Chapter 58
"HE'S MY BOSS"Jake POV:
Maaga akong pumasok sa campus para hintayin si Airah.
May dala-dala na rin akong explosion box na ginawa ko palang kagabi.
Hindi naman to gaanong maganda dahil hindi ako masyadong magaling pagdating sa ganitong bagay.
Pero sana, sana magustuhan nya kahit papano ang effort na nilaan ko para rito.
Nga pala si Sarah, hindi sya umuwi ng bahay.
Wala akong alam kung san sya tumuloy o natulog. Ilang beses ko na rin syang tinawagan kagabi pero hindi nya ito sinasagot.
Masyado nya yatang dinamdam yung pakikipaghiwalay ni Gino sa kanya.Tangina, hindi ko tuloy mapigilan na di magalit kapag naaalala ko ang ginawa ng lalaking yon sa pinsan ko.
Umupo muna ako sa may gilid ng gate para doon na lamang hintayin si Airah.
Kailangan ko ng bilisan at galingan ang panliligaw ko lalo pa't mainit na kalaban si Gino.
Tiningnan ko ang aking relo na suot , and it's already 7 a.m na pero
Chapter 59"HE'S MY BOSS"Sarah POV:Hindi ako umuwi sa bahay ni Jake sa halip ay sa hotel ako tumuloy.Mabuti na lang at meron akong perang dala na good for one day only para pambayad sa isang gabing pagtulog ko rito.Napagdesisyunan ko kasing mapag-isa muna para makapag-isip ng ng susunod kong plano.Hindi ko ibinalita sa boyfriend ko ang nangyari kahapon dahil ayokong madisappoint sya sa akin.Naglagay na ako ng pulang lipstick sa aking labi kasabay non ay nag-apply na rin ako ng foundation.Kailangan kong magmakaawa at kulitin ngayon si Gino para matuloy ang pagpunta namin sa Bicol bukas.Airah POV:Magkasama pa rin kami ngayon ni Jutay habang patuloy kaming pumipili ng damit na susuotin namin.And all I can say, masyadong chessy si Gino at talagang pinaninindigan nya na girlfriend nya ako. Pero okay lang, gusto ko naman yung mga kasweetang ginagawa nya."Ahm-- Jutay, ang dami na nitong
Chapter 60"HE'S MY BOSS"Airah POV:Halos mamatay na ako sa kahihiyang ginawa ko ngayon.Mabuti na lang at hinubad na ni Gino ang kanyang suot na jacket at kasabay non ay inilagay nya ito sa aking bewang para takpan ang pwetan ko na may tagos."Tumungo ka na sa c.r at bibili na ako ng napkin mo Airah." Bulong nito sa aking tenga.Dahan-dahan naman akong tumango at naghiwalay na kaming landas na dalawa.Lumabas na sya ng Jollibee samantalang ako ay tinutungo ko ang Cr.Shet, ang sakit talaga ng puson ko.Halos manghina ang aking tuhoddahil bigla akong napaluhod ng wala sa oras nang makapasok ako ng tuluyan sa Cr.Buti na lang at ako lang ang tao rito.Iyinuko ko ang aking ulo habang hinihintay si Gino.Napasagi tuloy sa isip ko kung paano sya bumili ng napkin.Siguro nakakahiya iyon para sa isang tulad nya na lalaki.Jutay POV:FUCK.Malutong na mura ang paulit-ulit kong
Chapter 61"HE'S MY BOSS"Jutay POV:Umalis na nga si Sarah nang pumayag akong sumama sya bukas sa pagpunta namin ng bicol ni Airah.Mabuti na lang at tulog pa rin hanggang ngayon ang babaeng mahal ko at hindi nya man lang naramdaman ang presensya ni Sarah, dahil kung magkataon na nakita nya ang dalaga ay tiyak na magseselos sya.Pero sa ngayon, hindi ko muna dapat isipin ang mangyayari bukas.Hindi ko na ginising pa sya sa halip ay binuhat ko na lamang ito na parang pangkasal.Hindi naman gaanong mabigat si Airah kaya hindi ako nahirapang buhatin sya papasok ng kwarto.Hanggang ngayon ay sarap na sarap pa rin sya sa pagtulog kaya tinabihan ko na lamang sya.Hinalikan ko pa ang kanyang noo kasabay non ay yinakap ko pa sya at natulog na rin.Airah POV:"Hmmm" pag-uungol ko nang magising ako.Ramdam ko na may mabigat na brasong nakapatong sa aking tiyan.Napangiti naman ako dahil alam kong kay Gino na
