Dave's pov:
Sa loob ng dalawang taon kong pananahimik at pagtatago sa mga sindikatong nagnanais manakit sa pamilya ko. At sa akin na rin ay hindi ako tumigil na gumawa ng paraan para lang makita ko sila. Kahit pa hindi nila alam.
Alam kong maraming nangyari sa lumipas na panahon. Lumaki ang anak ko na wala ako at ni hindi ko manlang naipadama sa kanya ang yakap ng isang Ama.
Pero masaya ako na ligtas sila. Maaaring sa lugar na iyon ay hindi na sila mahanap ni Don. Fabian. Ang pinuno ng sindikatong nagnanais na mawala ako sa mundo. Lumayo ako sa kanila upang magawa ko ang plano kong maipahuli sa batas ang mga masasama.
Mahirap nang magtiwala sa ngayon sa mga sangay ng pulisya. Dahil noon ay nakipag tulungan ako sa kanila, ngunit nalaman ni Don. Fabian ang lahat. Kaya ngayon ay inutusan ko muna ang sarili kong mga tauhan na mag-imbistiga at kapag nakalap na namin ang lahat ng mga tamang impormasyon ay ilalabas ko ang lahat sa media. Gumawa na ak
Annie's POV:Sa isang pang publikong health center ako nagdesisyong magtrabaho bilang isang nurse.Alam kong marami ang nag-iisip bakit dito ko piniling gamitin ang propesyon ko. Dahil alam kong maaari akong matunton ng mga kalaban na gustong manakit sa amin kung sa malaking ospital ako magtatrabaho.At isa pa nais ko ring makatulong sa mga kapwa ko tagarito na kumalinga sa amin no'ng bago pa lamang kami sa lugar na ito.Bagama't noon pa man ay may malaki nang naitutulong ang mga bukirin na tinatamnan ng mga strawberry dito na pagmamay-ari ni Dave, sa mga taong naging mangagawa sa farm na iyon. Kaya naman lubos akong nagpapasalamat kay Dave na dito niya kami dinala. Sa isa sa pinakamalayong lugar sa Baguio. Sa pinakadulo na kami na sakop ng Benguet.Matagal na rin buhat ng makapagtrabaho ako sa isa sa mga ospital sa America. At nang makauwi nga ako rito sa bansa ay hindi na'ko muli pang nakapagtrabaho.Halos tuluyan ko nang makalimutan
Nang gabing iyon ay hindi ako nakatulog sa pag-iisip. Kahit pa nga alam kong kailangan kong umalis ng maaga dahil maaga ang lakad ng bus patungong maynila. Mayroon namang sariling sasakyan kaya hindi na hussle para sa amin ang bumiyahe patungong Maynila.Hindi ko gustong masamain ang nais sabihin ni Mama, kaya lang hindi kaya nang sikmura ko na marinig ang gano'ng bagay. Wala ni katiting manlang sa hinagap ko ang gustong niyang mangyari.Naaalala ko pa nang minsan niyang imungkahi ang bagay na iyon sa akin.Ala-ala:"Anak, kung sakaling mabatid mo na baka hindi na nga magbalik si Dave, bakit hindi ka na magpakasal muli kay Marvin?"Muntik na akong maduwal sa tinurang iyon ni Mama."Ma! Ano bang pinagsasabi mo? Anak ni Dave 'yun ah..." Napapailing akong tumayo sa pagkakaupo ko. Maging si Shiela na naroon ay napalaglag panga rin sa sinabing 'yun ni Mama
Gulat na gulat silang lahat dahil halos makarating na kami sa maynila ng magising ang driver. Kinailangan ko na rin siyang gisingin dahil sa hindi na ako maari pang magmaneho pagdating sa Maynila."Naku! Mabuti at ginising niyo ako!" bulalas ng Driver. Tumayo naman ako matapos kong tapakan ang preno at saka tuluyan nang umalis sa harap ng manibela.Lumakad na ako patungo uli sa kinauupuan ko. "Wow! Miss Annie sa'n mo natutunan ang pagmamaneho? Driver ba tatay mo dati?" tanong ni Chito ang katabi sa upuan.Nginitian ko lang ito. At umupo na ako. Alam kong ilang minuto na lang ay darating na kami sa Santivaniez Hotel. Dasal ko lang na walang makakilala sa akin doon.Kung sabagay ay malaki naman na ang ipinagbago ko. Ang dating hanggang baywang na buhok ko ngayon ay hanggang sa batok ko nalang. Halos magmukha akong tomboy o lalaki sa gupit ko. Pinakulayan ko rin to ng blond kaya naman medyo lumayo
