HMH - 71MASAKIT ang katawan, hilo at makirot na batok. Iyan ang nararamdaman ni Yanna pagbalik ng kanyang malay. Bahagya pa siyang nasilaw sa ilaw na nasa harapan niya. Iginalaw niya ang mga paa at braso ngunit nakagapos ito. Noon niya na-realize ang nangyari matapos na tila pinalo siya ng kung sino. "Mabuti naman at gising ka na, sleeping beauty? Kumusta ang tulog mo? Dinalaw ka ba ng magandang panaginip?" bungad na sabi kay Yanna ng isang tinig na kapapasok. Hindi niya ito makita dahil nakatalikod siya rito habang nakaupo at nakagapos. "Pakawalan n'yo ako rito!" bulyaw niya sa lalaki hindi pa man niya ito nakikita nang harapan. "Uh, ang tapang mo naman pala, madam! Sayang, hindi bagay sa ganda at amo ng mukha mo," Unti-unti lumapit ang lalaki mula sa likuran ni Yanna at yumuko. Itinapat nito ang ilong sa leeg ni Yanna. "Hmm, nice smell," anito. Bahagya nitong hinawi ang ilang hibla ng buhok niya na nalaglag sa kanyang mukha at inipit sa kanyang tainga. "Don't touch me! Maniac!"
HMH-72PUMASOK sila sa isang pinto. Kahawig din ito ng elevator and it's moving, na hindi niya alam kung saang direksyon papunta. Lumabas sila sa isang parking lot na may mga nakabantay. "Where are we?" kunotnoong tanong ni Yanna sa lalaki. "Just follow me. I won't harm you anyway." Hinawakan siya nito sa braso at iginiya palapit sa kulay itim na sasakyan. Panay ang sulyap nito sa kanya habang nasa daan. Sa itsura nito alam niya na interesado ito sa kanya. Pasimple siyang ngumiti rito at muling ibinaling ang tingin sa paligid. Noon niya napansin na madilim pa rin. "Anyway, what time is it?" Nilingon niya ito muli. "Don't worry, it's not yet late," anito na hindi direktang sinagot ang tanong niya.Pumasok ang sasakyan sa isang mataas na gate. Napakunot ang noo niya nang mapansin na isa itong malaking mansyon. Napaisip tuloy siya, 'Ilang mansyon pa ba ang pag aari ng mga ito?' lihim niyang tanong sa sarili. Mas lalong lumalim ang kyuryosidad niya sa pagkatao at lihim nang mga ito
HMH-73HABANG nasa loob ng sasakyan si Xander. Masusi niyang pinag aralan ang lugar kung saan niya natagpuan ang lalaking sugatan. Ngunit wala siyang napansin doon na anumang kakaiba. Bumaba siya at muling nilapitan ang pwesto kung saan niya ito nakitang nakahandusay. "May nakita ba kayo?" tanong niya sa papalapit na si Dindo. "Mukhang wala tayong mahahanap dito, sir. Baka inililigaw lang tayo ng kung sino mang gumawa no'n. Baka hindi talaga rito nangyari ang pagtatangka sa kanya?" sagot ng lalaki."But how can you explain this? Bakit nasa sa kanya ito?" Tanong muli ni Xander at ipinakita kay Dindo ang hawak niyang bracelet."What do you mean, sir?" naguluhang tanong ni Dindo habang kunotnoo na nakatitig sa hawak ni Xander."It's Yanna's bracelet. I know it, dahil palagi ko itong nakikita na suot-suot niya. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita kahit sa shop n'ya. Pwedeng baka may nangyayari na naman sa kanya na hindi ko alam." dudang sagot ni Xander."Oo nga pala, hindi pa ri