Chapter 62"HE'S MY BOSS"Jutay POV:Gaya ng sinabi ng babaeng mahal ko ay lumabas na nga ako para kausapin si Sarah, ayoko kasing makagulo sya sa aming dalawa.Alam ko na noon ay sa kanya ko to naipangako.Pero ngayon, kay Airah ko na talaga gustong gawin lahat ng naipangako ko dati kay Sarah.Tama nga sila, maraming pwedeng magbago.Nang pumunta na ako sa may sala ay nadatnan ko agad si Sarah na nakaupo habang may malalim na iniisip.Bigla naman itong ngumiti sa akin nang makita nya ako kasabay ng pagtayo nya para sana ako'y yakapin pero agad ko naman syang pinigilan."Gino." malungkot na sambit nya."Sarah, hindi mo na ako pwedeng yakapin pa at halikan, dahil iba na ngayon." wika ko ritoNakasimangot naman syang tumango."Okay, I understand Gino." saad nya sa akin.Dumako naman ang aking mata sa mga gamit na dala nya.Isang malaking maleta ito na animo'y ilang araw syang magbabakasyon sa
CHAPTER 63"HE'S MY BOSS"AIRAH POV:Nang makarating ako sa banyo ay mabilis akong naligo at hindi na nag-aksaya pa ng oras.Ayoko na kasing magtagal pa dahil sa totoo lang ay excited na rin akong pumunta ng Bicol.Matapos kong maligo ay nagbihis na agad ako ng pantalon at t-shirt.Simple lang ang porma ko ngayon kaya kung ikukumpara ako kay Sarah ay ang layo naming dalawa.Pano ba naman kasi, ang suot ni Sarah ngayon ay yung kita ang dibdib at maiksing short.Hindi rin nagtagal ay sabay-sabay na kaming lumabas ng bahay.Si Gino na yung naglock ng pinto at kaming dalawa ni Sarah ay tumungo na ng kotse."Oops, hindi ka dyan Sarah. Don ka sa likod." wika ko sa kanya nang hawakan ko ang kamay nya para pigilan.Akma kasi syang papasok sa katabing seat ng uupuan ni Gino."Tsk." inis na sambit na lamang nito at pumasok na sya sa loob ng kotse kung saan don sya sa likod uupo.Pumasok na rin ako at nang m
Chapter 64"HE'S MY BOSS"Jutay POV:Matapos naming kumain sa karenderya ay nagtuloy na kami sa byahe.Sinulyapan ko ng tingin si Sarah na ngayon ay mahimbing na natutulog sa likod ng inuupuan ko.Siguro ay dinaan nya na lang ito sa tulog para hindi nya maramdaman ang pagkagutom.Kahit papano naman ay concern pa rin ako sa kanya dahil nga't may pinagsamahan pa rin kaming dalawa.Katulad ni Sarah ay nakatulog na rin si Airah sa tabi ko. Mabuti na rin yon dahil medyo matagal-tagal pa ang byahe patungongBicol.Sa mga oras na to , seryoso akong nagdadrive at nakatuon ang aking atensyon sa daan na tinatahak ko.Gusto kong maging safe ang pagpunta namin sa probinsya kaya talagang dahan-dahan lang akong magmaneho.Dalawang oras palang ang nagtagal ay nakita kong nagising na agad si Sarah."Gino, nagugutom na ako." mahinang sambit nito na sa tingin ko ay hinahaplos nya ang kanyang tyan."Kani