Matapos ang conference na halos wala siyang naunawaan dahil sa lumilipad ang isipan niya. Mabuti na lang at more on lecture ang nangyari kanina. Tinalakay lang naman ang mga pangpinansiyal na bahagi ng bawat health center at pampublikong hospital, kung paano makakakuha ng maayos na suply pang medisina at kung paano naman ikukunsumo ito. Sinabi rin na kung may mga pribadong tao na maaring makatulong sa mga ganitong establishment. "Guys na sa'kin na yung mga susi ng room na pag tse-check in -an natin," sabi ni Sir Adrian sa amin. "Well three rooms para sa girls, at two rooms lang para sa'ting mga boys." Lumakad na ito pagkasabi sa amin upang sumunod naman kaming lahat. Kaya lang ay mabilis akong nagsabi, "Sir, hindi na po ako dito mag-stay," Napalingon naman silang lahat, at si Erika na nakataas pa ang kilay. "Ay nako...umarte na naman," "Hindi ako umaarte, may apartment po yung friend ko at gusto niya na dun muna ako,"
Mahigpit at madiin ang bawat galaw na pinapakawalan ni Dave sa akin. At iyon ay lalong nagpapahiwatig ng kanyang pagmamahal. Alam kong ibinubuhos niya ang lahat ng kanyang lakas upang mapaligaya namin ang aming mga sarili sa isang tila nakaw na sandali. Alam naming maaring bukas ay hindi na naman namin makasama ang isa't isa."Dave! I love you! Please don't leave me!" sabi ko habang mahigpit paring nakakapit ang aking mga braso sa kanyang leeg."Oh! Annie, I love you more!" sabi ni Dave na punong puno ng emosyon. Habang patuloy na binabayo ang aking pagkababae. Mabilis! At pabilis nang pabilis!Binura ng mga sandaling iyon ang lahat ng takot ko, pag-aalala, kalungkutan at sama ng loob sa dalawang taong pagkawala niya. At ang katotohanang siya lamang ang minamahal ko at wala nang iba ang muling kong mahigpit na panghahawakan.Nabawi ng mga oras na iyon ang aming matagal na paghihiwalay.Ang pag-ibig namin sa isa't isa ay aming muling binuhay sa loob
Umaga na nang magising ako. Hinanap ng mga mata ko si Dave. Ngunit isang sulat sa ibabaw ng lamesita ang nakita ko at binasa."Mahal kong Annie, patawarin mo sana ako dahil umalis ako ng hindi na naman nagpapaalam, sanay maunawaan mo ako. Mahal na mahal ko kayo sana ay mahintay mo ako at magkasama-sama na tayo. Mahal ko kayo mag-iingat ka. Dave."Mabilis na tumulo ang mga luha ko. Nailagay ko ang liham niya sa dibdib ko dahil sa labis na pag-aalala. Si Dave mas pinili niyang magsakripisyo na hindi kami makasama para sa ikabubuti ng lahat. Mas pinili niyang iwan ako at sumuong sa isang problemang hindi niya alam kung makakaligtas pa siya o papapahamak sa huli. Ang kabutihan ng puso ni Dave ang nagiging dahilan ng kapahamakan niya pero ito rin ang dahilan kung bakit mas lalo ko pa siyang minahal. At ang karanasan ko sa kanya kagabi ay isa nanaman sa mga ala-ala na pang hahawakan ko sa puso ko."I love you Dave, at w