HMH-74HABANG nakatayo sa kasasarang pintuan si Yanna, dumiretso naman ang lalaking kasama sa sopa at prenteng naupo habang naka-de-kwatro. Itinaas nito ang dalawang braso sa sandalan ng sopa. "Come on, show me what you've got!" nakangising sabi nito habang malagkit na humahagod ang tingin sa kabuuan niya. "What?" taas ang kilay na sagot ni Yanna. Hindi niya ipinahalata ang pagkadisgusto sa sinabi nito. "Oh, don't play your tricks. Sanay na ako sa mga ganyang aksyon. And I told you straight, na ayaw ko nang pinaliligoy pa ako. Take off all your clothes," balewalang utos nito na sinabayan pa ng taas ng daliri sa ere. "Masyado kang nag aapura, Sir. Hindi ka na ba makapaghintay? Hindi mo pa nga ako pinagbabanyo," ani Yanna."I don't think you need that. Anyway, that's not a big problem as long as you satisfy me with your performance." Ilang sandali muna na nag isip si Yanna bago marahang lumapit sa gitna ng sala. "And what would I get in return?" "Whoa! Are you seriously asking me
HMH-75"Y-You!?" "Yanna!?" Mabilis na lumapit sa dalaga ang taong kapapasok lang na walang iba kundi si Xander mismo. Mabilis na nasalo niya ang katawan ni Yanna bago pa man ito tuluyang matumba sa sahig. "W-What the he-" hindi na nagawang ituloy ni Jude ang nais pa nitong sabihin matapos na tuluyang bumagsak sa sahig."Thank God, I've found you! Sinasabi ko na nga ba at may nangyayari na naman na hindi maganda, eh." nasabi ni Xander."Salamat! Pero hindi ka na sana sumunod pa rito. Paano kang nakapasok dito?" sita ni Yanna rito."Naririnig mo ba ang sarili mo? Ayan at muntik ka na ngang mapahamak. Bakit ka ba narito at kasama ang lalaking 'yan?" Halos maningkit ang mga mata ni Xander. Napatitig ito sa itsura ni Yanna partikular sa suot nito na bahagyang nakabukas ang gawing itaas ng dibdib. Nilapitan nito ang lalaki at tiningnan kung may pulso pa ito. Mukhang buhay pa naman ito, kaya minabuti niyang tawagan si Dindo para linisin ang kalat. "What are you doing here? Why you look
HMH-76"MAGANDANG araw po, ma'am, sir." Magalang na bati ng pulis na bahagya lang tumango."Magandang araw din naman, officer. Anong sadya natin?" tanong ni Xander dito. "Ah, regarding po sa nangyari kay Ms. Mendez, sir. Gusto sana namin hingin ang statement niya. Since, kailangan namin malaman kung ano ang nangyari at mas madali rin namin mabibigyan ng warrant kung sino man ang mga sangkot dito," "Salamat po, officer. Pero siguro sa ibang araw na muna. Nakikita n'yo naman siguro ang kundisyon n'ya ngayon. Kailangan pa muna niyang magpahinga. Isa pa, may ibang bagay pa kaming dapat unahin. Kayo na muna ang bahala d'yan. May tao ako na pwede n'yong kausapin kung kailangan n'yo pa nang ibang detalye." paliwanag ni Xander. "Salamat po, sir. Ipagpaumanhin ninyo ang pagkagambala namin sa pagpapagaling ni Ms. Mendez." "It's okay. Salamat din po," ani Yanna.Lumabas na ang mga ito nang muling bumaling si Xander sa dalaga. "Pwede bang payagan mo na akong makalabas dito? Kailangan ako ng
HMH-77"WHERE do you think your going?" Kunot ang noo at naniningkit ang mga matang tanong ni Xander kay Yanna habang palabas siya sa back exit kasunod ang kanyang grupo."Oh, no! We got caught!" Halos pabulong na anas ni Trish kasabay ang pagtutop nito sa bibig at napatitig sa papalapit sa kanila na si Xander. Inirapan ito ni Yanna at taas kilay na hinarap ang lalaki."I'm not your slave, so I can decide for myself where I can go!" pagsusungit niya sa lalaki."Ano bang ginagawa mo? Hindi ba sinabi ko na sa 'yo kanina na ako na muna ang bahala maghanap sa mga bata? Akala ko ba malinaw na 'yon sa 'yo? Ano sa palagay mo nakakabilis na solusyon ang ginagawa mo? Hindi ka pa dapat lumabas. Kailangan mo muna na magpahinga at pagalingin ang sugat mo kung gusto mo talaga humarap sa mga kalaban mo! Sa kondisyon mo ngayon sa tingin mo ba mananalo ka sa kanila? Gagamitin lang nilang dahilan 'yan para matalo ka, kaya kung hindi naman makakasama para sa 'yo na sumunod, sana gawin mo na lang," mat
