"Kam ideš (saan kayo pupunta)?" sabi nito sabay hawak sa braso ko. Masama ang tingin nito sa akin.
"uzavreli sme dohodu, takže musíme ísť (we closed the deal, so we have to go)," sagot ko naman na gamit ang kanilang wika. Mabuti na lang at bilang negosyante ay halos aralin ko na ang lahat wika.
"Did you understand our language? And yet you can speak to." Napangiti at hindi makapaniwala ang lalaking kanina lang ay tila naghihinala sa amin.
"Okay, I'm just impressed. You know what ? I'm just believe that you are a true investor," sabi pa nito na sa wikang ingles na nagsalita.
"O! Thanks, so we can go now, we have a lot of experience here and I'm just enjoying my time with here," sabi kong muli na hindi pa rin nagpahalata.
Makalipas ang ilang sandali at lulan na kami ng aming Van. Lahat kami ay kapawa mga nakahinga. Agad akong nagradyo sa mga team ko na ng mga oras na iyon ay nasa isang
Annie's Pov:Baguio City:Nalaman kong nagbunga ang isang gabing muling pagniniig namin ni Dave.Ala-ala:Nagising akong si Nurse Deliah lamang ang na ro'n sa quarter's area namin. Nakatingin lamang siya sa akin ng magising ako. "A-ano pong nangyari sa'kin?" tanong ko sa kanya at bumangon ako ng bahagya."Hinimatay ka kanina," tugon nitong lumapit pa sa akin. Nakatayo siya sa harap ko at nakatingin lamang. Tingin na may sinisipat at tila nais tanungin sa akin."Bakit po? May problema po ba ako Head Nurse Delia?" tanong ko sa kanya na may pag-aalala sa kalagayan ko. Nag-aalala akong malaman nila ang dating naging sakit ko na Trouma."Well, hindi naman problema talaga, depende sa sasabihin mo sa akin," wika nitong muli."Bakit po ano po bang kalagayan ko?" Nanginginig
Annies Pov: Baguio City: Inabot ng dalawang oras ang pag-iisip ko, puno pa rin ako ng alinlangan ngunit alam kong kailangan ko nang ipaliwanag ang mga bagay na ito sa kanila. Lumabas ako ng silid ko at nakita ko nang nakaupo silang lahat sa sala. Si Shiela at Marvin ay magkatabi, sina Kuya Shiemen at Kuya Salmon karga niya si Daniel, sina kuya Dhino at ang mga anak niya at ate Luisa ang magkakasama rin. Si Joan naman ay katabi ang kanyang ama at mga kapatid. May nag-iisang upuan na inilaan nila para sa akin. Lahat sila ay nakatingin ng lumabas ako ng aking silid. "Handa ka na na iha?" taong ni Tito Arnold sa akin. Tipid na tango lamang ang aking isinagot sa kanya. "Kung ganon ay handa kaming makinig sa mga sasabihin mo sa amin," sabi pa uli nito. Umupo ako sa upuan at nagsimulang magsalaysay. Nauunahan na agad ng lungkot at luha, maging ng bigat ng aking kalooban sa pagsasabi ng katotohanan sa kanila. "Noo
Chapter 77 Dave's pov: "Ano!" malakas kong sabi. Na siyang ikinagulat ng lahat kong kasama ng mga oras na iyon. "Bakit Sir?" tanong ni Alvin. "Wala na! Alam na ni Don Fabian kung nasaan ang pamilya ko! Alam na rin niya na ako ang kumikilos para kalabanin siya. Tiyak na kikilos na iyon para kunin ang buong pamilya ni Annie, na alam niyang mahalaga din sa akin. Nabaril si Shiela, ang kaibigan ni Annie!" Naiiling akong lumakad sa papunta sa drawer ko at kinuha ang passport ko. Nang mga oras na iyon ay kasalukuyan kaming nasa Japan. "Mag-ready na kayo! Wala na tayong dapat pang pagtaguan dahil nabunyag na tayo, nang dahil sa mga maling desisyon mo Churles," sabi ko uli. Lahat naman sila ay ngsimulang mag empake ng mga gamit nila. Sinabihan na rin ang iba pang grupo namin na ihanda ang lahat ng mga gamit dahil nga sa biglaang pagbabalik sa Pilipinas. Nang makapag-ayos na ang lahat ay ipinahuli ko si Churles sa paglabas. "Mag-u