"Kam ideš (saan kayo pupunta)?" sabi nito sabay hawak sa braso ko. Masama ang tingin nito sa akin. "uzavreli sme dohodu, takže musíme ísť (we closed the deal, so we have to go)," sagot ko naman na gamit ang kanilang wika. Mabuti na lang at bilang negosyante ay halos aralin ko na ang lahat wika. "Did you understand our language? And yet you can speak to." Napangiti at hindi makapaniwala ang lalaking kanina lang ay tila naghihinala sa amin. "Okay, I'm just impressed. You know what ? I'm just believe that you are a true investor," sabi pa nito na sa wikang ingles na nagsalita. "O! Thanks, so we can go now, we have a lot of experience here and I'm just enjoying my time with here," sabi kong muli na hindi pa rin nagpahalata. Makalipas ang ilang sandali at lulan na kami ng aming Van. Lahat kami ay kapawa mga nakahinga. Agad akong nagradyo sa mga team ko na ng mga oras na iyon ay nasa isang
Annie's Pov:Baguio City:Nalaman kong nagbunga ang isang gabing muling pagniniig namin ni Dave.Ala-ala:Nagising akong si Nurse Deliah lamang ang na ro'n sa quarter's area namin. Nakatingin lamang siya sa akin ng magising ako. "A-ano pong nangyari sa'kin?" tanong ko sa kanya at bumangon ako ng bahagya."Hinimatay ka kanina," tugon nitong lumapit pa sa akin. Nakatayo siya sa harap ko at nakatingin lamang. Tingin na may sinisipat at tila nais tanungin sa akin."Bakit po? May problema po ba ako Head Nurse Delia?" tanong ko sa kanya na may pag-aalala sa kalagayan ko. Nag-aalala akong malaman nila ang dating naging sakit ko na Trouma."Well, hindi naman problema talaga, depende sa sasabihin mo sa akin," wika nitong muli."Bakit po ano po bang kalagayan ko?" Nanginginig
Malakas na tutugtugan at tambol mula sa mga banda ang nagpapaingay sa buong stadium. Naroon kaming lahat upang pakinggan ang pasasalamat ng presidente ng bansa at video message ng mga isa sa mga pinuno ng bansang nasasakop ng Europa. Ayaw man noon ni Dave na tanggapin ang parangal na iyon dahil sa hindi raw niya iyon ginawa para sa ikararangal niya lamang kundi para na rin sa kapakanan ng marami. Ngunit naisip niyang mas makakabuting magpunta na kami at malaman ng mga tao ang tunay na bayani ay hindi siya kundi ang mga taong nagbuwis ng buhay sa labang iyon. Inimbitahan namin ang pamilya ni Shiela, ang ama nito at mga kapatid na siyang pag-aalayan namin ng pasasalamat. Maging ang asawa at apo ni mang Badong ay pinadalo sa pagdiriwang na iyon. Ilang minuto pa ang lumipas ay naroon na ang lahat ng tao. At ang mga magbibigay ng parangal sa kanya. Bagamat maingay ang buong paligid ay natutuwa ang lahat para kay Dave. Bilang isang mayamang pilantropo at tunay na matulungin ay n
Ilang sandali pa ang lumipas at narinig na namin ang iyak ng isang sanggol. At alam kong iyon na ang anak kong kasisilang pa lang. Ilang sandali lang din ay lumabas na sa loob ng delivery room ang doktor na nagpaanak kay Annie."Okay naman na sila, pwede niyo nang makita mamaya sa recovery room," mahinahong sabi ng doctor sa akin. At lahat nga kami ay nakahinga nang maluwag. ********Six months later:Annie's pov:Ang lahat ay masaya sa bagong dating naming sanggol na pinangalanan naming Davenlyn at ang nick name nito at Aven. Si baby Aven na ngayon ay palaging kasama ng kanyang Papa. Sobrang bumawi si Dave sa kanyang ikalawang anak dahil sa pangyayari noon na hindi niya manlang nahawakan ang kanyang anak noong itoy sanggol pa lamang. Kasalukuyan kaming narito sa batanggas nagbabakasyon. May tatlong buwan na kami sa bahay bak
