Share

KABANATA 51

Author: Jewiljen
last update Huling Na-update: 2022-09-22 20:27:59

Hindi muna siya tumanggap ng projects sa Maynila. Gusto niyang mapag-isa muna. Kahit tahimik ang mga magulang niya ay alam niyang inoobserbahan ng mga ito ang bawat kilos niya.

Hindi rin niya alam kung paanong bigla na lang nag-shut down ang pakiramdam niya. Kung dati ay panay ang iyak niya tuwing naaalala si Sky, ngayon ay nababalot siya ng galit kapag naiisip ang mga panahong sinayang niya para sa lalaking wala naman siyang naging kasalanan kundi ang mahalin ito.

Plano niyang magbakasyon muna sa Tarlac kahit mga ilang linggo lang. Hindi nga maalis-alis ang pag-aalala ng mommy niya dahil gusto pa nga nitong samahan siya sa pagbabakasyon niya.

But she insisted na kailangan na kailangan niya munang mapag-isa. Mabuti na lang at nakumbinsi niya ito.

Paulit-ulit nitong sinasabi na huwag siyang gumawa ng bagay na ikakapighati ng mga ito.

Naisip ba ng mommy niya ba baka may plano siyang magpakamatay?

Kinilabutan siya sa isiping iyon. Hindi niya bibigyan ng rason si Audrey na magpakasaya pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (23)
goodnovel comment avatar
Jazzy
Go baby gurl laban! Mahirap pero harapin mo sila! Bet ko yang plano mo, go gurl! Ingat ka lang
goodnovel comment avatar
Tata
halata namang love pa talaga ni Sky c Braille kasi nong susunugin na niya yong frame na may pic sa kasal nila, parang ayaw nya eh, c audrey lang ang tumapos tlaga kaya nasunog.
goodnovel comment avatar
Jona
Can you do an early update author pls?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 52

    Nakatayo siya sa loob ng malaking bahay. Inilibot niya ang tingin doon. Malaki-laki rin pala ang tatrabahuin niya. May nakikita siyang mga kalalakihan na may mga bitbit na mga lumang kagamitan. Inilabas iyon ng mga ito. Sa tingin niya ay iyon ang mga gamit ng mga dating may-ari ng bahay.Ngayon pa lang talaga siya nakapasok sa pamamahay na iyon kahit katabi lang ito ng hacienda nila.Sa isang tingin pa lang ay marami na agad siyang ideyang naisip kung paano mababago ang aura ng bahay na iyon.Dahil siguro mga matatanda ang dating mga may-ari ay medyo madilim ang loob dahil sa mga makakapal na kurtinang nakapalibot sa loob.Pwede pa ngang pumasang haunted house ang bahay na iyon sa mga palabas. Halos ang lahat ng mga gamit doon ay may kalumaan na.Pinapahintay siya ng katiwalang nagpapasok sa kanya sa sala habang naghihintay kay Audrey. Ito raw kasi ang haharap sa kanya sa unang araw niya roon.Imbes na umupo ay sinimulan na niya ang pag-eevaluate sa bahay para alam na niya ang mga da

    Huling Na-update : 2022-09-23
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 53

    May kasama siyang dalawang tauhan na lalaki na siyang magkakarga ng mga kagamitang ilalagay sa loob. May mga antiques rin na mga gamit si Audrey na gusto nitong ipalagay sa sala. Laking pasalamat niya na ang tanging katiwala lang ang naabutan niya sa bahay.Nang mailagay na ng mga tauhan niya ang mga gamit ay pinaalis niya na rin ang mga ito. Ayaw niya kasing paghintayin sila. Hindi siya makakapag-concentrate kapag may naghihintay ng susunod niyang utos.Dahil nga literal na katabi lang ng bahay nila ang bahay na iyon ay tanging shirt na maluwang ang suot niya at shorts na maong. Mas kumportable kasi siyang magkikilos kapag gano'n ang suot. Ibinuhol lang niya sa gitna ang shirt na malaki dahil lagpas beywang ang haba no'n kapag hindi nakatali.Ang buhok niya ay basta lang din niyang itinali paitaas at inipitan ng hindi pa nagamit na chopstick.Nakapameywang pa siya nang ilibot ang paningin sa sala. Napatingin siya sa gamit na antique ni Audrey na pinalagay sa gitna. Malaking estatwa

    Huling Na-update : 2022-09-24
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 54

