HMH-63DAHIL sa layo ng byahe nina Yanna at Xander, halos manakit na rin ang kanilang buong katawan. Mabuti na lamang at tanging si Xander ang siyang nagmamaneho ng sasakyan. Nahihiya man si Yanna, ngunit hindi naman niya ito mapalitan, dahil ito na rin ang mismong tumatanggi. Dahil na rin yata sa sobrang pagod, hindi namalayan ni Yanna na nakaidlip siya habang nasa byahe sila at hinayaan naman siya ni Xander para makapag pahinga muna siya. Maging si Xander man ay hindi maiwasang mag-alala para sa mga bata. Alam niya na hindi basta-basta mag-aapura na umuwi ang dalaga kung hindi naman masyadong mahalaga. Alam niya na tungkol iyon sa mga bata. Kahit siya ay nananabik na muling makita ang mga bata. Magmula ng lihim niyang kinuhanan ng mga sample ang kambal para lang i-pa-check ay hindi na rin siya natahimik. Lalo na nang malaman niya ang naging resulta nito. FLASHBACK:MAAGA pa lamang kaysa sa usapan nila ng taong inutusan niyang magpasok ng sample sa clinic para sa test ay naroon na
HMH-64MAAGA pa lang kinabukasan nang magising ang kambal. Nagulat at nasorpresa ang mga ito nang mabungaran nila ang kanilang ina na kasalukuyang naghahanda ng kanilang breakfast. "Mommy?" Gulat na bulalas ni Natalie. Bahagya pa nitong kinusot ang mga mata na tila ba namamalikmata lang ito na nakita siya."Hmm, good morning, baby, mabuti at gising ka na. Where's your brother?" bati ni Yanna na nakangiti at nilapitan ang anak na niyakap at hinalikan. "You're really here, yey!" sabi nito nang matiyak na hindi ito namamalikmata lang. At mahigpit na yumakap ang maliliit nitong mga braso sa leeg ni Yanna. Damang-dama niya ang pananabik sa bawat yakap nito."How's my princess, hmm?" Malambing na tanong ni Yanna sa bata habang yakap ito nang mahigpit. Panay pa ang pupog ng halik nito sa kanyang pisngi."Umm, we're okay, Mommy. Thank you, you're here again. I really miss you," malambing na sagot ng bata. "Me too, baby. I really missed you and your brother," Bahagya niyang pinisil ang tun
HMH-65"HMM," unti-unting iminulat ni Yanna ang kanyang mga mata."Glad you're awake. Baka gusto mong kumain muna? Medyo mahaba pa ang byahe natin pabalik sa lungsod," pukaw sa kanya ni Xander. Umayos siya sa pagkakaupo at inilibot ang tingin sa paligid. Kasalukuyan na nakahinto ang kanilang sasakyan sa harapan ng isang kainan."Okay lang ako, don't worry. Hindi pa naman ako nagugutom," aniya at tinanggal ang kanyang seatbelt. "Anong oras na ba?" Aniya at sinulyapan ang kanyang wristwatch. Pasado alas dies na ng gabi. "Matagal ba akong nakaidlip?" Tanong niya kay Xander at pilit n'yang isinasa-isantabi ang mga narinig dito kanina. "Medyo. Mukhang sobrang pagod ka kaya siguro napahaba ang tulog mo. Anyway okay lang 'yan. Malayo pa rin naman ang byahe natin. Baka madaling araw na rin kapag dating natin sa Manila." Lumabas si Yanna ng sasakyan para maghanap ng restroom. Pumasok siya sa kainan at naiwan si Xander sa sasakyan. Pagbalik niya ay nakita niya itong nakaupo habang may ilang
HMH-66PAREHONG tahimik at walang kibuan sina Xander at Yanna habang naglalakbay. Siguro ito na nga ang panahon para naman kahit paano ay makabawi siya at ang mga magulang sa mahabang mga pagkakataon na nasayang para magkasama sana silang buong pamilya. Kailangan niyang kilalanin pa nang husto kung sino ang kanyang mga kalaban. Magagawa niya ito sa tulong na rin ng kanyang bagong nakilalang biological father. Bagamat may mga nakuha na silang impormasyon sa kung sino mang nasa likod ng mga pagtatangka sa buhay niya. Kailangan pa rin niya na makatiyak. "What are you thinking?" untag ni Xander kay Yanna sa mahabang sandali nang katahimikan sa pagitan nila. "Nothing!" Ani Yanna sabay iling. Wala naman siyang balak na maglantad nang tunay na kung sino siya sa kasama."I'm sure, na magiging masaya sila na makita ka muli. And to know na handa kang tanggapin ang mga naging rason nila kung bakit nagawa ka nilang tikisin noon na hindi makita sa mahabang panahon." Sabi ni Xander na bahagya la
