"Ruby," tawag sa 'kin ni Alvin, isa siya sa mga trabaho ko at isa rin siyang spy agent at kasalukuyan kaming nandito ngayon sa base."Yes?" baling ko sa kanya habang nakaupo ako at abalang tinitingnan ang nakakalat na mga pictures ng Solevan sa ibabaw ng lamesa."Hanggang ngayon ipinaglalaban mo pa rin ang justice para sa namayapa mong ama, 'di ka talaga sumusuko," saad niya na ikinatigil ko at tiningnan ko siya ng blangkong ekspresyon."Walang rason para sumuko, Alvin. Nandito na 'ko, unti-unti na 'ko nakakapasok sa buhay ng mga Soleven, ngayon pa ba ko titigil?" saad ko at sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo ito sa silyang katapat ko."All of us here are concerned about you, at alam naman namin ang pinagdaanan niyong mga pagsubok na magkakapatid," saad niya at kita naman ang sinseridad sa kanya."Alam niyo naman pala, pero bakit isa ka sa mga pumipigil sa 'king gawin 'to? I already told you na sumugal na 'ko, wala na 'tong atrasan pa," buo ang loob kong saad at saka muli k
Kalalabas ko lang ng elevator para sana tumungo sa condo ko nang makasalubong ko si Harley na kalalabas lang mula sa unit niya. Nakasuot ito ng white jacket hoody at black pants at agad itong huminto nang makita ako."Ruby," bati niya sa 'kin at agad ko naman siyang nginitian at nilapitan."Ano, kamusta? Ayos ka na ba?" tanong ko at nag-iwas lang siya ng tingin at klaseng ayaw niyang pagusapan ang tungkol sa nangyari."Yeah, I'm okay. I have to go," sagot niya na parang gusto niya 'kong iwasan. Ano kayang nangyari sa naging pag-uusap nila ni Stefan kagabi?"Wait," pigil ko sa kanya kaya napahinto siyang muli at nilingon ako."You look in a rush, do you want to have some coffee with me first?" anyaya ko at kita ko ang pagdadalawang isip niya."Uhm... honestly, I really want to but... I realized I have to keep my distance from you," saad niya na ikinabigla ko kaya salubong ang kilay kong tiningnan siya."May problema ba?" tanong ko ngunit napayuko lang siya kaya mas lumapit ako at hinaw
"Oooh... what a sudden question," saad ko at mapaklang tumawa, hindi ko inaasahan ang naging tanong niya."I just want to know, para worth it naman kung sakaling ipaglaban kita at isa iyung malaking premyo para sa 'kin," saad niya na mas lalong ikinaawang ng bibig ko.This man makes me... caught off guard.Pero agad ko ding iniwasto ang sarili ko at sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ko."Segurista ka pala," saad ko at tumungo ako sa dining table at itinukod ko sa ibabaw nito ang kaliwa kong kamay na walang sugat at saka ko siya pinakatitigang mabuti."Of course, mahirap naman sumugal kung hindi worth it ang mapapanalunan at isa pa hindi ko ugaling kumuha ng second hand lalo na kung alam kong magiging gamitin ko siya nang pangmatagalan," makahulugan niyang sambit kaya napahugis O ang bibig ko bilang reaksyon.Natawa tuloy ako sa isipin na madali ko lang siyang mapapaikot sa mga kamay ko. Mukang nagkamali ako. Naalala kong matalino nga rin pala ang isang 'to."What if, sabihin kong
