Nangangatog ang binti ko sa kaba. Halos ayaw ko na ngang pumasok sa opisina niya. I know that once I get inside, I will lose everything. Whatever the reason behind it, they will still kick me out. Sana lang ay hindi ako mawalan ng lisensya. Ngunit maging iyon ay nanganganib.
"Ma'am Frey, I know you know why you were called."
Seryoso ang Principal na nakasandal sa upuan niya. Walang ngiti at malalim ang tingin.
Huminga ako nang malalim at pilit kinalma ang sarili ko. Hindi pweding mag-panic at baka lumala lamang ang lagay ko. I should think of ways to change his mind.
"I'm sorry, Sir. Pero hindi ko po iyon ginusto. I w-as forced," humina pa ang boses ko sa dulo.
Natahimik ito at hindi nagkomento. Hindi ko alam kung magandang senyales iyon o hindi.
"Are you sure?" Pinaningkitan ako nito ng mata na kinaatras ko.
"Y-es. I was there in the bar drinking. They offered their free drink and the next thing I know, I am wildly dancing."
"Are you sure you were forced by that man?" mas matatag na tanong nito.
Liningon ko siya at bakas sa hilatsa ng mukha niya na hindi siya naniniwala.
"O-po."
"How come? I have known him for so long, and he will never commit such a crime."
Napalunok ako sa kawalan ng sasabihin. Even I wasn't sure of what happened.
Paano ko ba sasabihin na ayaw ng utak ko pero gusto ng katawan ko?
"Sir, I'm telling the truth."
Sa huli, iyon ang nabigkas ko. Nagtubig ang mga mata ko at hindi na alam kung paanong ipagtatanggol ang sarili.
"I'll call him and ask this directly." Inabot nito ang cellphone niya ngunit mabilis akong tumayo at lumapit sa mesa.
Pinigilan ko ang siko nito upang hindi dumapo ang telepono sa tainga niya.
"Kilala niyo po siya?" Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
Kumunot ang noo niya at sinubukang tanggalin ang kamay kong nakahawak sa kanyang siko.
"Of course, that's why your accusation is not true. Ayos lang naman kahit sabihin mo na nag-hooked-up kayong dalawa, Miss Frey. Basta malilinis ang pangalan mo." Binaba nito ang telepono at umabot ng isang folder.
Hindi ko pinansin kung ano iyon. Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko pa ang principal, sa paningin ko ay tutulungan niya ako.
"Thank you, Sir!" Kumapit ako sa damit niya at natatawa pa niyang inaalis iyon.
Ngunit hindi ko inasahan ang pagbukas ng pinto.
"Ano 'to?! Malandi ka!"
Kasunod ng sigaw ay ang walang habas na paghila sa buhok ko. Mahigpit iyon at tila nais alisin maging ang anit ko.
"Sandali po! Hindi po!" Sinubukan kong alisin ang kamay niya ngunit pilit niya akong hinihila.
"Hon, you got it wrong!"
Tinulungan ako ng Principal na alisin ang nakasabunot na kamay ng Misis niya. Ngunit ni hindi iyon halos mahiwalay sa buhok ko.
Mabagsik niya akong binitiwan at tinulak. Napadpad ako sa gilid ng mesa at naramdaman ang sakit na sumigid sa balakang ko.
Kusang naglaglagan ang mga luha ko sa sakit na nararamdaman. Nawawalan ng lakas at nahihirapang tumayo.
"Ikaw na babae ka na may scandal! Huwag ang asawa ko! Ang landi mo ay huwag mong ikalat sa paaralang ito. Idedemanda kita at paaalisan ng lisensya." Dinuro-duro pa ako nito at gusto pa sanang sabunutan ngunit pinipigilan ito ng Principal.
"Hon, stop. Walang ganoon."
Pilit siyang pinapakalma ng asawa ngunit inaabot niya pa rin ako, gusto pang sumabunot.
"Wala po akong ginagawang kasalanan! Mali po kayo ng intindi!" Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at matalim siyang tiningnan.
Hindi nagbago ang reaksyon nito at lalo lamang tumalim ang tingin niya.
"Isa kang malanding kabit! Layuan mo ang asawa ko kung hindi ay patatanggalan kita ng lisensya! Salot!"
