Share

KABANATA 2

Penulis: Yenoh Smile
last update Terakhir Diperbarui: 2021-09-08 19:35:12

"Do you think conscience is part of ethics?" Sinulat ko sa white board ang salitang conscience.

It is very obvious, but I want them to read this, and put it in their minds.

Lumibot ang tingin ko at nakitang nagtaas ng kamay si Anne.

"Okay Anne, share your thoughts."

Tumayo ito at binaba nang bahagya ang uniform niyang bahagyang nalukot.

"Ma'am, of course. Obvious naman po na ang konsenysa ay parte ng ethics. You shouldn't ask the obvious, Ma'am."

Hindi nakatakas sa mata ko ang pag-ingos nito at pag-ikot ng mga mata.

Naningkit nang bahagya ang mga mata ko at naghintay ng reaksyon mula sa mga kaklase niya ngunit tahimik ang paligid at walang nagsalita.

Dumukwang ako sa mesa at tinitigan siya sa mata.

"Did you feel the conscience... now?" Hindi ako kumurap na nakapagpaatras ng dila niya.

I arched my brow and patiently waited for her answer, but nothing came. She felt the conscience. Maybe?

Umayos ako nang tayo at lumibot ulit ang tingin ko.

"Ma'am, can I share?"

Nalingunan ko si Marjorie na nakataas ang isang kamay. Tumango ako sa kanya at agad naman siyang tumayo.

"Yes, Ma'am. Conscience is part of ethics. Ito po ay natural na sa isang tao. Nasusubukan ang konsensya sa tuwing ikaw ay may nagagawang mali. Hindi po maiiwasang magkamali dahil wala namang perpektong tao. Naitatama nga lamang po ito kapag ginawa mo ang sinasabi ng konsensya mo. If your conscience wants you to say sorry, then say sorry. We are born with it, ewan ko na lang po sa iba na malabo ang konsensya."

May pumalakpak na isa, natigil nga lamang ito agad. Liningon ko pa siya at nakitang nakatingin ito kay Anne na masama ang tingin sa kanya.

Tumikhim ako at binigyan ng tango at simpleng ngiti si Marjorie.

"Very well said, Miss Marjorie. Thank you! You may sit." Nilahad ko pa ang upuan niya.

Tumalima naman ito at nagpasalamat.

"I don't want to elaborate this much because I want you to discover more about how far can your conscience tolerates your bad behaviors." Tumigil ako at hinintay ang reaksyon nila.

Ang iba ay nagkatinginan pa at nagbulungan naman ang iba. Sa loob ko, natawa ako at pilit iyong pinigilan.

Alam ko naman na ayaw nila sa ganitong mga usapin. Maging ako rin noon ay iniiwasan ang mga ganitong tanong.

"Pwede po ba iyon, Ma'am?" tanong ng isa. Napakamot pa ito sa ulo.

"Yes! You can share your experiences. I'll give you time, don't worry. Let me know it next week, but we still have another lesson tomorrow."

I dismissed them. Agad akong dumiretso sa faculty at tulad kahapon ay dinatnan ko si Ma'am Jasmine na nakaupo na naman sa mesa ni Rico.

Walang pagdadalawang isip na linapitan ko siya. Nangunot pa ang noo ko matapos ko siyang maabutan na binabasa niya ang librong kulay pula.

"Hi, Ma'am!" masiglang bati ko na kinalaki ng mga mata niya.

Agad niyang sinara ang libro at mabilis na pinasok sa drawer ng mesa ni Rico.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Ako nga na girlfriend niya, hindi pinapakialaman ang gamit niya sa mesa at drawer pero siya na co-teacher lang ay malayang galawin ang gamit niya?

"Ano, Ma'am Frey, n-akibasa l-ang ako u-lit." Kumumpas pa ang kamay nito at hindi makatingin sa akin.

"Kita ko nga," labas sa ilong na sabi ko. "Nagpaalam ka ba kay Rico?"

Natigil ito sa galaw niya at natahimik. Nang lingunin niya ako ay hindi na natataranta ang tingin niya. Halata doon ang pagmamalaki at kung anong kayabangan.

"Yes, Ma'am. Pinayagan naman niya ako."

Tumikwas ang kilay ko. Pinayagan siya ni Rico?

Tinitigan ko siya at mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.

"Nga pala, baka gusto mong sumama sa night out this saturday? Bar lang saglit, relax dahil nakaka-stress 'yong exam week, Ma'am," dagdag pa niya.

