“Hindi ba sinundan mo si El Sandra kagabi? Anong nangyari, Akemi?”Napangisi ako nang maalala ang mga nangyari kagabi. The distraught of El Sandra’s face was so priceless. Hindi ko inasahan na matatakot ko siya ng ganoon kalubha.“As usual, I won again. I scared El Sandra that made her trembled in her whole life,” deklara ko na may ngisi ng tagumpay sa aking labi.“Ibig mong sabihin... ginawa mo rin sa kanya ang pananakot na ginawa niya sa 'yo noon?”“You got it right, Michaela!” I snapped.Lumaki ang mga mata ni Michaela dahil sa gulat. Tumayo siya at itinukod ang mga kamay sa lamesa ko at yumuko nang bahagya. “Nagawa mo 'yon sa kanya?”Ibinababa ko ang papel na binabasa bago pa siya pumasok sa opisina ko at mariin siyang tiningnan. Humilig ako sa swivel chair at marahan na dinuyan ang sarili. Mas lumawak pa ang ngisi sa aking labi tuwing sumasaglit sa aking isipan ang hitsura ni El Sandra kagabi.“Of course. She deserved it, Michaela.”May mangha sa kanyang mukha bago wala sa saril
Two weeks had passed by after that meeting. Nagkaroon ng one week vacation ang buong LEC because of the Christmas and New Year celebration. Dahilan para ma-delay ang project at ang meeting sana last week.I spent my vacation at my condo with Michaela and Marl, of course. Nagkaroon lang kami ng mumunting selebrasyon na aaminin ko, medyo nagpa-relax sa akin mula sa tension na nangyari nang nakaraan. Sumaglit din akong dumalaw sa puntod ng pamilya ko para bumisita, magdasal at mag-alay ng mga bulaklak. I also took that opportunity to visit Yaya Dores at the mansion. Thankfully, Tita Ingrid and El Sandra were on their out-of-the-country vacation. Kung saan, hindi ko na inalam pa.Kinagabihan ay lumipad din kami pa-Maynila ni Marl para dumalo sa isang charity event ng isang bahay ampunan. At ngayon ay ang unang araw ng pagbabalik trabaho ng mga empleyado at hindi ako mag-aaksaya ng panahon para sa big project namin with Western Eagle Corporation.I was alone in my office when Michaela lef
I consumed my energy touring the LEC building in the next days. May limampung palapag ang LEC. Sa unang palapag ay ang tanggapan para sa mga empleyado, mga guest, at opisina ng Human Resources. Sa susunod naman na palapag hanggang sa ika-apatnapu, ang mga hotel rooms.Matatagpuan naman ang mga opisina sa ika-apatnapu’t isa hanggang sa ika-apatnapu’t lima. Sa susunod naman na mga palapag ay ang sa opisina ko, gym, leisure rooms, function hall, at ang private rooms na para sa family namin.Tunay ngang napalago ni Tita Ingrid ang kompaniya. Kung narito lang sana sina Mommy at Daddy, alam kong sobra silang matutuwa na makitang lumago ang kompaniyang pinaghirapang itayo nila.Gaya ko, alam kong papasalamatan din nila si Tita Ingrid dahil hindi niya ito pinabayaan.Kinausap ko ang mga direktor ng bawat departamento na binisita ko. I was glad to know, na ang iilan sa kanila, matagal ng naninilbihan sa kompaniya. Lahat ng natanong ko kung kamusta ba ang pakikitungo ni Tita Ingrid sa kanila, n
Sabado. Pasikat ang araw nang lumapag ang eroplanong sinakyan namin sa Virac Airport. Going down from the plane, nostalgic memories suddenly attacked me. Maraming taon na rin ang nakalipas ng iwan ko ang lugar na aking kinalakihan. Kagagaling lang namin dito noong Disyembre, but still, I missed this place---the salt-air, the tranquility, and the simplicity of this island. Like how people of Catanduanes contented in the simplicity of life and moved the days forward with a smile on their faces. Na kahit anong bagyo at delubyo pa man ang dumating, patuloy ang pagngiti nila.Mainit kaming sinalubong ng mga tauhan ng hotel na may dala ng rented van na gagamitin namin. Pinahanda iyon ni Marl kasabay ng pagpa-book niya kahapon bago kami umalis ng Maynila.“Welcome to Isla Catanduanes, Sir, Ma’am,” sabay sabit ng kuwintas na bulaklak sa aming leeg.I just nodded to the only woman in the personnel and smiled. Gaya ng uniporme ng mga lalaki, nakasuot din siya ng polo shirt na kulay yellow at