HMH-78Ipinarada ni Xander ang kanyang sasakyan na may ilang metro ang layo mula sa natanggap niyang address. Pinagmasdan muna niya ng maigi ang paligid bago nagtungo roon at dumaan sa pinakalikod ng gusali. Isa itong abandonadong lugar at maging ang mga kalapit na establishment ay walang kahit na sinong tao. Humanap siya nang maaring madaanan mula sa likuran papasok sa loob. Nahirapan siya sa paghahanap, dahil naka podlock ang mga pinto sa likuran. Umakyat siya sa may kababaang pader at pinilit abutin ang isang maliit na siwang ng bintana. May sarado ito na yari sa kahoy at dahil may kalumaan na ay madali niya itong nasira at nabuksan. Sinubukan niyang pagkasyahin ang sarili dito papasok at nagtagumpay naman siya. Isa itong comfort room na abandonado. Matapos pakiramdaman ang paligid ay maingat siyang pumasok. Isang pasilyo ang nadaanan niya at dalawang pintuan na walang kahit na sino. Hanggang sa bumungad sa kanya ang isang napakalawak na espasyo. Nakatambak ang mga sirang gamit
HMH-87MULA sa kanyang kinatatayuan, tanaw ni Yanna ang kabuuan ng lungsod. Mataas na mga gusali at parke. Para sa kanya napaka-perfect na nang lugar na iyon. Masuyong dumadampi sa kanya ang mahalina, malamig at sariwang hangin. Kasabay na sumasayaw ang mga dahon at puno sa ihip nito ganundin ang mga huni ng mga ibon sa paligid. Tanaw niya ang lagaslas ng tubig na nasa talon sa ibaba at ang malinaw na daloy ng tubig nito. Masasabi niya na kagaya ng paligid niya, nakamtam niya ang kapayapaan at katahimikan na hinahanap niya. Mula sa kanyang harapan, natatanaw rin niya ang nalalapit na paglubog ng araw na kay gandang pagmasdan."Malamig rito, hindi ka pa ba papasok?" tinig ni Xander mula sa kanyang likuran. Lumapit ito sa kanya at mula sa kanyang likuran ay hinapit siya nito palapit sa malapad nitong katawan.Masuyong isinandig ni Yanna ang kanyang ulo sa malapad nitong dibdib at ikinulong sa kanyang palad ang palad nitong nasa kanyang sikmura.Kasalukuyan silang nasa isang isla na pa
HMH-86"I can't believe it. Sa dami ng mga pangit na napagdaanan ko noon, I never imagine, na mabubuo ko pa pala muli ang pamilya ko na akala ko matagal nang wala sa akin," madamdaming ani Yanna. Kasalukuyan silang nakahiga ni Xander. Relax at kampante siyang nakahiga habang nakaunan sa malapad na dibdib ng lalaki. Panay ang himas nito sa kanyang mahaba at malambot na buhok habang dinadampian ng pinong halik at inaamoy."Are you happy now?" anas ni Xander at masuyong hinaplos ang kanyang balikat."I can't measure how happy I am at this moment. Masaya ako na napanagot na ang mga taong may kasalanan sa pagkamatay ng mga kinilala kong mga magulang. Atlast, matatahimik na rin sila kung saan man sila naroroon." "I'm sure nagagalak sila sa magagandang bagay na nangyayari ngayon," "Yeah!" Itinaas niya ang kanyang mukha upang tingnan ang binata, "Thank you!" "Basta para sa 'yo at sa mga anak natin, always akong narito. I love you," anas nito at dinampian ng masuyong halik ang kanyang noo.