Humikbi ako at nagmamakaawang tingin ang dinungaw sa Principal. Umiling ito at tila suko na sa asawa niya. Tinuro na lamang nito ang pinto senyales na pinapalabas ako.
"Mag-alsa balutan ka at huwag kang bumalik sa paaralang ito!" Nakawala ito at marahas akong hinila patayo. Tinulak-tulak pa ako nito palabas ng pinto.
"Kaya ko pong maglakad at lumayo!" Winaksi ko ang kamay niya at binigyan ng masamang tingin na nakapagpataas ng kilay niya.
"Mas matapang na talaga ang mga kabit ngayon!" Malakas pa niyang sinara ang pinto at iniwan ako sa labas.
May iilan pang estudyante roon na nagbubulungan. Sa tingin ko ay kalat na ang video sa buong school. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.
Nakayuko kong linakad ang papuntang faculty. Ang mga kapwa ko guro ay hati ang opinyon. May iilan na nagagalit at may iilan na pinagtatanggol ako.
"Uy totoo ba? Kabit ka ni Mr. Reyes?"
"Ma'am Frey, tigresa ka pala?"
Linagpasan ko sila at dumiretso sa mesa ko. Mabilis kong inayos ang mga gamit at hindi binigyan ng tingin si Ma'am Tan na nakasulyap sa akin.
Natigil lamang ako nang may kamay na humila ng siko ko at dumuro sa akin.
"Nang dahil sa'yo, nadamay kami!"
Galit na mukha ni Jasmine ang naharap ko habang sa likod nito ay matalim ang mga tinging binibigay sa akin ni Rico.
But that didn't scare me.
Imbis na maiyak ay natawa ako.
Sino ba'ng unang nagtaksil? Sino ba ang tunay na kumabit?Binigyan ko sila ng nakamamatay na tingin. Hinawi ko ang kamay niyang nakaduro. Tinulak ko nang bahagya na kina-alerto ni Rico. Ngunit hindi ko inasahan ang pagkirot ng puso ko dahil doon. Mas masakit pala kapag hindi na ikaw ang... pinaglalaban niya.
Ngayon hindi na ako ang pinagtatanggol niya. May iba na. At mas nakagagalit ngayong punong-puno na ako. Do I deserve these?
"Sino ba sa atin ang malaswa? Sino ba rito ang may librong ginagaya at ginagawa kahit na parehong professional at may karelasyon na iba?!" sinigaw ko iyon na kumuha ng atensyon nila.
May nagsinghapan at nagbulungan. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pag-irap ni Jasmine.
"Bakit? Inggit ka? Kaya ba nakitikim ka rin ng iba?"
Napaiwas ako ng tingin at hindi nakasagot. Ano ba'ng laban ko? Sa halip na magsalita ay umirap na lamang ako. Hinila ko ang bag ko at balak na talikuran sila ngunit hinarap ko si Rico.
"Break na tayo!" hindi ko na hinintay ang reaksyon niya at tinalikuran ko silang lahat.
Kung hindi ako para roon ay hahanap ako ng iba. Ngunit nagdadalawang isip ako kung may tatanggap pa sa akin sa kabila ng records ko.
Gusto kong tumuloy sa store at isampal ang isang buong buko pie sa mukha ng lalaking iyon!
Kung hindi dahil sa kanya ay sana masaya pa akong namumuhay ngayon.
I can't imagine how my haven turns into my danger zone.
Kahit lugmok ay hindi ko pinatulan ang ano mang panghuhusgang naririnig ko.
"Ehtics teacher, may scandal na tapos kumabit pa sa principal. Baka gustong umangat sa buhay?"
Gusto kong balikan at sabunutan ang nagsabi niyon ngunit lalong lala ang sitwasyon. At sa tingin ko ay hindi ko na dapat pa iyong patulan. They have no idea what happened.
Kahit mainit at napupuno na sa mga bulungan nila ay matiyaga akong naghintay ng jeep sa labas ng gate. Sa tagal ay wala pang dumaan at malapit na akong matusta.
Gusto kong umiyak ngunit walang luhang gusto pang lumabas sa mga mata ko. Mahapdi na ang mga iyon at lalo pang humahapdi.
Natigilan ako nang hindi na maramdaman ang sakit ng sikat ng araw. Tumingala ako at nakitang isang payong ang naglilim sa akin.