Chapter 65"HE'S MY BOSS"Sarah POV:Abot-tanaw ko na lamang si Airah na pumasok na rin sa loob ng mansion ni Gino.Hindi na muna ako gumalaw sa pwesto at nanatiling don na muna sa labas dahil nga't kanina pa nagvavibrate ang aking cellphone sa bulsa ko.Nang makasiguro ako na tuluyan ng nakapasok si Airah ay agad ko na itong idinukot."Hello babe?" mahinang sambit ko nang sagutin ko ang tawag ni Ralph."--Diba sabi ko sayo, wag ka munang tumawag dahil baka may makahalata sa akin dito." Muling saad ko rito sa kabilang linya."Im sorry babe, may gusto kasi akong sabihin sayo." wika nya sa akin."Ano ba kasi yon? Pwede mo namang i-chat na lang , gusto mo pa talaga yung tawag." bigkas ko sa kanya."Babe, importante kasi to. Uuwi na ako sa sunod na araw dyan sa Pilipinas. Naalis na kasi ako sa trabaho ngayon." malungkot na balita nito.Buong akala ko pa naman ay ilang araw pa syang magtatagal dyan sa abroad, pero m
Chapter 66"HE'S MY BOSS"Jutay POV:Sabay na nga kaming nagpahinga ni Airah sa loob ng kwarto.Aaminin ko, medyo nagtampo talaga ako ng konti sa kanya dahil alam ko namang hindi pa pwede.Masyado lang talaga akong naaakit at natutukso pagkasama ko ang babaeng to.Halos tatlong oras rin akong nakatulog at nakapagpahinga, nang makaramdam ako ng pagkagutom ay lumabas muna ako para kumain.Tulog pa hanggang ngayon si Airah na halata mong pagod rin sya sa byahe dahil sa malakas na hilik nya.Nang makalabas ako ay tinungo ko ang kusina kung saan naroon rin si Sarah at kumukuha ng pagkain sa ref."Akala ko nagpapahinga ka pa." sambit ko mula sa kanyang likuran.Lumingon naman ito sa akin nang tuluyan syang makakuha ng pagkain."Yap, nagpahinga ako and actually kakagising ko lang ngayon." saad nito sa akin."Here, alam kong gutom ka na rin." lahad na sabi nito habang inaabot nya sa akin ang
Chapter 100 of He's My Boss (Book 2 Finale)"Nakahanda na ba ang lahat?", tanong ni Mommy Gina na halatang pawis na pawis sa sobrang pagka-busy.Tinitingnan niya ang bawat design na ginamit sa okasyon na 'to."--Yung mga pagkain, siguraduhin niyo na masarap ang pagkakaluto.", muling sabi niya sa mga tauhan.Nasa hacienda kami ngayon kaya gano'n na lamang ang tao dito sa amin.Nandito na rin ang mga kaibigan ko, but sad to say, wala dito sila Jake and Maxine.Ang pagkakaalam ko, pumunta si Jake sa abroad para do'n mismo ipagpatuloy ang pag-aaral.Samantalang si Maxine, alam naman natin na workaholic ang dalaga.Kahit may sakit, trabaho pa rin ang inuunahan. Gano'n talaga kapag business woman ka, wala ng oras para sa ganitong bagay."Ahm, ako na lang ang gagawa ng salad.", pag-iinsist kong sabi sa isang babae.Pero biglang sumingit si Mommy Gina at inagaw ang hawak ko."Airah, hija, 'wag ka munang gumalaw-g
Chapter 99"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:Buwan-buwan akong sinasamahan ni Gino sa check-up.Tinupad nga nito ang pangako sa akin na hindi niya ako pababayaan.Ang pinaglihi kong prutas ay mangga na sinasawsaw sa ladies choice.Wala eh, eto ang trip ng dila ko na gusto ko laging kainin.Kahit gabi, pinapabili ko si Gino sa palengke. At kapag wala s'yang mabili, nagwawala ako sa bahay at hindi siya kinikibo.Kaya ayon, gumagawa siya ng paraan para makahanap ng mangga.And that is my happitot in life!"My wife, hindi ba sabi ng doctor, konti lang ang kainin mo?", sambit habang nakatingin sa kinakain ko."Bakit ba? Ang sarap kaya ng ulam natin, kaya gusto kong kumain ng marami. Besides, wala rito si Doc, kaya pagbigyan mo na ako.", nguso kong sabi.The food that he cooked is my favorite.Kaya natatakam talaga ako."Hays. Bakit ba ang kulit-kulit mo? Manganganak ka na, Air
