A few weeks later:
April 2,2010:
Idinaos ang aming graduation, at gaya nga ng alam ng marami ay nakamit ko ang titulong "Salutatorian" At ang lahat ay masayang-masaya sa kaganapang iyon ng aking buhay. Naroon ang aking Mama, at ang usapan namin ay sama-samang kakain sa isang restaurant kasama ang buong pamilya.
Ngunit bago umuwi ay nagpaalamanan na muna kaming magkakaibigan. Uuwi na sana kaming lahat upang makipag bonding sa mga pamilya namin. Nang bigla namang magsalita si Carol at hindi namin inaasahang dadalo si Mr. Santivaniez sa graduation na ito.
Noon kasi ay never naming nakita ang guardian ni Carol, kahit na sa anong okasyon sa school. Pero nang araw na iyon ay dumalo ito at nakipagsaya sa marami na para bang simple lang siya tulad ng iba. Sabagay halos lahat rin naman ay mayayaman tulad niya. Ang kaso lang alam nang lahat kung gaano ito kayaman. Inaamin naman naming lahat na wala kami sa kalingkingan nito.
"Gusto sana ng Tito ko na imbihatin po kayong lahat," sabi ni Carol sa lahat ng mga kaklase namin at sa mga parents at iba pang guardian na naroon.
"My treat!" sabi ni Mr. Santivaniez sa lahat.
Ako naman ay atubili sa kanilang sumama dahil sa may usapan na ang aming pamilya mamayang gabi. Ngunit bigla namang sumagot si Mama.
"Sige na anak, sumama kana sa mga kaibigan mo. Tutal ay mamaya pang dinner ang usapan natin. Nakakahiya naman kay Carol at Mr. Santivaniez kung tatangihan mo ang paanyaya nila." sabi ni Mama.
At nagdesisyon itong huwag nang sumama, siya ay nauna nang umalis. Bago ito umalis ay kuta-kutakot namang paalam ang ginawa ni Mama kina Mr.Santivaniez at Kay Carol na din.
Ako naman ay wala nang nagawa kundi ang pumayag. Palihim naman akong napatingin kay Dave at nakita ko ang pasimleng pag taas ng kilay nito tanda nang pagbati. Nginitian ko na lamang siya dahil sa ayaw kong magmaldita nang araw na iyon dahil nga sa graduation ko naman at ayokong maging suplada sa sinuman upang hindi masira ang araw na ito.
Pero napansin ko sa aking sarili na parati na lang ngiti ang iginaganti ko sa kanya.
Hindi pa nagtatagal ang pagpayag ng lahat ay dumating na sa parking lot ng school ang apat na Van ni Mr. Santivaniez upang sunduin ang lahat patungo sa place na pinag-uusapan. Iba na talaga ang mayaman! Milyonaryo, lahat kasi nang gusto ay nagagawa niya.
Sumakay kaming lahat sa apat na van na iyon. Nagkataon namang napunta kaming tatlo sa van na kinalululanan din nina Carol at Dave. Hindi ko nga alam kung aksidente lang ba ito o parang may sadyang may nagpasakay sa amin sa van na iyon kung saan naroon na pala ang magtiyo.
Sa loob ng sasakyan ay sinadya ko nang sa pinaka dulo umupo. Sa lahat ng mga naroon ay ako lang ang walang kasamang magulang o guardian manlang. Ang mga Kuya ko ay abala na rin sa negosyo ni Papa. Hindi ko nga maintindihan kung bakit isa man sa kanila ay hindi umiba ng landas sa negosyong pinili ni Papa.
Kaya naisip ko noon na ako na lang ang iiba ng landas. Ako, pipiliin ko ang isang pangarap na ma iiba sa mga ginagawa nila. Pero sa isang banda ay para parin sa negosyo nina Papa. Kung magiging doktor ako ay hindi na poproblemahin nina Papa ang gamutan kung sakaling may mga underground operation sila. Hindi iyon maiiwasan sa uri ng negosyo nila.
Mula sa gilid ng salamin ay natanaw ko sa side mirror ang mga matang kanina pa nakatingin sa akin. Ako nama'y nagkunwaring hindi ito nakikita. Nakasandal siya sa salamin ng bintana habang nakatingin sa side mirron ng sasakyan kung saan tanaw pala niya ako habang nag-iisip ng malalim.