"Are you okay?"
Boses pa lang ay parang gusto ko na ulit magwala. Kaya pa niya akong kausapin sa kabila ng lahat?
Napamaang ako at liningon siya. Natameme nga lamang nang makita ang intensidad ng berdeng mga mata niya. Sumabay pa ang kunot ng makapal niyang mga kilay.
Imbis na sumbatan siya ay natakot ako. Tila nalunok ko ang sariling dila at ayaw na ulit magsalita. Paano kung gawin niya ulit? Paano kung bigla na lamang niya akong hilahin sa kung saan at pwersahin?
Kumabog ang d****b ko at mabilis na naglakad patungo sa jeep na palapit. Sa takot ko ay agad ko iyong pinara at agad sumakay. Tumatahip pa ang d****b ko kahit na maayos na akong nakaupo sa loob.
Liningon ko pa ang lalaki sa takot na baka sundan niya ako. Ngunit nanatili lamang ang mariin niyang titig sa akin habang umaandar ang jeep. Hanggang sa makalayo ang sasakyan ay nakabaling ang ulo niya sa akin.
Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makarating sa apartment ng walang bakas ng tingin niya.
Nawalan man ako ng trabaho ay may pag-asa pa naman. Mas gusto ko munang magpahinga at kalimutan ang lahat. Hindi yata makabubuti kung pipilitin ko ngayon.
Uuwi na lang ako sa probinsya at doon hahanap ng trabaho. Ngunit nawala lahat ng balak ko matapos makita sa screen ng cellphone ang pangalan ni Mama.
Nagmadali akong sagutin iyon upang sabihing uuwi ako. Kaya lang ay iba ang bungad sa akin.
"Frey! Ano 'tong k-abit ka raw, Anak?" Umiiyak siya at humahagulgol sa kabilang linya.
Halos matulos ako at tuluyang Naestatwa. Nagbukas-sara ang mga labi ko at gustong magpaliwanag.
"Ma, hindi po. Kanino po ninyo nalaman iyan?" humina ang boses ko at nawalan ng pag-asa.
"Kalat na rito sa atin. Mawawalan ka daw ng lisensya dahil kumabit ka sa Principal ninyo!"
Hindi pa ako nakasasagot ay nakarinig na ako ng kalabog sa kabilang linya, sunod doon ay ang boses ni Tatay na nakapagpakabog ng d****b ko.
"Ikaw na bata ka! Hindi kita pinalaking ganyan! Kung kakabit ka lang ay mas mabuti pang huwag ka ng umuwi rito! Nakakahiya ka!"
Namatay ang tawag at naiwan akong nakaawang ang mga labi. Ni hindi man lang ako nakapagpaliwanag nang maayos. At ni hindi ako pinakinggan. Hindi ko lubos maisip na ang pamilyang gusto kong sandalan ay kaya akong talikuran.
Naglandas ang mainit na likido sa pisngi ko. Hinayaan ko iyon hanggang sundan pa ng isa at magtuloy-tuloy.
Paano na ako?
I felt disoriented, and problems rushed through my veins. There's no work, no family, and a ruined reputation.
Ang sarap magwala at sumira ng iba!
And I despise the man who caused all of this!
Ngunit alam ko sa sarili kong nagsisisi akong nagpunta pa ako sa bar na iyon. If I didn't, maybe I would be peacefully living and teaching. At baka broken heart lang para kay Rico ang problema ko at hindi sirang reputasyon.
Patapon na rin lang naman ay itotodo ko na. I pulled out my black short dress. Hanggang puwet lang ang natatakpan at litaw ang isang balikat ko dahil isa lang ang natatakpan.
I painted my lips with maroon lipstick and wore my black high heels. If I cannot be free from judgement, then I will let myself be free and have fun.
Dumiretso ako sa isang bar, iba sa bar na pinuntahan ko noong isang gabi. Kahit anong mangyari, wala na akong pakialam!
Takot man na maulit ang nangyari sa akin sa naunang bar na pinuntahan ay ayaw ko namang umuwi ngayon. I need to be free tonight, or I'll get insane thinking about all of these.
I went straight to the bar counter and ordered a hard drink. Pagkalapag ay nilagok ko iyon at humingi pa ulit ng isa.
Ano pa ba'ng mawawala? Wala na.