Matapos naming mananghalian nang sabay ni Harley ay nagpaalam na rin ito dahil mayroon pa raw siyang importanteng gagawin.Kasalukuyan akong nakahiga sa ibabaw ng malambot kong kama habang may yapos na unan, tulala lang ako sa itaas ng kisame.Naalala ko ang nabanggit ni Harley kanina na isa siyang hacker, and it gave me a worry na baka anytime malaman nito ang tunay kong trabaho. Hindi kasi malabo dahil mukang kasing IQ niya si Dana na talaga naman nakakapagaalala.Napabangon ako mula sa pagkakahiga at ginulo ko ang buhok ko dahil bigla akong na-stress! Imbyerna! Nababasa niya agad kapag hindi totoo ang sinasabi ko."Mukang mali ata akong siya ang gamitin," saad ko sa sarili at pinagsisisihan kong inaya ko pa siyang mag-kape kanina. Ako pa ngayon tuloy ang nakuhaan ng impormasyon, tiwala ka kasi sa maamong mukha ni Harley! You're reckless, Ruby!Napabaling ang tingin ko sa phone ko nang tumunog ito kaya agad kong kinuha sa ibabaw ng side table agad kong sinagot."Hello, Ruby!" tawag s
Kinabukasan, nagising ako sa sunud-sunod na pagtunog ng door bell mula sa labas kaya agad akong bumangon at pupungas-pungas na tumungo sa pinto. Tiningnan ko sa intercom kung sino ito at ganu'n na lang ang pagkabigla ko nang makita si Charley sa labas. Anong oras na ba? Ang aga naman niyang mambulabog.Pagtingin ko sa wall clock ay alas nuwebe pasado na pala ng umaga, sh*t! Napahaba ang tulog ko."Hello Charley, good morning! Pakihintay lang ako sandali," saad ko sa kanya sa voice ng intercom at dali-dali na 'kong tumungo sa banyo.Agad akong nag-hilamos at nag-toothbrush. Nang matapos ay tumungo ako sa closet at naghanap ng susuotin dahil naka-silk dress lang ako na ubod ng nipis, at kahit hindi na silipin ay kitang-kita na ang aking n*pple.Tshirt at shorts lang ang napili ko at dali-dali akong nag-bihis, inayos ko lang ang buhok ko para mag-mukha naman akong fresh in the morning kahit walang make up.Nang okay na ay bumalik na 'ko sa pinto at agad itong binuksan, bumungad sa 'kin a
Kita kong may bumakas na kung ano sa mga mata niya, bakit nahihirapan akong basahin siya? Parang may pader sa pagitan naming hindi ko mawari.This is strange, I'm Ruby Red Mandelly, ang makamandag na si Red Lips ng under SoC. Pumapalya? This is unacceptable."So, masama ang loob mo sa 'kin?" tanong niya na ikinasalubong ng dalawang kilay ko.Kailan pa naging mahalaga ang nararamdaman ko? He's acting strange. Baka naman... nahuhumaling na rin siya sa alindog ko?? Ayaw niya lang aminin sa 'kin at sa sarili niya? Pero kung sakaling tama ang hinala ko, this is very f*cking good news!"Stop asking as if you're concern," saad ko sabay irap dito."I'm not concerned, wala kong pakialam sa 'yo pero sa ama at kapatid ko meron, I'm here to offer you a huge amount na p'wedeng-p'wede ka nang humiga sa salapi buong buhay mo. So, name your price and stay out of our lives," saad nito sa malamig niyang tinig na ikinabigla ko.Pero saglit lang at agad akong bumalik sa sarili at nginisihan siya, ang aka
"From bed to door? Nasa kama na kayo nakarating pa kayo rito sa pinto? Halatang nagsisinungaling ka, kami ni Dad hindi pa nakakahalik kay Ruby, ikaw pa kaya?" sarkastikong saad ni Harley.Tumayo na si Stefan mula sa pagkakaupo ngunit ang tingin niya ay nasa 'kin pa rin."This gold digger did not allow you to kiss her? Oh, that's strange," saad nito sabay ngumisi."So, answer me. What are you doing here Kuya? Why did you hurt Ruby?" tanong ni Harley buhat ng blangko niyang ekspresyon."Do you believe what she said? Me? Being violent? Come on!" pagtanggi ni Stefan kaya sinamaan ko siya ng tingin.B*stos na nga, sinungaling pa."You can't deny it, I know when she's telling the truth or she's lying," giit pa ni Harley sa pag-akusa sa kanyang kapatid."Fine, I'm just carried away by my emotions dahil ang galing mang-asar ng babaeng 'to kaya nasagad niya ang pasensya ko. But at the same time, she amazed me," pag-amin ni Stefan ngunit ang mga mata niya ay hindi niya iniaalis sa 'kin at kita