Lumayo ito sa mesa at lumapit sa mesa niya, may kinuha siyang maliit na papel at inabot iyon sa akin.

Napatagal doon ang titig ko bago kinuha, "Pag-iisipan ko."

Logo ng kilalang bar ang nandoon, isang imbitasyon para sa anniversary nila.

Starry Bar and Grill.

"Sama ka na, Ma'am. Sasama rin naman si Sir Rico. Ano lang 'yan, kaunting chill lang. No hard drinks naman tayo. Tsaka nasa probinsya naman parents mo kaya ayos lang 'yan. Walang bantay." Ngumiti pa siya na tumagilid nang makitang hindi ako nakangiti.

Gusto ba niyang sumuway ako para lang sa pagba-bar?

Napailing ako at iniwan siya roon. Naglakad ako pabalik sa area ko. Malayo pa lang ay nakakita na ako ng isang box na hindi kalakihan. May tatak ng brand ng buko pie, Sev Coco Pie ang nakalagay. Ito iyong brand ng buko pie ng canteen sa school.

Sino'ng nagbigay?

"Ma'am Tan! sino pong naglagay nito dito?" tinanong ko ang may edad na ethics teacher din.

Katabi ko siyang mesa at mukhang kanina pa siya nandito.

"Hindi ko alam, Ma'am Frey. Baka si Sir Rico. Ayiieee," tinukso pa ako nito na kinangiwi ko.

Sino pa ba'ng iniisip mong magbibigay sa'yo? Si Rico lang naman ang boyfriend mo Frey!

Pinagkibit-balikat ko na lang at inayos na lang iyon sa gilid. Kinain habang nag-aayos ng mga data ko. Nag-i-input ng mga scores ng mga estudyante at automatic na lumalabas ang grades nila. Pero hindi pa 'yong final dahil hindi ko pa tapos ma-check ang exam papers nila.

"Ma'am Tan, punta muna akong canteen. May papabili ka?"

Umiling ito kaya naman agad akong dumiretso sa Canteen.

Sa pinto pa lang ay tinatanaw ko na ang counter. Iyong medyo batang tindera ang nandoon at wala ang lalaki.

Bakit mo ba hinahanap, Frey! Buko pie lang ang pipilahan, hindi ang lalaki!

Sumunod ako sa pila at naghintay matapos ang limang estudyante sa harapan ko.

"Hi, Ma'am! Ano'ng sa'yo?" Ngumiti pa siya nang malawak at hinintay ang sagot ko.

"Isang chocolate drink na lang at bottled water." Tumalima ito at agad na binalot ang orders ko.

"Heto na po, Ma'am." Inaabot niya iyon ngunit hindi ko agad kinuha.

Binabagabag pa rin ako ng isang box na buko pie. And so, I asked.

"Miss, 'yong buko pie ba na bigay sa akin ay galing sa inyo?" tinanong ko ang gumugulo sa isipan ko.

Kung hindi sa kanila ay baka nga kay Rico galing iyon.

Napanguso siya at napatingin sa itaas, marahil inaalala ang ginawa niya simula kanina. Nang lingunin niya ako ay may pagpapasensya ang tingin niya.

"Hindi po, Ma'am. Wala naman pong event ngayon kaya wala pong free buko pie. Baka po galing sa boyfriend ninyo," may tukso pa ang pagbigkas nito na kinangiti ko lang.

Nagpasalamat ako sa kanya at bumalik na sa faculty.

Siguro ay binili iyon ni Rico dahil kahapon ay hindi niya ako naibili. Pinagsawalang bahala ko at kinain na lamang iyon, binigay ko pa ang kalahati kay Ma'am Tan.

"Mga Ma'ams, Over time daw gusto niyo? Kailangan na kasing matapos ang mga grades ng mga bata," ang head teacher namin, ngumiwi rin ito at mukhang pinal na ang desisyon.

"Ma'am, hindi po ba pweding sa bahay na lang gawin?" si Ma'am Tan na hindi nakatiis at nagtanong.

Sa akin ay ayos lang ngunit sa mga nanay na at may mga anak ay kailangan talaga nilang makauwi.

"Porket ba private tayo ay pwede ang magpa-over time, Ma'am?" si Ma'am Jasmine na nakakrus ang mga braso sa harap ng dibdib niya.

Kumibit balikat lamang ang head teacher namin bago tumalikod. Kapag ganoon ay wala kaming magagawa kundi sumunod.

Wala naman akong kasama sa apartment kaya okay lang na gabihin.

"Ma'am Tan, doon ko na lang sa store gagawin ito."