Sinundan ako ni Dave hanggang sa banyo ng silid ni Shiela. Nagtataka siyang tiningnan ako. Ako naman ay nagpunas ng bibig kong nabasa. "Bakit ganyan ang tingin mo sa'kin?" tanong ko sa kanya na parang may inis ako sa tinig ko. "Are you pregnant?" naguguluhang tanong ni Dave sa akin. At ang tanong na may kasamang pag-aalala. "Bakit! Imposible bang mabuntis ako!" may galit kong tanong sa kanya. Lumakad ako patungo sa labas ng banyo at tinungo ang lamesita sa tabi ng kama ni Shiela. Kumuha ako ng alcohol at inilagay sa palad ko. "Bakit anong akala mo magkakandarapa akong salubungin ka! Para sabihin ko sayo galit ako! Dahil marami nang nadadamay sa problema ko. Problemang dulot ng mga taong masasama. Hindi ba sabi mo tutugisin mo silang lahat! Hero ka nga raw! Bakit nandito ka!?" Ngunit sa halip na magalit din si Dave sa akin ay ubod luwang ang mga labi nitong ngumiti sa
Nang makarating ako sa ospital ay agad akong pumunta kay Annie. Nakita kong nagtitinginan na naman ang mga nurse sa akin. Isang nurse ang humarang sa akin. "Sandali lang Sir," tawag nito sa akin. Huminto naman ako at lumingon,"May problema ba Miss?" "Ikaw ba ang nakabuntis kay Nurse Annie? Ano bang sinabi mo sa kanya kahapon at dinugo siya? Sinabi mo bang hindi mo siya pananagutan? O tinanggi mo na anak mo iyon?" galit na tanong ng nurse. Ngumiti muna ako at sa pag ngiti kong iyon ay nagtilian naman ang ibang nurse na naroon din sa nurse station. "Pwede ba tumahimik nga kayo! 'Wag nga kayong padadala sa ka gwapuhan ng taong to! Kung sasaktan naman niya si Annie!" Tinuro pa ako ng hintuturo nito, pero hindi ko ikinagalit iyon. "Well, maybe your one of the friends of my wife, thanks and please continue for being consern with her, you know she suffering about the condit
Agad akong pumunta sa condominium building na pagmamay-ari ni Marvin. Upang iligtas pa sana ang buong pamilya ko. Ngunit tila na huli na ako ng dating ang mga gwardiya doon ay pawang mga wala nang malay may mga tama sila ng baril sa kanilang mga katawan. Mabilis akong sumakay sa elevator at tinungo ang mismong unit na tinitirhan nila at nang makapasok ako ay nakita ko ngang wala nang tao. Ngunit may isang kamay na nakalitaw sa likod ng sopa. Nakahandusay ang katawan nito doon medyo gumalaw iyon kaya nilapitan ko upang malaman kung sino siya.Nanlaki ang mga mata ko ng sobra dahil sa nakilala ko ang lalaki. Si Marvin!"Marvin! Anak!" Agad ko siyang kinalong sa aking mga bisig at niyakap."P-Papa...s-sorry... pinilit kong... protektahan sila...p-pero w-wla akong nagawa...." Duguan ang buong katawan ni Marvin dahil sa dami ng tama ng bala na tinamo niya."Sir okay lang po ba kayo?" tanong nila Alvin ng makasunod sila. Nakita nilang lumuluha ako."Don'
Isang tawag ang natanggap niya mula kay Don Fabian. "Gusto kong pumunta ka rito sa lugar kung saan ko dinala ang buong pamilya mo, ano nagustuhan mo ba kung kaninong buhay ang kinuha ko bilang kapalit ng pataniman ko," humalakhak ito matapos sabihin ang mga salitang iyon. "Don Fabian, demonyo ka tagalga! Tumigil ka na sa pandadamay mo sa mga inosenteng tao!"sigaw ko sa kanya. Malakas na tumawa si Don Fabian, "Oo naman dahil hindi ako magtatagal sa mundong ito kung hindi ako ganito kasama, aminin na nating walang magagawa ang yaman at katanyagan kung mabuti ka, dahil lalam
Si Don Fabian ay nakaupo sa upuang kumikinang sa ginto at umaastang parang hari. Naisip kong maaaring nababaliw na ito. Sa sobrang dami ng pera niya ay hindi na niya alam kung saan niya ilalagak at gagamitin kaya kung ano-ano na lang ang naiisip nito."Ano Don Fabian? Inaakala mo na bang hari ka kung nakaupo ka na sa mamahaling upuan mo? Ang mabuti pa ay tapusin na natin ang usapang ito!" malakas kong sigaw sa kanya."Kalma ka lang Dave! Darating din tayo sa gusto mong mangyari!" At sinabayan pa nito ng malakas na tawa."Sige lang tumawa ka! Pwede ba? Ilabas mo na ang pamilya ko! Pakawalan mo na sila!" sigaw kong muli sa baliw na matanda.Tumayo muna ito sa kinauupuan nito at lumakad ng bahagya papunta sa amin. "Ano Dave ang hari pa ang lalapit sa'yo?" seryoso nitong sabi sa kanya nang makalapit sa amin ni Churles. Si Charles naman ay bahagyang niluwagan ang pagkakatali sa mga kamay ko sa aking likod