Share

KABANATA 58

Author: Jewiljen
last update Huling Na-update: 2022-09-30 16:50:28

Hapong-hapo na napaupo siya sa sofa. Hindi alintana na basa pa rin ang damit niya.

Natatakot siya sa huling sinabi ni Sky. Alam niyang gagawa ito ng paraan para alamin ang gusto nitong malaman.

Kapag nalaman nitong nanganak siya, iisipin kaya nitong ito ang ama?

Parang ngayon pa lang ay gusto na niyang tumakas. Gusto na niyang lumayo bago pa man nito malaman ang lahat.

Napasandal siya sa sofa at matagal na nakatingala lang habang blangko na ang isip.

"Braille! Braille!"

Nagulat siya malakas na boses ni Audrey na basta na lang pumasok ng bahay niya.

Nakakunot-noong napatingin siya sa pinsan na para bang hinihingal sa sobrang galit.

Ano na naman ang problema ng babaeng ito?

Tumayo siya kahit parang ayaw kumilos ng katawan niya.

"Nasaan si Sky? Hindi ba't magkasama kayo?" Nakapameywang na tanong nito.

Tiningnan pa nito ang kabuuan niya. Mas lalong hindi maipinta ang mukha nito nang mapansing basang-basa ang buong katawan niya.

"Nagtampisaw ba kayo sa ulan ni Sky kaya't basang-basa ka?"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (33)
goodnovel comment avatar
Le Ya
pakyu ka audrey buti nga sayo
goodnovel comment avatar
Missy F
naku, wag mo na ituloy ayusin ung pagiging designer ng bahay ni Sky
goodnovel comment avatar
VA NE Ssa
miss a pano po magtop up sa good novel
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 59

    Sky's POVHindi man lang siya nakadama ng pagod nang takbuhin niya ang pauwi sa bahay nila galing kina Braille.Kahit malamig ang panahon ay pasisid pa niyang tinawid ang batis para makarating sa kabila kung saan pag-aari na niya ang lupa.Matagal na nanatili siya sa labas ng bahay kahit malakas na malakas pa rin ang ulan. Nasa beywang niya ang dalawang kamay habang nakatingala sa nagngangalit na langit.Sinasalubong ng mukha niya ang pagbuhos ng ulan.Katulad ng panahon ay walang kapayapaan sa puso niya.Mula nang makita niyang muli si Braille ay nagulo ang lahat ng mga plano niya sa buhay. Ang akala niya ay maibibigay niya na rin ang kumpletong pamilya na nararapat kay Ivan. Malapit ang anak niya kay Audrey. Nakikinig ito sa babae.Handa na siyang pakasalan ito para sa kapakanan ng batang itinuturing na niyang totoong anak. Naisip niyang hindi na siya mahihirapan siguro dahil dati rin naman niyang minahal si Audrey.Pero bakit nag-aalinlangan ang puso niya nang masilayang muli si B

    Huling Na-update : 2022-10-01
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 60

    Ni hindi na siya kumikilos sa kinauupuan niya. Natatakot siyang baka mabitawan na lang niya bigla ang buhol ng manipis na kumot. Sa nipis no'n ay damang-dama pa rin niya ang napakalamig na hangin sa balat."Can I have one pillow? I'm butt naked."Napangiwi siya sa narinig. Sinabi na nga niyang huwag nitong hubarin lahat ay naghubad pa rin ito. Kinuha niya ang unan saka pabagsak na inilagay sa tabi niya nang hindi ito nililingon.Naramdaman niya ang bigat ng pag-upo nito sa tabi niya."Baka tuluyang bumigay ang kama sa bigat mo." Sabi niya nang marinig ang malakas na langitngit no'n.Tumawa ito."I'm sure I look silly sitting here naked. It is so cold. Hindi nakatulong ang unan na inuupuan ko ngayon. You might want to share the blanket with me."Kumunot ang noo niya. Napatingin siya sa kumot. Kasya naman yata ang dalawa do'n pero alangan namang silang dalawa ang susukob do'n?Pareho silang hubad!Hindi niya ito inimikan.Bahala itong manigas sa lamig!Wala na siyang narinig pa mula rit

    Huling Na-update : 2022-10-02
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 61