I let myself get drunk again and went with the flow. Hindi ako umalis sa bar counter at nanatili lamang nakaupo roon. I don't have plans to go dancing.
"You look familiar, Miss."
Isang babaeng maliit ang buhok at makapal ang pulang lipstick ang sumalubong ng tingin ko. Spaghetti strap ang dress niya at litaw ang cleavage.
Kumunot ang noo ko at pilit siyang inalala ngunit hindi ko makilala. Sa tingin ko ay ngayon pa lang kami nagkita.
"Sorry, I don't know you."
Iniwasan ko siya ng tingin at tinuon na lamang ang atensyon sa shot glass. I don't have time to make friends. Ang gusto ko ay lumimot ng problema.
"Sa starry bar. You are there, right?"
Napahinto ang pag-angat ko sa baso at nilingon siya nang bahagya. She's not familiar to me.
"I saw you kaya! By the way, I'm Alexa!"
Inabot nito ang kamay niya para sa handshake na tiningnan ko lamang. Agad din niyang binawi iyon nang makitang wala akong balak na makipaghandshake sa kanya. Hindi ko talaga siya maalala.
"Never mind. Anyway, I'm looking for recruits. Sa bar din na ito. I've been working here for how many years now. Baka lang interesado ka." Kumindat pa siya at nilapagan ako ng calling card.
"Thanks, but I'm not interested." Inisang lagok ko pa ang alak sa harap ko.
Gusto kong umalis na siya at huwag na lamang akong abalahin pa. Wala rin naman akong balak na magtrabaho sa bar.
"Sorry? Pero kung sakaling mag-iba ang isip mo. Just call me." Linapit pa lalo nito ang calling card bago ako tinalikuran.
I know, I'm jobless now. Pero susubukan ko pa ring mag-apply sa ibang school. And working in a bar is not my first option.
Tinitigan ko ang calling card na iniwan niya at nagpasyang itatabi ko iyon. Hindi ko sigurado kung may tatanggap pa ba sa aking school sa syudad na ito. Maybe I should consider this if a tough time comes. At alam kong hindi magiging madali ang maghanap ng trabaho lalo pa't paniguradong kumalat na sa ibang school ang balita. Napailing ako at lalo lamang nanggigil na hinawakan ang shot glass.
As I drank the liquor for my last shot glass, I tasted the bitterness.
Napakapait.
This life isn't really fair. Life is bitter. Mukha lang maganda ngunit sa totoo lang ay mapait.
Lalo pa akong napaitan matapos masagi ng mga mata ko ang lalaking may berdeng mata na nakatitig sa akin. May mga kasama at mukhang nagkakasiyahan. While I, on the other hand, embrace the bitterness alone.
Nagpuyos lang lalo ang damdamin ko sa kaisipang sinusundan niya ako. Na ano? Balak na naman niya? Did he enjoy his sinful night so much that he found time to follow me here?!
Tumalim ang tingin ko sa kanya dahil sa naisip. He didn't look away even though he knew I caught him looking at me. Tinaasan ko siya ng kilay at tinitigan pa nang mas matalim.
Hindi niya ko nilubayan ng tingin. He even leaned back in his chair and looked at me intently. That is why I felt the courage, and I mouthed,
'Damn you!' and raised my middle finger.
Napaatras ito at naningkit ang mga mata. Isagad na natin ang mga kasalanan ko. I already have a bad reputation, so let's make the best out of it!
Marahas kong nilapag ang shot glass bago tuluyang umalis sa bar na iyon.
I don't know if he's stalking me or nagkataon lang. Whatever! I don't care! And I don't wanna know.
