HMH-61"MAGANDANG araw po sa inyo, senyor," bati ng katiwala rito ng pumasok. Tumango lang ang may edad na lalaki na nakangiti bago umikot ang paningin sa paligid. Muli, mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito nang makita sina Xander at Yanna na nakatayo sa may puno ng hagdanan. Ang medyo may kasingkitang mga mata nito ay tila mas lalong nag-isang linya. Inangat nito ang palad na tila pinalalapit sila. Muling nagkatinginan ang dalawa na parehong natigilan lalo na si Xander na mas lalong lumalim ang pagkaka-kunotnoo. "May problema ba?" mahina at halos pabulong na tanong ni Yanna kay Xander nang mapansin niya ang gulat sa mukha nito. May pakiramdam siya na kilala nito ang sinasabi nilang senyor. "I can't believe it!" halos pabulong din na sagot ni Xander, ngunit sapat lang para marinig ni Yanna, habang nakatitig sa may edad ng lalaki na tinawag nilang senyor. Sa tindig at ayos nito makikitang malakas at malusog pa ito. Nagmamayabang sa tikas ang tindig nito. At mukhang kahit may e
HMH-62"TESSA is no other than Lady Queen. Siya ang nagpapatakbo ngayon ng kilalang red pentagon. Nagsimula siya sa paunti-unti mula nang ipagkatiwala ko sa kanyang ipahawak ang ilan sa mga hawak ko sa ilalim. She used her body to catch mostly of my trustees. But not all she could get. Until I discovered what was she doing behind my back. She used my money to gain more power. And if she get's more what she want, she will going to be more powerful. But I won't let that happen. Before, she was trying to kill me slowly by mixing poison in my food that's why I always feel irritated. My business partners saying that I am not capable to hold my position because of my unwell condition. And Tessa grab that opportunity to be in my back and later, she's making her own hole inside my own.I first met her in a pageant. I just made her my mistress but after a month, she declared that she was pregnant. I am surprised as I know that she is using contraceptive and I too, but she threatened me to ki
HMH-63DAHIL sa layo ng byahe nina Yanna at Xander, halos manakit na rin ang kanilang buong katawan. Mabuti na lamang at tanging si Xander ang siyang nagmamaneho ng sasakyan. Nahihiya man si Yanna, ngunit hindi naman niya ito mapalitan, dahil ito na rin ang mismong tumatanggi. Dahil na rin yata sa sobrang pagod, hindi namalayan ni Yanna na nakaidlip siya habang nasa byahe sila at hinayaan naman siya ni Xander para makapag pahinga muna siya. Maging si Xander man ay hindi maiwasang mag-alala para sa mga bata. Alam niya na hindi basta-basta mag-aapura na umuwi ang dalaga kung hindi naman masyadong mahalaga. Alam niya na tungkol iyon sa mga bata. Kahit siya ay nananabik na muling makita ang mga bata. Magmula ng lihim niyang kinuhanan ng mga sample ang kambal para lang i-pa-check ay hindi na rin siya natahimik. Lalo na nang malaman niya ang naging resulta nito. FLASHBACK:MAAGA pa lamang kaysa sa usapan nila ng taong inutusan niyang magpasok ng sample sa clinic para sa test ay naroon na