Matapos nang naging paguusap namin ni Harley hindi pa ulit kami nagpapangita tatlong araw na ang nakakalipas, marahil busy na ito kagaya ni Dana na halos hindi na napupuknat sa harap ng laptop dahil pinapanatili niya ang seguridad ng team. Hindi p'wedeng maging panatag dahil maraming buhay ang nakataya.Ang grupo ng Felonious ang isa sa nagpapasakit ng ulo naming lahat sa TUSS (The Underground Secret Society) na siya namang kinabibilangan ko. Kami ang pumalit sa mga magulang naming noon ay mga undercover din ngunit ang kaibihan lang, sila ay government police officer, kami hindi. Well trained lang kami pero wala kaming hayagang propesyon kaya hindi rin madali sa kanila ang tukuyin kung sinu-sino kami sa organization na kinasasalihan naming magkakapatid at sa madaling salita, nananatiling lihim lang ang lahat.Pero iba na ngayon dahil may isa nang nakakaalam nang tungkol sa 'kin, iyun ay si Harley. Kaya hindi ako p'wedeng mawalan ng kontrol sa kanya dahil anumang oras, hindi imposible
Kasalukuyan kaming nagtatawanan kasama sina Stefan, Mike at Mama. Narito kami sa malawak na hardin ng bahay namin ni Stefan, dito niya na 'ko itinira dahil gusto niya raw na dito kami bumuo ng bagong version ng pamilyang Solevan.Isang linggo na lang ay kabuwanan ko na, balak na naming magpakasal kapag lumabas na si Stefanie, yes babae ang gender nito at si Stefan ang nagpangalan sa baby namin dahil gusto niya raw ay kasunod ng pangalan niya.Ngayon pa lang kita nang lalaki itong spoiled brat kagaya na lang ng Daddy niya dahil grabe itong si Stefan kung ibigay ang lahat ng gusto ko, kahit nga hindi na kailangan bili lang ito ng bili paano pa kaya sa paglabas ng aming munting supling?Masaya sa pakiramdam ngunit parang mayroon pa rin kulang, hindi ko mawari kung ano ba? Dumako naman ang tingin sa 'kin ni Stefan nang mapansin niya ang pananahimik ko."May problema ba?" tanong niya."Wala naman, naalala ko lang ang mga nangyaring trahedya sa buhay natin at kung paano tayo nagkakilala," sa
Magkahawak kamay kaming nakatayo ni Stefan sa tapat ng pinto ng bahay, sa loob ay naghihintay na sina Mama at Mike.Mom already knows about me and Stefan at alam niya na rin na buntis ako, kinakabahan man pero nandito na kami, wala nang atrasan pa. Humugot muna ako ng malalim at saka tumingin kay Stefan na parang hindi man lang kinakabahan, kaya napasimangot ako kasabay ng mahinang paghampas sa braso niya kaya napabaling siya sa 'kin at nangunot ang noo."What?" tanong niya."Hindi ka man lang ba nakakaramdam ng kaba dahil makakaharap mo na si Mama? Hindi ka ba natatakot sa mga sasabihin niya?" alinsunod kong tanong ngunit ngumiti lang ito."Ano namang ikakatakot ko sa Mama mo? Meron ba dapat?" pa-inosenteng tanong niya kaya pabiro ko lang siyang inirapan."Halika na nga!" yakag ko na sa kanya at umangkla sa braso niya.Pagpasok namin ng pinto ay tumungo kami agad sa living room at nakita ko sina Mike at Mama na mukang kanina pa nga naghihintay sa 'min."Ma," tawag ko sa aking ina ka