HMH-85Habang nasa loob ng banyo si Xander, sinamantala ni Yanna ang pagkakataon na tingnan ang paligid ng silid. Nilapitan niya ang mesa na nasa bandang gilid at pinagmasdan ang mga larawan na naroon. Umagaw rin ng oansin sa kanya ang isag maliit ba box na nasa ibabaw. Curious na kinuha niya iyon at binuksan. Napangiti siya nang makita na isa iyong napakaganda at napaka-eleganteng singsing na may pusong bato na diamond.Dala ng kapilyahan, sinubukan niya iyong isuot sa kanyang palasingsingan at nagulat siya na makitang kasya iyon sa daliri niya. Hindi pa siya nakuntento at sinubukan niyang buksan ang ilang drawer na naroon. Matapos ay ang closet naman nito ang kanyang tiningnan. Kunotnoong napaisip siya, dahil mangilan-ngilan lamang ang mga gamit nito na naroon. Natuon ang pansin niya sa drawer nito. Ewan ba at kung anong kapilyahan ang pumasok sa isip niya at na-curious siyang makita kung pati ba ang mga underwear nito ay iilan rin. Binuksan niya iyon at tiningnan. Taliwas sa in
HMH-84"OH MY GOD! What happened to me last night? Why am I here?" Nailibot niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan. Simple ang ayos ng silid at nakahiga siya sa malaki at malambot na kama. Kulay gray ang kulay nito at may malaking chandelier sa pinakagitna ng ceiling. Naroon din ang amoy ng lavander na ginamit na air freshener. Bumangon siya sa kinahihigaan, ngunit gan'on na lang ang gulat niya nang makitang iba ang kanyang damit na suot. Isang malapad at malaking tshirt na kulay asul at halos hanggang sa kalahati ng kanyang hita ang abot ng tabas na ikinalabas ng kanyang mabibilog at mapuputing hita. At ang nakapag pahigit ng kanyang hininga ay nalaman niyang wala siyang suot na bra at ang kanyang pang-ibaba ay 'brief?' "Oh my God! Sino ang nagbihis sa akin? Why I am wearing this?" Shock sa sariling tanong niya at mabilis na tumayo. Akmang palapit na siya sa pinto ng silid para maghanap ng tao nang biglang bumukas iyon at nagulat siya sa taong nasa harapan. Bit
HMH-83"You are preoccupied with something. Care to share?" tanong ng kanyang kaibigan na si Trish na lumapit sa kanya. "I'm just wondering how my kid's say that Xander is their father? I am really surprised!" naguluhan at napaisip si Yanna sa isiping alam niya na anak ito ng kanyang biological father na si Sam. Which means na magkapatid pa rin sila at mali na maging ama ito ng mga anak niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa sala habang ang iba ay abala sa hardin at nagpa-party. Pinili niyang mapag-isa muna para makapag isip. Mula kanina, matapos ang mga nangyari, hindi pa rin bumabalik si Xander mula ng umalis ito na tila na nag aapura. "Yeah, even for me it was a surprise." ayon ng kaibigan."Just like the way you all surprised me," pairap na tugon ni Yanna rito.Natawa ito, "Yeah, sorry! Please forgive me. It was just to make sure that you are safe," sagot nito na naiilang."How's that? You all guys act excellently." Naiiling na sagot niya."Oh, We don't have bad intentions, look w
