Annie's POV:
May dalawang araw na ang lumipas buhat ng dukutin ako ni Kuya Edmon mula sa gaganaping kasal ko sana.
Sa isang abandonadong gusali niya ako dinala. Isang Lugar na kahit sipatin ko ay hindi ko alam kung saan.
Masakit na ang katawan ko dahil sa higpit ng pagkakatali sa akin.
Malaki na ang tiyan ko kaya naman dumadagdag pa ang pagsipa ng baby ko sa tyan. Nakakaramdam na rin ako ng gutom.
Mahal kong anak sana Naman ay magpakatatag ka.
At dinarasal kong sana ay ligtas kaming makatakas sa lugar na iyon.
Narinig kong may mga yabag ng mga paa ang paakyat papunta sa kinaroroonan ko.
Mga boses ng mga
Annie pov:At hindi nga ako nagkamali. Si Dave nga ang dumating. Pagbungad pa lang ng mga sasakyan nila ay nasawata na sila ng mga tauhan ng mga sindikato.Nakita kong gulat na gulat si Dave. Hindi niya inasahang napakaraming tauhan ang mararatnan niya. Puno ng mga armas ang mga ito.Nakataas ang kamay niyang bumaba ng kotse niya. At agad siyang tinutukan ng baril ng mga kalalakihang tauhan ng sindikato."Nasaan ang asawa ko? Anong ginawa niyo sa kanya?" tanong ni Dave sa mga armadong lalaki.Ngumisi lang ang mga ito sa kanya. At 'yung isa ay agad siyang sinikmuraan."Ano! Mag-aangas ka pa! Wag kang mag-alala hindi pa kami na uulol para lapain 'yung asawa mong malaki ang tyan!""Hayup ka!" sambit pa ni Dave.
Annie's POV:Marami nang dugo ang umaagas mula sa sinapupunan ko. Ramdam ko iyon kaya naman mas binilisan ko pa ang pagmamaneho ko ng kotseng sinakyan ko. Ngunit kahit na medyo malayo na ako ay ramdam kong may sumusunod pa rin sa akin. Kailangan ko lang makarating sa kahit saang ospital upang masiguro ko ang paglabas ng baby ko ng maayos.Alam kong lalabas na siya sa di tamang panahon. My God! Seven months pa lang ang baby ko, paano siya mabubuhay na kulang pa siya ng dalawang buwan."Baby! Anak huwag kang panghinaan ng loob, kahit na ganito ang sitwasyon natin kailangan mong mabuhay! Mabubuhay ka anak!" lumuluha kong sambit habang hawak ko ang may kalakihan ko nang tiyan.Hindi ako papayag na sa ganitong paraan mawawala ang baby ko. Kailangan kong makapunta sa ospital kahit na saang ospital pa iyan kailangan kong marating para mailigtas ko pa ang baby namin ni Dave.Samantalang nasa kal
Mabilis na pinaharurot ni Churles ang sasakyan upang mabilis kaming makatakas sa lugar na iyon.Bagamat kapwa kami puno ng kaba dahil alam naming marami sila, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa nakaligtas kami.Malungkot lang ako para kay Boy. Si Boy na isa sa mga tauhan ko. Ang siyang nagbuwis ng buhay para sa aming lahat."Huwag kang mag-alala Boy sisiguruhin kong makakabawi ako sa pamilya mo!"Mariin kong sabi sa sarili ko habang mabilis pa ring pinapatakbo ni Churles ang sasakyan."Bilisan mo pa Churles dahil tiyak na hinahabol tayo ng mga iyon!" sabi ko habang nakalingon ako sa likod namin.Nakikita kong anumang oras ay maabutan kami ng mga tauhan ng sindikatong iyon."Boss... Baka may cellphone dyan si Boy sa suot niyang
Dave's POV:Malakas ang pagsabog ng sasakyang kanina'y kinalululanan ko. Mabilis kasi itong tumaob matapos magpagulong-gulong mula sa gilid ng kalasada pabagsak sa damuhan. Mula roon ay bumilang lang ang limang minutong lumipas at pagkatapos ay sumabog ang kotse."Boss Buhay pa kaya si Dave?!" sigaw ng isa sa mga tauhan na humahabol sa akin kanina.Binatukan ito nang tinawag na Boss. "Siraulo mo pala eh! May mabubuhay ba sa pagsabog ng kotse!" Sabay tadyak pa uli sa tauhan niyang sa tingin niya ay aanga-anga. "Tayo na nga! Ako na bahalang magpaliwanag Kay Boss!" galit nitong sabi sa mga tauhan niya.Ang hindi nila alam ay nakatanaw ako buhat sa malayo. Sa isa sa malalaking puno ng balete na naroon. Nagawa kong makapagtago. At maikubli pansamantala ang aking sarili.Habang nag-iisip. Duguan ako dahil tinaman ng bubog ng salamin ng kotse ang isa sa mga hita