Tumango ang guro at hinayaan akong dalhin ang gamit ko. Liningon ko pa sa mesa si Rico ngunit wala ito.

Hindi ko alam kung bukas pa ang tindahan dahil pagabi na rin at wala na ang mga estudyante. Tinanaw ko ito at natuwa na bukas pa at may ilaw pa. Maaaring over time din sila dahil over time kaming mga guro rito, o sadyang hindi pa sila nagsasara.

"Hanggang ano'ng oras kayo?" tinanong ko ang tindera kanina na nagpupunas ng counter.

Tumigil ito bago lumingon sa isang pintuan papasok sa area nila. Agad din namang humarap sa akin.

"Hanggang matapos po kayo, Ma'am." Ngumiti pa siya bago nagpatuloy sa ginagawa.

Inayos ko ang mga gamit ko sa dulong mesa at binuksan ang laptop na dala ko. Hindi ko alam kung matatapos ko ito ngayon pero mas magandang may magawa man lang ako kahit kaunti.

Umilaw ang telepono ko at nakitang tumatawag si Rico.

"Saan ka?" bungad na tanong ko.

Kanina pa siya wala sa loob at ngayon lang niya naisipang tumawag.

"Sorry, Babe! May meeting kami kanina ng mga athletes. Saan ka? Pupuntahan kita."

Bumuntong hininga ako at sinabing nasa store ako. Wala pa mang dalawang minuto ay nasa pinto na siya at diretso ang lakad patungo sa akin.

"Sorry." Humalik ito nang mabilis sa labi ko bago inayos ang gamit niya sa harapan ko.

Linabas din nito ang sariling laptop at nagtipa. Inabot din nito ang isang kamay ko na nakalapag lang sa mesa. Hinawakan niya iyon at hinaplos-haplos.

Gusto ko siyang tanungin kung siya ba ang nagbigay ng buko pie kaya lang ay baka isipin niyang may iba ako. And I want to avoid making a fight over it. Wala naman akong iba.

"Pwede ba akong matulog sa apartment mo?"

Kusang tumigil ang kamay kong may hawak na mouse at napatitig sa kanya. Hindi naman siya nakatingin sa akin ngunit alam kong seryoso siya.

Tumikhim ako at umisip ng dahilan para mapigilan siya sa gusto niya.

"Sa susunod na lang. Hindi pa ako handa."

Umangat ang tingin niya at naging matalim iyon. Agad nga lamang nagbago nang masalubong ang mga mata ko.

I sighed. May karapatan naman siyang magalit dahil ni minsan ay hindi pa siya naka-apak sa apartment ko. Ni minsan hindi ko pa siya naimbitang pumasok doon. At gaya ngayon, hindi ko pinaunlakan ang kagustuhan niyang matulog sa apartment ko.

"Sorry."

This time ako naman ang humingi ng pasensya. Kahit parents ko ay hindi siya kilala.

Tumango siya at binitiwan ang kamay ko. Napatitig ako sa kamay kong binitiwan niya. Mapait na napangiti at ramdam ko sumikip kong dibdib. Kasalanan ko naman kaya tatanggapin ko ang galit niya. Hindi pa ako handa sa gusto niya. Hindi pa.

Sa tingin ko ay hindi ko matatagalan ang nakikitang paglungkot niya kaya naman gusto kong umiwas.

"Sandali, Comfort room lang ako."

Hindi ko na siya hinintay na makasagot at agad na akong tumayo.

Magpapaalam sana akong makikigamit ng CR sa tinderang babae ngunit wala na ito sa counter. Dumiretso na lang ako sa banyo at kinilabutan pa nang maramdaman ang titig sa akin.

Pinanlalamigan ako sa tindi ng pagtitig.

Nilingon ko si Rico ngunit abala ito sa pagtitipa at hindi naman sa akin nakatingin. Nilingon ko rin ang paligid, ngunit wala naman. Baka naman guni-guni ko lang.

Binalewala ko at nagpatuloy sa banyo. Umihi lang ako at naghilamos ng mukha.

Napatitig pa ako sa salamin at napapaisip. Sigurado naman akong mahal ko si Rico ngunit hindi ko maipagkatiwala sa kanya ang kapalaran ng buhay ko.

I am very sure he is my end game. Iyon na ang nakatatak sa isipan ko. Sana lang ay makapaghintay siya hanggang sa kasal. And I'm hoping, he will soon ask for my hand. Sana nga.

Nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang pintuan ng banyo at pumasok na lang bigla si Rico. Sinandal ako sa parang counter na kaharap ng salamin. Matiim ang titig niya na nakapagpakaba sa akin.

"Kung hindi pwede sa apartment mo, dito na lang." Hinila nito ang buhok ko at pinilit akong halikan. Binuksan din nito ang butones ng blouse ko.

Gusto kong maiyak at hindi lubos maisip na magagawa niya sa akin ito. Nanginig ang mga tuhod ko at balak siyang sampalin ngunit nahawakan niya ang mga kamay ko at walang babalang hinalikan ang leeg ko.

Marahas at may pagmamadali ang ginagawad niyang halik doon.

Pinilig ko ang ulo ko at pilit siyang tinutulak. Ngunit hindi ako nagwawagi. Paglingon niya ay nagbabagang tingin ang binigay niya sa akin na lalong nagpakaba sa akin.

Marahas na dinaklot niya ang dibdib ko kahit na natatakpan iyon ng uniporme.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko at nagdasal. Kung ito man ang kapalaran ko ay hindi ko matatanggap.

How can he do this to me?

Panatag ako na kaya niyang maghintay ngunit bakit tila wala siya sa sarili at uhaw.

Rico is not his self, today. Maybe, he is frustrated.

Nagkapag-asa ako nang matigil siya dahil sa mga malalakas na katok. Marahas niya akong binitiwan at tiningnan nang masama.

Nagpasalamat ako at hindi na humantong sa isang bangungot.

Pabalibag niyang binuksan ang pinto at tumambad sa paningin ko ang lalaking may berdeng mga mata. Napaatras ako at napayakap sa sariling katawan.

Naglandas ang tingin nito mula sa magulong buhok ko at nagtagal sa leeg ko pababa sa sira kong uniporme.

Nag-init ang mga pisngi ko at nahiya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya at nangangamba na baka iyon ay panghuhusga.

Sa klase ng tingin niya ay hindi ko malaman kung paano tatakpan ang dibdib ko.

"Kung balak ninyong gawin dito, please lang huwag sa tindahan ko." Umiling ito at tinapunan ng masamang tingin si Rico.

"Ang cheap ng banyo mo, at hindi kumportable rito ang girlfriend ko," matalim na sagot ni Rico.

Pinasadahan pa nito ng tingin ang lalaki bago binangga ang balikat niya at iniwan ako doon.

Napayuko ako at hindi alam kung paano siya titingnan. Lalo kong niyakap ang katawan ko at hindi alam paano ako lalabas ng pinto. I felt faceless.

I sobbed a little. Nakahihiya man ngunit nagpapasalamat akong dumating siya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang may bumagsak na itim na t-shirt sa braso ko. Liningon ko siya at tumambad sa mga mata ko ang magandang pangangatawan niya. Malaki at kitang-kita ang walong umbok niya sa tiyan.

"Your boyfriend is an asshole. How did you fell into that man?" Umiling ito bago ako iniwan sa banyo.

Hindi ko naman alam na sa gitna ng kabaitan ni Rico ay ganoon siya. Alam ko naman na may pangangailangan siya ngunit hindi ko iyon kayang basta na lang ibigay.

Umiling ako at sinuot ang t-shirt niya. Naamoy ko pa ang bango niyon nang dumaan ang damit sa ilong ko. Mabilis kong inayos ang buhok ko at nagmamadaling lumabas upang magpasalamat sana.

Natigil nga lamang at bumagal ang lakad ko nang makitang nakaharap ito sa tindera at kinukulong iyon sa pagitan ng isang mesa at ng counter.

Baka kaya hindi pa sila nagsasara ay dahil may hidden agenda pa sila.

Hindi ko na siya inabala at inayos na lamang ang mga gamit ko. Bago pa ako lumakad palayo ay sinulyapan ko pa sila. Wala na ang babae at siya na lamang ang naiwan. Hubad pa rin at mariin ang titig sa akin.

