CHAPTER 63
"HE'S MY BOSS"AIRAH POV:
Nang makarating ako sa banyo ay mabilis akong naligo at hindi na nag-aksaya pa ng oras.
Ayoko na kasing magtagal pa dahil sa totoo lang ay excited na rin akong pumunta ng Bicol.
Matapos kong maligo ay nagbihis na agad ako ng pantalon at t-shirt.
Simple lang ang porma ko ngayon kaya kung ikukumpara ako kay Sarah ay ang layo naming dalawa.
Pano ba naman kasi, ang suot ni Sarah ngayon ay yung kita ang dibdib at maiksing short.
Hindi rin nagtagal ay sabay-sabay na kaming lumabas ng bahay.
Si Gino na yung naglock ng pinto at kaming dalawa ni Sarah ay tumungo na ng kotse.
"Oops, hindi ka dyan Sarah. Don ka sa likod." wika ko sa kanya nang hawakan ko ang kamay nya para pigilan.
Akma kasi syang papasok sa katabing seat ng uupuan ni Gino."Tsk." inis na sambit na lamang nito at pumasok na sya sa loob ng kotse kung saan don sya sa likod uupo.
Pumasok na rin ako at nang m
Chapter 64"HE'S MY BOSS"Jutay POV:Matapos naming kumain sa karenderya ay nagtuloy na kami sa byahe.Sinulyapan ko ng tingin si Sarah na ngayon ay mahimbing na natutulog sa likod ng inuupuan ko.Siguro ay dinaan nya na lang ito sa tulog para hindi nya maramdaman ang pagkagutom.Kahit papano naman ay concern pa rin ako sa kanya dahil nga't may pinagsamahan pa rin kaming dalawa.Katulad ni Sarah ay nakatulog na rin si Airah sa tabi ko. Mabuti na rin yon dahil medyo matagal-tagal pa ang byahe patungongBicol.Sa mga oras na to , seryoso akong nagdadrive at nakatuon ang aking atensyon sa daan na tinatahak ko.Gusto kong maging safe ang pagpunta namin sa probinsya kaya talagang dahan-dahan lang akong magmaneho.Dalawang oras palang ang nagtagal ay nakita kong nagising na agad si Sarah."Gino, nagugutom na ako." mahinang sambit nito na sa tingin ko ay hinahaplos nya ang kanyang tyan."Kani
Chapter 65"HE'S MY BOSS"Sarah POV:Abot-tanaw ko na lamang si Airah na pumasok na rin sa loob ng mansion ni Gino.Hindi na muna ako gumalaw sa pwesto at nanatiling don na muna sa labas dahil nga't kanina pa nagvavibrate ang aking cellphone sa bulsa ko.Nang makasiguro ako na tuluyan ng nakapasok si Airah ay agad ko na itong idinukot."Hello babe?" mahinang sambit ko nang sagutin ko ang tawag ni Ralph."--Diba sabi ko sayo, wag ka munang tumawag dahil baka may makahalata sa akin dito." Muling saad ko rito sa kabilang linya."Im sorry babe, may gusto kasi akong sabihin sayo." wika nya sa akin."Ano ba kasi yon? Pwede mo namang i-chat na lang , gusto mo pa talaga yung tawag." bigkas ko sa kanya."Babe, importante kasi to. Uuwi na ako sa sunod na araw dyan sa Pilipinas. Naalis na kasi ako sa trabaho ngayon." malungkot na balita nito.Buong akala ko pa naman ay ilang araw pa syang magtatagal dyan sa abroad, pero m
Chapter 66"HE'S MY BOSS"Jutay POV:Sabay na nga kaming nagpahinga ni Airah sa loob ng kwarto.Aaminin ko, medyo nagtampo talaga ako ng konti sa kanya dahil alam ko namang hindi pa pwede.Masyado lang talaga akong naaakit at natutukso pagkasama ko ang babaeng to.Halos tatlong oras rin akong nakatulog at nakapagpahinga, nang makaramdam ako ng pagkagutom ay lumabas muna ako para kumain.Tulog pa hanggang ngayon si Airah na halata mong pagod rin sya sa byahe dahil sa malakas na hilik nya.Nang makalabas ako ay tinungo ko ang kusina kung saan naroon rin si Sarah at kumukuha ng pagkain sa ref."Akala ko nagpapahinga ka pa." sambit ko mula sa kanyang likuran.Lumingon naman ito sa akin nang tuluyan syang makakuha ng pagkain."Yap, nagpahinga ako and actually kakagising ko lang ngayon." saad nito sa akin."Here, alam kong gutom ka na rin." lahad na sabi nito habang inaabot nya sa akin ang