Annie's pov: Six months later: Pagkalipas nang anim na buwang pamamalagi ko sa ospital ng Launion ay nakahanda na rin akong lumabas. Pinangalagaan nila kaming mabuti sa tulong na rin ng kaibigan at kakilalang duktor ni Dr. Raymon na kaibigan ni Dave. Hanggang ngayon ay wala pa ring Dave ang nagpapakita sa akin. Wala pa rin akong anumang Balita tungkol sa kanya. Lahat ng tanungin ko ay hindi nila alam ang sagot sa akin. Si Carol na pamangkin niya ay bigla na lamang lumipad patungong America para ipagpatuloy ang naputol nitong pag-aaral ng pagdu-doctor. Nais raw nitong magpakadalubhasa sa sakit sa puso. Hindi ko pa alam kung sinong susundo sa akin sa pagkakataong ito. Hawak ko ang baby ko sa kaliwa kong kamay habang pumipirma ng discharged paper ng hospital. "Hawakan ko muna si Baby ma'am," sa
Saisang lugar pa rin na sakop ng Launion kami humatong nina Shiela at Marvin. Huminto nga kami sa tapat ng isang mataas na condominium building kung saan naninirahan ang anak-anakan ni Dave na si Marvin. Hindi ko alam na sa bayan pala na ito siya pinatira ni Dave. Siguro ay para malayo na siya sa amin. Alam kong alam niyang naiinis ako sa ampon niya kaya naman gumawa siya ng paraan para malayo si marvin at nang sa ganoon ay hindi na ako magalit sa kanya at mainis. Lahat talaga ay ginagawa niya para sa akin. At sa isipaing iyon ay tila nakadama na naman ako ng lungkot.Hindi ko na namalayang nakasakay na pala kami sa elevator ng comdominium at umaandar na ito pataas nang building, sa fourth floor ang unit na hinintuan ng elevator at kami ay sabay-sabay na lumabas ng elevator at tuluyang pumasok sa unit.Maganda naman ang design ng condo unit niya. Halatang panglalaki at malinis naman ang loob 'non. Umupo muna kami sa sofa. Samantalang bigla
Matapos kong kumain nang kumain ay nag-shower na ako. Ang naudlot kong pag sa- shower kanina ay itinuloy ko na. At pagkalipas nga ng thirty minutes ay lumabas na ako ng banyo. Bihis na ako at sa balkonahe ko nakita si Shiela. Nakatanaw sa magandang tanawin sa labas. Buhat kasi roon ay tanaw niya lahat ang buong paligid. Nakakatanggal nga naman ng pagod. Ngunit sa pag kakataong ito ay nais kong malaman ang lahat. Sinamantala kong tulog si Baby Daniel at naroon naman si Marvin habang nanonood ng t.v. "Shiela, nakahanda na ako," seryoso kong sabi sa kanya. Nakita niya sa mga mata ko ang pagiging determinado. Sa pagkakataong iyon ay ayaw kong maging mahina ako. Kailangan kong maging malakas para sa amin ng anak ko. "Patay na ang Papa mo, actually hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo pero..." Nag-aatubili pa rin si Shiela. Marahil ay natatakot pa rin siyang mabigla ako ng so
TWO YEARS LATER:Annies Pov:Mga ala-ala ng nakalipas na dalawang taon.Ang property na sinasabi ni Shiela sa akin ay ang taniman ng strawberry sa baryo Sta. Ynez sa Baguio. May property pala roon na noon pa ipinangalan sa akin ni Dave. Pati pala ang apartment na noon ay tinirhan ko.Tinanong sa akin ni Marvin kung nais ko bang ipagbili iyon, tutal naman ay sa akin iyon ipingalan ni Dave.Ngunit tinutulan ko iyon, marami kasing ala-ala na naroon na nais ko pa ring balikan.Sumama sa akin si Shiela hanggang sa Baguio. Dahil nga sa hindi na siya pwedeng bumalik sa kanyang pamilya nang hindi na madamay pa ang mga ito sa magulong buhay ko.Wala naman daw problema sa pamilya niya kaya okay lang para sa