HMH-64MAAGA pa lang kinabukasan nang magising ang kambal. Nagulat at nasorpresa ang mga ito nang mabungaran nila ang kanilang ina na kasalukuyang naghahanda ng kanilang breakfast. "Mommy?" Gulat na bulalas ni Natalie. Bahagya pa nitong kinusot ang mga mata na tila ba namamalikmata lang ito na nakita siya."Hmm, good morning, baby, mabuti at gising ka na. Where's your brother?" bati ni Yanna na nakangiti at nilapitan ang anak na niyakap at hinalikan. "You're really here, yey!" sabi nito nang matiyak na hindi ito namamalikmata lang. At mahigpit na yumakap ang maliliit nitong mga braso sa leeg ni Yanna. Damang-dama niya ang pananabik sa bawat yakap nito."How's my princess, hmm?" Malambing na tanong ni Yanna sa bata habang yakap ito nang mahigpit. Panay pa ang pupog ng halik nito sa kanyang pisngi."Umm, we're okay, Mommy. Thank you, you're here again. I really miss you," malambing na sagot ng bata. "Me too, baby. I really missed you and your brother," Bahagya niyang pinisil ang tun
HMH-65"HMM," unti-unting iminulat ni Yanna ang kanyang mga mata."Glad you're awake. Baka gusto mong kumain muna? Medyo mahaba pa ang byahe natin pabalik sa lungsod," pukaw sa kanya ni Xander. Umayos siya sa pagkakaupo at inilibot ang tingin sa paligid. Kasalukuyan na nakahinto ang kanilang sasakyan sa harapan ng isang kainan."Okay lang ako, don't worry. Hindi pa naman ako nagugutom," aniya at tinanggal ang kanyang seatbelt. "Anong oras na ba?" Aniya at sinulyapan ang kanyang wristwatch. Pasado alas dies na ng gabi. "Matagal ba akong nakaidlip?" Tanong niya kay Xander at pilit n'yang isinasa-isantabi ang mga narinig dito kanina. "Medyo. Mukhang sobrang pagod ka kaya siguro napahaba ang tulog mo. Anyway okay lang 'yan. Malayo pa rin naman ang byahe natin. Baka madaling araw na rin kapag dating natin sa Manila." Lumabas si Yanna ng sasakyan para maghanap ng restroom. Pumasok siya sa kainan at naiwan si Xander sa sasakyan. Pagbalik niya ay nakita niya itong nakaupo habang may ilang
HMH-66PAREHONG tahimik at walang kibuan sina Xander at Yanna habang naglalakbay. Siguro ito na nga ang panahon para naman kahit paano ay makabawi siya at ang mga magulang sa mahabang mga pagkakataon na nasayang para magkasama sana silang buong pamilya. Kailangan niyang kilalanin pa nang husto kung sino ang kanyang mga kalaban. Magagawa niya ito sa tulong na rin ng kanyang bagong nakilalang biological father. Bagamat may mga nakuha na silang impormasyon sa kung sino mang nasa likod ng mga pagtatangka sa buhay niya. Kailangan pa rin niya na makatiyak. "What are you thinking?" untag ni Xander kay Yanna sa mahabang sandali nang katahimikan sa pagitan nila. "Nothing!" Ani Yanna sabay iling. Wala naman siyang balak na maglantad nang tunay na kung sino siya sa kasama."I'm sure, na magiging masaya sila na makita ka muli. And to know na handa kang tanggapin ang mga naging rason nila kung bakit nagawa ka nilang tikisin noon na hindi makita sa mahabang panahon." Sabi ni Xander na bahagya la
HMH-67"Why are you in a hurry?" nabiglang tanong ni Xander kay Yanna matapos niyang magpaalam sa mga ito. "Is it an emergency?" "No, it's just that my friend needs me in a hurry. I'm sorry if I spoil your day. But I badly needed to see her." Ani Yanna sabay dampot ng kanyang shoulder bag. Lumapit sa mga magulang at isa-isang humalik dito bilang pamamaalam. "I'm really sorry. Maybe I will make it up to you later." "Okay. Just take care of yourself. Our enemy is still in there waiting to have their chance," paalala ng kanyang ama. "Why don't you want us to come with you?""Yes, Dad. Thanks for reminding me. Anyway, you don't need to worry about me. Hindi naman na ako baby para palaging bantayan.I can be with myself. I can take care of myself." "Yeah. But we're not sure about the other side." "Dad! Okay naman po ako. As you can see, wala naman nangyari sa akin, 'di ba?" "Sure! Sure! But make sure, Xander is with you, okay?" "Dad? No! I can manage myself alone. Saka naabala ko na
