Ilang araw nang walang ibang tao sa bahay ni Sky kundi ito lang. Kapag nagvi-video call si Ivan sa kanya ay tinatanong niya ito kung bakit hindi pa ito bumabalik ng Tarlac. Ang laging sagot ng bata ay hinihintay lang daw nitong sunduin ito ng Daddy nito.Kapag tinatanong din niya ang lalaki kung bakit hindi pa bumabalik ang katiwala nito, ang sagot lang ni Sky ay pinagbakasyon daw muna nito nang ilang araw pero with pay pa rin daw iyon.Hindi niya alam kung sinasadya nito iyon, lalo pa't hindi pa rin ito bumabalik ng Maynila. Naiilang siya no'ng una dahil sa kaalamang sila lang dalawa nito ang nasa bahay. Hindi naman siya dinidisturbo ni Sky habang nagtatrabaho siya. Hindi niya alam kung nagkukulong ba ito ng kwarto habang hinahayaan siya nito sa trabaho niya.Tuwing lunch ay saka ito lalapit sa kanya. Ito ang nagluluto ng tanghalian nila. Hindi na siya makatanggi sa pamimilit nito. Pagkatapos ng lunch ay hahayaan na uli siya sa ginagawa niya.Ilang araw din silang gano'n. Ang ikinak
Ayaw niyang aminin na hinahanap-hanap niya ang presensiya ni Sky. Bumalik na kasi ito ng Maynila pagkatapos ng ilang araw na pananatili sa Tarlac. Kasabay ng pagluwas nito ng Maynila ay ang pag-uwi rin ni Ivan sa Tarlac. Pinahatid ito ni Sky sa driver nito na si Mang Johnny.Tinawagan siya nito para lang magpaalam na luluwas na ng Maynila.Masayang-masaya siya nang bumalik na si Ivan. Mahigpit na nagyakapan sila nito nang magkitang muli na para bang ilang taon silang hindi nagkita.Matatapos na rin ang trabaho niya sa bahay ni Sky sa linggong iyon. May bahagi niya ang nalulungkot dahil ibig sabihin lang no'n ay tapos na rin ang ano mang meron sila ngayon ng lalaki.Kahit naman kasi anong pigil niya sa sarili ay hindi niya mapipigilan ang puso na tinitibok pa rin ito.Ang isa pang nagpapahirap ng loob niya ay si Ivan. Hindi lang kasi siya ang maaapektuhan kundi pati na rin ang bata. Alam niyang malapit na rin ang loob nito sa kanya kaya siguradong hahanapin din siya ni Ivan lagi.Nasa
Mahigit isang buwan na siyang nasa Palawan. Hindi kailan man lumilipas ang araw na hindi niya nakakausap sa video calls si Ivan. Sa tuwing nakakausap niya ang bata ay gustong-gusto na niyang tanungin ito tungkol sa ama nito.Mula nang umalis siya ng Tarlac ay hindi na rin nagpaparamdam si Sky sa kanya. Kahit ayaw niya ay nasasaktan pa rin siya. Inaasahan na niya ang gano'n pero hindi niya mapigilan ang pusong makaramdam ng sakit.Imbes na mag-focus sa panibagong heartache ay ibinuhos niya ang lahat ng atensiyon sa trabaho. Sa laki ng resort ay tatlo silang designers ang nagtatrabaho roon. May soft opening na ang resort bago pa man siya dumating. Tumatanggap na sila ng mga bisita at customers pero limited pa lang.Nakaharap na rin niya ang may-ari ng resort na iyon na walang iba kundi si Trevor Montez. Mas gwapo nga ito sa personal. Kahit masyadong manly ang mukha nito sa mga pictures na nakikita niya ay may napapansin naman siyang kakaiba sa lalaki. Mas madalas niyang napapansin ang f