    Gusto na lang sana niyang kanselahin ang kontrata nila ni Sky pagkatapos ng nangyari sa kanila sa kubo. Alam niyang mas nagiging kumplikado ang sitwasyon nila pareho.Pero naisip niyang baka bibigyan ng ibang kahulugan ni Sky ang pag-back out niya sa trabaho kung saka-sakali.Alam niyang pareho lang silang nadala ng panahon no'ng araw na iyon. Wala iyong ibang kahulugan kundi tawag lang talaga ng laman. Mas mabuting umakto siya nang kaswal kesa mapaghahalatang malaki ang epekto ng mainit nilang sandali ni Sky.Kahit kabado ay sumipot pa rin siya sa bahay ng lalaki kinabukasan. Aakto siyang parang wala lang sa kanya ang nangyari para maiwasan nila ang pagkailang sa isa't-isa.Wala siyang naabutang ibang tao roon kundi ang katiwala. Kahit si Ivan at ang Mama ni Sky ay wala sa bahay nito. Bago umalis ang katiwala ay nagtanong na lang din siya."Nasaan pala ang mga tao rito?" "Ay, maaga po silang lumuwas ng Maynila. Magsi-celebrate yata si Sir ng birthday niya roon. Hindi naman kasi siya

    Huling Na-update : 2022-10-03
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 62

    Mag-iisang linggo na mula nang huli niyang nakita si Sky pati na si Ivan. Mula kasi nang lumuwas ng Maynila ang mga ito ay hindi pa sila nakabalik ng Tarlac.Nami-miss na niya si Ivan. Nasasanay na kasi siya sa kakulitan ng bata. Mabuti na lang at halos araw-araw itong nagvi-video call sa kanya. Hindi pa raw ito makakabalik ng Tarlac dahil gusto raw itong makasama ng lolo't lola nito.Si Sky?Ayaw niyang bigyan ng pansin ang paghahanap din sa lalaki. Sa katunayan ay nagti-text naman ito araw-araw para lang tanungin kung may mga kakailanganin ba sa trabaho niya. Kapag tumatawag kasi ang lalaki ay hindi niya sinasagot. Sinasabi niya lang na busy siya kaya hindi niya nasasagot ang tawag nito.Natatakot siyang marinig uli ang boses nito. Natatakot siya sa traydor na puso.Nagiging hobby niya na rin yata ang pang-iistalk kay Zania. Gusto niyang mainis kay Audrey. Ito ang dahilan kung bakit araw-araw na nga niyang sinisilip ang profile ng babae.Kaya pala hindi nauuwi ng Tarlac si Sky dahil

    Huling Na-update : 2022-10-04
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 63

    Kanina pa niya hindi maalis-alis ang tingin sa bunganga ni Archer na parang ayaw tumigil sa pagsasalita.Gusto niyang matawa dahil kung gaano ito katahimik dati kapag kaharap siya ay siya namang kabaliktaran ngayon."What? Is there something on my face?" Na-conscious bigla na tanong nito. Napansin kasi ng lalaki na parang tuwang-tuwa lang siya habang nakikinig dito.Hindi na niya napigilan ang matawa dahil sa reaksiyon ng mukha nito.Nasa isang fast food chain sila. Nasa Tarlac na kasi ito at gusto niya ring makita ang lalaki. Naku-curious siya sa mukha nito ngayon. Nag-iisa lang kasi ang picture nito sa profile nito.Kahit siya ay muntik nang mapanganga sa hitsura ng lalaki nang masilayan niya itong muli. Gwapo naman ito dati pa no'ng kabataan nito pero mas lumakas ang appeal nito nang magkamasel ang katawan."What? Don't tell me na pinagsisihan mo na ngayon kung bakit mo ako binasted dati." Pabirong sabi nito.Mas lalo siyang napahagalpak ng tawa."Sira! Pero siguro kung ganyan ka k

    Huling Na-update : 2022-10-05
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 64

    Iniwan niya muna ang dalawang lalaki sa sala pagkatapos niyang pahatdan ng maiinom ang mga ito sa katiwala.Hindi siya mapakali dahil hindi inaalis ni Sky ang mga mata sa kanya. Pakiramdam nga niya ay nakakahalata rin si Archer dahil napapatingin din ito sa kanya nang may panunudyo sa mga mata.Dinala niya si Ivan sa kusina para silipin kung ano ang pinaluto ng Mommy niya sa mga katiwala.Busy nga ang tatlong katulong sa pagluluto. Binati siya saglit ng mga ito nang makita siya."Are you hungry?" Tanong niya kay Ivan. Saka lang siya nakahinga nang maayos nang wala na sa paligid si Sky."I'm still full po." "Okay." Nakangiting pinisil niya ang matambok na pisngi ng bata.Kung pwede lang ay sa kusina na lang sila tumambay ni Ivan. Ayaw niyang lumabas sa sala kasi ando'n si Sky. "Mommy, can I see your room?" Biglang request nito."Sure." Agad na pumayag siya. Kahit saan ay pwede, huwag lang sa lugar kung nasaan si Sky.Hawak-hawak niya uli sa kamay si Ivan. Napatingin agad sina Sky at A