Nangingiti man, ramdam kong hindi okay kay Marl ang nasabi ni Miss Aguirre. I just laughed about it halfheartedly, hindi na inungkat pa ang tungkol doon. Alas nuebe na ng gabi nang mapagpasyahan ni Miss Aguirre na umuwi na. Hinatid namin siya hanggang entrada ng resort at gaya ng sinabi niya, naroon nga si Ryu na nakahilig sa kanyang gray Montero Sport.Hanggang makabalik kami ng Manila, napansin ko ang pagtagal ng pananahimik ni Marl kahit pa nakapag-Club na kami kasama si Michaela noong Sabado ng gabi. Napansin din iyon ni Michaela pero gaya ko, nanahimik din siya.I woke up early on Monday morning, excited to start my day productively. But to my surprise, Marl was nowhere to be found. Sinuyod ko na ang buong condo, hindi ko siya mahanap. Sa huli, mag-isa akong pumasok ng LEC nang mag-alas sais na at dahil wala pa siya, ginamit ko na ang baby Limo niya. I was walking down the hallway with my nude tube top pencil dress, beige pumps, and Chanel handbag as everyone greeted me. Nginiti
“What is happening here?"Napabaling silang tatlo sa akin. I sighed as I trudged to my table and seated on the swivel chair. Nilapag ko ang bag sa ibabaw ng lamesa habang pinapanood ang agresibong paglapit ni El Sandra sa akin."Is it true that you and Ren dated? Tell me, Akemi! You freaking, bitch! Tell me!" sigaw niya at halos mabingi ako.Alertong lumapit sina Michaela at Marl sa amin. Hinawakan ni Michaela si El Sandra sa braso pero marahas nitong hinawi agad ang kamay niya. Napabuga ako ng hangin dahil mas lalong kumislot ang sentido ko sa ingay ni El Sandra at sa tindi ng sikat ng araw na sumesewang mula sa terasa hanggang sa lamesa ko."You, bitch! Don't freaking ever touch me!" Dinuro ni El Sandra si Michaela kaya napaatras na lang ang kaibigan ko."Madame Concepcion, watch your words!" si Marl na nasa gilid ko na, kasalungat ni El Sandra.Napahilot ako ng sintido ko at mariin na pumikit. What a day! Kaaga-aga, ganito na kaagad ang eksenang bumungad sa umaga ko. Walang gana
Marahas akong pinaharap ni Ryu sa kanya. The way his dark eyes bore on mine made me tremble and hitched my breath. He clenched his jaw as his grips on my arms tightened. Na tila hindi pa sapat ang diin ng pagkakahawak niya kahit alam niyang nasasaktan na ako."Let me go.” Kinakabahan man, deretso kong nasabi pa rin iyon sa kanya ng walang emosyon.His jaws moved. And his eyes still pierced on mine intently, like he was digging my soul through my eyes and ripping it ragingly. Naiiling niyang pinakawalan ang mga braso ko, tila napapaso at nandidiri sa pagkakalapat ng mga daliri niya sa balat ko."Why are you doing this to me?!" he shouted angrily.As a quo, nagkukumahog na nagsilabasan ang mga ka-team niya at walang pag-aalinlangan na iniwan ako kasama ang isang demonyong handang manlamon ng kaluluwa. As if na kailangan ko nga ng tulong nila. Well, I didn't. Kahit sinong Poncio Pilato pa ang kaharap ko, hinding-hindi ako matatakot at tatakbo palayo na parang isang duwag na kuting.No a
Good thing that the bitch shut her foul mouth as the plane departed. Dahil kung hindi, may gut talaga akong ibalibag 'yung malaking maleta sa mukha niya nang matahimik siya.Magtatanghali na nang makarating kaming lahat sa resort ng pamilya nina Miss Aguirre. Mula sa puting van na sumundo sa amin sa airport ng Palawan, nauna akong bumaba dahil ako ang nakaupo sa may bungad. Pababa pa lamang, muli ay dinig ko na ang pagsisimula ng mahihinang patama ni El Sandra sa akin."Gosh. Ang bagal. Akala mo naman, siya lang 'yong bababa ng van."Umiling ako para kontrolin ang sarili at ayaw siyang patulan pa. Bumuga ang hanging-alat na nagpasayaw sa floral maxi dress na suot ko nang makababa ako nang tuluyan. Sinalikop ko ang nagulong mahabang buhok at ipinirmi sa kaliwang balikat ko. Nauna na akong naglakad, hindi man lang na-appreciate ang ganda ng puti at pinong buhangin sa lugar dahil sa pagpipigil ng inis kay El Sandra."Welcome to La Isla Aguirre Resort!" maligayang bati ng nakalinyang mga
Life is full of games.Iyon ang mga katagang tumatak sa isip ko nang mga oras na paalis kami ng bansa ni Marl. Sinabi iyon sa akin ni Miss Aguirre habang ang mga maiinit na luha, lumalandas sa aking mga pisngi. Habang ang masasakit na karanasan, bitbit sa aking dibdib na tila isang mabigat na bagahe. Habang ang puot, galit, at paghihinagpis ay baon sa aking pag-alis.Bago ko nilisan ang lugar kung saan puro mapait na karanasan ang natamo, nag-iwan ako ng isang pangakong babalik muli roon.Muling tatapak bilang isang babaeng malakas, matatag, at matalino. Muling magbabalik para maningil sa mga taong nagbigay ng sakit. Muling magbabalik para singilin ang mga taong nagkaroon ng atraso. Muling magbabalik para sa laro ng paghihiganti.Sa pag-uwi, iyon lamang ang laman ng isipan ko. Ang laro kung saan ako ang nagmamay-ari. Ang laro kung saan ako lamang ang may karapatang gumalaw at iligtas ang sarili. Ang laro kung saan dapat ako lang ang panalo. But I was wrong. Because the game that I pla