|Y_S|
"Sorry, Ma'am. Religious po ang school namin. Hindi po kasi magandang balita ang umabot sa'min tungkol sa inyo." Tumagilid ang ngiti ng Principal.I tried my luck at this private school. May kalayuan na sa dating school ko pero umabot pa rin sa kanila. Panglimang school ko na iyon na ni-apply-an. Pare-pareho lang ang reaksyon na binibigay nila. Pare-pareho ang sinasabi.I don't know how many people have watched my video. O kung gaano na iyon kumalat. Baka hanggang sa probinsya namin ay umabot na rin iyon. May pakpak pa naman ang balita. Ang pagiging kabit nga nakarating sa kanila, iyon pa kaya."Ma'am, hindi naman po 'yon basehan para husgahan ang buong pagkatao ko."Binigyan ko siya ng nangungusap na tingin, umaasang magbabago ang desisyon nito ngunit bumuntong hininga lamang ito."I'm really sorry, Miss Israel. Mag-re-reflect pa rin kasi iyon sa image mo
Paano ako lalabas sa lugar na ito na hindi nila ako makikita? May karamihan ang tao at pulos mga kalalakihan. Isang hakbang lang palabas ay mahahalata nila ako.Bahala na!Imbis na palabas ay pabalik sa kwartong linabasan ko kanina ang lakad ko. Nagliwanag pa ang mukha ni Alexa matapos akong makita."Payag ka na?" Mabilis ako nitong linapitan at niyugyog sa balikat."May maskara ba?"Kahit iyon na lang basta makapagtago ako. Alam ko naman ang pinapasok ko. Mas mabuti na ito kaysa ang mahuli niya.I will never be ready to face that man."Oo. Sandali, mag-ayos ka na. Ikaw na ang sunod. Basta igiling mo lang 'yang bewang mo."Inabot ulit nito sa akin ang dalawang kapirasong tela kasama na ang isang kulay gintong maskara."Sige na. Bilisan mo ah!"Tinulak-tulak ako nito sa banyo. Hindi mapuknat ang malaking ng
Sa pangalawang araw ko ay sinubukan kong maging normal ang trabaho ko kahit alam kong hindi iyon legal. Hindi normal na tarabho. At paniguradong hindi lahat ng nandito ay gusto ang ganitong trabaho.Kahit ilang pa rin ay sinubukan kong mag-ayos. Marahan ko pang linagyan ng lipgloss ang mga labi ko upang magkaroon iyon ng kinang mamaya. Huling hagod pa ng lipgloss bago napukaw ang atensyon ko sa cellphone kong umiilaw.Karl calling...."Bakit, Karl?" bungad na tanong ko.Pinapatayan ako ng cellphone ni Mama at mabuti na lang ay tinawagan ako ngayon ni Karl, ang nakababatang kapatid ko. Ni hindi ko alam kung paano sila kakausapin."Ate," mahina ang boses nito at dinig ko rin ang mahinang iyak ni Letlet."Bakit?"Kinabahan ako at napatayo. Napakapit pa ako sa upuan at doon kumuha ng lakas. Sa tono niya ay paniguradong hindi magandang balita ang hatid niya."Ano, galit si Tatay," halos bulong na sabi niya.Napabuntong
Nakatitig lang ako sa repleksyon ko, hindi mawari kung mangangamba ba ako na bumalik dito si West. Malabo naman siguro na makilala niya ako sa likod ng mascara.Umiling ako at pilit inalis iyon sa isipan ko. Hinayaan kong magsawa ang mga mata ko sa suot na pulang brassiere. May design 'yon na butterfly sa likod at sa harapan naman ang lock. Ang pang-ibaba ay manipis at lace na design sa bawat gilid.Hindi ko lubos akalain na magtatrabaho ako sa ganitong lugar at magsusuot ng mga ganitong damit.Tama na, Frey. Huling gabi ko na ngayon. Titigil ka na."Kapag tinawag ang stage name mo. Diretso ka agad sa stage para agad tayong makauwi. Mag-aalas diyes na." Tiningnan pa nito ang relo sa bisig niya tsaka ako tinulak nang bahagya palapit sa pintong nakakonekta sa stage.Nilukob muli ng kaba at takot ang dibdib ko. Ngunit sa isiping huling gabi na ay nagkakalakas ako ng loob."It'sa brilliant night. Get ready to wave your money and throw it a
"Itigil mo na ang sasakyan!"Sumigaw na ako at lahat ngunit hindi siya kumikibo. Nagpatuloy lang sa pagmamaneho kahit na halos maghisterya ako."Please, itigil mo na," binaba ko ang tono ng boses ko upang mapukaw ang konsensya niya ngunit hindi pa rin ito kumibo.Masyadong bato!Napagkrus ko ang mga kamay sa harap ng aking dibdib at sumusukong napabuntong hininga. Inirapan ko pa ito at pinanatili ang tingin sa bintana.Pinanganak yata itong bossy!Nagpapasalamat naman ako at hindi nasamang nahuli ng mga pulis. Swerte rin na hindi nahagip ng media kung meron man. Inaalala ko lang ay si Alexa, baka nahuli. Paano ang mga anak niya kapag nagkaganoon?Bakit naman kasi basta na lang sumusulpot 'tong lalaking 'to! Parang mas maganda pang mahuli ng pulis kaysa manatili sa sasakyan niya. Para tuloy binabalot ng lagim ang looban ng sasakyan sa aura