    Sky's POVA few years ago...Ang gusto niyang gawin ay magpakalunod sa alak hanggang mawalan ng ulirat.Hindi niya magawang magwala hanggang sa maging manhid ang pakiramdam niya. Ang gusto niya na lang ay lumayo at tuluyang kalimutan ang dahilan ng pagkawasak ng puso niya.Handa na sana ang lahat.Magpo-propose na siya ng kasal kay Braille sa araw din ng graduation niya. Ayaw na niyang lokohin ang babae sa kasal na huwad.Sa tuwing inaangkin niya ang katawan nito ay ando'n ang guilt. Dahil alam niyang buong pusong isinusuko ni Braille ang sarili sa pag-aakalang asawa na nga siya nito.Akala niya ay totoong minahal na siya ni Braille at hindi lang puppy love na gaya ng inakala niya dati.Wala siyang panahong tumambay sa kung saan maaari niyang lunurin ang sarili sa alak. Mas malaki ang kagustuhan niyang umalis na ng Pilipinas at iwan ang alaala ng sugatang puso.Hindi maalis-alis sa isip ang tagpong naabutan sa condo.Si Braille na nakahiga sa kama na walang damit base sa pagkaka-expo

    Huling Na-update : 2022-09-25
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 55

    Nagagawa niya nang maayos at matiwasay ang trabaho sa loob ng ilang araw. Wala kasi ang atribida niyang pinsan at wala rin si Sky sa paligid. Ang hula niya ay nasa Maynila na ang lalaki.Ang tanging nakikita niyang sumusulpot pabigla-bigla ay si Ivan. Habang tumatagal ay napapalapit ang loob niya sa bata. Kapag pinapalabas ito ng kwarto ng yaya nito ay nagpapapansin talaga sa kanya ang bata. Tumitigil naman siya sa ginagawa kapag ando'n ito. Ramdam niyang kulang ito sa atensiyon kaya siguro mas madalas ay pasaway ito.Abala siya sa pagre-arrange ng mga gamit sa sala nang sumulpot na naman ito."Ivan, ligpitin mo ang kalat mo bago ka lumabas ng kwarto. Hindi ba't iyon ang usapan natin?" Narinig niya uli ang pasensiyosang tinig ng yaya nito."Tita Audrey said it is your job. I should not be doing anything because Daddy pays you to clean up for me," matigas ang boses na sabi ng bata.Napakunot-noo siya at tumigil sa ginagawa."Ivan, it's not nice of you to say that." Seryoso ang mukha n

    Huling Na-update : 2022-09-26
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 56

    Nagulat pa siya nang makita si Sky na prenteng nakaupo sa sofa nang dumating siya.Lunes no'n kaya hindi niya inaasahang makikita ang lalaki sa bahay nito. Bago mag-alas otso ng umaga ay nasa bahay na siya nito para simulan ang trabaho. Muntik pa siyang tumigil sa paglakad nang makita ito. Pagkatapos ng nangyari no'ng isang gabi sa batis ay mas lalong naiilang siya kapag nasa paligid lang ito.Hindi siya nagpahalata na nakakailang ang presensiya nito lalo pa at seryosong nakatitig lang ito sa kanya nang pumasok na siya.Nagdadalawang-isip tuloy siya kung babatiin ba ito or ano. "Good morning." Nasabi niya na lang kahit sa pormal na boses. After all, client niya ito. Hindi dapat hinahalo ang personal na buhay sa trabaho.Hindi ito umimik. Nanatiling nakatitig lang sa kanya. "May ipapadagdag ka ba sa demands ni Audrey para sa bahay? Patapos na kasi ako rito sa sala?" Naisipan niya na lang itanong para pagtakpan ang pagkailang.Binuksan niya agad ang notebook na hawak at kinuha ang ba

    Huling Na-update : 2022-09-28
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 57

    Inayos niya muna ang mukha bago siya tumayo para harapin ito."Sinusundan mo ba ako?" Imbes na sagutin ang mga tanong ni Sky ay may kalakip na pagdududa ang klase ng pagtanong niya sa lalaki.Tinitigan nito ang mukha niya. Alam niyang mugtong-mugto ang mga mata niya at hindi na niya tinangkang itago iyon dito. Nakita na rin naman nito ang pag-iyak niya."We were on our way to Mang Belen's restaurant to have my birthday lunch when I saw a glimpse of you. You were holding a cake and balloons." Tumingin pa ito sa bukas na kahon ng cake at balloons na nasa itaas ng nitso ng anak. "I was assuming that those were for me since it's my birthday. Akala ko ay nagbago ang isip mo. I tried calling you, but you were not answering your phone. So bumaba ako ng sasakyan and I let Mama drive the car. Sabi ko ay susunod na lang tayo. Paalis ka na rin kaya hindi na kita naabutan so sumakay ako ng tricycle para pasundan ka. So here I am.""K-kanina ka pa nakatayo riyan?" Agad na tanong niya. Natatakot s