Matagal na masuyong tinitigan ni Sky ang buong mukha niya. Hindi niya uli mabasa ang kakaibang ekspresyong nakikita niya sa mga mata ng lalaki.Dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa kanya. Hawak-hawak ni Sky ang baba niya habang tinatawid ang distansiya sa pagitan nila.Napapikit siya nang tuluyang maramdaman ang paglapat ng mga labi nito sa kanya. Kahit ang paraan ng paghalik nito ngayon ay kakaiba. Hindi ito nagmamadali. Bawat dantay ng mga labi nito sa bibig niya ay punong-puno ng pagsuyo.Dalawang kamay na nito ang nakahawak sa magkabilang pisngi niya. Dumiin na ang paghalik nito sa kanya.Awtomatikong yumakap ang dalawang braso niya sa beywang nito. Gusto niyang magpakatotoo sa sarili sa gabing iyon. Pinananabikan niya ang bawat haplos at halik ni Sky.Hindi agad pumasok ang dila nito sa nakaawang na niyang bibig. Inikot muna nito ang mga labi niya na para bang binabasa ng laway nito.Lumipat sa batok niya ang isang kamay nito para idiin pa siya papalapit dito."I missed you so m
Sky's POVKeith Kincaid...Hindi na naalis sa isip niya ang pangalan na nabasa niya sa puntod kung saan nakita niyang grabe ang iyak ni Braille.Ang mas nakakapukaw ng kuryusidad niya ay kung bakit may mga regalo roon na nakapangalan sa kanya? Ang bilang din ng mga regalong iyon ay tumutugma sa bilang ng taon kung kailan nawala siya ng bansa.Hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Braille na anak ng isa sa mga kaibigan nito ang sanggol sa puntod.Bakit iiyak ito nang gano'n na para bang ito ang ina?Bakit ando'n ang pangalan niya sa mga regalo? Ano ang kinalaman niya sa sanggol?Bumalik din sa isip niya ang ilang buwang hindi na nagparamdam si Braille sa kanya kahit nasa Pilipinas pa siya.Mula nang makita niya ito sa isang nakakaeskandalong eksena, kasama ang lalaking kinabubwisitan pa rin niya kapag naiisip hanggang ngayon ay walang araw na hindi nangungulit si Braille.Para siyang mauulol sa galit nang mga panahong iyon. Ayaw niyang makita at makausap ito dahil baka kung ano pa ang mas
Kahit hindi siya gaano'ng nakatulog kagabi ay maaga pa rin siyang nagising.Hindi siya pinatulog sa kakaisip ng maaaring dahilan kung bakit umiyak si Sky kagabi.Pagkaligo ay tinawagan niya agad si Ivan. Alam niyang naghihintay ito ng tawag niya dahil hindi sila nagkausap kagabi. Mabuti na lang at sanay na itong magising nang maaga.Halos isang oras din ang ginugol nila sa video call. Nang tingnan niya ang oras ay pasado alas otso na ng umaga. Naisip niya agad si Sky. Hindi niya alam kung saang cottage ito tumutuloy. Hindi rin niya alam kung ilang araw itong mananatili roon.Gusto niya itong kausapin. Gusto niyang sabihin na tumigil na ito para sa ikatatahimik na rin nilang dalawa.Hindi siya kumain ng breakfast. Nagpahatid lang siya ng kape sa cottage para mainitan ang tiyan niya.Ayaw niya munang makaharap sina Cynthia at Melanie. Siguradong uulanin siya ng tukso ng dalawa lalo at nauna siyang umuwi kagabi kasama ni Sky.Dumiretso siya agad sa tinatrabaho niyang lugar. Sabado nang
Halos tatlong buwan din siyang nawala sa Pilipinas. Umalis siya ng bansa no'ng panahong gusto niyang takasan ang lahat ng sakit. Nagawa pa rin naman niyang magpaalam nang maayos kay Ivan bago siya lumipad. Iyak ito nang iyak pero nangako siyang babalik din naman siya agad. Sa ilang buwang pananatili niya sa ibang bansa ay araw-araw niyang kinakausap ang bata. Nananabik din kasi siya rito kahit hindi niya ito anak. Nagkasya na muna sila ni Ivan sa video calls araw-araw. Kahit magkaiba ang oras nila ay siya ang nag-aadjust sa time niya para lang makausap ito lagi.Nagpaalam siya nang maayos kay Trevor pagkatapos ng insidente sa resort. Siya na rin ang humingi ng paumanhin sa gulong kinasangkutan nila ni Sky dahil kay Brandon. Mabuti na lang at likas na mabait ang kliyente niyang iyon at naintindihan nito ang sitwasyon. Ayaw niya sanang tanggapin na lang ang bayad nito sa trabaho niya dahil hindi rin naman niya nasunod ang kontrata pero ipinilit nito dahil masaya naman daw ito sa gawa n