Napipirmi ang mga labi nito at nanatili pa ang mariing titig sa akin. Mukhang hinihintay akong lumapit na hindi ko ginawa. Sa susunod ko na lang sasabihin ang pasasalamat ko.

|Y_S|

Bab terkait

  • HELP ME: West Severino   KABANATA 3

    Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ni Rico at mas lalo na ang lalaki sa canteen. Kung hindi pa tumawag si Mama ay hindi yata talaga iyon mawawaglit sa isipan ko."Anak, kaunti na lang tapos na itong grocery store natin."Napangiti ako sa balitang narinig mula kay Mama. Hindi ko mapigilang matuwa na mula iyon sa naipon kong pera.Malapit ang grocery store sa palengke para naman hindi na lumayo pa ang mga mamimili sakaling kailangan nila ng dry items."Talaga ba, Ma? Gusto ko na pong umuwi," humina ang boses ko at hindi maiwasang tumakas doon ang lungkot.I've been living here in the city since I was in college. Iilang beses pa lang akong nakauwi sa probinsya.I struggled to get to where I am now. I have the license, but I am stuck in this private school. Okay naman ang sahod kaya hindi na ako lumipat."Kaunting tiis na lang, Nak. Pagkatapos nito, kahit hindi ka na magtrabaho

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-16
  • HELP ME: West Severino   KABANATA 4

    Tila ako nilipad at halos hindi malaman kung saan ako dinala. I am disoriented and can't barely recognize where I am. Maging ang maalala pa sa kung paano ako napunta rito ay malabo na sa isipan ko.Ang alam ko lang ay sumakay akong kasama ang lalaki."Hmm." Kumapit nang kusa sa kumot ang kamay ko dahil sa nararamdamang init.Kumot lang yata ang makakapitan ko sa kakaibang nararamdaman. This is new to me. I have never felt this hot before."P-lease, s-top." I protested, not knowing what I was protesting and what he was doing.I felt him pin my hands above my head. I can't even make strong movements to take them back.Kusang nagmulat ang mga mata ko at binalik na naman sa ayos ang kaisipan dahil sa ginawa niya.But everything is blurry. I was awake and yet I felt so sleepy.Kusang nangilid ang aking luha at sumikip ang dibdib. Hindi ko lubos

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-17
  • HELP ME: West Severino   KABANATA 5

    I filed for sick leave to heal my wounds but not my mind. The freshness of the memory is still there. I cannot afford to see Rico. I might be tongue-tied or remain silent. I cannot justify what happened.Sandaling panahon lamang iyon at kailangan ko na ulit pumasok sa paaralan. My final project pa akong kailangang i-check.Going back to school is a struggle. I cannot stop thinking about what happened to my life. It was ruined.Pilit na bumabalik iyon maging ang kataksilan ni Rico.How did Rico afford to cheat?Hindi ko lubos maisip na ang lapit lang din ng babaeng pinagpalit niya sa akin. Kabilang mesa lang pala ng faculty room!Hindi pala si Rico ang end game ko. Kung sa larong chess ay naagaw siya ng ibang reyna habang ako ay nahuli ng ibang hari. Kung binigay ko ba sa kanya, maghahanap kaya siya ng iba?And will I be miserable like this? Will I lose it

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-18
  • HELP ME: West Severino   KABANATA 6

    Nangangatog ang binti ko sa kaba. Halos ayaw ko na ngang pumasok sa opisina niya. I know that once I get inside, I will lose everything. Whatever the reason behind it, they will still kick me out. Sana lang ay hindi ako mawalan ng lisensya. Ngunit maging iyon ay nanganganib."Ma'am Frey, I know you know why you were called."Seryoso ang Principal na nakasandal sa upuan niya. Walang ngiti at malalim ang tingin.Huminga ako nang malalim at pilit kinalma ang sarili ko. Hindi pweding mag-panic at baka lumala lamang ang lagay ko. I should think of ways to change his mind."I'm sorry, Sir. Pero hindi ko po iyon ginusto. I w-as forced," humina pa ang boses ko sa dulo.Natahimik ito at hindi nagkomento. Hindi ko alam kung magandang senyales iyon o hindi."Are you sure?" Pinaningkitan ako nito ng mata na kinaatras ko."Y-es. I was there in the bar drinking. They offered their free drink and the next thing I know, I am wildly dancing.""

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-19
  • HELP ME: West Severino   KABANATA 7

    "Sorry, Ma'am. Religious po ang school namin. Hindi po kasi magandang balita ang umabot sa'min tungkol sa inyo." Tumagilid ang ngiti ng Principal.I tried my luck at this private school. May kalayuan na sa dating school ko pero umabot pa rin sa kanila. Panglimang school ko na iyon na ni-apply-an. Pare-pareho lang ang reaksyon na binibigay nila. Pare-pareho ang sinasabi.I don't know how many people have watched my video. O kung gaano na iyon kumalat. Baka hanggang sa probinsya namin ay umabot na rin iyon. May pakpak pa naman ang balita. Ang pagiging kabit nga nakarating sa kanila, iyon pa kaya."Ma'am, hindi naman po 'yon basehan para husgahan ang buong pagkatao ko."Binigyan ko siya ng nangungusap na tingin, umaasang magbabago ang desisyon nito ngunit bumuntong hininga lamang ito."I'm really sorry, Miss Israel. Mag-re-reflect pa rin kasi iyon sa image mo