    Huling Na-update : 2022-09-29
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 58

    Hapong-hapo na napaupo siya sa sofa. Hindi alintana na basa pa rin ang damit niya. Natatakot siya sa huling sinabi ni Sky. Alam niyang gagawa ito ng paraan para alamin ang gusto nitong malaman.Kapag nalaman nitong nanganak siya, iisipin kaya nitong ito ang ama?Parang ngayon pa lang ay gusto na niyang tumakas. Gusto na niyang lumayo bago pa man nito malaman ang lahat.Napasandal siya sa sofa at matagal na nakatingala lang habang blangko na ang isip."Braille! Braille!"Nagulat siya malakas na boses ni Audrey na basta na lang pumasok ng bahay niya.Nakakunot-noong napatingin siya sa pinsan na para bang hinihingal sa sobrang galit.Ano na naman ang problema ng babaeng ito?Tumayo siya kahit parang ayaw kumilos ng katawan niya."Nasaan si Sky? Hindi ba't magkasama kayo?" Nakapameywang na tanong nito.Tiningnan pa nito ang kabuuan niya. Mas lalong hindi maipinta ang mukha nito nang mapansing basang-basa ang buong katawan niya."Nagtampisaw ba kayo sa ulan ni Sky kaya't basang-basa ka?"

    Huling Na-update : 2022-09-30
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 59

    Sky's POVHindi man lang siya nakadama ng pagod nang takbuhin niya ang pauwi sa bahay nila galing kina Braille.Kahit malamig ang panahon ay pasisid pa niyang tinawid ang batis para makarating sa kabila kung saan pag-aari na niya ang lupa.Matagal na nanatili siya sa labas ng bahay kahit malakas na malakas pa rin ang ulan. Nasa beywang niya ang dalawang kamay habang nakatingala sa nagngangalit na langit.Sinasalubong ng mukha niya ang pagbuhos ng ulan.Katulad ng panahon ay walang kapayapaan sa puso niya.Mula nang makita niyang muli si Braille ay nagulo ang lahat ng mga plano niya sa buhay. Ang akala niya ay maibibigay niya na rin ang kumpletong pamilya na nararapat kay Ivan. Malapit ang anak niya kay Audrey. Nakikinig ito sa babae.Handa na siyang pakasalan ito para sa kapakanan ng batang itinuturing na niyang totoong anak. Naisip niyang hindi na siya mahihirapan siguro dahil dati rin naman niyang minahal si Audrey.Pero bakit nag-aalinlangan ang puso niya nang masilayang muli si B

    Huling Na-update : 2022-10-01

Pinakabagong kabanata

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   Pasasalamat muli

    Again, thank you po sa lahat ng sumubaybay sa dalawang love stories ng book na ito.Iba kong books na mababasa ninyo rito sa Goodnovel:-The Rebound Bride-Gagayumahin si Ultimate Crush (The Palpak Version)-Love Potion Gone Wrong (Bewitching my Ultimate Crush)- English version ng Gagayumahin-Between Lust and Love (Tagalog and English version)Ang Gagayumahin ay nasa isang account ko na Jewiljen pa rin. Pwede ninyong ma-search gamit ang Jewiljen or ang title mismo.Completed na po ang lahat ng iyan!Taos puso po akong nagpapasalamat sa suporta ninyo. I'm forever grateful sa inyo.Salamat sa lahat!❤️❤️❤️💋

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   FINAL SPECIAL CHAPTER (Arch-Angel)

    Buong araw siyang nasa labas. Kinausap niya ang mga may-ari ng dalawang lote na natitipuhan niyang bilhin para pagtayuan ng museum ng mga paintings niya.Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Ilang buwan siyang nanatili sa Maynila. Ngayon lang siyang nakabalik muli ng Tarlac. Kaya sobrang pagod niya dahil pagkatapos niyang makausap ang pangalawang may-ari ay bumiyahe na rin siya papuntang Tarlac. Wala sa plano iyon. Basta gusto lang niyang umuwi ng Tarlac.Agad na bumungad sa kanya ang isa sa mga stay-out na katiwala niya."Ma'am may mga sulat po kayong dumating no'ng mga nakaraang buwan pa."Tumango lang siya habang pabagsak na umupo sa malambot na sofa. Nasabi na rin kasi nito iyon no'ng isang linggo. Sanay na siyang nakakatanggap ng mga business letters kaya ipinagbalewala niya na lang iyon.Tinanggal niya ang sapatos sa paa para maiangat niya ang mga binti sa sofa. Prenteng-prente na ang pagkakasandal niya nang bumalik sa harap niya ang katiwala.Nagtaka pa siya nang may b