Chapter 98 of He's My Boss (Book 2)Airah's POV:Araw na ng kasal namin ni Gino.Araw na kung saan ihaharap niya ako sa altar at mag-iisang dibdib na kami.Sa wakas, magiging legal na kami sa harapan ng maraming tao lalo na sa harapan ng Diyos.Parang kailan lang, ang daming pagsubok ang dumaan sa relasyon namin.Pero heto at kami pa rin talaga ang tinadhana.I learned so much lesson about love.Nagawa kong magparaya at magsakripisyo pagdating sa pag-ibig.But still, nakamit ko rin ang totoong saya.Ang saya na kailan man hindi na mawawala sa akin.Pangmatagalan na ang pagsasama namin ni Gino kaya pinapangako ko na magiging mabuti akong asawa at ina sa anak namin."Are you ready, Airah? Nasa church na ang kapatid ko, and he's waiting for you.", saad ni Ate Leny at inalis ang hibla ng aking buhok sa pisngi.Bahagya n'yang hinawakan ang balikat ko para pakalmahin ako.Siguro nakita nito a
Chapter 97"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:"Cheers para sa kasal bukas nila Airah at ng anak ko!", panimulang sambit ng mom ni Gino.Siya ang unang tumaas ng baso na may laman na wine, kaya nagtaasan na rin kami.Ang saya isipin na lahat ng mahahalaga sa buhay ko, ay nandito at kasama ko.Kahit na magkakaroon na ako ng sariling pamilya, hindi ko sila malilimutan."And also cheers, para sa magiging pamangkin ko!", pahabol na bigkas ni Ate Leny dahilan para magtawanan kami."Iba rin talaga ang dugo ni Gino. Masyadong malakas at kambal agad! Sana makahanap ako ng katulad mo.", pagbibiro ni Annie na naging hudyat para maging maingay ang kalooban."I'm unique. Wala ka ng mahahanap na tulad ko.", pagmamayabang ng katabi ko.Bahagya ko s'yang siniko para tumigil na ito. Alam ko kasi na iiral na naman ang kayabangan niya kapag hindi ko pa siya pinigilan."Nga pala, may pangalan na ba kayo para sa baby niyo?"
Chapter 96"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:It's been one week since magpropose muli si Gino sa akin.Sariwa pa rin sa isipan ko ang nakakakilig na pangyayari.And now here, kasama ko na si ate Leny habang pumipili kami ng wedding gown.Hindi ko na inaya si Gino, since iba rin ang trip niya sa buhay.Beside, her sister said, mas maganda kapag hindi nakita ng lalaki ang isusuot ko para ma-surprise siya."Oh, ba't parang iba ang ngiti mo, Airah? Nababaliw ka na ba?","Hindi po ate. Bukod kasi sa matutuloy na ang kasal namin ni Gino, naging okay ulit tayo. Akala ko nga, hindi mo na ako mapapatawad.","Pakiusap 'yon ng kapatid ko. Sinabi n'yang bigyan kita ng pagkakataon, so I did. Kaya 'wag na 'wag mo ng bibiguin o sasaktan pa ang little bro ko. Dahil masyadong masakit sa part namin na makitang nadudurog at nagiging miserable ang buhay niya nang dahil sayo.","Yes ate. Hindi ko na siya iiwan pa.","Ed