Ilang minuto lang naman ang tinagal ng byahe namin mula sa school papunta sa hotel. Pagbaba namin ay tumambad sa amin ang malaking arko na may nakasulat na:
" WELCOME TO SANTIVANIEZ HOTEL."
Duon namin nalaman na pag-aari pala nito ang hotel kung saan ise-celebrate namin ang aming farewell party para sa isat-isa.
Pagkatapos kasi nang araw na iyon ay maiiba na ang aming mga landas. Ang bawat isa sa amin ay gagawa na ng sariling buhay. At ako ay isa sa kanila na may nabuo nang plano para sa sarili kong buhay.
Ang mga kaklase naming mga lalaki ay panay ang kantyawan. Lahat ng estudyante ay magkakasama sa isang mesa at ang mga magulang naman ay nasa kabilang mesa. At ang bawat mesa ay mahaba at puno ng masasarap na pagkain.
"Enjoy your meal, at nagpapasalamat ako sa lahat nang nagpaunlak ng aking imbitasyon para sa aking pamangkin. Sana ay maging masaya kayong lahat, sana rin ay matupad ng bawat isa sa inyo ang inyong mga pangarap." Iyon lamang ang sinabi nito at naupo ito sa isa sa mga upuang naroon at nakisalamuha sa mga magulang at guardian ng bawat students.
Panaka-naka namang mapasulyap ito sa gawi namin. Ewan ko kung ilusyonada lang ako o talagang totoo na napapansin kong ako ang lagi niyang tinitingnan. At nang minsang mahuli ko siya ay nginitian ko siya ng ngiting nang-uuyam. Inasar ko siya sa pamamagitan ng tingin ko at inirapan ng bonggang-bongga. Ito yung pakiramdam na nauunawaan ninyo ang iniisip ng isat-isa kahit na malayu kayo at tanging mga mata ninyo lang ang may kakayahang mag-usap.
Nakita kong palihim itong napangiti sa ginawa ko, kaya naman napangiti na rin ako. Hindi ko alam kung bakit parang ang saya ko ng mga oras na iyon.
"Alam niyo ba guys, sabi ng lola ko ang pinaka mahalaga raw na part ng katawan ng tao ay ang mga mata!" sabi Shiela sa mga kamag-aral namin. Hayan na naman siya at bumibida habang masayang nagkakainan ang lahat.
"Talaga! saan mo naman 'yan narinig!?" sabat ni Bryan.
"Sa lola ko, ang mga mata raw kasi may kakayahang makipag-usap sa lahat ng nilalang, 'yan daw ang pangalawa nating mga bibig," paliwanag pa ni Shiela at nilalakasan ang salita upang marinig ng lahat.
"Ay nako, diba ang kasabihan ang mga mata ang siyang bintana ng ating kalooban?," sabat naman ni Philip.
"At ang mga mata ay hindi nagsisinungaling! kung ano ang niloloob mo ay sinsabi nito!" sabi naman ni Jeff.
At ang iba namang kababaihan ay kilig na kilig sa bawat pagsasalita ng mga idol at crush nilang lalaki. Samantalang hindi ko pansin na ang pinariringgan nilang tao ay si Mike pala na naka titig sa akin simula pa kanina.
"Magtapat na kasi yung mga gustong magtapat diyan!" sigaw naman ni Joan. Na sinigundahan ng lahat.
"oo nga, magtapat kana Mike!" sabi ng isa pa sa mga kamag-aral namin.
Sa isang saglit lang ay napuno na nang kantiyawan ang mga kaklase ko tungkol sa amin. Si Mike na matagal ko na ring kaklase at kakilala. Kaya lang ay torpe ito, matagal ko na ring nababalitaan na may crush ito sa akin pero wala namang lakas ng loob na manligaw. Paano ay limang lalaki ang daraanan at haharapin niya bago niya ako maligawan.