    Huling Na-update : 2022-10-06
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 65

    "Andiyan pa ba iyong masarap pikunin na pinsan ko?" Nakatawang bungad agad ni Archer sa kanya nang sagutin niya ang tawag nito kinagabihan.Malapit nang mag-alas nuebe ng gabi nang umalis si Sky at ang pamilya nito. Tanging ang mga magulang lang ng lalaki ang kasama nito sa dinner na iyon dahil si Ara na kapatid nito ay naiwan sa Maynila dahil may summer class.Umingos siya kahit hindi iyon makikita ni Archer."Para kayong mga engot na magpinsan."Malakas na tawa lang ang isinagot nito."Alam mo bang tinanong ako ni Sky kanina kung nanliligaw ba uli ako sa'yo? Tapos parang mananapak na habang tinanong ako no'n." Hindi na yata ito titigil sa kakatawa.Sumeryoso ang mukha niya."Ano'ng sinabi mo?" Hindi maikakaila ang interes niya sa topic na iyon.Matagal bago ito sumagot na sinadyang bitinin siya."Hoy, Archer, ano nga?" Ulit niya na medyo nainis na sa pambibitin nito.Marahang tawa ang narinig niya bago ito sumagot."Siyempre, sabi ko oo dahil gusto ko pa siyang inisin. Nakakatuwa ka

    Huling Na-update : 2022-10-07
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 66

    Mabuti na lang at Lunes. Alam niyang nasa Maynila na uli si Sky. Hindi siya maiilang na sumulpot sa bahay nito para sa trabaho niya pagkatapos ng "without commitment" na status na pinagsasabi nito.Nakatanggap siya ng text mula sa lalaki na may ipapabago ito nang konti sa kusina.Sinabi nitong wala ang mga katiwala dahil nagpaalam si Manang na uuwi muna sa kanila. Si Ivan naman pati ang yaya nito ay isinama ng mga magulang nito sa Maynila.Inaasahan na niyang wala siyang maaabutan sa bahay. Sinabi ni Sky kung saan makikita ang susi ng pinto ng bahay.Masyado ngang tahimik sa loob. Dumiretso siya sa kusina. Titingnan niya ang design ng wall na babaguhin. Nagtaka pa siya nang makaamoy ng mabangong niluluto sa kusina. Akala ba niya ay walang tao roon?Diretso na siyang pumasok. Naisip niyang baka hindi natuloy sa pag-uwi ang matandang katiwala ni Sky na siyang nagluluto lagi do'n.Awtomatikong parang dumikit na sa sahig ang mga paa niya at ayaw nang kumilos nang makita ang isang lalaki

    Huling Na-update : 2022-10-07

Pinakabagong kabanata

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   Pasasalamat muli

    Again, thank you po sa lahat ng sumubaybay sa dalawang love stories ng book na ito.Iba kong books na mababasa ninyo rito sa Goodnovel:-The Rebound Bride-Gagayumahin si Ultimate Crush (The Palpak Version)-Love Potion Gone Wrong (Bewitching my Ultimate Crush)- English version ng Gagayumahin-Between Lust and Love (Tagalog and English version)Ang Gagayumahin ay nasa isang account ko na Jewiljen pa rin. Pwede ninyong ma-search gamit ang Jewiljen or ang title mismo.Completed na po ang lahat ng iyan!Taos puso po akong nagpapasalamat sa suporta ninyo. I'm forever grateful sa inyo.Salamat sa lahat!❤️❤️❤️💋

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   FINAL SPECIAL CHAPTER (Arch-Angel)

