Share

KABANATA 68

"Bakit hindi ninyo ako isasama?" maktol ko.

Nakaayos na sila. Akala ko ay sa grocery store ang punta naming lahat ngunit may ibang lakad pala sila. Kaya pala hindi kami umabot nang gabi sa Beach. Nag-ayos sila ng mga daldalhing gamit.

"Nak, walang maiiwan sa store. Hindi naman pweding si Shiela lang ang doon. Sa susunod na holiday isasama ka namin. Pero ngayon ay hindi naman holiday kaya kailangan natin magbukas," si Mama na tinitipa ang cellphone para sa mensahe niya kay Tita.

Inimbithan silang magbakasyon sa Tarlac ng isa o dalawang araw pagkatapos hindi ako kasama.

"Bakit pati sila Karl? Ako lang mag-isa sa bahay?"

Salubong ang kilay ko lalo na't parehong nasa tricycle na sina Letlet at Karl.

Mga damuho! Basta gala, nauuna lagi sa sasakyan!

"Isang gabi lang naman. Pinagpaalam ko na sina Letlet at Karl. Sa susunod ikaw naman."

Hinagod ni Mama ang likod ko, pilit akong sinusuyo.

Kailan pa iyon mangyayari? Galit na sila

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status