"Ayan na! magtatapat na iyan!" Patuloy kong naririnig ang mga hiyawan at pang-aasar ng mga kamag-aral ko kay mike. Samantalang ako ay nakangiti lang. Umikot ng lihim ang aking paningin sa pwesto ng mga guardian at napatingin na naman ako kay Dave. Nakita kong nakatingin ito sa akin ngunit bigla ring nabaling ang atensiyon sa ibang mga magulang na naroon na kumakausap sa kanya.
"Annie! May pag-asa ba?" tanong ni Shiela.
Ngumiti lang ako at hindi kumibo. Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain. May isang hiwa ng mocha cake sa pinggan ko na gusto kong ubusin.
"Naku mukhang wala, hindi kumikibo si Annie e," sabat naman ni Joan. Na lihim akong siniko. Napatingin naman ako sa kanya.
Ngumiwi ito sa akin at ang mga tingin niya sa akin ay makahulugan. "Akala mo hindi ko alam na nasa ibang deminsiyon ka!" palihim niyang bulong sa akin.
"Aba! Itong kaibigan natin parang lumilipad na ang isip ha! Nasa America na ba ang isip mo!?" tanong ni Joan. Higit kanino man ay sila lang napagsabihan ko ng aking mga plano. Ang planong mag-aral sa America.
"Ha, bakit may balak ka bang mangibang bansa Annie?" Si Carol ang gulat na nagtanong sa akin. May pag-aalala ito sa kanyang mga mata.
"Ha! ahm..m-meron nga." Napapangiti na lang ako habang sumasagot sa kanila
Samantalang gusto ko namang kurutin ang dalawa kong kaibigan sa singit nila sa sobrang daldal ng mga ito. Napapatango na lang ako sa mga kaklaseng nagtanong sa akin. Ang iba ay nag-congrats agad at iba ay nakitaan ko ng lungkot.
"Bakit hindi mo sa akin sinabi na may balak ka palang ganyan?" may lungkot at parang masama ang loob na sabi ni Mike.
"Ha! ano kasi, h-indi pa naman kasi-" Natitigillan kong paliwanag na sa bandang huli ay hindi ko na itinuloy pa.
Wala rin namang mangyayari. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong dapat ipagpaliwanag sa kanya ng mga desisyon ko sa buhay dahil hindi ko naman siya nobyo. Isa pa kahit na ligawan niya ako ay hindi ko siya sasagutin dahil alam kong may lihim na pagtingin sa kanya si Carol. At wala akong balak na saktan ang kaibigan ko.
Napansin ko ang isang negatibong enerhiya ang nanggaling sa kanya kahit na hindi ko pa siya tinatapunan ng tingin, nakikita kong nabigla rin siya sa narinig.
Nakita ko na lamang ang likoran niyang lumalakad palabas ng silid na kinaroroon nang lahat.
Pasado ala una na ng hapon. Ang lahat ay abala sa pag-uusap at pagkain. Marami ring mga mamahaling alak ang inilabas ng mga nag ke-cater, naisip kong magpa alam muna sa lahat upang magtungo sa comport room upang makapag-retouch ako ng aking sarili.
Hindi ko inaasahang matapos kong makapag-retouch at makapg CR nadin ay makikita ko sa balkonahe ng hotel si Dave, nakatayo siya roon sa bandang likuran kung saan naroon ang smoking area, naroon pala siya at naninigarilyo. Tila malalim ang iniisip naka pamulsa ang isang kamay. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit talaga namang iba ang pakiramdam ko sa t'wing makikita ko siya kahit na ang likod lang niya. Para ba akong kinokuryente.
Hindi ko siya binalak na lapitan, tinangka ko nang lumakad palayo sa pasilyong iyon ngunit para bang nang-aasar ang tadhan ng mga oras na iyon at napalingon siya na para bang may nagsabi sa kanya na lumingon.
Hays! Hindi ko naman sinabing pag lumingon siya, akin na siya ha! Hindi talaga!
"Miss Annie!" Medyo malakas ang pagtawag niya sa aking pangalan. Hindi ko naman pwedeng balewalain at talikuran ang taong tumatawag sa akin lalo na't mas matanda sa akin ang lalaking ito.
"H-hi..." bati ko sa kanya na alanganin pa ako kung lalapit ba ako o hindi. Medyo itinaas ko rin ang kamay ko tanda ng pag bati ko sa kanya. At tulad ng dati ay para na namang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Pero sinikap kong itago ang kakaibang pakiramdam ko lalo na at nakatingin na naman siya sa akin.
"Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya sa akin. At nilaglag niya ang hawak na sigarilyo at saka ini-squeez ng kanyang suot na sapatos upang patayin ang sindi no'n.
Lumapit naman ako hanggang sa makarating sa malaking balkonahe ng hotel. Sa pagkakaalam ko ay nasa third floor kame ng mamamhaling hotel na iyon. Mula roon ay tanaw ko ang napakagandang tanawin mula sa labas. Ang bughaw na langit at ang mga ibong lumilipad sa himpapawid at ang kulay asul na tubig mula sa swimming pool sa ibaba ay tanaw rin. Malakas ang ihip ng hangin mula roon kahit na nga medyo tumitindi na ang sikat ng araw.
"Bakit nandito ka? Mainit dito?" simple kong tanong kunwari, upang hindi naman nito mahalatang kinakabahan ako.
"Okay lang, minsan maarawan naman." At ipinamulsa ang isang kamay sa kanang bulsa niya.
"Aalis ka pala?" tanong nito na sa sahig nakatingin.
Ako naman ay medyo nagulat hindi ako ready sa isasagot ko, dahil nagtatanong siya na para bang matagal na kaming magkakilala, para bang matagal nang may ugnayan sa isat-isa.
"Ha-ah, i-iyon kasi ang pangarap ko, makapag-aral ng medisina sa abroad." sabi ko na lang sa kanya na pilit kong inihahayag nang kaswal lang. Tumingin siya sa akin, at medyo nagulat naman ako. Yung tingin niya na parang nanunuyo at nakikiusap.
Mga tingin na may sinasabi. Hindi ko akalaing ang isang tulad niya ay titingin sa akin ng ganoon. Napangiti ako, at natawa nang walang tinig. Hindi ko na ata ito kayang pigilan, kailangan ko na siyang iwan bago pa ako ipagkanulo ng sarilli ko.
Pero sa hindi ko inaasahang pagkakataon bigla na lang akong kinabig nito. Ilang segundo lang, mga three second. At alam kong ang yakap na iyon ay hindi basta pagbati ng isang kapatid o Ama.
"What kind of feelings it is?" tanong ko sa sarili ko.
Natigilan ako at walang naging reaksiyon ng mga sandaling iyon. Kung sa mga palabas ay dapat na nagalit ako o naghesterikal o dapat ay sinampal ko siya. Pero tahimik lang ako ng mga sandaling iyon.
Pagka bitiw niya sa akin ay nagpaalam na kaagad siya. Naunang lumakad at kaunting lingon lamang. May sinabi siya sa akin, sa maiksing pagyakap at mabilis na pagkabitiw niya ay isang makahulugang kataga ang kanyang ibinulong. Isang bulong na hindi ko kailanman maililimutan.
"Hihintayin kita."
Isang salitang payak lamang ngunit punong-puno ng kahulugan.
Salitang hindi ko man nasagot ay tila alam na niyang mag-iiwan sa akin ng habang buhay na katanungan.Tanong na tila alam na ng aking puso ang kasagutan.
Naiwan akong tulala at shock, napakalakas ng pintig ng puso ko na para bang aatakihin ako sa lakas ng pintig nito. At parang wala sa sarili na naglakad ako sa hallway pabalik sa room na pinagdarausan namin ng selebrasyon.