"Think about my offer, Miss Rosie Frey Israel," mahinahong bigkas niya na tila nilaro lamang sa dila niya ang pangalan ko.Ilang beses ko yata siyang inirapan upang ipakitang hindi ako interesado sa offer niya. Ang gusto ko lang ay umuwi ng... single."Hatid mo ko sa apartment ko," sinabi ko ang address sa kanya na ikinatango niya ngunit walang ibang sinabi.Napahinga pa ako nang malalim at napasandal sa bintana. I felt tired. Nakapapagod ang araw na ito. Gusto ko ng umuwi sa probinsya pero hindi pa raw pwede. Ayoko rin naman na maging ulo ng balita roon kapag nalamang umuwi ako.Sa pakiramdam ko lalo lamang akong mabuburyo sa apartment ko sa mga susunod pang mga araw. Wala akong pagpipilihan.I looked out at the quiet road. Wala pang ibang sasakyan sa daan bukod sa sasakyan niya. I stared outside and let myself fall asleep. I need a break. I need to rest. This day is exhausting and eating all of my energy. And the man in the passenger seat is the
I had a very good night'ssleep. His bed is very comfy and soft. I yawned and sat in the middle of the bed. Nagkusot pa ako ng isang mata bago humikab ulit.My sight dropped with this silk robe I was wearing. I don't know who owns this. He just handed this to me, together with some underwear. Sinuot ko. Wala naman akong bitbit na damit. I have no choice but to wear what is available.I sighed. I even rolled my eyes around the room, and I don't think if this guestroom is for use. Walang ibang gamit bukod sa kabinet at kama. May kurtina naman pero walang mesa at T.V. Very plain and empty.I headed straight to the bathroom to at least brush my teeth, but I was horrified to know that there was no single thing for hygiene inside. Literal na banyo lang. Linibot ko pa ang tingin ko. Nagbabakasakaling may kabinet na may gamit pero wala.I sighed and walked straight to the mini sink. Napalingon pa ako sa kaharap na salamin at napatitig sa sariling repleksyon.
Napabuga ako ng hangin at lumibot na lamang ang tingin sa malawak niyang lupain. Maybe, there are thousands of coconut trees here. Nakalulula ang dami at tila walang hangganan. Hitik din sa bunga at nagtataasan. May buko naman sa probinsya namin pero hindi ganito karami.Ngunit kahit yata malamig sa mata ang paligid ay hindi niyon kayang pawiin ang kanina pang inis at insultong nararamdaman ko para kay West.How dare he talk to me so boldly? Nakalimutan niya yatang may atraso siya sa akin!"Ahm Ma'am, damit po."Nalingunan ko ang babaeng maaaring nasa trenta pataas ang edad. Maliit at malaman. Maliit din ang buhok at may pagkachinita. Siya siguro si Ate Fe.Nakalahad sa harap ko ang hawak niyang mga nakatuping damit. Nanginginig pa nang bahagya ang kamay niya at mukhang nahihiya. Umiiwas din minsan ng tingin."Salamat po." Ngumiti ako at kinuha ang damit na inaabot niya.Kung sa kanya ito, duda ako kung kakasya sa akin. I am a bit tal
West SeverinoShe's good at teaching, I'll give her that. And she's good at manipulating? Or not?"Baby, throw it to Daddy," dinig kong utos niya sa anak namin.Hindi ko alam kung talagang galit pa rin siya na lalaki ang anak namin kaya't inuutusan niya ng kasamaan sa akin. O dahil mas madalas na sumunod sa akin si baby.Remo giggled and made some bubbling sounds before he threw his jelly toys at me. He even laughedmore when he saw my annoyed expression.Umungol ako sa inis. I didn't know if she was that mad. Hindi ko na nga gusto ang pinangalan niya sa bata pagkatapos ay uutusan pa niya ng kasamaan. But guess what? I can't make any protest."Stop it, Baby. Daddy will get mad," matatag kong baling kay Rem, that is much better. Rem.Kumurap ito at tumigil. Binalingan ang Mama niya at doon tinapon ang ibang laruan.
