ano ba sila ng babaeng iyon?'' Bakit wala akong ma-alala?'' Oh nahihibang lang ako sa sinasabi sa akin nang babaeng asawa nang lalaking iyon. Baka nababaliw lang si Tricia kaya niya sinasabing ako si tricia at siya si sofia at nagkapalit kami nang kaluluwa!' Grabeee! Ang saad ni Tricia sa kanyang isip habang pinagmamasdan parin ang dalawa. "Kumusta kana Elina?' B-buti naman at nakapunta ka sa kaarawan ni mama. Ang nakangiting sabi ni Dexter. Kaylan kapa umuwi nang bansa? Ang sunod na tanong ni Dexter,na halata sa kilos niya ang pagka miss niya sa dalaga. Siguro may isang linggo na ako rito sa pinas,talagang pinaghandaan ko ang kaarawan ni t
Si mama nanaman!'' Alam naman niya ang dahilan kung bakit ayaw kitang pumunta rito! Bakit pina-unlakan mo pa ang inbitasyon ng aking ina!'' Ang Galit na saad ni Dexter. Sabay padabog na umalis papasok sa loob nang mansion patungo sa Kinaroroonan ni Sofia. Habang si Edward ay naiwang mag-isa sa labas habang sinasabi ang salitang: "Hindi parin ba siya nakakapag move on!'' Tsak...! Ang saad ni Edward sa kanyang sarili Habang si Elina ay', Kitang kita naman niya na patungo na si Dexter sa kanila. Dahilan para hawakan ni elina ang kamay ni sofia na may hawak na wine at bigla niya itong isinaboy sa kanyang katawan upang magmukhang masama si sofia sa paningin nang lahat. "Ahhhhh!'' How there you!'' Ang sigaw ni Elina,dahilan para mapatingin ang lahat nang naroon. Agad naman lumapit ang donya,Evelyn ,Josephine at Ang panghuli ay si Dexter. "Anong ginawa mo sa damit nang bisita ko!'' Ang sigaw na sabi ng Donya. "Ano? Ang nasabi lang ni Sofia. Nagmama-ang ma-angan kapa jan!'' Tig
"Hi.... Tricia' Ang bati ni Tristan sa kanya. Ngunit hindi pa rin kumibo o tumingin manlang si Sofia kay tristan. Suplada mo naman! Para kang si Sofia kung umasta!'' Sayang nga lang at nabuhay pa siya!"Ang medjo iratikong saad ni Tristan sa nakatalikod nang si sofia. "Ang lakas talaga nang loob nang lalaking ito para sabihing 'Sayang nga lang at "NABUHAY Pa ako!Ang sarap niyang sakalin! "Ano bang meron o ugnayan nila ni Dave at tristan?'' Ang inis na inis na saad nito sa kanyang isip,"habang papaalis na ito at hindi manlang nilingon ni sofia si Tristan kahit naiinis ito ng sobra sa lalaking may dahilan nang kanyang pagkaka aksedente!'' Nang makapasok na siya sa Mansion nakita ni sofia si tricia at elisa na nagliligpit na nang mga kagamitan nila. Agad lumapit si sofia kay tricia para kausapin ito nangmasinsinan. "UHM ...Excuse me'Pwede ba kitang maka-usap sandali?'' Ang saad nito kay Tricia. Huh- ? Ang reaksyon nito sabay baling kay elisa ,na tila ba naghihintay nang pagsan
"Hindi ako yan! " Ang saad ni sofia habang pinagmamasdan nilang lahat ang nakita ni josephine na uma-ali aligid sa kotse ni Dexter. I-isang matandang lalaki?"" Ang saad ni Josephine dahil iyon ang kanyang nakita. "Matandang lalaki? ,Ibig bang sabihin nito' Butas na talaga ang gulong nang sasakyan ni Dexter mula pa kanina?' Sino kaya ang Matandang lalaking iyon?'' 'Hindi kaya siya yung Matandang lalaki sa Jeep?'' Bago ako na aksedente,At yung papel ?'' Oo nga pala' Ang papel...'Nakalimutan kung tanungin kay tricia kung nasa kanya ba ang papel na iyon o nawala na sa mismong aksedente!''Ang napapa-isip na saad ni sofia. Baka sinusundan niya ako ,o kaya binabantayan niya ako,Baka siya ang susi kung paano kami makakabalik sa dati naming katawan. Ang saad ni sofia sa kanyang isip. Sandaling natahimik ito sa kanyang mga naiisip. 'Pero ,kaya ko bang iwan si Dexter? Lalo pa at naramdaman ko na ang ligaya at sarap sa piling niya?!" Ang nagdadalawang isip niyang sabi sa kanyang sar