Audrey's POV"Where have you been, young lady? What time is it?"Agad na sumalubong sa kanya ang galit na galit na mukha ng amang Australyano.Walang ano mang tiningnan nga niya ang relo."It's four in the morning, Dad. Did you just wait for me to ask the time?" Pangarag-ngarag pa ang paglalakad niya.Galing siya sa isang bar kasama ang mga barkada niya. "Audrey!" Galit na tawag ng Mommy niya sa kanya.Namumungay ang mga matang napatitig lang siya sa bunganga ng ina. Buka iyon nang buka pero wala na siyang nauunawaan.Lango siya sa alak at sa kung ano man iyong gamot na ibinigay sa kanya ng isang kaibigan kanina.Hindi niya pinansin ang mga ito. Dumiretso siya sa kwarto at padapang humiga sa kama.Sinundan siya ng ina niya. Talak pa rin ito nang talak."Hindi ka na tumulad do'n sa pinsan mong si Braille. Hindi iyon sakit ng ulo ng kapatid ko."Pangalan lang ng pinsan niya ang pumasok sa tenga niya. Mabilis na kinuha niya ang unan at itinakip sa tenga. Pagod na pagod na siyang ikumpar
Again, thank you po sa lahat ng sumubaybay sa dalawang love stories ng book na ito.Iba kong books na mababasa ninyo rito sa Goodnovel:-The Rebound Bride-Gagayumahin si Ultimate Crush (The Palpak Version)-Love Potion Gone Wrong (Bewitching my Ultimate Crush)- English version ng Gagayumahin-Between Lust and Love (Tagalog and English version)Ang Gagayumahin ay nasa isang account ko na Jewiljen pa rin. Pwede ninyong ma-search gamit ang Jewiljen or ang title mismo.Completed na po ang lahat ng iyan!Taos puso po akong nagpapasalamat sa suporta ninyo. I'm forever grateful sa inyo.Salamat sa lahat!❤️❤️❤️💋
Buong araw siyang nasa labas. Kinausap niya ang mga may-ari ng dalawang lote na natitipuhan niyang bilhin para pagtayuan ng museum ng mga paintings niya.Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Ilang buwan siyang nanatili sa Maynila. Ngayon lang siyang nakabalik muli ng Tarlac. Kaya sobrang pagod niya dahil pagkatapos niyang makausap ang pangalawang may-ari ay bumiyahe na rin siya papuntang Tarlac. Wala sa plano iyon. Basta gusto lang niyang umuwi ng Tarlac.Agad na bumungad sa kanya ang isa sa mga stay-out na katiwala niya."Ma'am may mga sulat po kayong dumating no'ng mga nakaraang buwan pa."Tumango lang siya habang pabagsak na umupo sa malambot na sofa. Nasabi na rin kasi nito iyon no'ng isang linggo. Sanay na siyang nakakatanggap ng mga business letters kaya ipinagbalewala niya na lang iyon.Tinanggal niya ang sapatos sa paa para maiangat niya ang mga binti sa sofa. Prenteng-prente na ang pagkakasandal niya nang bumalik sa harap niya ang katiwala.Nagtaka pa siya nang may b