HMH-67"Why are you in a hurry?" nabiglang tanong ni Xander kay Yanna matapos niyang magpaalam sa mga ito. "Is it an emergency?" "No, it's just that my friend needs me in a hurry. I'm sorry if I spoil your day. But I badly needed to see her." Ani Yanna sabay dampot ng kanyang shoulder bag. Lumapit sa mga magulang at isa-isang humalik dito bilang pamamaalam. "I'm really sorry. Maybe I will make it up to you later." "Okay. Just take care of yourself. Our enemy is still in there waiting to have their chance," paalala ng kanyang ama. "Why don't you want us to come with you?""Yes, Dad. Thanks for reminding me. Anyway, you don't need to worry about me. Hindi naman na ako baby para palaging bantayan.I can be with myself. I can take care of myself." "Yeah. But we're not sure about the other side." "Dad! Okay naman po ako. As you can see, wala naman nangyari sa akin, 'di ba?" "Sure! Sure! But make sure, Xander is with you, okay?" "Dad? No! I can manage myself alone. Saka naabala ko na
HMH-68Buo ang kumpyansa na ipinark ni Yanna ang kanyang sasakyan sa harapan ng malaking mansyon. Hindi man lang siya kakikitaan nang anumang pangamba o takot sa kabila nang katotohanan na naroon siya ngayon sa teritoryo ng kanyang mahigpit na kalaban. Wala kahit na ano mang armas sa kanyang katawan. Tanging ang kaalaman niya sa martial arts ang nag-isang taglay niya sa pagkakataong iyon. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago tuluyang bumaba sa kanyang kotse at taas ang noong lumapit na nakangiti sa guard."I'm sorry, ma'am to inter-up you, but we need to see your ID first," Salubong sa kanya ng guard na humarang sa kanyang harapan. Taas kilay na kinuha niya ang kanyang ID sa kanyang bag at inabot dito. Tinitigan pa siya nang husto ng guard habang palipat-lipat ang tingin sa kanya at sa kanyang ID."Thank you, ma'am," sabi ng guard at muling inabot sa kanya ang kanyang ID. Isang may katabaang babae naman ang lumapit sa kanya at may kasamang isang mataba at katamtamang edad
HMH - 69"YOU really impressed me, Ms. Mendez. I didn't know, na marunong ka rin pala sa martial arts. Anyway," Bumaling ito sa mga tauhang nasaktan at tinaliman ng titig ang mga ito. "Sino ang may sabi sa inyo na galawin si Ms. Mendez?" Nag kanya-kanyang yuko ng ulo ang mga tauhan at walang nakasagot ni isa sa mga ito. Lihim naman na napaismid at napailing si Yanna sa inasta ng ginang. Hindi naman siya mangmang para hindi malaman na pakana rin naman nito ang nangyari. Maswerte nga lang s'ya na hindi siya nagawang masaktan nang mga ito. Ngunit alam niya na magiging mitsa rin iyon para mas lalong maggigil at lumabas ang itinatagong galit sa kanya ng ginang. Hindi man nito masabi, ngunit ramdam niya sa paraan nang mga tingin at titig nitong may kahulugan. "Ano? Walang nakapagsalita sa inyo? David!" singhal na tawag nito.Mabilis at patakbong lumapit sa ginang ang isang may kalakihang katawan na lalaki."Ma'am!" Nakayukong sabi nito."Alisin sa harapan ko ang mga walang kwentang taong
HMH-70MALALAGKIT ang mga matang nakatitig ang maangas na lalaki kay Yanna. Ilang sandali lang at humagod naman paitaas at pababa ang mga mata nito sa kabuuan niya. Nakatalikod si Yanna rito, ngunit nakikita niya ang kilos nito sa malaking salamin sa harapan niya. Itinaas nito ang daliri at ipinatong sa baba nito at hinilot iyon. Inilabas nito ang dila at binasa ang sariling labi. Hindi naalis ang malagkit na titig nito sa dalaga. Lihim na nahugot ni Yanna ang kanyang hininga at mariing pumikit. Umusal muna siya ng taimtim na panalangin bago muling nagmulat at hinarap ang lalaki. "Pwede bang palabasin mo na ako rito? 'Di ba sinabi naman na sa 'yo na isa ako sa mga trabahador dito?" mahinahong sabi ni Yanna. Ngumisi ito at ibinaba ang kamay at mabilis na hinablot ang magkabilang braso ni Yanna. Nakagat ni Yanna ang pang ibabang labi. Medyo masakit din ang ginawang pagpisil ng lalaki sa braso niya. Gustong kumawala ng temper niya ngunit nagpigil siya. "Sa tingin mo ba malilinlang m