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 3 (Arch-Angel)

    No'ng isang araw lang siya bumalik ng Pilipinas. Sa loob ng ilang taong nasa Amerika siya ay mabibilang lang sa daliri ang mga panahong umuuwi siya ng bansa. Sa tuwing bumabalik kasi siya ng Pilipinas ay hindi niya maiwasang maisip ang unang heartbreak niya. Alam niyang masyado pa siyang bata no'n pero tumatak talaga iyon sa puso niya.Nagka-boyfriends din naman siya sa ibang bansa pero lagi ay aabot lang ng ilang months. Siguro dahil hindi pa rin siya nakaka-adjust sa ibang culture ng ibang lahi. O kaya naman ay Pinoy talaga ang hinahanap ng puso niya.Ngayong bumalik na uli siya ng Pilipinas ay mananatili na siya for good. Kahilingan na rin iyon ng mga magulang niya. Ironic nga na ang mga ito ang may gustong sa Amerika siya mag-aral pero hindi naman tumitigil ang parents niya sa pakiusap na umuwi na siya. Kailangan pang magmakaawa ng mga ito para lang bumisita siya ng Pilipinas.Maganda na kasi ang trabaho niya roon. Hindi man niya nasunod ang gusto niya dati na may connection sa g

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 2 (Arch-Angel)

    Kahit parang nagiging panakip-butas lang siya ni Archer ay hindi naman kailan man pinaparamdam ni Archer sa kanya iyon. Sa katunayan ay napaka-sweet nito bilang boyfriend. Kapag hindi sila magkasama ng lalaki ay sa telepono naman sila nakababad na dalawa.Ang saya-saya ng puso niya pero hindi pa niya iyon masabi kay Braille. Nagi-guilty kasi siya. Feeling niya ay sinulot niya si Archer dito kahit pa sabihin nitong may iba talaga itong gusto.Saka na siguro niya sasabihin kay Braille kapag sigurado na siyang naibaling na nga ni Archer ang feelings nito sa kanya. Mula nang maging sila ng lalaki ay never na nitong nababanggit si Braille sa kanya. Gusto niyang isipin na kahit sa ikli ng panahong nagkakilala sila ay tuluyan na ngang nahulog ang loob nito sa kanya.Nasa isang kainan sila noon. Mataman niyang pinagmamasdan muna si Archer bago niya naisipang sabihin dito ang matagal na niyang gustong sabihin."S-si Braille iyong emogirl mo, di ba?" Halos hirap pang lumabas sa bibig niya ang

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 1 (Arch-Angel)

    Umalis muna siya sa tambayan ng mga Emopipz. Wala rin naman kasi si Braille. Saka medyo masama ang loob niya. Narinig niya kasi ang pinag-uusapan ng ibang members ng Emopipz. May bagong girlfriend na raw si Seth.Si Seth ay isa sa mga founders ng Emopipz. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Ang totoo ay hindi naman talaga ito kagwapuhan. Kagaya ng typical na member ng Emopipz, mahaba ang bangs ni Seth kahit pa nga lalaki ito. Mahilig ito sa paggalaw-galaw ng ulo kapag gusto nitong hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata.Ang kapal din ng eyeliner nito at nagli-lipstick din ito ng itim.Over all, kung titingnan ay hindi talaga ito gwapo. Kahit siya ay natatanong ang sarili minsan kung ano ang nagustuhan niya kay Seth.Siguro dahil sa sobrang confidence nito sa sarili kaya marami ang nagkakagusto sa lalaki na puro Emopipz members lang din naman. Iyong ibang mga kababaihan na hindi masakyan ang trip ng kanilang grupo ay ginagawang katatawanan ang lalaki.Hindi na niya mabilang kung