    Buong araw siyang nasa labas. Kinausap niya ang mga may-ari ng dalawang lote na natitipuhan niyang bilhin para pagtayuan ng museum ng mga paintings niya.Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Ilang buwan siyang nanatili sa Maynila. Ngayon lang siyang nakabalik muli ng Tarlac. Kaya sobrang pagod niya dahil pagkatapos niyang makausap ang pangalawang may-ari ay bumiyahe na rin siya papuntang Tarlac. Wala sa plano iyon. Basta gusto lang niyang umuwi ng Tarlac.Agad na bumungad sa kanya ang isa sa mga stay-out na katiwala niya."Ma'am may mga sulat po kayong dumating no'ng mga nakaraang buwan pa."Tumango lang siya habang pabagsak na umupo sa malambot na sofa. Nasabi na rin kasi nito iyon no'ng isang linggo. Sanay na siyang nakakatanggap ng mga business letters kaya ipinagbalewala niya na lang iyon.Tinanggal niya ang sapatos sa paa para maiangat niya ang mga binti sa sofa. Prenteng-prente na ang pagkakasandal niya nang bumalik sa harap niya ang katiwala.Nagtaka pa siya nang may b

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 3 (Arch-Angel)

    No'ng isang araw lang siya bumalik ng Pilipinas. Sa loob ng ilang taong nasa Amerika siya ay mabibilang lang sa daliri ang mga panahong umuuwi siya ng bansa. Sa tuwing bumabalik kasi siya ng Pilipinas ay hindi niya maiwasang maisip ang unang heartbreak niya. Alam niyang masyado pa siyang bata no'n pero tumatak talaga iyon sa puso niya.Nagka-boyfriends din naman siya sa ibang bansa pero lagi ay aabot lang ng ilang months. Siguro dahil hindi pa rin siya nakaka-adjust sa ibang culture ng ibang lahi. O kaya naman ay Pinoy talaga ang hinahanap ng puso niya.Ngayong bumalik na uli siya ng Pilipinas ay mananatili na siya for good. Kahilingan na rin iyon ng mga magulang niya. Ironic nga na ang mga ito ang may gustong sa Amerika siya mag-aral pero hindi naman tumitigil ang parents niya sa pakiusap na umuwi na siya. Kailangan pang magmakaawa ng mga ito para lang bumisita siya ng Pilipinas.Maganda na kasi ang trabaho niya roon. Hindi man niya nasunod ang gusto niya dati na may connection sa g

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 2 (Arch-Angel)

    Kahit parang nagiging panakip-butas lang siya ni Archer ay hindi naman kailan man pinaparamdam ni Archer sa kanya iyon. Sa katunayan ay napaka-sweet nito bilang boyfriend. Kapag hindi sila magkasama ng lalaki ay sa telepono naman sila nakababad na dalawa.Ang saya-saya ng puso niya pero hindi pa niya iyon masabi kay Braille. Nagi-guilty kasi siya. Feeling niya ay sinulot niya si Archer dito kahit pa sabihin nitong may iba talaga itong gusto.Saka na siguro niya sasabihin kay Braille kapag sigurado na siyang naibaling na nga ni Archer ang feelings nito sa kanya. Mula nang maging sila ng lalaki ay never na nitong nababanggit si Braille sa kanya. Gusto niyang isipin na kahit sa ikli ng panahong nagkakilala sila ay tuluyan na ngang nahulog ang loob nito sa kanya.Nasa isang kainan sila noon. Mataman niyang pinagmamasdan muna si Archer bago niya naisipang sabihin dito ang matagal na niyang gustong sabihin."S-si Braille iyong emogirl mo, di ba?" Halos hirap pang lumabas sa bibig niya ang

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 1 (Arch-Angel)

    Umalis muna siya sa tambayan ng mga Emopipz. Wala rin naman kasi si Braille. Saka medyo masama ang loob niya. Narinig niya kasi ang pinag-uusapan ng ibang members ng Emopipz. May bagong girlfriend na raw si Seth.Si Seth ay isa sa mga founders ng Emopipz. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Ang totoo ay hindi naman talaga ito kagwapuhan. Kagaya ng typical na member ng Emopipz, mahaba ang bangs ni Seth kahit pa nga lalaki ito. Mahilig ito sa paggalaw-galaw ng ulo kapag gusto nitong hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata.Ang kapal din ng eyeliner nito at nagli-lipstick din ito ng itim.Over all, kung titingnan ay hindi talaga ito gwapo. Kahit siya ay natatanong ang sarili minsan kung ano ang nagustuhan niya kay Seth.Siguro dahil sa sobrang confidence nito sa sarili kaya marami ang nagkakagusto sa lalaki na puro Emopipz members lang din naman. Iyong ibang mga kababaihan na hindi masakyan ang trip ng kanilang grupo ay ginagawang katatawanan ang lalaki.Hindi na niya mabilang kung