HMH-82Mabilis at malalaki ang mga hakbang na tinakbo ni Xander ang kinaroroonan ni Nathaniel. Wala siyang pakialam sa mga bantay na nakaharang at nasa kanyang daraanan. Buong lakas na itinulak niya ang mga ito. Sa pagkakataong iyon, hindi niya inisip ang panganib para sa kanyang sarili, kundi ang kagustuhan na masagip sa bingit ng panganib ang bata. Walang nagawa ang dami ng bantay na naroon para harangin ang lalaki. Buong lakas na itinulak niya sa gilid ang bantay sa batang lalaki kaya nawalan ito ng balanse at nalaglag. Dahilan para mas lalo nitong nabitawan ang lubid na nakatali sa katawan ng bata at mas mabilis na bumulusok ito pababa. Tinalon ni Xander ang natitirang pagitan bago pa man tuluyang maubos ang rolyo ng lubid. Maswerte na nahawakan niya ang lubid at makailang beses na ipinulupot iyon sa kanyang kamay upang masiguro na hindi iyon mabibitawan. Pigil ang hininga na napapikit siya. Nagawa niyang mapigil ang sanay pagbagsak ng katawan ni Nathaniel. Ngunit hindi pa man
HMH-81"Ms. Tessa Castro, also known as Lady Queen. Sa ngalan ng pagpapatupad ng batas. Kung nasaan ka man, mangyaring magpakita ka at harapin ang mga reklamo laban sa 'yo. Malaya kang manahimik at kumuha ng sariling tagapagtanggol mo." sabi ng isang officer na may hawak na arrest warrant para sa ginang at may mga kasunod pang mga pulis. "No! Kung inaakala n'yo na mahuhuli n'yo ako, malaking pagkakamali. Sana inisip n'yo muna ang mga mangyayari bago kayo pumunta rito. Ano na, Ms. Mendez? Hindi ba malinaw na kabilin-bilinan ko sa 'yo na walang ibang makaka-alam nang pagpunta mo rito? Alam mo na kung ano ang pwedeng mangyari, hindi ba? Pero sinuway mo pa rin ako! Masama akong magalit at hindi ako marunong magbigay ng chances, alam mo 'yan. Ano at narito ang mga gungong na alagad na 'yan?" galit na tinig nito mula sa speaker."No! Walang may alam na nagpunta ako rito. Hindi ko rin alam kung paano nila nalaman itong lugar na ito. Maawa ka, ibigay mo sa akin ang mga anak ko! Sabihin mo ku
HMH-80"OH MY GOD!" halos pakiramdam ni Yanna ay nanlalaki ang kanyang ulo at nananayo ang kanyang mga balahibo sa buong katawan. Daig pa niya ang namatanda sa kanyang itsura matapos makita ang tinutukoy nang nagsasalita sa speaker."Natalie?" halos hindi niya maikilos ang kanyang katawan. Pakiramdam niya ay namamanhid iyon habang tila para siyang mauupos na kandila. Subalit, bago pa man siya panghinaan ng loob at mawala sa kanyang sariling komposyur ay kaagad niyang kinontrol ang sarili at mabalik sa realidad. Alam niya na wala siyang ibang maaasahan sa pagkakataong iyon. Nag iisa siya nang pumunta doon at walang kahit na sino ang nakakaalam nang kinaroroonan niya maliban sa isa. FLASHBACK:HABANG nakapikit ang mga mata ay gising na gising ang kanyang diwa. Kagaya ng bilin ni Xander ay nanatili siya sa loob ng hospital for her bed rest. Kahit papaano ay nabawasan ang nararamdaman niyang pangamba matapos mangako ni Xander na hahanapin at ibabalik ang kanyang kambal. Hindi rin niya ma
HMH-79Bumungad kay Xander ang may kalakihang silid. Simple ngunit elegante ang ayos ng paligid. May ilan na naroon na mga kalalakihan at mga nakapornal ng kasuotan. Halos mga hindi sa kanya pamilyar ang mga ito. Nagkaroon nang ilang pagpupulong sa pagitan nang mga ito. Matapos ay nag kanya-kanyang alis. Naiwan si Xander at si Mr. Chu. Nilapitan siya ni Mr. Chu na nakapamulsa."I know what are you looking for," basag nito sa katahimikan niya.Hinarap niya ito na nag-iisip. Hindi niya matukoy kung kalaban ba ito o kakampi para sa kanya."Did you have a collaboration with Lady Queen?" diretsong tanong nito na ikinagulat ni Xander."What do you mean?" kunotnoong tanong ng binata."I know you know what I'm saying, Mr. Montero." seryosong sagot nito na bahagyang umiling. "How do you know about Lady Queen?" paniniyak ng binata. "Let say, pareho lang naman siguro tayo ng will against her. What do you think?""Did she annoy you?" "Let's say, mayroon lang naman siyang atraso na dapat hinah