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-20
  • HELP ME: West Severino   KABANATA 8

    Paano ako lalabas sa lugar na ito na hindi nila ako makikita? May karamihan ang tao at pulos mga kalalakihan. Isang hakbang lang palabas ay mahahalata nila ako.Bahala na!Imbis na palabas ay pabalik sa kwartong linabasan ko kanina ang lakad ko. Nagliwanag pa ang mukha ni Alexa matapos akong makita."Payag ka na?" Mabilis ako nitong linapitan at niyugyog sa balikat."May maskara ba?"Kahit iyon na lang basta makapagtago ako. Alam ko naman ang pinapasok ko. Mas mabuti na ito kaysa ang mahuli niya.I will never be ready to face that man."Oo. Sandali, mag-ayos ka na. Ikaw na ang sunod. Basta igiling mo lang 'yang bewang mo."Inabot ulit nito sa akin ang dalawang kapirasong tela kasama na ang isang kulay gintong maskara."Sige na. Bilisan mo ah!"Tinulak-tulak ako nito sa banyo. Hindi mapuknat ang malaking ng

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-21
  • HELP ME: West Severino   KABANATA 9

    Sa pangalawang araw ko ay sinubukan kong maging normal ang trabaho ko kahit alam kong hindi iyon legal. Hindi normal na tarabho. At paniguradong hindi lahat ng nandito ay gusto ang ganitong trabaho.Kahit ilang pa rin ay sinubukan kong mag-ayos. Marahan ko pang linagyan ng lipgloss ang mga labi ko upang magkaroon iyon ng kinang mamaya. Huling hagod pa ng lipgloss bago napukaw ang atensyon ko sa cellphone kong umiilaw.Karl calling...."Bakit, Karl?" bungad na tanong ko.Pinapatayan ako ng cellphone ni Mama at mabuti na lang ay tinawagan ako ngayon ni Karl, ang nakababatang kapatid ko. Ni hindi ko alam kung paano sila kakausapin."Ate," mahina ang boses nito at dinig ko rin ang mahinang iyak ni Letlet."Bakit?"Kinabahan ako at napatayo. Napakapit pa ako sa upuan at doon kumuha ng lakas. Sa tono niya ay paniguradong hindi magandang balita ang hatid niya."Ano, galit si Tatay," halos bulong na sabi niya.Napabuntong

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-22
  • HELP ME: West Severino   KABANATA 10

    Nakatitig lang ako sa repleksyon ko, hindi mawari kung mangangamba ba ako na bumalik dito si West. Malabo naman siguro na makilala niya ako sa likod ng mascara.Umiling ako at pilit inalis iyon sa isipan ko. Hinayaan kong magsawa ang mga mata ko sa suot na pulang brassiere. May design 'yon na butterfly sa likod at sa harapan naman ang lock. Ang pang-ibaba ay manipis at lace na design sa bawat gilid.Hindi ko lubos akalain na magtatrabaho ako sa ganitong lugar at magsusuot ng mga ganitong damit.Tama na, Frey. Huling gabi ko na ngayon. Titigil ka na."Kapag tinawag ang stage name mo. Diretso ka agad sa stage para agad tayong makauwi. Mag-aalas diyes na." Tiningnan pa nito ang relo sa bisig niya tsaka ako tinulak nang bahagya palapit sa pintong nakakonekta sa stage.Nilukob muli ng kaba at takot ang dibdib ko. Ngunit sa isiping huling gabi na ay nagkakalakas ako ng loob."It'sa brilliant night. Get ready to wave your money and throw it a

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-22

Bab terbaru

  • HELP ME: West Severino   WAKAS

    West SeverinoShe's good at teaching, I'll give her that. And she's good at manipulating? Or not?"Baby, throw it to Daddy," dinig kong utos niya sa anak namin.Hindi ko alam kung talagang galit pa rin siya na lalaki ang anak namin kaya't inuutusan niya ng kasamaan sa akin. O dahil mas madalas na sumunod sa akin si baby.Remo giggled and made some bubbling sounds before he threw his jelly toys at me. He even laughedmore when he saw my annoyed expression.Umungol ako sa inis. I didn't know if she was that mad. Hindi ko na nga gusto ang pinangalan niya sa bata pagkatapos ay uutusan pa niya ng kasamaan. But guess what? I can't make any protest."Stop it, Baby. Daddy will get mad," matatag kong baling kay Rem, that is much better. Rem.Kumurap ito at tumigil. Binalingan ang Mama niya at doon tinapon ang ibang laruan.