Chapter 67"HE'S MY BOSS"Jutay POV:FUCK!Seryoso ba si Airah na ito ang ipapagawa nya sa akin?Tangina! Hindi ko yata makakaya to!Nagsasalubong tuloy ang aking magkabilang kilay habang hawak-hawak ko ngayon ang damit na hindi ko maintindihan kung ano.Narito kasi kami ngayon sa kilalang Ukay-ukay sa Albay."Oh? Bat parang ayaw mo yata Gino?" saad nito nang mahalata nya ang kakaiba kong ekspresyon.Magkasama nga kami ngayon ni Airah pero ang distansya namin ay medyo malayo. Hindi talaga ako makadikit o makahawak man lang sa kahit anong parte ng katawan nya."Airah, ano ba kasing gusto mong ipagawa? Pwede bang maging straight to the point ka naman?" tanong ko sa kanya.Hindi ko na kasi mahulaan ang tumatakbo sa isip nya"Basta, suotin mo na lang muna to at malalaman mo mamaya." sambit nya sa akin."Tsk." kahit medyo labag sa kalooban ko ay kinuha ko pa rin yung damit na tinutukoy nya.Gusto
Chapter 68"HE'S MY BOSS"Airah POV:Sobrang saya!Yan ang tanging masasabi ko nung mga oras na nakasama ko si Gino kahapon.Oo, kahapon nga.Dahil ngayon ay panibagong araw na naman.Ika-dalawang araw na namin ngayon dito sa Albay.Masyado talagang pinapatunayan ni Gino na mahal nya ako.Sobra kasi sya kung maglambing sa akin na halos baby na nga ako kung ituring.Kagaya na lamang sa mga oras na to, nag-aalmusal kami ng sabay at sinusubuan nya ako."Say 'ahhh' Airah." sambit nito habang hawak-hawak nya ang isang kutsara na may laman na pagkain. Inilapit nya pa ito sa aking labi at hinihintay na ibuka ko ang aking bibig."Gino naman eh, hindi na ako bata. Kaya ko na ang sarili ko." saad ko sa kanya."Yes Airah, alam kong kaya mo ang sarili mo.""--Pero sana, hayaan mo akong itrato kang prinsesa." wika nito sa akin.Syempre, kinilig na naman ako sa mga linyahan ng lalaking to.
Chapter 69"HE'S MY BOSS"Jutay POV:Bantay-sarado ako ngayon kay Airah.Ni hindi nya ako magawang bitawan sa mga oras na to, dahil nga't nagseselos sya sa mga babaeng lumalapit sa akin.Maging sa pagbili ng pagkain ay sinamahan nya pa ako.Gwapo kasi ako at matikas ang pangangatawan kaya hindi na sa akin bago na lapitin ako ng babae."Hindi ka pa ba maliligo?" tanong ko sa kanya habang busy sya sa pag-nguya ng chichirya sa kanyang bibig."Gusto ko sana, kaso bawal eh." sagot nito sa akin.Napakunot-noo naman ako sa kanyang sinabi."Bakit naman?""Meron pa akong regla ngayon." tipid na sambit nya bilang paliwanag."Masyado namang matagal ang pagreregla mo Airah, baka maubusan ka na nyan ng dugo." wika ko sa kanya."Wag ka ngang O.A.""--Hindi ako mauubusan ng dugo dahil natural na to sa aming mga babae." saad nito.Napailing na lamang ako sa kanyang tinuran.Kung sabagay
Chapter 71"HE'S MY BOSS"Sarah POV:This is it!Eto na yung araw na pinakahihintay ko!Ilang oras na lang at tuluyan ng mapapaluhod sa sakit si Airah.Kung inaakala ni Gino na umuwi na ako ng Manila, nagkakamali sya.Well, nag-stay ako sa hotel ng isang gabi para don matulog .And here I am, nasa airport ako ng Legazpi habang naghihintay ako sa pagdating ni Ralph.Hindi na tuloy ako mapakali dahil samut-sari ang pumapasok sa aking isipan ngayon.Pakiramdam ko magiging MMK ang dramahan mamaya kapag nagsimula na kami sa plano namin."Babe!" rinig kong sigaw ng pamilyar na boses sa aking tenga.Agad akong napalingon kung saan yon galing. And then I saw my boyfriend waving his hand.Mabilis naman akong lumapit sa pwesto nya at yinakap ko sya kasabay na mariin kong paghalik sa kanyang labi.Namiss kong halikan at yakapin itong si Ralph."Ohh babe, masarap ka pa rin hanggang ngayon." ma
Chapter 71"HE'S MY BOSS"Jutay POV:Halos hindi ko maigalaw ang aking katawan ngayon dahil sa pinapanood ko sa YouTube.Hindi ko lubos maisip na magagawa ni Airah sa akin to.Ayoko sanang maniwala pero sa mga kilos ni Airah sa video halatang gustong-gusto nya ang ginagawa sa kanya ng dalawang lalake.Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw nya sa akin magpasama?Ito ba ang dahilan kung bakit umuwi ang driver na hindi sya kasama?At ito ba ang dahilan kung bakit hindi nya sinasagot ang tawag ko kanina?Kaya ba masyadong nagmamadali si Airah kanina ay dahil makikipagkita sya sa mga ito?Dahil sa mga pumapasok sa isip ko ngayon ay tinungo ko ang kusina at kumuha ako ng maiinom.Gusto kong magpakalasing sa mga oras na to at kalimutan kung ano ang napanood ko.Pero tangina! Malinaw pa rin sa akin ang lahat!Hindi maalis sa isipan ko ang mukha ni Airah kung gaano sya nasarapan.Kahit sinong lalaki