HMH-68Buo ang kumpyansa na ipinark ni Yanna ang kanyang sasakyan sa harapan ng malaking mansyon. Hindi man lang siya kakikitaan nang anumang pangamba o takot sa kabila nang katotohanan na naroon siya ngayon sa teritoryo ng kanyang mahigpit na kalaban. Wala kahit na ano mang armas sa kanyang katawan. Tanging ang kaalaman niya sa martial arts ang nag-isang taglay niya sa pagkakataong iyon. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago tuluyang bumaba sa kanyang kotse at taas ang noong lumapit na nakangiti sa guard."I'm sorry, ma'am to inter-up you, but we need to see your ID first," Salubong sa kanya ng guard na humarang sa kanyang harapan. Taas kilay na kinuha niya ang kanyang ID sa kanyang bag at inabot dito. Tinitigan pa siya nang husto ng guard habang palipat-lipat ang tingin sa kanya at sa kanyang ID."Thank you, ma'am," sabi ng guard at muling inabot sa kanya ang kanyang ID. Isang may katabaang babae naman ang lumapit sa kanya at may kasamang isang mataba at katamtamang edad
HMH-87MULA sa kanyang kinatatayuan, tanaw ni Yanna ang kabuuan ng lungsod. Mataas na mga gusali at parke. Para sa kanya napaka-perfect na nang lugar na iyon. Masuyong dumadampi sa kanya ang mahalina, malamig at sariwang hangin. Kasabay na sumasayaw ang mga dahon at puno sa ihip nito ganundin ang mga huni ng mga ibon sa paligid. Tanaw niya ang lagaslas ng tubig na nasa talon sa ibaba at ang malinaw na daloy ng tubig nito. Masasabi niya na kagaya ng paligid niya, nakamtam niya ang kapayapaan at katahimikan na hinahanap niya. Mula sa kanyang harapan, natatanaw rin niya ang nalalapit na paglubog ng araw na kay gandang pagmasdan."Malamig rito, hindi ka pa ba papasok?" tinig ni Xander mula sa kanyang likuran. Lumapit ito sa kanya at mula sa kanyang likuran ay hinapit siya nito palapit sa malapad nitong katawan.Masuyong isinandig ni Yanna ang kanyang ulo sa malapad nitong dibdib at ikinulong sa kanyang palad ang palad nitong nasa kanyang sikmura.Kasalukuyan silang nasa isang isla na pa
HMH-86"I can't believe it. Sa dami ng mga pangit na napagdaanan ko noon, I never imagine, na mabubuo ko pa pala muli ang pamilya ko na akala ko matagal nang wala sa akin," madamdaming ani Yanna. Kasalukuyan silang nakahiga ni Xander. Relax at kampante siyang nakahiga habang nakaunan sa malapad na dibdib ng lalaki. Panay ang himas nito sa kanyang mahaba at malambot na buhok habang dinadampian ng pinong halik at inaamoy."Are you happy now?" anas ni Xander at masuyong hinaplos ang kanyang balikat."I can't measure how happy I am at this moment. Masaya ako na napanagot na ang mga taong may kasalanan sa pagkamatay ng mga kinilala kong mga magulang. Atlast, matatahimik na rin sila kung saan man sila naroroon." "I'm sure nagagalak sila sa magagandang bagay na nangyayari ngayon," "Yeah!" Itinaas niya ang kanyang mukha upang tingnan ang binata, "Thank you!" "Basta para sa 'yo at sa mga anak natin, always akong narito. I love you," anas nito at dinampian ng masuyong halik ang kanyang noo.