No'ng isang araw lang siya bumalik ng Pilipinas. Sa loob ng ilang taong nasa Amerika siya ay mabibilang lang sa daliri ang mga panahong umuuwi siya ng bansa. Sa tuwing bumabalik kasi siya ng Pilipinas ay hindi niya maiwasang maisip ang unang heartbreak niya. Alam niyang masyado pa siyang bata no'n pero tumatak talaga iyon sa puso niya.Nagka-boyfriends din naman siya sa ibang bansa pero lagi ay aabot lang ng ilang months. Siguro dahil hindi pa rin siya nakaka-adjust sa ibang culture ng ibang lahi. O kaya naman ay Pinoy talaga ang hinahanap ng puso niya.Ngayong bumalik na uli siya ng Pilipinas ay mananatili na siya for good. Kahilingan na rin iyon ng mga magulang niya. Ironic nga na ang mga ito ang may gustong sa Amerika siya mag-aral pero hindi naman tumitigil ang parents niya sa pakiusap na umuwi na siya. Kailangan pang magmakaawa ng mga ito para lang bumisita siya ng Pilipinas.Maganda na kasi ang trabaho niya roon. Hindi man niya nasunod ang gusto niya dati na may connection sa g
Kahit parang nagiging panakip-butas lang siya ni Archer ay hindi naman kailan man pinaparamdam ni Archer sa kanya iyon. Sa katunayan ay napaka-sweet nito bilang boyfriend. Kapag hindi sila magkasama ng lalaki ay sa telepono naman sila nakababad na dalawa.Ang saya-saya ng puso niya pero hindi pa niya iyon masabi kay Braille. Nagi-guilty kasi siya. Feeling niya ay sinulot niya si Archer dito kahit pa sabihin nitong may iba talaga itong gusto.Saka na siguro niya sasabihin kay Braille kapag sigurado na siyang naibaling na nga ni Archer ang feelings nito sa kanya. Mula nang maging sila ng lalaki ay never na nitong nababanggit si Braille sa kanya. Gusto niyang isipin na kahit sa ikli ng panahong nagkakilala sila ay tuluyan na ngang nahulog ang loob nito sa kanya.Nasa isang kainan sila noon. Mataman niyang pinagmamasdan muna si Archer bago niya naisipang sabihin dito ang matagal na niyang gustong sabihin."S-si Braille iyong emogirl mo, di ba?" Halos hirap pang lumabas sa bibig niya ang
Umalis muna siya sa tambayan ng mga Emopipz. Wala rin naman kasi si Braille. Saka medyo masama ang loob niya. Narinig niya kasi ang pinag-uusapan ng ibang members ng Emopipz. May bagong girlfriend na raw si Seth.Si Seth ay isa sa mga founders ng Emopipz. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Ang totoo ay hindi naman talaga ito kagwapuhan. Kagaya ng typical na member ng Emopipz, mahaba ang bangs ni Seth kahit pa nga lalaki ito. Mahilig ito sa paggalaw-galaw ng ulo kapag gusto nitong hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata.Ang kapal din ng eyeliner nito at nagli-lipstick din ito ng itim.Over all, kung titingnan ay hindi talaga ito gwapo. Kahit siya ay natatanong ang sarili minsan kung ano ang nagustuhan niya kay Seth.Siguro dahil sa sobrang confidence nito sa sarili kaya marami ang nagkakagusto sa lalaki na puro Emopipz members lang din naman. Iyong ibang mga kababaihan na hindi masakyan ang trip ng kanilang grupo ay ginagawang katatawanan ang lalaki.Hindi na niya mabilang kung
Salamat sa mga sumubaybay sa kwentong ito.Salamat mga emopipz!Naa-appreciate ko po ang lahat ng mga comments ninyo. May ilalagay po akong special chapters ng Team Arch-Angel after nito. Mga isa or dalawang chapters lang.Again, maraming salamat dahil hindi ninyo iniwan sina Braille at Sky!Nakakaiyak lang na natapos na ang kwento nila. Pwede ninyo pa rin pong ulitin ang pagbasa kung mami-miss ninyo sila.Salamat sa lahat, Emopipz!Gusto ko sanang mag-mention ng names dito kaso ayaw kong may makaligtaan dahil lahat kayo na readers ay malaki ang naiambag para matapos ko ang kwento na ito.If hindi pa ninyo nabasa ang isa kong story dito ang Title is: GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)❤️❤️❤️Thank you from JEWILJEN