West SeverinoI have seen her many times in my canteen with her boyfriend. I know how much she loves my buko pie. She can't eat completely without it. Hindi ko nga mapigilan ang hindi siya titigan. Nang makita ko siyang nakapila ay linapagan ko siya ng dalawang platito. She even protested and fought, but I insisted. I even put a glass of buko juice in there for her. I think she deserves it. She deserves kindness.Well, I want to recognize her as my suki. She's my regular customer and the lover of my buko pie. I smirked when her image flashed inside my mind.Of all the teachers I know from this school, she's the one who got my attention. I liked her features so much that I even gave her a box of buko pie. As I told you, she deserves all of it.She looks firm and strong. A very lovely teacher. Every time she's here in my canteen, I can't help but gaze at her. From the way she walks,
Hindi ko siya pinayagan na matulog sa kwarto. Hindi naman siya namilit kaya hinayaan ko na lang. Sa sarap ng tulog ko, mag-aalas otso nang magising ako.Mabilis lang akong naligo at nagbihis bago bumaba. Kumukulo na ang tiyan ko, tiyak na gutom na si baby.Walang tao sa kusina ngunit may pagkain namang nakahapag na. Scramble egg and bacon.I was busy munching my food when West entered the kitchen. Natigilan pa ako at siniguradong siya nga iyon. Wala naman siyang kakambal kaya siguradong siya nga.Ngumisi siya at hinagod ang itim na niyang buhok. Bagong gupit kaya bumata ang itsura niya. Napatitig pa ako roon, naninibago na mas lalo siyang gumwapo."What's that for?" tukoy ko sa pagkukulay at pagpapagupit niya ng buhok."Pinasundo ko kay Rigel sila Papa."Papa? Matatawag niya kayang Papa kung nasa harap na niya."Hindi naman kailangang magp
Gaya ng gusto niya ay ni-unfriend ko si Rico. Kinalkal niya pa ang luma niyang account at ni-add ako. Pinapalitan ang status naming dalawa, from single to married. Pina-post niya pa sa newsfeed ko, naka-tag pa sa kanya.Ang dami tuloy komento sa post. Bukod sa Congratulations ay may iilan na nagtatanong at nagulat. Pinusuan ko na lang at hindi na binigyan ng reply.Isang buwan ata kaming nagpipicture para lang sa hiling niyang mga post. Pinapuno niya ang timeline niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis na ayaw niyang tumigil sa picture-picture na 'yan!Imbis na tuluyang mainis ay sinakyan ko na lang ang trip niya at ginandahan na lang ang mga kuha. Sa bawat post ay may tanong ngunit hindi ko sinasagot. Ang iilan lang na galing kay Celeste ang sinasagot ko.Maging sa account niya ay ganoon. Iilang kakilala ang nagkokomento."Alam mo na ang gender?" tanong ko kay Celeste na nasa video call.Nasa lilim ito ng puno at doon nakatayo. May
We've been doing great in our marriage. Sa dalawang linggong pananatili sa farm niya wala pa naman akong narinig na tsismis o husga kahit na alam na nilang kasal kami at buntis ako.Inaasahan ko pa namang marinig na baka kaya kami nagpakasal ay dahil nabuntis niya ako ngunit wala pa akong naririnig. Baka kung meron man ay hindi ko pa lang naririnig.It's true, but that was not the sole reason. We love each other, period.I bit my lip when he moved faster and harder before he poured all of his seeds inside. I scratched his back and arched my back with the hotness I was feeling inside. Humalik siya nang mabilis bago marahang inalis ang kanya. And people, that was just a breakfast in bed. A normal thing we do.Tumagilid ako ng higa at hinayaan siyang pumwesto sa likod ko at kinagat ang balikat ko na kanyang paboritong parte. Lagi siyang nanggigigil doon. May iilan pa nga akong marka roon kaya hindi ako makapagsando.He hugged me from the back and jail