  • HELP ME: West Severino   KABANATA 82

    West SeverinoI have seen her many times in my canteen with her boyfriend. I know how much she loves my buko pie. She can't eat completely without it. Hindi ko nga mapigilan ang hindi siya titigan. Nang makita ko siyang nakapila ay linapagan ko siya ng dalawang platito. She even protested and fought, but I insisted. I even put a glass of buko juice in there for her. I think she deserves it. She deserves kindness.Well, I want to recognize her as my suki. She's my regular customer and the lover of my buko pie. I smirked when her image flashed inside my mind.Of all the teachers I know from this school, she's the one who got my attention. I liked her features so much that I even gave her a box of buko pie. As I told you, she deserves all of it.She looks firm and strong. A very lovely teacher. Every time she's here in my canteen, I can't help but gaze at her. From the way she walks,

  • HELP ME: West Severino   KABANATA 81

    Hindi ko siya pinayagan na matulog sa kwarto. Hindi naman siya namilit kaya hinayaan ko na lang. Sa sarap ng tulog ko, mag-aalas otso nang magising ako.Mabilis lang akong naligo at nagbihis bago bumaba. Kumukulo na ang tiyan ko, tiyak na gutom na si baby.Walang tao sa kusina ngunit may pagkain namang nakahapag na. Scramble egg and bacon.I was busy munching my food when West entered the kitchen. Natigilan pa ako at siniguradong siya nga iyon. Wala naman siyang kakambal kaya siguradong siya nga.Ngumisi siya at hinagod ang itim na niyang buhok. Bagong gupit kaya bumata ang itsura niya. Napatitig pa ako roon, naninibago na mas lalo siyang gumwapo."What's that for?" tukoy ko sa pagkukulay at pagpapagupit niya ng buhok."Pinasundo ko kay Rigel sila Papa."Papa? Matatawag niya kayang Papa kung nasa harap na niya."Hindi naman kailangang magp

  • HELP ME: West Severino   KABANATA 80

    Gaya ng gusto niya ay ni-unfriend ko si Rico. Kinalkal niya pa ang luma niyang account at ni-add ako. Pinapalitan ang status naming dalawa, from single to married. Pina-post niya pa sa newsfeed ko, naka-tag pa sa kanya.Ang dami tuloy komento sa post. Bukod sa Congratulations ay may iilan na nagtatanong at nagulat. Pinusuan ko na lang at hindi na binigyan ng reply.Isang buwan ata kaming nagpipicture para lang sa hiling niyang mga post. Pinapuno niya ang timeline niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis na ayaw niyang tumigil sa picture-picture na 'yan!Imbis na tuluyang mainis ay sinakyan ko na lang ang trip niya at ginandahan na lang ang mga kuha. Sa bawat post ay may tanong ngunit hindi ko sinasagot. Ang iilan lang na galing kay Celeste ang sinasagot ko.Maging sa account niya ay ganoon. Iilang kakilala ang nagkokomento."Alam mo na ang gender?" tanong ko kay Celeste na nasa video call.Nasa lilim ito ng puno at doon nakatayo. May

  • HELP ME: West Severino   KABANATA 79

    We've been doing great in our marriage. Sa dalawang linggong pananatili sa farm niya wala pa naman akong narinig na tsismis o husga kahit na alam na nilang kasal kami at buntis ako.Inaasahan ko pa namang marinig na baka kaya kami nagpakasal ay dahil nabuntis niya ako ngunit wala pa akong naririnig. Baka kung meron man ay hindi ko pa lang naririnig.It's true, but that was not the sole reason. We love each other, period.I bit my lip when he moved faster and harder before he poured all of his seeds inside. I scratched his back and arched my back with the hotness I was feeling inside. Humalik siya nang mabilis bago marahang inalis ang kanya. And people, that was just a breakfast in bed. A normal thing we do.Tumagilid ako ng higa at hinayaan siyang pumwesto sa likod ko at kinagat ang balikat ko na kanyang paboritong parte. Lagi siyang nanggigigil doon. May iilan pa nga akong marka roon kaya hindi ako makapagsando.He hugged me from the back and jail