Malaking-malaki na ang tiyan niya. Kabuwanan na niya kasi. Alam niyang may pasorpresa si Sky sa kanya dahil birthday niya sa araw na iyon.Hindi marunong magtago ng sorpresa ang asawa. Kunwari pa ito na busy na busy raw ito sa trabaho pero alam niyang abala ito sa birthday niya.Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa bahay nila ni Sky sa Maynila. Iyon ang bahay na pinagawa nito at tinuluyan nila no'ng akala niya ay totohanan ang kasal nila.Pinaayos iyong muli ni Sky bago sila tumira roon. Ibinilin nito sa katiwalang kinuha na huwag muna siyang palalabasin ng kwarto para huwag siyang mapagod.Kung hindi lang siya nagkahinala sa plano nitong sorpresa ay hindi niya ito susundin. Sino ba naman ang gaganahang magkulong ng kwarto nang buong araw?Si Ivan ay may pasok sa araw na iyon kaya't tanging ang matandang katiwala ang nakakasama niya lagi.Sinakyan niya na lang din si Sky. Hindi niya ito sinuway. Nanatili nga lang siya sa kwarto pero panay naman ang tanong niya sa katiwala. Baka kasi
Ikinasal nga sila sa huwes nang araw na iyon. Isa na siyang ganap na Mrs. Braillene Dominique Razon!Ngayon ay totohanan na talaga. Iyak nang iyak ang mga ina nila nang ianunsiyo nilang kasal na sila ni Sky. Iyak iyon ng kaligayahan.Excited pa rin ang dalawa sa kasal nila sa simbahan sa susunod na buwan. Habang nasa preparation stage sila ay naging busy rin sila sa ibang mga bagay.Sinamahan siya ni Sky para sa checkup niya. Halos hindi na ito umaalis sa tabi niya mula nang ikasal sila ng lalaki. Saka na lang sila magha-honeymoon pagkatapos ng kasal sa simbahan.Dinalaw nila sa ospital si Brandon. Hindi na makakalakad ang lalaki dahil sa matinding pinsala ng aksidente. Natutunan na rin nila itong patawarin. Ito rin kasi ang nagligtas sa buhay nila mula sa masamang balak ni Audrey.Si Audrey?Hindi na nila binisita ni Sky ang pinsan niya sa mental pero kumukuha sila ng updates. Ang sabi ng doktor ay palala nang palala ang kalagayan nito. Nakita rin nila ang hitsura ni Audrey sa lara
Kahit hindi pa siya nahihimasmasan sa sunod-sunod na rebelasyon at pangyayari ay lumuwas uli sila ni Sky pa-Maynila.Hindi na siya makapaghintay na makita si Ivan. Ang hirap paniwalaan na ang anak na iniyakan niya sa loob ng pitong taon ay buhay na buhay pala at nasa piling ng ama nito.Kahit si Sky ay hindi kayang magmaneho sa tindi ng emosyon nilang dalawa. Pagkatapos silang ma-interview sa presinto dahil sa nangyari kay Audrey at Brandon ay may kinontak agad si Sky para ihatid sila sa bahay nito sa Maynila.Hindi siya nito binibitiwan. Pareho silang nakaupo sa likod. Alam niyang umiiyak din ito habang panay ang halik sa buhok niya. Tahimik ito pero mahigpit ang yakap sa kanya.Siya naman ay halos hihimatayin na naman sa hindi maipaliwanag na emosyon. Ni hindi na niya iniisip muna ang tangkang pagsagasa sa kanila ni Audrey. Akala niya talaga kanina ay katapusan na nila.Nangatal siya sa takot at nang makitang si Audrey ang nagmamaneho ng sasakyang gusto silang banggain ay mas lalong