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   Pasasalamat

    Salamat sa mga sumubaybay sa kwentong ito.Salamat mga emopipz!Naa-appreciate ko po ang lahat ng mga comments ninyo. May ilalagay po akong special chapters ng Team Arch-Angel after nito. Mga isa or dalawang chapters lang.Again, maraming salamat dahil hindi ninyo iniwan sina Braille at Sky!Nakakaiyak lang na natapos na ang kwento nila. Pwede ninyo pa rin pong ulitin ang pagbasa kung mami-miss ninyo sila.Salamat sa lahat, Emopipz!Gusto ko sanang mag-mention ng names dito kaso ayaw kong may makaligtaan dahil lahat kayo na readers ay malaki ang naiambag para matapos ko ang kwento na ito.If hindi pa ninyo nabasa ang isa kong story dito ang Title is: GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)❤️❤️❤️Thank you from JEWILJEN

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   FINALE

    Malaking-malaki na ang tiyan niya. Kabuwanan na niya kasi. Alam niyang may pasorpresa si Sky sa kanya dahil birthday niya sa araw na iyon.Hindi marunong magtago ng sorpresa ang asawa. Kunwari pa ito na busy na busy raw ito sa trabaho pero alam niyang abala ito sa birthday niya.Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa bahay nila ni Sky sa Maynila. Iyon ang bahay na pinagawa nito at tinuluyan nila no'ng akala niya ay totohanan ang kasal nila.Pinaayos iyong muli ni Sky bago sila tumira roon. Ibinilin nito sa katiwalang kinuha na huwag muna siyang palalabasin ng kwarto para huwag siyang mapagod.Kung hindi lang siya nagkahinala sa plano nitong sorpresa ay hindi niya ito susundin. Sino ba naman ang gaganahang magkulong ng kwarto nang buong araw?Si Ivan ay may pasok sa araw na iyon kaya't tanging ang matandang katiwala ang nakakasama niya lagi.Sinakyan niya na lang din si Sky. Hindi niya ito sinuway. Nanatili nga lang siya sa kwarto pero panay naman ang tanong niya sa katiwala. Baka kasi

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 77

    Ikinasal nga sila sa huwes nang araw na iyon. Isa na siyang ganap na Mrs. Braillene Dominique Razon!Ngayon ay totohanan na talaga. Iyak nang iyak ang mga ina nila nang ianunsiyo nilang kasal na sila ni Sky. Iyak iyon ng kaligayahan.Excited pa rin ang dalawa sa kasal nila sa simbahan sa susunod na buwan. Habang nasa preparation stage sila ay naging busy rin sila sa ibang mga bagay.Sinamahan siya ni Sky para sa checkup niya. Halos hindi na ito umaalis sa tabi niya mula nang ikasal sila ng lalaki. Saka na lang sila magha-honeymoon pagkatapos ng kasal sa simbahan.Dinalaw nila sa ospital si Brandon. Hindi na makakalakad ang lalaki dahil sa matinding pinsala ng aksidente. Natutunan na rin nila itong patawarin. Ito rin kasi ang nagligtas sa buhay nila mula sa masamang balak ni Audrey.Si Audrey?Hindi na nila binisita ni Sky ang pinsan niya sa mental pero kumukuha sila ng updates. Ang sabi ng doktor ay palala nang palala ang kalagayan nito. Nakita rin nila ang hitsura ni Audrey sa lara

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 76

    Kahit hindi pa siya nahihimasmasan sa sunod-sunod na rebelasyon at pangyayari ay lumuwas uli sila ni Sky pa-Maynila.Hindi na siya makapaghintay na makita si Ivan. Ang hirap paniwalaan na ang anak na iniyakan niya sa loob ng pitong taon ay buhay na buhay pala at nasa piling ng ama nito.Kahit si Sky ay hindi kayang magmaneho sa tindi ng emosyon nilang dalawa. Pagkatapos silang ma-interview sa presinto dahil sa nangyari kay Audrey at Brandon ay may kinontak agad si Sky para ihatid sila sa bahay nito sa Maynila.Hindi siya nito binibitiwan. Pareho silang nakaupo sa likod. Alam niyang umiiyak din ito habang panay ang halik sa buhok niya. Tahimik ito pero mahigpit ang yakap sa kanya.Siya naman ay halos hihimatayin na naman sa hindi maipaliwanag na emosyon. Ni hindi na niya iniisip muna ang tangkang pagsagasa sa kanila ni Audrey. Akala niya talaga kanina ay katapusan na nila.Nangatal siya sa takot at nang makitang si Audrey ang nagmamaneho ng sasakyang gusto silang banggain ay mas lalong

DMCA.com Protection Status