Chapter 95 of He's My Boss (Book 2)Gino's POV:Hindi ako mapakali sa labas ng room habang tinitingnan ng doctor ang asawa ko.Sinugod ko si Airah dito sa malapit na hospital nang mawalan siya ng malay.And shit!Binabalutan ako ng pag-aalala, dahil baka maapektuhan ang nasa sinapupunan niya."Sino ang kamag-anak ni Mrs. Airah Magalang?", tanong ng doctor nang lumabas ito.Awtomatikong napalingon ako at mabilis s'yang nilapitan."I'm her husband, Doc. Kumusta ang kalagayan niya?", agad na sambit ko."She's now fine. Wala ka ng dapat ipag-alala.", turan nito dahilan para makahinga ako ng maluwag."P-pero yung anak ko, okay lang ba?", muli kong tanong."Yes. The twins are okay.","T-twins?", nagtatakang saad ko."Opo, Mister. Kambal ang dinadala ng asawa mo.","Oh God! Salamat! Maraming salamat.", ang paulit-ulit kong sinabi."Walang anuman. Pero gusto kong malaman mo na maselan ang
Chapter 94"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:I don't know how to react right now.Hindi ko alam kung matatawa ako, o ikahihiya ko si Gino.Nang dumaan kasi ang nagsasayawan na mga babae, bigla n'ya akong hinatak sa gitna at sumabay siya sa pagsasayaw.And guess what, hindi man lang kami sinita ng mga pulis, sa halip tawang-tawa pa ang mga tao. Ang iba, kinukuhanan kami ng video dahil sa ginagawa ng mokong na 'to."Gino, tumigil ka na nga.", giit kong turan sa lalaki.Habang sinasabi ko 'yon, nakangiti ako para ipakita na hindi ako galit.Mahirap na, pangit pa naman ako pagdating sa camera."Just dance, my wife. We're here to enjoy.", masayang wika ni Gino.Wala akong nagawa kundi ang makisabay sa trip niya.Feeling ko tuloy, kami ang leader ng Magayon Festival dahil sa kalokohan nito.Natapos ang pagsasayaw, marami ang nagpapicture sa akin, este, kay GINO!Oo, kay Gino lang sila nagpap
Chapter 93"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:Naging masigla at masaya ang araw namin ni Gino.Simula nung magkaintindihan kami, nagawa n'ya ng humingi ng tawad mismo sa Kapitan.And now here, gumawa siya ng paraan para magkakuryente kami.Nakakatuwa dahil hindi siya nakaramdam ng pagod at tuloy-tuloy sa pagtrabaho.Taga-linis.Taga-igib.Taga-hugas.Taga-laba.Taga-luto.'Yan ang paulit-ulit n'yang ginagawa na hindi man lang ako pinapatulong.Feeling ko, isa akong reyna sa bahay na 'to."Oh, mag-juice ka muna, Gino.", sambit ko at ibinigay sa kanya ang baso na may juice na laman."My wife, hindi ka na dapat nag-abala. Hindi ba sabi ko, ma-upo ka lang d'yan.", turan nito sa akin."Bakit? Bawal na ba kitang pagsilbihan? Besides, nakakaboring pala kapag nakatunganga lang.", nakanguso kong bigkas."Hays. Kung 'yan ang gusto mo, then sige. Basta 'wag ka masyadong gagalaw, baka ma
Chapter 92"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:"LINTEK KA GINO! GANYAN NA BA KAKITID ANG UTAK MO AT NAGAWA MONG PAGSIGAWAN ANG KAPITAN DITO SA BARANGAY?!",Ayan agad ang bungad na sermon ko sa lalaki.Binitawan ko na rin ang kamay ko dahilan para makahinga siya ng maluwag."My wife, h-hindi ko naman alam eh.","--Tsaka, si Steph ang m-may kasalanan.", he said na tila gustong magpaliwanag.Kaso ewan ko ba, ang hirap pakalmahin ng sarili ko."Ayan! D'yan ka magaling! Sa babae mo!", pagduduro kong bigkas nang marinig ko ang pangalan ng kasama niya kanina."H-hindi ah! Hindi ko babae si Steph. We're just friend.", pagdedepensa niya."Wow! Isang araw ka palang dito, may friend ka na? Ang landi mong lalaki!", saad ko muli na halos umusok na ang aking ilong sa sobrang galit."Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin, Airah?", pagtatanong niya."Dahil nakakainis ka! Hindi mo magampanan ang pagiging asawa