April 2010 One month later: Natapos na nga ang buwan ng Marso at dumating ang buwan ng Abril, ito ang isa sa mga araw na pinakahihintay ko sa aking buhay. Well, sino ba naman ang taong ayaw dumating ang kanyang kaarawan. Hay, ano na kaya ang magaganap sa'king birthday? Sa pagdating ng araw na iyon ay magiging ganap na akong seventeen years old. Pero naisip ko hindi pa iyon sapat para payagan ako nina Mama at Papa na maka punta sa abroad ng mag-isa. Syempre nag-iisa akong babae sa aming pamilya kaya naman sina Papa at Mama ay lubos ang pag-aalala sa akin. Naalala ko nang sabihin ko ang mga plano ko matapos ang graduation namin: "Bakit naman sa America mo pa gustong mag-aral n
Pagkaraan ng limang minuto ay nasa fourth floor na kami ng bahagi ng hotel. Hindi ko alam kung paanong nalaman ng mga kaibigan kong ito ang bar na iyon. Mayroon palang isang bar na wala namang ibang tao kundi ang isang lalaking bartender. Nagtataka ako kung bakit walang tao sa bar na ito, ang napansin ko lang ay mayroong napakaraming bote ng alak doon sa may counter, mabilis ngang nakalapit doon ang dalawa upang humingi ng alak. Ako naman ay lulugo lugong napasunod sa kanila. Umupo kami mismong counter kung saan maaari naming maituro ang mga wine na gusto namin. Napakaraming alak sa wine shelf nila. Naalala kong mayroon ding ganitong lugar sa bahay, may isang silid sa bahay nami
Dave POV: Napakalakas ng tunog ng telepono na malapit pala sa ulunan ko. Nahihilo pa akong medyo bumangon para lang sagutin ang makulit na telepono sa pag ri-ring nito. "Hello," sabi ko na pupungas-pungas pa ako. "Hello sir, may mapunta po diyan sa kwarto niyo," sabi ng kausap ko sa kabilang linya. "Ha! bakit daw?" gulat kong sabi sa kausap ko. "sir, may hinahanap po kasi sila, yung anak po noong may event dito kagabi sa hotel yung nag birthday po___" "Oo nga! Ano nga!" galit kong tanong dahil naistorbo ako sa pagtulog ko. Alam naman nila na ayaw na ayaw ko
Annie's POV: Isang agreement ang pinirmahan namin lahat na naroroon. Ako, ang pamilya ko, at pati na rin si Mr. Santivaniez. Maging ang secretary niya at abogado na pinatawag niya. Pinapunta rin niya roon ang dati kong classmate at kaibigan na si Carol. Upang mapagtibay ang usapan at agreement na aming napagkasunduan. Para kasi sa kanya ay iyon na lamang ang pinaka magandang solusyon upang hindi makaladkad pareho sa kahihiyan ang mga pangalan at pamilya namin. Para sa akin ang lahat ng pabor na nakasulat sa papel na pinirmahan namin. Iyon daw ay magiging valid hanggang sa makabalik ako galing America. Siya at ako ay hindi maaring makipag comitmment sa ibang tao liban na lang kung sabihin kong malaya na ang isa sa amin na gawin ang gusto ng bawat isa. Sa araw na makabalik ako.
Dave's Pov: Naisipan kong puntahan ang kaibigang kong doktor, siya ang pinamahala ko sa isa sa mga ospital na kasama sa mga naitayo kong negosyo. Matagal na kaming magkaibigan. Isa siya noon sa mga doktor na gumamot sa akin noong nasa army pa lang ako. Una akong naging U.S army sa L.A bago pa ako nagpasyang maging action star artist dito sa bansang ito. Ngunit sa kalaunan ng aking pagiging artista ay nakita kong hindi naman ako nag-evolve. Hindi maganda ang mga pelikulang nagagawa ko at alam kong hindi magiging tuloy-tuloy ang pagsikat ko. Kaya naman naisipan kong magtayo ng maraming uri ng negosyo. Mula sa mga minana kong kayamanan ng aming angkan at sa mga kinita kong pera. Yumaman ako nang yumaman, hanggang sa maabot ko na ang takdang bilang ng mga kayamanan ko. Marami akong prop
"Hello Joan! Nasaan na ba kayo?! Nandito na ako sa Airport," excited kong sabi sa mga kaibigan kong si Joan at Shiela. Simula nang umalis ako ay hindi naman kami nawalan ng communication nina Joan at Shiela. Kaya ngayong nakabalik na ako dito sa sarili kong bansa ay sila rin ang una kong pinagsabihan. Hindi ko muna pinaalam sa pamilya ko ang pagababalik ko dahil may gusto pa akong gawin ng ako lang mag-isa. May gusto pa akong lutasin nang ako lang sa sarili ko. Isa pa ay nasa tamang edad na ako, hindi ko na kailangan pang pumisan sa mga magulang ko. Napaangat ako ng tingin nang makita ko ang dalawang naglalakad sa di kalayuan. Si Joan ang may hawak ng cellphone na nakadikit sa kanyang tainga. Narinig ko na sa phone ko ang boses nito.