STEFAN'S POV (2)~"Mr. Harley Solevan, you are now arrested with multiple murdered crimes including the case of Marietta Solevan and Trisan Andalia and we have lots of evidence against you," saad ng isang alagad ng batas habang pinoposasan si Harley.I let them arrest him, kasalukuyan kaming naririto sa living room ng bahay ko. Yes, sa sarili kong bahay, I have my own property which I bought a long time ago."Sir Stefan may ilang katanungan lang po kami sa inyo," pukaw sa 'kin ng isang pulis mula sa likuran ko habang habol ko ng tingin ang nakaposas na si Harley, wala na itong kibo at nakatingin na lang sa kawalan.Tuluyan na nga itong nawala sa paningin ko nang ilabas siya ng mga kapulisan at saka ako bumaling sa nagsalita kanina."Yes, go on. I will answer all your questions," saad ko at naupo kami sa sofa habang may hawak itong notebook."Ah, Sir bakit po tumagal ng ilang taon bago niyo isiniwalat ang katiwalian at masamang gawain ng ama at kapatid niyo? Bakit niyo biglang napagdesi
STEFAN'S POV~"KUYA! WHY ARE YOU DOING THIS TO US?! HINDI BA DAPAT KAKAMPI KA? BAKIT MAS PINILI MO ANG BABAENG 'YON!?" puno ng pagkauyam na sigaw ni Harley na halos ikalabas na ng ugat niya sa leeg habang nakatali siya ngayon dito sa basement ko. Pulang-pula ang mga mata niya, mukang high pa nga ata ang g*go bukod sa sira na talaga ang ulo nito lalo pang nasisiraan"Sininghot mo ba lahat ng cocaine na dapat ay i-de-deliver mo sa buyer niyo ni Dad?" may pangaasar kong tanong sabay ngisi.Hindi ko na pinansin ang sinabi niya habang pinupunasan ang ubod ng talas na kutsilyong hawak ko at ipinatanong ko sa lamesa sunod naman ay ang baril na matagal-tagal ko nang hindi nagagamit."A-Anong gagawin mo sa mga 'yan? Are you going to shoot me? Stab me? Gaya ng gusto ni Ruby na gawin mo??" kabadong tanong niya habang pinapanuod ako sa ginagawa ko."Mali ka, ni isa sa 'ming dalawa walang may gusto dungisan ang mga kamay namin pero dahil sumusobra ka na at pati ang magiging anak ko malalagay pa sa
"When I see that f*cker, ako mismo ang papatay sa kanyang g*go siya! Kung hindi lang buntis—" hinila ko bigla ang tainga niya na ikinangiwi niya sabay pinanlakihan siya ng mata kaya hindi niya natapos ang sanang sasabihin niya."Sinong buntis?" puno ng kuryosidad na tanong ni Sabri kaya mas pinanlakihan ko siya ng mata."Iyung aso ko!" pagbubulaan na lang nito ngunit asar pa rin akong tiningnan siya."I'm glad you're safe," saad ni Stefan mula sa likuran ko sabay himas niya sa tiyan ko ngunit nangunot ang noo niya."What are these?" takang tanong niya sabay angat ng damit ko at nakita niya ang hilerang patalim na nakapalibot sa baywang ko.Kita ko ang pagdilim ng mukha niya, at pag-igiting ng panga niya dahil siguro nasa isip niyang naiipit ang tiyan ko idagdag pa na puro patalim lahat ng nandito. Nakagat ko bigla ang ibabang labi ko at kabadong sinalubong ang mga tingin niya."You will explain this after we get home," bulong niya sa tapat ng tainga ko habang siya na ang nagtatanggal n
"Actually, kalalabas ko lang from hospital at kahapon ko lang nalaman nang pagkagising ko sinabi ni Stefan that I'm pregnant with his child," pagtatapat ko na ikinabigla rin ni Mike sabay kinuha ang braso ko at tiningnan kung ayos lang ba 'ko."Why didn't you tell me? Sana napuntahan kita! You passed out? Kaya ka niya dinala sa ospital? What happened before the incident?" sunud-sunod niyang tanong na bakas ang labis niyang pagaalala."You wouldn't believe what I have done, I confronted Harley while he was with his girl named Misha, I tried to stab him in the eye, thanks to Stefan, he stopped me," paglalahad ko kaya bigla niyang natampal ang sariling noo."Kaya nalaman na ni Harley at Charley ngayon ang totoo na may alam ka simula umpisa pa lang? Sigurado akong nag-iimbestiga na sila ngayon at pilit tayong ipinahahanap para lang patahimikin," seryosong saad ni Mike na ikinatango ko."Kaya pauwiin mo na si Mama dahil mainit ang sitwasyon sa labas, Solevan is looking for us now," utos ko