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   Pasasalamat

    Salamat sa mga sumubaybay sa kwentong ito.Salamat mga emopipz!Naa-appreciate ko po ang lahat ng mga comments ninyo. May ilalagay po akong special chapters ng Team Arch-Angel after nito. Mga isa or dalawang chapters lang.Again, maraming salamat dahil hindi ninyo iniwan sina Braille at Sky!Nakakaiyak lang na natapos na ang kwento nila. Pwede ninyo pa rin pong ulitin ang pagbasa kung mami-miss ninyo sila.Salamat sa lahat, Emopipz!Gusto ko sanang mag-mention ng names dito kaso ayaw kong may makaligtaan dahil lahat kayo na readers ay malaki ang naiambag para matapos ko ang kwento na ito.If hindi pa ninyo nabasa ang isa kong story dito ang Title is: GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)❤️❤️❤️Thank you from JEWILJEN

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   FINALE

    Malaking-malaki na ang tiyan niya. Kabuwanan na niya kasi. Alam niyang may pasorpresa si Sky sa kanya dahil birthday niya sa araw na iyon.Hindi marunong magtago ng sorpresa ang asawa. Kunwari pa ito na busy na busy raw ito sa trabaho pero alam niyang abala ito sa birthday niya.Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa bahay nila ni Sky sa Maynila. Iyon ang bahay na pinagawa nito at tinuluyan nila no'ng akala niya ay totohanan ang kasal nila.Pinaayos iyong muli ni Sky bago sila tumira roon. Ibinilin nito sa katiwalang kinuha na huwag muna siyang palalabasin ng kwarto para huwag siyang mapagod.Kung hindi lang siya nagkahinala sa plano nitong sorpresa ay hindi niya ito susundin. Sino ba naman ang gaganahang magkulong ng kwarto nang buong araw?Si Ivan ay may pasok sa araw na iyon kaya't tanging ang matandang katiwala ang nakakasama niya lagi.Sinakyan niya na lang din si Sky. Hindi niya ito sinuway. Nanatili nga lang siya sa kwarto pero panay naman ang tanong niya sa katiwala. Baka kasi

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 77

    Ikinasal nga sila sa huwes nang araw na iyon. Isa na siyang ganap na Mrs. Braillene Dominique Razon!Ngayon ay totohanan na talaga. Iyak nang iyak ang mga ina nila nang ianunsiyo nilang kasal na sila ni Sky. Iyak iyon ng kaligayahan.Excited pa rin ang dalawa sa kasal nila sa simbahan sa susunod na buwan. Habang nasa preparation stage sila ay naging busy rin sila sa ibang mga bagay.Sinamahan siya ni Sky para sa checkup niya. Halos hindi na ito umaalis sa tabi niya mula nang ikasal sila ng lalaki. Saka na lang sila magha-honeymoon pagkatapos ng kasal sa simbahan.Dinalaw nila sa ospital si Brandon. Hindi na makakalakad ang lalaki dahil sa matinding pinsala ng aksidente. Natutunan na rin nila itong patawarin. Ito rin kasi ang nagligtas sa buhay nila mula sa masamang balak ni Audrey.Si Audrey?Hindi na nila binisita ni Sky ang pinsan niya sa mental pero kumukuha sila ng updates. Ang sabi ng doktor ay palala nang palala ang kalagayan nito. Nakita rin nila ang hitsura ni Audrey sa lara

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 76

    Kahit hindi pa siya nahihimasmasan sa sunod-sunod na rebelasyon at pangyayari ay lumuwas uli sila ni Sky pa-Maynila.Hindi na siya makapaghintay na makita si Ivan. Ang hirap paniwalaan na ang anak na iniyakan niya sa loob ng pitong taon ay buhay na buhay pala at nasa piling ng ama nito.Kahit si Sky ay hindi kayang magmaneho sa tindi ng emosyon nilang dalawa. Pagkatapos silang ma-interview sa presinto dahil sa nangyari kay Audrey at Brandon ay may kinontak agad si Sky para ihatid sila sa bahay nito sa Maynila.Hindi siya nito binibitiwan. Pareho silang nakaupo sa likod. Alam niyang umiiyak din ito habang panay ang halik sa buhok niya. Tahimik ito pero mahigpit ang yakap sa kanya.Siya naman ay halos hihimatayin na naman sa hindi maipaliwanag na emosyon. Ni hindi na niya iniisip muna ang tangkang pagsagasa sa kanila ni Audrey. Akala niya talaga kanina ay katapusan na nila.Nangatal siya sa takot at nang makitang si Audrey ang nagmamaneho ng sasakyang gusto silang banggain ay mas lalong

DMCA.com Protection Status