Hearing her aggressive voice along with the sounds of the pouring rain and thunder boiled my blood intently. I am soaking but the cold that sweated on my skin didn't do anything to stop the flames that started to burn inside my beating heart."Kill her now. What are you waiting for, Ron Marl? Shoot her!" she yelled imposingly under her umbrella.Gulong-gulo sa mga nangyayari, nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Tears poured down my cheeks as I saw how eager she was just to kill me. Bakit? Dahil ba sa mga mana ko? I can give it to her if that what she wants.Willingly."I'll give you the chance! Bakit hindi mo pa gawin ngayon? Hinayaan kita diyan sa kabaliwan mo ng maraming taon," mariin niyang sinabi, halos magngalit ang mga bagang. "Prove to me that you can do it now!"Unbelievably, I looked at Marl straight into his eyes. His jaw clenched as he held the gun towards me. I swallowed as I saw the pain passed through his eyes. I know that he can't hurt me. Naniniwala pa
March 22. Hindi ko alam kung anong mayroon sa araw na ito. Yes, that's the day where I was born. Especial para sa iba. Pero sa akin, bakit puro yata trahedya ang nangyayari sa tuwing sumasapit ang araw na ito?Hilo pa dahil sa chemical na nasinghot, unti-unti kong minulat ang mga mata ko. But my hope is gone when all I can see was totally darkness. Bagama't nakapiring ang mga mata ko, umuuga ako at tumatambol ang ulo mula sa kinahihiligan dahil sa pagtakbo ng sinasakyan namin.I sighed as I realized that my life was in danger. Kailangan kong mag-isip nang maayos at huwag papadalus-dalos. I know what happened to me, I was kidnapped. Hindi man gaya noong araw na iyon, pero pareho naman ang lakas at bilis ng pagkalabog ng puso ko. Na halos hindi ako makahinga nang maayos.But this isn't the right time to be weak, to be frightened. Dahil sa mga oras na ito, ako lang mismo ang makakatulong sa sarili ko.Ako lang.So, I stayed silent.Pinakiramdaman ang lahat."Yes. We succeeded. I know. Bu
Hirap dahil sa nakapiring ang mga mata, hindi naman ako binitiwan ni Ryu. He guided me. The fresh air from the woods relaxed every bits of me. Kahit pa bothered ako sa mga damo at tuyong dahon na naaapakan ko.I inhaled all the fresh grass scented air as I trusted Ryu in leading our way. Not until my nose wrinkled when a sweet scented candle somewhere reached my nostrils. At medyo hindi ko nagustuhan ang amoy.Kumunot ang noo ko't napahawak sa braso ni Ryu nang mahigpit. "Where are we? Dami mong pakulo, ah! Mabuti na lang at hindi ako naka-pumps ngayon kundi, kanina pa ako nadapa sa damuhan."He chuckled on my ears as he squeezed my hand. Tila kabado siya sa lahat. "Just shut your eyes, baby. Okay?"I smiled and wrinkled my nose again, inhaling all the positive vibes. "Sabi mo, eh," I said monotonously as I shrugged my shoulders.He chuckled. And someone's deep voice chuckled too somewhere. Bahagya akong napatigil na ikinahinto rin ni Ryu nang medyo pumatag na ang kinalalakaran namin
I didn't know, but my tears pooled my eyes like waterfalls. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yung galit ko, 'yung inis ko. Ang tanging nararamdaman ko lang, ang sobrang pag-iinit ng mukha ko. As if that they'd kissed in front of me. Eh, hindi naman. Nagtitigan lamang sila. Pero sa tingin ko, sapat na rason naman yata iyon para magalit ako, right?"Are you alright, Engineer Lee?" sabay abot ni Engineer Vasquez ng panyo niya mula sa likuran ko. "Paano si Miss Devilliana?"Humihikbi kong tinanggap ang panyo at agad pinatuyo ang mga luha na ayaw paawat. "L-let her," I said after I'd sneezed. "Naroon naman si Engineer Dela Costa. I'm sure, hindi niya pababayaan si Channel."The old Engineer chuckled a bit. Na tila katawa-tawa ang mga napapanood niya. "Correction. Your fiancée, Engineer Lee. I think, you really have a big problem."Natameme ako't nag-iwas ng tingin. That hits me. I'm his fiancee. Kaya bakit nagkakaganito ako? I should at least trusted him, right? Nga lang, hindi ko map