Dave's pov:Pagkatapos ng libing ay muli kong inasikaso ang kasong kinakaharap ni Don Fabian. Dinalaw ko ito sa piitan kung saan siya ikinulong ng buong NBI."Kamusta Don Fabian?" tanong ko sa kanya. Nakaupo ito at nakayuko. Nakaposas ang kanyang mga kamay at tumingalang tumitig sa akin."Ikaw? Masaya ka na ba? Masaya ka na bang namatay ang mga taong mahal mo?" sabi nito na nanlilisik ang mga mata."Hindi mo ba alam na anak ko si Churles! Pero nagawa niya akong trydorin para sa iyo!" sigaw ni Don Fabian. Isang rebelasyon ang kanyang isiniwalat nang mga oras na iyon para sa akin."Anak mo pala siya!" mariin kong sagot."Oo! Anak ko siya! Para sa kanya ang lahat!" Napatayo itong hinawakan ang kwelyo ng suot kong polo."Anak! na hindi mo pinahalagahan! Dahil nabaliw ka sa kayamanan!" Pabagsak kong binitiwan ang mga kamay niya at saka ko tinulak. Inawat naman siya ng mga pulis at mahigpit na hinawakan."Alam mo, Ikaw pa rin h
Six months later: Annie's Pov: Anim na buwan na pala ang lumilipas at anim na buwan na rin ang tiyan ko. Wala akong ginawa kundi ang isipin ang asawa ko na hindi nagpapakita sa akin. Ngunit may mga makakating dila ang nagsasabing pumaparito ang lalaking iyon sa aking silid sa twing natutulog na ako. Iyon din ang sabi ni mama. Kapag daw natutulog na ako at saka dumarating ang asawa ko, binabantayan daw ako at pinagmamasdan habang natutulog. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa. Si Daniel na anak namin ay nasa Santivaniez Hotel na at kasalukuyang binabantayan nina kuya Salmon at Joan. Nalamang ko sa kanila ang mga nabuong relasyon at magandang pagtitinginan nina kuya Salmon at Joan, na akin namang ikinatuwa. Si Tatay Arman naman at ang mga kapatid nito ay nakiusap na kung maaring makabalik sila sa Bagyo at asikasuhin multi ang strawberry farm doon na naiwan namin. Bagamat doon nangyari ang malungkot na pagkawala ni
Nang makalabas ako ay agad akong sinalubong ng mga tauhan ko. At nakita ko ngang nasa malayo na ang mga pulis at ang lahat ng mga kasama ko kanina sa loob ng mansion. Nakita ko rin na kinukuha na rin ng rescuers si Don Fabian na noo'y wala pa ring malay. Mas gusto ko sanang siya na lang ang naiwan doon at hindi si Churles. Ngunit naunawaan kong tama siya, mawawalan ng saysay ang lahat kung hindi niya pagdudusahan ang kanyang mga kasalanan sa batas. "Sir Dave, may tama ka," sabi ni Alvin at simon na sumalubong sa akin. Napasampay naman ang braso ko kay Alvin. "Simon, siguruhin mong mga pulis at NBI ang makakakuha kay Don Fabian." Tumango naman ito at agad na sumunod sa inutos ko. Pinuntahan niya si Don Fabian na kasalukuyang nakagapos na. Nang naroon na sila sa campo na medyo malayo na sa mansiyon ngunit tanaw pa rin namin ito. Hanggang sa naubos ang oras at tuluyang sumabog ang buong mansion. Hindi gumana ang planong naisip ko. Nakita naming tinupok ng ma
Nang makapaglabas na ng ilang baul ang tauhan ni Don Fabian ay pinagtulungan naming mga kalalakihan ang pagbuhat sa malaking aparato kung saan naroon ang bomba. Maliban kay Churles na kinuha ang mga lubid na kanina ay nakatali sa mga bihag at siya niyang itinali kay Don Fabian na wala pa ring malay."Isa...dalawa...tatlo...." bilang namin habang sabay-sabay na binubuhat ang aparato. Hanggang sa naipasok namin ang aparato sa loob ng silid at saka namin iyon muling isinara. May tatlong oras na nalalabi upang makatakas kami bago sumabog ang bomba.Samantalang naririnig na namin ang mga paghuhukay na ginagawa nila sa labas para mailigtas lamang kami sa nalalapit na pagsabog.Nakita nila ni Dhino at Shiemen ang kaunting lamat sa pader na nalikha ng mga tao sa labas. Habang pilit nilang hinuhukaya at tinitibag ang pader sa labas. Sinikap nilang mabasag ang mga salamin sa bintana ngunit napakatibay ng mga salamin dahil sa sobrang kapal at gawa sa mamahaling materyales.
