Share

KABANATA 61

Pagkatapos makaalis nila Draco ay bumalik ako sa opisina at prenteng umupo sa sofa. Pinatong ko pa sa mesa ang mga orange. Kumuha lang ng isa para buksan at makain. Ni hindi ko pa nasusubo ang isang piraso ay may kumakatok na sa pinto.

Iritado akong tumayo at binuksan 'yon. Bumungad si Shiela na may hawak na paperbag ng mushroom chicharon at tatlong box ng buko pie.

"Delivery daw po, Ma'am," alanganing sabi nito. Nagdadalawang isip sa nikikita niyang reaksyon ko.

Pumikit ako at pinigilan ang inis.

Hindi ba talaga siya titigil? Bakit kasi hindi sarili niya ang ipadala rito at baka sakaling matuwa pa ako!

Pagmulat ng mga mata ko ay ngumiti ako nang bahagya, tinatago ang iritado kong reaksyon. Kinuha ko lamang sa kamay nito ang paperbag at hindi ang mga buko pie.

"Sa inyo na 'yan. Pakibigyan na lang ang iba."

Nanlaki ang mga mata ni Shiela at hindi naitago ang galak.

"Talaga, Ma'am? Thank you po!" natutuwang sabi nito bago tumalik

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status