HMH-85Habang nasa loob ng banyo si Xander, sinamantala ni Yanna ang pagkakataon na tingnan ang paligid ng silid. Nilapitan niya ang mesa na nasa bandang gilid at pinagmasdan ang mga larawan na naroon. Umagaw rin ng oansin sa kanya ang isag maliit ba box na nasa ibabaw. Curious na kinuha niya iyon at binuksan. Napangiti siya nang makita na isa iyong napakaganda at napaka-eleganteng singsing na may pusong bato na diamond.Dala ng kapilyahan, sinubukan niya iyong isuot sa kanyang palasingsingan at nagulat siya na makitang kasya iyon sa daliri niya. Hindi pa siya nakuntento at sinubukan niyang buksan ang ilang drawer na naroon. Matapos ay ang closet naman nito ang kanyang tiningnan. Kunotnoong napaisip siya, dahil mangilan-ngilan lamang ang mga gamit nito na naroon. Natuon ang pansin niya sa drawer nito. Ewan ba at kung anong kapilyahan ang pumasok sa isip niya at na-curious siyang makita kung pati ba ang mga underwear nito ay iilan rin. Binuksan niya iyon at tiningnan. Taliwas sa in
HMH-84"OH MY GOD! What happened to me last night? Why am I here?" Nailibot niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan. Simple ang ayos ng silid at nakahiga siya sa malaki at malambot na kama. Kulay gray ang kulay nito at may malaking chandelier sa pinakagitna ng ceiling. Naroon din ang amoy ng lavander na ginamit na air freshener. Bumangon siya sa kinahihigaan, ngunit gan'on na lang ang gulat niya nang makitang iba ang kanyang damit na suot. Isang malapad at malaking tshirt na kulay asul at halos hanggang sa kalahati ng kanyang hita ang abot ng tabas na ikinalabas ng kanyang mabibilog at mapuputing hita. At ang nakapag pahigit ng kanyang hininga ay nalaman niyang wala siyang suot na bra at ang kanyang pang-ibaba ay 'brief?' "Oh my God! Sino ang nagbihis sa akin? Why I am wearing this?" Shock sa sariling tanong niya at mabilis na tumayo. Akmang palapit na siya sa pinto ng silid para maghanap ng tao nang biglang bumukas iyon at nagulat siya sa taong nasa harapan. Bit
HMH-83"You are preoccupied with something. Care to share?" tanong ng kanyang kaibigan na si Trish na lumapit sa kanya. "I'm just wondering how my kid's say that Xander is their father? I am really surprised!" naguluhan at napaisip si Yanna sa isiping alam niya na anak ito ng kanyang biological father na si Sam. Which means na magkapatid pa rin sila at mali na maging ama ito ng mga anak niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa sala habang ang iba ay abala sa hardin at nagpa-party. Pinili niyang mapag-isa muna para makapag isip. Mula kanina, matapos ang mga nangyari, hindi pa rin bumabalik si Xander mula ng umalis ito na tila na nag aapura. "Yeah, even for me it was a surprise." ayon ng kaibigan."Just like the way you all surprised me," pairap na tugon ni Yanna rito.Natawa ito, "Yeah, sorry! Please forgive me. It was just to make sure that you are safe," sagot nito na naiilang."How's that? You all guys act excellently." Naiiling na sagot niya."Oh, We don't have bad intentions, look w