Pagbukas ng pinto ni Mike ay nagulat pa ito nang makita niyang bitbit ko ang dalawa kong naglalakihang maleta, nagdesisyon kami ni Stefan na umalis na 'ko sa poder nila dahil delikado gayong alam na nina Charley at Harley na may alam na ako.Siguradong alam na rin ni Charley na anak ako ni Trisan Andalia kung ako lang hindi ako aalis doon at haharapin ko sila matira na lang ang matibay, ang kaso... may batang kailangan kong pangalagaan.Bakit ngayon ka pa kasi nabuo nak? P'wede namang sa susunod na buwan na lang o hindi kaya next year? Bakit ngayon pa? Wala sa loob kong napahipo sa flat kong tiyan, hindi pa ito halata lalo na't slim ako."Anong nangyari?? Alsa balutan agad? Tapos na ba ang misyon mo sa bahay ng Solevan?" alinsunod na tanong nito ngunit pumasok muna ako at sa kanya ko pinabitbit ang mabibigat kong maleta."Pagpahingahin mo muna ako, I'm so tired," saad ko sabay malayang naupo sa sofa ng living room at ipinatong ko ang dalawang braso sa sandalan."Mukang kagagaling mo la
"Calm yourself Ruby, I will handle everything for you. Just relax and breathe," bulong sa 'kin ni Stefan habang nakatapat ang bibig niya sa tainga ko upang pakalmahin ako.Parang nagsilbi itong pampa-antok at hanggang sa parang nawawalan ako ng lakas kasabay ng pagbigat ng dalawang talukap ng mga mata ko. Hawak pa rin ni Stefan ang isa kong pulsuhan habang yakap ako. Unti-unting dumidilim ang paligid, bumibigat din ang katawan ko. Parang pagod na pagod ako at sa hindi malamang dahilan nahihilo rin ako hanggang sa maramdaman ko na lang na sinalo ako ni Stefan ng kanyang dalawang bisig."Ruby!" tanging iyun na lang ang narinig ko at nawalan na 'ko ng malay at ulirat sa paligid...---NAGISING ako na masakit ang bandang puson ko, at nahihilo pa rin, what is happening to me? Medyo kulabo ang paningin ko habang may nakasaksak na dextrose sa kamay ko.Bakit may ganitong nakakabit sa 'kin? I'm in the hospital?!"Don't move," utos ni Stefan sa ma-autoridad niyang boses at bakit muka pa rin
Sabay-sabay kaming kumakain ng umagahan, tahimik at walang may balak na magsalita ngunit ramdam bigat ang paligid.Isa-isa ko silang inobserbahan, si Stefan na patuloy lang sa marahang pagkain na parang walang pakialam sa paligid niya at si Charley naman panaka-nakang sumusulyap lang sa dalawa niyang anak habang kumakain din at si Harley na malagkit ang tinging binibigay sa servant na si Misha o mas tamang tawaging nobya niya.Lumihis na lang ako ng tingin nang dumako ang tingin sa 'kin ni Charley nang mapansin niyang gumagala ang mata ko kaya napainom tuloy ako bigla ng tubig kasabay nang biglang pagtikhim niya na tila naalibadbaran kaya bahagyang tumaas ang isa kong kilay.Ngayon biglang sumagi ulit sa isip ko ang naging mainit nilang usapan ni Stefan kagabi nang mabanggit nila ang pangalan ng ama ko, biglang humigpit ang hawak ko sa kubyertos at sa baso sabay pailalim na tiningnan si Harley.Masiyado akong na-occupied sa nalaman kong nangyari sa ina ni Stefan, kaya ito ang magdamag