A few moments later:Wala na ang dalawa kong kaibigan, pinaikot ko ang paningin ko sa buong apartment na ngayon ay magiging tirahan ko. Sandali akong nasiyahan at nakaramdam din kaagad ng kalungkutan. Masaya sanang mamuhay nang ganoon, simple lang kasama ang lalaking itinadhana sa akin ng Diyos.May mga gamit na ang apartment bagay na ipinagtaka ko at nalimutang tanungin ang mga kaibigan ko. Mula sa kusina hanggang sa sala at sa kwarto ko ay kumpleto na rin ang mga gamit. Nagtaka ako kung saan naman sila kumuha nang pambili ng mga gamit na ito. May kamahalan pa ang ilang mga gamit na naroon.May dalawang kwarto ang aparment at isang banyo, at may kalawakang kusina. Naka tiles ang lababo at stainless naman ang pinaka hugasan ng mga pinggan. May mga nakasabit na gamit pang-luto at kumpleto ang laman ng kabinet at may mga delatang stock doon.Namangha ako ng sobra, ganito pala sila ka-organize sa pag-aayos ng matitirhan ko. Sobrang pasasalamat
Isang buwan na ang nakararaan buhat nang dumating si Annie dito sa bansa, at ako ay isang buwan na ring nagtitiis sa maliit kong apartment. Hindi naman masama ang lugar na iyon ang kaso lang siguro ay hindi lang ako sanay. Kung kailan kasi ako tumanda ay saka pa ako nakararanas nang ganitong pagbabago. Naalala kong malapit na nga pala ang kaarawan ko at madadagdagan na naman ang edad ko. Malapit na akong mag thirty-eigth at dalawang taon mula ngayon ay forty year old na ako. Napailing na lang ako. "HANGGANG KAILAN KAYA AKO MAGHIHINTAY SA KANYA?" Samantalang siya ay kaydaling nakalimot. Pakiramdam ko tuloy ay wala na siyang balak pang alalahanin ang kontrata namin na pagka-graduate niya ay kailangan niya na akong pakasalan.
Malakas na tutugtugan at tambol mula sa mga banda ang nagpapaingay sa buong stadium. Naroon kaming lahat upang pakinggan ang pasasalamat ng presidente ng bansa at video message ng mga isa sa mga pinuno ng bansang nasasakop ng Europa. Ayaw man noon ni Dave na tanggapin ang parangal na iyon dahil sa hindi raw niya iyon ginawa para sa ikararangal niya lamang kundi para na rin sa kapakanan ng marami. Ngunit naisip niyang mas makakabuting magpunta na kami at malaman ng mga tao ang tunay na bayani ay hindi siya kundi ang mga taong nagbuwis ng buhay sa labang iyon. Inimbitahan namin ang pamilya ni Shiela, ang ama nito at mga kapatid na siyang pag-aalayan namin ng pasasalamat. Maging ang asawa at apo ni mang Badong ay pinadalo sa pagdiriwang na iyon. Ilang minuto pa ang lumipas ay naroon na ang lahat ng tao. At ang mga magbibigay ng parangal sa kanya. Bagamat maingay ang buong paligid ay natutuwa ang lahat para kay Dave. Bilang isang mayamang pilantropo at tunay na matulungin ay n
Ilang sandali pa ang lumipas at narinig na namin ang iyak ng isang sanggol. At alam kong iyon na ang anak kong kasisilang pa lang. Ilang sandali lang din ay lumabas na sa loob ng delivery room ang doktor na nagpaanak kay Annie."Okay naman na sila, pwede niyo nang makita mamaya sa recovery room," mahinahong sabi ng doctor sa akin. At lahat nga kami ay nakahinga nang maluwag. ********Six months later:Annie's pov:Ang lahat ay masaya sa bagong dating naming sanggol na pinangalanan naming Davenlyn at ang nick name nito at Aven. Si baby Aven na ngayon ay palaging kasama ng kanyang Papa. Sobrang bumawi si Dave sa kanyang ikalawang anak dahil sa pangyayari noon na hindi niya manlang nahawakan ang kanyang anak noong itoy sanggol pa lamang. Kasalukuyan kaming narito sa batanggas nagbabakasyon. May tatlong buwan na kami sa bahay bak