Kung hindi pa sinabi ni Tita Ingrid, hindi ko na sana maalalang malapit na nga pala ang araw na iyon. Actually, there still one month before that day. Pero gaya nang mga nakaraan, hindi ako masaya sa nalalapit na pagsapit nang kaarawan ko.Ilang taon din akong nanginig sa takot at mas piniling mag-isa sa tuwing sumasapit ang araw na iyon. Because all the horrible memories always came flashed on my mind furiously... and v-vividly. Na tila hanggang sa araw na iyon, nangyayari pa rin ang lahat. Na sa mga oras na iyon, hinahabol pa rin ako ni Kamatayan."Ano'ng plano mo kung ganoon, Akemi? Magsi-celebrate ka ba ng birthday mo? Alam mong minumulto ka pa rin hanggang ngayon ng nakaraan mo, hindi ba?" si Michaela sabay sulyap kay Marl na tahimik na nagbabasa ng diyaryo sa kabilang upuan.Problematically, I sighed heavily as I massaged my temple slowly. Kahit isang linggo na ang lumipas simula nang makausap namin si Tita Ingrid, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko.Wel
Hindi ko alam, pero may parte sa akin ang gumuho nang makita ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Marl. I know, I am being selfish here again. Pero ano nga bang magagawa ko? I love Ryu so much. Noon pa man. Ngayon na nagkaroon ako ng pagkakataon para mahalin siyang muli, hindi ko na iyon sasayangin pa."Hey. Sorry. Kanina ka pa ba rito?""Nope." I smiled and gazed at his Lamborghini parked at the sideway. "Medyo kakababa ko pa lang naman."I was standing near the entrance of a coffee shop outside the SunRise building, a condominium property by LEC, when Ren popped out in front of me. Taliwas sa hinala ni Marl kanina. Gusto ko sana siyang isama rito para makita niyang mali ang iniisip niya, pero paglabas ko ng kuwarto ko, wala na siya.To be honest, I feel sorry for him. Alam ko na sa simpleng galaw ko o desisyon ko, apektado siya. Pero gusto ko sanang ipaintindi sa kanya na... he deserves someone else better than me. 'Yung babaeng makakapagbigay ng pantay na pagmamahal sa kanya o higit
I didn't know but when they stood up in front of me, I calmed down. Like they brought peace to my struggling mind. I know I suspected them, but now that they showed up at the Police Station, I felt at peace and, surely, I will not be jailed tonight."What is the meaning of t-this, Ryu?"My lips trembled as tears fell down my cheeks. Not that I am problematic with my situation, but because I am glad that they are here. Like they are the solution that I am waiting for. In order for me to clean my name. To clean the mess that I caused. To clean everything that I stained.Ryu hushed me and gently wiped out my tears. "As I've said I will help you, baby. They're here because they want to correct everything," he said softly. "Maling makulong ka sa kasalanan na hindi mo ginawa.""Pero p-paano sila makakatulong? Kung ako mismo 'yung itinuturo ng mga ebidensiyang sinasabi nila?"That videos. Hindi ko alam kung bakit ako ang nakarehistro roon. Lalo na sa video clip na ipinalabas ni El Sandra sa
Before ending the game you've started, you should always choose the right way no matter what happened. Iyon ang ginagawa ko ngayon. Yes, I admitted. May kasalanan ako. Pero hindi ako ang pumatay kay Rose o kahit pa kay Miss Aguirre. Someone planned all of this. Para mabuntong sa akin ang sisi. But the question is... who is this person? Bakit ginagawa niya ito sa akin?Actually, I have four names on my mind playing right now: El Sandra, Tita Ingrid, Engineer Riley Dela Costa, and that... Mister Eldeamor Fruego. I don't know if one of them is the real culprit, but they have valid reasons to stain not only my name... but also our family's name.Lee is a well-known in the business world. In a snap of time, naging in demand at matunog ang mga kompanyang itinayo ni Daddy sa kahit na anong larangan ng negosyo. Pero kaakibat ng paglago at pag-angat nito, may mga tao palang handang gumawa ng krimen para sirain ang pangalan na pinaghirapang i-angat nina Mommy at Daddy.They did that for the bus