"Anong nangyayari sa katawan ng pasyente!'' Ang gilalas na sigaw ng isang pasyente na malapit sa kinaruruonan nang babae. DOC.......!'' Ang sigaw nang isang pasyente na nakakita sa panginginig nang katawan nang babae. Mabilis na rumispundi ang mga Nurse at doctor sa kinaroroonan nang babae. 'Hindi ito ma-aari!' Nanganganib ang buhay nang pasyente' kaylangan natin mahanap kaagad ang pamilya nang babaeng ito! Nangangaylangan siya nang Blood donor!'' Ang Saad ni Doc Erwin . Pero paano natin mahahanap ang pamilya niya doc kung wala namang makakapagturo kung sino at nasaan sila ngayon.'' Ang malungkot na sagot nang nurse. "Samantala ,Abala naman si sofia sa banyo',Hinihilod lahat nang kasuloksulukan nang kanyang katawan para paglabas niya sa banyo ay wala na siyang libag at siguradong mabangong mabango pa siya. "A-aray! Anong nangyayari sa akin?'' Arayyyyy.... Ang sakit nang ulo koooo!'' Ang napapasigaw na niyang sabi habang hawak hawak nito ang magkabilaang bahagi nang kanyang
Hello' Mr.Dexter Buenavista' May problema ba?" Biglaan ata ang inyong pag tawag. Ang Tanong ni Doc. Erwin sa kabilang linya. 'Pasensiya na po kayo Doc. 'Pero papunta na po kami jan ngayon' kasama ko ang aking asawa."Pakihanda ang kanyang silid. ''Ang nagmamadaling sinabi ni Dexter sa Doctor. "Sige Sir.' ..... Ang sagot naman agad nang doctor. "Nurse alma' Ihanda ang dating kwarto ni Mrs.Buenavista,Patungo na sila ngayon dito,Magmadali ka! Ang seryusong sabi nito kay Nurse alma. Habang Siya naman ay abala pa rin sa pagtitig sa babaeng kahawig ni Mrs.Buenavista. Kaylangan ko bang ipa-alam ito kay Mrs.Buenavista?'' Baka sakaling alam niya o kamag-anak niya ang babaeng ito o di kaya naman ay kakambal siya ni Mrs.Tricia BuenaVista ." Ang Saad nang isip ni Doc.Erwin habang patungo na ito sa silid kung saan dadalhin ni Dexter ang kanyang asawa. "Makalipas lang ang ilang sandali ay nakarating na ang mag-asawa sa Jo's Hospital. Lupay-pay na isinugod ni Dexter si Tricia sa Ho
"Paanong babalik ang ala-ala ko?,,Gayong hindi naman ako ang totoong Tricia. Ang nagtatakang saad ni sofia sa kanyang sarili. Habang si Dexter ay naghihintay nang kasagutan sa tanong nito. "Wa-wala pa! Hindi pa bumabalik ang mga ala-ala ko. Masakit lang talaga ulo ko kanina kaya yun,bigla nalang akong nadulas at nawalan nang malay. Ang palusot ni Sofia sa kay Dexter. Ganun ba ' Honey! Magpahinga kana kung ganun,Dahil aalis muna ako sandali,Titignan ko lang si Karra sa Bahay,dahil umiiyak siya kanina. Ang saad ni Dexter.' Sige... Okay na ako,Rito honey... Ang sagot agad ni sofia. Pero ang totoo ,gusto niyang mapag-isa kahit sandali upang isipin ang mga ala-alang pumapasok sa kanya. Haynakaka-inis paano kaya kung tumakas nalang ako rito at puntahan ko si elisa upang alamin ang totoo. At kung ano ang ugnayan nila ni Tristan at Dave!'' Ang naguguluhang saad ni sofia. Habang patungo na sa mansion si dexter,Patungo naman si Evelyn sa hospital para puntahan si Tricia. "Hindi pw