Dave's pov:Pagkatapos ng libing ay muli kong inasikaso ang kasong kinakaharap ni Don Fabian. Dinalaw ko ito sa piitan kung saan siya ikinulong ng buong NBI."Kamusta Don Fabian?" tanong ko sa kanya. Nakaupo ito at nakayuko. Nakaposas ang kanyang mga kamay at tumingalang tumitig sa akin."Ikaw? Masaya ka na ba? Masaya ka na bang namatay ang mga taong mahal mo?" sabi nito na nanlilisik ang mga mata."Hindi mo ba alam na anak ko si Churles! Pero nagawa niya akong trydorin para sa iyo!" sigaw ni Don Fabian. Isang rebelasyon ang kanyang isiniwalat nang mga oras na iyon para sa akin."Anak mo pala siya!" mariin kong sagot."Oo! Anak ko siya! Para sa kanya ang lahat!" Napatayo itong hinawakan ang kwelyo ng suot kong polo."Anak! na hindi mo pinahalagahan! Dahil nabaliw ka sa kayamanan!" Pabagsak kong binitiwan ang mga kamay niya at saka ko tinulak. Inawat naman siya ng mga pulis at mahigpit na hinawakan."Alam mo, Ikaw pa rin h
Six months later: Annie's Pov: Anim na buwan na pala ang lumilipas at anim na buwan na rin ang tiyan ko. Wala akong ginawa kundi ang isipin ang asawa ko na hindi nagpapakita sa akin. Ngunit may mga makakating dila ang nagsasabing pumaparito ang lalaking iyon sa aking silid sa twing natutulog na ako. Iyon din ang sabi ni mama. Kapag daw natutulog na ako at saka dumarating ang asawa ko, binabantayan daw ako at pinagmamasdan habang natutulog. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa. Si Daniel na anak namin ay nasa Santivaniez Hotel na at kasalukuyang binabantayan nina kuya Salmon at Joan. Nalamang ko sa kanila ang mga nabuong relasyon at magandang pagtitinginan nina kuya Salmon at Joan, na akin namang ikinatuwa. Si Tatay Arman naman at ang mga kapatid nito ay nakiusap na kung maaring makabalik sila sa Bagyo at asikasuhin multi ang strawberry farm doon na naiwan namin. Bagamat doon nangyari ang malungkot na pagkawala ni
Nang makalabas ako ay agad akong sinalubong ng mga tauhan ko. At nakita ko ngang nasa malayo na ang mga pulis at ang lahat ng mga kasama ko kanina sa loob ng mansion. Nakita ko rin na kinukuha na rin ng rescuers si Don Fabian na noo'y wala pa ring malay. Mas gusto ko sanang siya na lang ang naiwan doon at hindi si Churles. Ngunit naunawaan kong tama siya, mawawalan ng saysay ang lahat kung hindi niya pagdudusahan ang kanyang mga kasalanan sa batas. "Sir Dave, may tama ka," sabi ni Alvin at simon na sumalubong sa akin. Napasampay naman ang braso ko kay Alvin. "Simon, siguruhin mong mga pulis at NBI ang makakakuha kay Don Fabian." Tumango naman ito at agad na sumunod sa inutos ko. Pinuntahan niya si Don Fabian na kasalukuyang nakagapos na. Nang naroon na sila sa campo na medyo malayo na sa mansiyon ngunit tanaw pa rin namin ito. Hanggang sa naubos ang oras at tuluyang sumabog ang buong mansion. Hindi gumana ang planong naisip ko. Nakita naming tinupok ng ma
Nang makapaglabas na ng ilang baul ang tauhan ni Don Fabian ay pinagtulungan naming mga kalalakihan ang pagbuhat sa malaking aparato kung saan naroon ang bomba. Maliban kay Churles na kinuha ang mga lubid na kanina ay nakatali sa mga bihag at siya niyang itinali kay Don Fabian na wala pa ring malay."Isa...dalawa...tatlo...." bilang namin habang sabay-sabay na binubuhat ang aparato. Hanggang sa naipasok namin ang aparato sa loob ng silid at saka namin iyon muling isinara. May tatlong oras na nalalabi upang makatakas kami bago sumabog ang bomba.Samantalang naririnig na namin ang mga paghuhukay na ginagawa nila sa labas para mailigtas lamang kami sa nalalapit na pagsabog.Nakita nila ni Dhino at Shiemen ang kaunting lamat sa pader na nalikha ng mga tao sa labas. Habang pilit nilang hinuhukaya at tinitibag ang pader sa labas. Sinikap nilang mabasag ang mga salamin sa bintana ngunit napakatibay ng mga salamin dahil sa sobrang kapal at gawa sa mamahaling materyales.