Malakas na tutugtugan at tambol mula sa mga banda ang nagpapaingay sa buong stadium. Naroon kaming lahat upang pakinggan ang pasasalamat ng presidente ng bansa at video message ng mga isa sa mga pinuno ng bansang nasasakop ng Europa. Ayaw man noon ni Dave na tanggapin ang parangal na iyon dahil sa hindi raw niya iyon ginawa para sa ikararangal niya lamang kundi para na rin sa kapakanan ng marami. Ngunit naisip niyang mas makakabuting magpunta na kami at malaman ng mga tao ang tunay na bayani ay hindi siya kundi ang mga taong nagbuwis ng buhay sa labang iyon. Inimbitahan namin ang pamilya ni Shiela, ang ama nito at mga kapatid na siyang pag-aalayan namin ng pasasalamat. Maging ang asawa at apo ni mang Badong ay pinadalo sa pagdiriwang na iyon. Ilang minuto pa ang lumipas ay naroon na ang lahat ng tao. At ang mga magbibigay ng parangal sa kanya. Bagamat maingay ang buong paligid ay natutuwa ang lahat para kay Dave. Bilang isang mayamang pilantropo at tunay na matulungin ay n
Ilang sandali pa ang lumipas at narinig na namin ang iyak ng isang sanggol. At alam kong iyon na ang anak kong kasisilang pa lang. Ilang sandali lang din ay lumabas na sa loob ng delivery room ang doktor na nagpaanak kay Annie."Okay naman na sila, pwede niyo nang makita mamaya sa recovery room," mahinahong sabi ng doctor sa akin. At lahat nga kami ay nakahinga nang maluwag. ********Six months later:Annie's pov:Ang lahat ay masaya sa bagong dating naming sanggol na pinangalanan naming Davenlyn at ang nick name nito at Aven. Si baby Aven na ngayon ay palaging kasama ng kanyang Papa. Sobrang bumawi si Dave sa kanyang ikalawang anak dahil sa pangyayari noon na hindi niya manlang nahawakan ang kanyang anak noong itoy sanggol pa lamang. Kasalukuyan kaming narito sa batanggas nagbabakasyon. May tatlong buwan na kami sa bahay bak
Dave's pov:Pagkatapos ng libing ay muli kong inasikaso ang kasong kinakaharap ni Don Fabian. Dinalaw ko ito sa piitan kung saan siya ikinulong ng buong NBI."Kamusta Don Fabian?" tanong ko sa kanya. Nakaupo ito at nakayuko. Nakaposas ang kanyang mga kamay at tumingalang tumitig sa akin."Ikaw? Masaya ka na ba? Masaya ka na bang namatay ang mga taong mahal mo?" sabi nito na nanlilisik ang mga mata."Hindi mo ba alam na anak ko si Churles! Pero nagawa niya akong trydorin para sa iyo!" sigaw ni Don Fabian. Isang rebelasyon ang kanyang isiniwalat nang mga oras na iyon para sa akin."Anak mo pala siya!" mariin kong sagot."Oo! Anak ko siya! Para sa kanya ang lahat!" Napatayo itong hinawakan ang kwelyo ng suot kong polo."Anak! na hindi mo pinahalagahan! Dahil nabaliw ka sa kayamanan!" Pabagsak kong binitiwan ang mga kamay niya at saka ko tinulak. Inawat naman siya ng mga pulis at mahigpit na hinawakan."Alam mo, Ikaw pa rin h
Six months later: Annie's Pov: Anim na buwan na pala ang lumilipas at anim na buwan na rin ang tiyan ko. Wala akong ginawa kundi ang isipin ang asawa ko na hindi nagpapakita sa akin. Ngunit may mga makakating dila ang nagsasabing pumaparito ang lalaking iyon sa aking silid sa twing natutulog na ako. Iyon din ang sabi ni mama. Kapag daw natutulog na ako at saka dumarating ang asawa ko, binabantayan daw ako at pinagmamasdan habang natutulog. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa. Si Daniel na anak namin ay nasa Santivaniez Hotel na at kasalukuyang binabantayan nina kuya Salmon at Joan. Nalamang ko sa kanila ang mga nabuong relasyon at magandang pagtitinginan nina kuya Salmon at Joan, na akin namang ikinatuwa. Si Tatay Arman naman at ang mga kapatid nito ay nakiusap na kung maaring makabalik sila sa Bagyo at asikasuhin multi ang strawberry farm doon na naiwan namin. Bagamat doon nangyari ang malungkot na pagkawala ni