Habang nag-iiyakan ang lahat ay nagising si Don Fabian. Tumawa na naman ng malakas."Ano, natatakot na ba Kayo!" sabay tawa ng napakalakas. "Ano ngayon ang gagawin niyong lahat?" tanong nito na halos baliw nang nagsasalita."Hayup ka!" sa sobrang galit ni Churles ay nasapak na niya ito at sinundan pa ng napakarami pang suntok. Natigilan na lamang siya ng makita niyang wala na naman itong malay.Samantalang kausap ko ang mga ka-team ko na kasalukuyan nang gumagawa ng paraan para maaccess nila ang security system ng buong mansion ni Don Fabian. Lahat ng data ay nasa computer na nila. At malaki ang tiwala ko na maha-huck nila ito.Habang ginagawa nila iyon ay tinignan ko ang bomba, meron na lamang kaming apat at kalahating oras para maka alis sa mansiong iyon."Hello Chip! Gumawa kayo ng paraan upang makaligtas kami, magpadala kayo ng mga kagamitan para magiba ang mga pader!"
"Ano! Huwag kayong kikilos ng hindi ko gusto! Subukan niyong galawin ang mga bihag niyo siguradong mamatay 'tong amo niyo!" sigaw ni Churles na idiniin pa ang bisig niya sa leeg ng matanda. Nakatutok sa sintido nito ang forty-five caliber na baril na hawak niya. "Sige na Dave! Lapitan mo na sila!" baling sa akin ni Churles. Mabilis naman akong nakalapit sa mga bihag. Mabilis kong kinalagan si Shimen, at Salmon upang matulungan nila akong kalagan ang iba. "Salamat Dave,"sabi ni Shiemen na agad namang kinalagan si Carol, at ang iba pang naabot niya. Nakatali ang mga kamay at paa nila. Sinunod ko naman si Salmon, at si Dhino.At nang makalagan ko na sila ay pinalabas ko na sila upang makalapit sa mga pulis. "Bilisan niyo lumabas na kayo, Dhino kayo nang bahala sa anak ko." sabi ko dahil nilapitan ko naman si Edmon, na noon ay nakahandusay at halos hindi na makakilos. "Edmon kaya mo pa ba?" tanong ko. Ngunit sinigawan ako nina Shimen at Salmon.
Si Don Fabian ay nakaupo sa upuang kumikinang sa ginto at umaastang parang hari. Naisip kong maaaring nababaliw na ito. Sa sobrang dami ng pera niya ay hindi na niya alam kung saan niya ilalagak at gagamitin kaya kung ano-ano na lang ang naiisip nito."Ano Don Fabian? Inaakala mo na bang hari ka kung nakaupo ka na sa mamahaling upuan mo? Ang mabuti pa ay tapusin na natin ang usapang ito!" malakas kong sigaw sa kanya."Kalma ka lang Dave! Darating din tayo sa gusto mong mangyari!" At sinabayan pa nito ng malakas na tawa."Sige lang tumawa ka! Pwede ba? Ilabas mo na ang pamilya ko! Pakawalan mo na sila!" sigaw kong muli sa baliw na matanda.Tumayo muna ito sa kinauupuan nito at lumakad ng bahagya papunta sa amin. "Ano Dave ang hari pa ang lalapit sa'yo?" seryoso nitong sabi sa kanya nang makalapit sa amin ni Churles. Si Charles naman ay bahagyang niluwagan ang pagkakatali sa mga kamay ko sa aking likod