HMH-82Mabilis at malalaki ang mga hakbang na tinakbo ni Xander ang kinaroroonan ni Nathaniel. Wala siyang pakialam sa mga bantay na nakaharang at nasa kanyang daraanan. Buong lakas na itinulak niya ang mga ito. Sa pagkakataong iyon, hindi niya inisip ang panganib para sa kanyang sarili, kundi ang kagustuhan na masagip sa bingit ng panganib ang bata. Walang nagawa ang dami ng bantay na naroon para harangin ang lalaki. Buong lakas na itinulak niya sa gilid ang bantay sa batang lalaki kaya nawalan ito ng balanse at nalaglag. Dahilan para mas lalo nitong nabitawan ang lubid na nakatali sa katawan ng bata at mas mabilis na bumulusok ito pababa. Tinalon ni Xander ang natitirang pagitan bago pa man tuluyang maubos ang rolyo ng lubid. Maswerte na nahawakan niya ang lubid at makailang beses na ipinulupot iyon sa kanyang kamay upang masiguro na hindi iyon mabibitawan. Pigil ang hininga na napapikit siya. Nagawa niyang mapigil ang sanay pagbagsak ng katawan ni Nathaniel. Ngunit hindi pa man
HMH-81"Ms. Tessa Castro, also known as Lady Queen. Sa ngalan ng pagpapatupad ng batas. Kung nasaan ka man, mangyaring magpakita ka at harapin ang mga reklamo laban sa 'yo. Malaya kang manahimik at kumuha ng sariling tagapagtanggol mo." sabi ng isang officer na may hawak na arrest warrant para sa ginang at may mga kasunod pang mga pulis. "No! Kung inaakala n'yo na mahuhuli n'yo ako, malaking pagkakamali. Sana inisip n'yo muna ang mga mangyayari bago kayo pumunta rito. Ano na, Ms. Mendez? Hindi ba malinaw na kabilin-bilinan ko sa 'yo na walang ibang makaka-alam nang pagpunta mo rito? Alam mo na kung ano ang pwedeng mangyari, hindi ba? Pero sinuway mo pa rin ako! Masama akong magalit at hindi ako marunong magbigay ng chances, alam mo 'yan. Ano at narito ang mga gungong na alagad na 'yan?" galit na tinig nito mula sa speaker."No! Walang may alam na nagpunta ako rito. Hindi ko rin alam kung paano nila nalaman itong lugar na ito. Maawa ka, ibigay mo sa akin ang mga anak ko! Sabihin mo ku
HMH-80"OH MY GOD!" halos pakiramdam ni Yanna ay nanlalaki ang kanyang ulo at nananayo ang kanyang mga balahibo sa buong katawan. Daig pa niya ang namatanda sa kanyang itsura matapos makita ang tinutukoy nang nagsasalita sa speaker."Natalie?" halos hindi niya maikilos ang kanyang katawan. Pakiramdam niya ay namamanhid iyon habang tila para siyang mauupos na kandila. Subalit, bago pa man siya panghinaan ng loob at mawala sa kanyang sariling komposyur ay kaagad niyang kinontrol ang sarili at mabalik sa realidad. Alam niya na wala siyang ibang maaasahan sa pagkakataong iyon. Nag iisa siya nang pumunta doon at walang kahit na sino ang nakakaalam nang kinaroroonan niya maliban sa isa. FLASHBACK:HABANG nakapikit ang mga mata ay gising na gising ang kanyang diwa. Kagaya ng bilin ni Xander ay nanatili siya sa loob ng hospital for her bed rest. Kahit papaano ay nabawasan ang nararamdaman niyang pangamba matapos mangako ni Xander na hahanapin at ibabalik ang kanyang kambal. Hindi rin niya ma
HMH-79Bumungad kay Xander ang may kalakihang silid. Simple ngunit elegante ang ayos ng paligid. May ilan na naroon na mga kalalakihan at mga nakapornal ng kasuotan. Halos mga hindi sa kanya pamilyar ang mga ito. Nagkaroon nang ilang pagpupulong sa pagitan nang mga ito. Matapos ay nag kanya-kanyang alis. Naiwan si Xander at si Mr. Chu. Nilapitan siya ni Mr. Chu na nakapamulsa."I know what are you looking for," basag nito sa katahimikan niya.Hinarap niya ito na nag-iisip. Hindi niya matukoy kung kalaban ba ito o kakampi para sa kanya."Did you have a collaboration with Lady Queen?" diretsong tanong nito na ikinagulat ni Xander."What do you mean?" kunotnoong tanong ng binata."I know you know what I'm saying, Mr. Montero." seryosong sagot nito na bahagyang umiling. "How do you know about Lady Queen?" paniniyak ng binata. "Let say, pareho lang naman siguro tayo ng will against her. What do you think?""Did she annoy you?" "Let's say, mayroon lang naman siyang atraso na dapat hinah