  • HELP ME: West Severino   KABANATA 78

    Gabi na pagkarating namin sa farm. Si Nanay Lina na lang ang dinatnan naming gising. Niyapos pa ako nito ng yakap. Halata sa mukha niyang natutuwa siyang makita ako ulit."Sabi ko na sa'yo, Frey. Susuyuin ka rin," bulong nito sa akin."Nay, naman. Syempre," si West na narinig ang sinabi ni Nanay Lina.Sinabi naming kasal na kami na kinagulat niya ngunit kinangiti rin kalaunan. Sinabi ko ring buntis ako kaya naman nagmadali pa siyang maghanda ng makakain. Hinintay niya kaming matapos bago pinilit umakyat upang matulog ng maaga. Sabi niya ay masama raw magpuyat kapag bunts.Hindi na kami tumutol at umakyat na lamang. That was a peaceful night. The solace I felt in this town is unexplainable. Ever since I saw the beauty of Liliw, much more the church, I have had a vision of living here. I didn't know it would happen through him. Si West pala ang magiging daan upang manatili ako rito.I comfortably settled myself into his arm. Being this close to him i

  • HELP ME: West Severino   KABANATA 77

    Kahit na nahihiya kay Draco at Rigel ay sumama pa rin ako kay West paalis ng restaurant."Okay lang ba na iwanan sila? at bakit kare-kare lang?"Kumibit balikat siya bago ako pinagbuksan ng sasakyan."That's fine. They can order more and pay for it."Inakbayan niya ako at giniya papasok sa isang resort."Dito tayo?" kunwaring taas kilay na tanong ko.He smirked and kissed my temple."Puerto Del Sol offers a deluxe honeymoon rooms, so yeah? dito tayo," nakangising sagot niya.Hinampas ko nang bahagya ang braso niya na kanya lang tinawanan.Well. Totoo naman. Their villas are mansion types with glass windows where you can actually see the splendid view of Bolinao beaches."We'll rest for a while before we eat or gutom ka na?"We settled in one of their deluxe room. A large soft bed, television, and aircon.Binuksan niya ang aircon at namewang sa harap ko. Hinihintay ang sagot ko.I stared

  • HELP ME: West Severino   KABANATA 76

    I can't believe that we did it inside his car. May araw pa iyon at nasa public ang sasakyan. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at pinagpatuloy ko iyon.Bakit kasi nanunukso siya?Nahihiya pa ako sa inasal hanggang sa maihatid niya ako sa bahay. Mabuti na lang at wala sila Mama at mga kapatid ko. Sa sobrang hiya ko nanatili lang ako sa kwarto.Ngunit nawala rin iyon sa isip ko lalo na't naalalang kasal ko kinabukasan. Hindi ako halos makatulog at kinakabahan.I have lived under his roof before. Pero ngayon magkakaroon na ng titulo ay mas kinakabahan at nasasabik ako. I am not just a visitor, anymore. Asawa at magiging ina ng anak niya. Hindi ko lubos akalain na hahantong din kami sa ganito.Pinilit kong matulog kahit ayaw ng diwa ko. Ayoko naman na mukha akong zombie sa mismong kasal ko. Kaya lang, alas singko pa lang ng madaling araw ay gising na ako.Alas diyes pa lang ang kasal ngunit inayos ko na ang susuotin. I didn't buy a new dre

  • HELP ME: West Severino   KABANATA 75

    "Gusto mo bang samahan kita, Nak?" Si Mama na may pag-aalala ang tingin sa akin.Pareho kaming nakaayos ngunit iba ang destinasyon. Dalawa rin ang tricycle na nag-aabang sa gate. Isa para sa kanila na papuntang grocery store. Ang isa ay para sa akin papuntang terminal ng jeep."Kaya ko na po, Ma. Alam ko naman po kung saan kukuha ng Cenomar."Pilit akong ngumiti. Kahit gusto kong magpasama sa kanya ay pinipigilan ako ng matalim na tingin ni Papa.Kahit gaano ko pa palakasin ang loob ko ay humihina lamang iyonlalo na sa tuwing naiisip ko na galit sa akin si Papa at gusto na akong alisin sa pamilya."Hindi naman tayo magtatagal. Nandoon naman ang Papa mo sa grocery store," pilit pa nito.Kita ko naman na gusto talagang sumama ni Mama, ang problema ay tutol si Papa. At ayaw ko na mas magalit pa ito o idamay pa si Mama."Hindi na po, Ma. Okay lang po, kaya ko na-""Lorna, kasalanan niya ang nangyari sa kanya kaya pabayaan mo

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status