Habang nag-iiyakan ang lahat ay nagising si Don Fabian. Tumawa na naman ng malakas."Ano, natatakot na ba Kayo!" sabay tawa ng napakalakas. "Ano ngayon ang gagawin niyong lahat?" tanong nito na halos baliw nang nagsasalita."Hayup ka!" sa sobrang galit ni Churles ay nasapak na niya ito at sinundan pa ng napakarami pang suntok. Natigilan na lamang siya ng makita niyang wala na naman itong malay.Samantalang kausap ko ang mga ka-team ko na kasalukuyan nang gumagawa ng paraan para maaccess nila ang security system ng buong mansion ni Don Fabian. Lahat ng data ay nasa computer na nila. At malaki ang tiwala ko na maha-huck nila ito.Habang ginagawa nila iyon ay tinignan ko ang bomba, meron na lamang kaming apat at kalahating oras para maka alis sa mansiong iyon."Hello Chip! Gumawa kayo ng paraan upang makaligtas kami, magpadala kayo ng mga kagamitan para magiba ang mga pader!"
"Ano! Huwag kayong kikilos ng hindi ko gusto! Subukan niyong galawin ang mga bihag niyo siguradong mamatay 'tong amo niyo!" sigaw ni Churles na idiniin pa ang bisig niya sa leeg ng matanda. Nakatutok sa sintido nito ang forty-five caliber na baril na hawak niya. "Sige na Dave! Lapitan mo na sila!" baling sa akin ni Churles. Mabilis naman akong nakalapit sa mga bihag. Mabilis kong kinalagan si Shimen, at Salmon upang matulungan nila akong kalagan ang iba. "Salamat Dave,"sabi ni Shiemen na agad namang kinalagan si Carol, at ang iba pang naabot niya. Nakatali ang mga kamay at paa nila. Sinunod ko naman si Salmon, at si Dhino.At nang makalagan ko na sila ay pinalabas ko na sila upang makalapit sa mga pulis. "Bilisan niyo lumabas na kayo, Dhino kayo nang bahala sa anak ko." sabi ko dahil nilapitan ko naman si Edmon, na noon ay nakahandusay at halos hindi na makakilos. "Edmon kaya mo pa ba?" tanong ko. Ngunit sinigawan ako nina Shimen at Salmon.
Si Don Fabian ay nakaupo sa upuang kumikinang sa ginto at umaastang parang hari. Naisip kong maaaring nababaliw na ito. Sa sobrang dami ng pera niya ay hindi na niya alam kung saan niya ilalagak at gagamitin kaya kung ano-ano na lang ang naiisip nito."Ano Don Fabian? Inaakala mo na bang hari ka kung nakaupo ka na sa mamahaling upuan mo? Ang mabuti pa ay tapusin na natin ang usapang ito!" malakas kong sigaw sa kanya."Kalma ka lang Dave! Darating din tayo sa gusto mong mangyari!" At sinabayan pa nito ng malakas na tawa."Sige lang tumawa ka! Pwede ba? Ilabas mo na ang pamilya ko! Pakawalan mo na sila!" sigaw kong muli sa baliw na matanda.Tumayo muna ito sa kinauupuan nito at lumakad ng bahagya papunta sa amin. "Ano Dave ang hari pa ang lalapit sa'yo?" seryoso nitong sabi sa kanya nang makalapit sa amin ni Churles. Si Charles naman ay bahagyang niluwagan ang pagkakatali sa mga kamay ko sa aking likod