Gabi na pagkarating namin sa farm. Si Nanay Lina na lang ang dinatnan naming gising. Niyapos pa ako nito ng yakap. Halata sa mukha niyang natutuwa siyang makita ako ulit."Sabi ko na sa'yo, Frey. Susuyuin ka rin," bulong nito sa akin."Nay, naman. Syempre," si West na narinig ang sinabi ni Nanay Lina.Sinabi naming kasal na kami na kinagulat niya ngunit kinangiti rin kalaunan. Sinabi ko ring buntis ako kaya naman nagmadali pa siyang maghanda ng makakain. Hinintay niya kaming matapos bago pinilit umakyat upang matulog ng maaga. Sabi niya ay masama raw magpuyat kapag bunts.Hindi na kami tumutol at umakyat na lamang. That was a peaceful night. The solace I felt in this town is unexplainable. Ever since I saw the beauty of Liliw, much more the church, I have had a vision of living here. I didn't know it would happen through him. Si West pala ang magiging daan upang manatili ako rito.I comfortably settled myself into his arm. Being this close to him i
Kahit na nahihiya kay Draco at Rigel ay sumama pa rin ako kay West paalis ng restaurant."Okay lang ba na iwanan sila? at bakit kare-kare lang?"Kumibit balikat siya bago ako pinagbuksan ng sasakyan."That's fine. They can order more and pay for it."Inakbayan niya ako at giniya papasok sa isang resort."Dito tayo?" kunwaring taas kilay na tanong ko.He smirked and kissed my temple."Puerto Del Sol offers a deluxe honeymoon rooms, so yeah? dito tayo," nakangising sagot niya.Hinampas ko nang bahagya ang braso niya na kanya lang tinawanan.Well. Totoo naman. Their villas are mansion types with glass windows where you can actually see the splendid view of Bolinao beaches."We'll rest for a while before we eat or gutom ka na?"We settled in one of their deluxe room. A large soft bed, television, and aircon.Binuksan niya ang aircon at namewang sa harap ko. Hinihintay ang sagot ko.I stared
I can't believe that we did it inside his car. May araw pa iyon at nasa public ang sasakyan. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at pinagpatuloy ko iyon.Bakit kasi nanunukso siya?Nahihiya pa ako sa inasal hanggang sa maihatid niya ako sa bahay. Mabuti na lang at wala sila Mama at mga kapatid ko. Sa sobrang hiya ko nanatili lang ako sa kwarto.Ngunit nawala rin iyon sa isip ko lalo na't naalalang kasal ko kinabukasan. Hindi ako halos makatulog at kinakabahan.I have lived under his roof before. Pero ngayon magkakaroon na ng titulo ay mas kinakabahan at nasasabik ako. I am not just a visitor, anymore. Asawa at magiging ina ng anak niya. Hindi ko lubos akalain na hahantong din kami sa ganito.Pinilit kong matulog kahit ayaw ng diwa ko. Ayoko naman na mukha akong zombie sa mismong kasal ko. Kaya lang, alas singko pa lang ng madaling araw ay gising na ako.Alas diyes pa lang ang kasal ngunit inayos ko na ang susuotin. I didn't buy a new dre
"Gusto mo bang samahan kita, Nak?" Si Mama na may pag-aalala ang tingin sa akin.Pareho kaming nakaayos ngunit iba ang destinasyon. Dalawa rin ang tricycle na nag-aabang sa gate. Isa para sa kanila na papuntang grocery store. Ang isa ay para sa akin papuntang terminal ng jeep."Kaya ko na po, Ma. Alam ko naman po kung saan kukuha ng Cenomar."Pilit akong ngumiti. Kahit gusto kong magpasama sa kanya ay pinipigilan ako ng matalim na tingin ni Papa.Kahit gaano ko pa palakasin ang loob ko ay humihina lamang iyonlalo na sa tuwing naiisip ko na galit sa akin si Papa at gusto na akong alisin sa pamilya."Hindi naman tayo magtatagal. Nandoon naman ang Papa mo sa grocery store," pilit pa nito.Kita ko naman na gusto talagang sumama ni Mama, ang problema ay tutol si Papa. At ayaw ko na mas magalit pa ito o idamay pa si Mama."Hindi na po, Ma. Okay lang po, kaya ko na-""Lorna, kasalanan niya ang nangyari sa kanya kaya pabayaan mo