Nang makalabas ako ay agad akong sinalubong ng mga tauhan ko. At nakita ko ngang nasa malayo na ang mga pulis at ang lahat ng mga kasama ko kanina sa loob ng mansion. Nakita ko rin na kinukuha na rin ng rescuers si Don Fabian na noo'y wala pa ring malay. Mas gusto ko sanang siya na lang ang naiwan doon at hindi si Churles. Ngunit naunawaan kong tama siya, mawawalan ng saysay ang lahat kung hindi niya pagdudusahan ang kanyang mga kasalanan sa batas. "Sir Dave, may tama ka," sabi ni Alvin at simon na sumalubong sa akin. Napasampay naman ang braso ko kay Alvin. "Simon, siguruhin mong mga pulis at NBI ang makakakuha kay Don Fabian." Tumango naman ito at agad na sumunod sa inutos ko. Pinuntahan niya si Don Fabian na kasalukuyang nakagapos na. Nang naroon na sila sa campo na medyo malayo na sa mansiyon ngunit tanaw pa rin namin ito. Hanggang sa naubos ang oras at tuluyang sumabog ang buong mansion. Hindi gumana ang planong naisip ko. Nakita naming tinupok ng ma
Nang makapaglabas na ng ilang baul ang tauhan ni Don Fabian ay pinagtulungan naming mga kalalakihan ang pagbuhat sa malaking aparato kung saan naroon ang bomba. Maliban kay Churles na kinuha ang mga lubid na kanina ay nakatali sa mga bihag at siya niyang itinali kay Don Fabian na wala pa ring malay."Isa...dalawa...tatlo...." bilang namin habang sabay-sabay na binubuhat ang aparato. Hanggang sa naipasok namin ang aparato sa loob ng silid at saka namin iyon muling isinara. May tatlong oras na nalalabi upang makatakas kami bago sumabog ang bomba.Samantalang naririnig na namin ang mga paghuhukay na ginagawa nila sa labas para mailigtas lamang kami sa nalalapit na pagsabog.Nakita nila ni Dhino at Shiemen ang kaunting lamat sa pader na nalikha ng mga tao sa labas. Habang pilit nilang hinuhukaya at tinitibag ang pader sa labas. Sinikap nilang mabasag ang mga salamin sa bintana ngunit napakatibay ng mga salamin dahil sa sobrang kapal at gawa sa mamahaling materyales.
Habang nag-iiyakan ang lahat ay nagising si Don Fabian. Tumawa na naman ng malakas."Ano, natatakot na ba Kayo!" sabay tawa ng napakalakas. "Ano ngayon ang gagawin niyong lahat?" tanong nito na halos baliw nang nagsasalita."Hayup ka!" sa sobrang galit ni Churles ay nasapak na niya ito at sinundan pa ng napakarami pang suntok. Natigilan na lamang siya ng makita niyang wala na naman itong malay.Samantalang kausap ko ang mga ka-team ko na kasalukuyan nang gumagawa ng paraan para maaccess nila ang security system ng buong mansion ni Don Fabian. Lahat ng data ay nasa computer na nila. At malaki ang tiwala ko na maha-huck nila ito.Habang ginagawa nila iyon ay tinignan ko ang bomba, meron na lamang kaming apat at kalahating oras para maka alis sa mansiong iyon."Hello Chip! Gumawa kayo ng paraan upang makaligtas kami, magpadala kayo ng mga kagamitan para magiba ang mga pader!"
"Ano! Huwag kayong kikilos ng hindi ko gusto! Subukan niyong galawin ang mga bihag niyo siguradong mamatay 'tong amo niyo!" sigaw ni Churles na idiniin pa ang bisig niya sa leeg ng matanda. Nakatutok sa sintido nito ang forty-five caliber na baril na hawak niya. "Sige na Dave! Lapitan mo na sila!" baling sa akin ni Churles. Mabilis naman akong nakalapit sa mga bihag. Mabilis kong kinalagan si Shimen, at Salmon upang matulungan nila akong kalagan ang iba. "Salamat Dave,"sabi ni Shiemen na agad namang kinalagan si Carol, at ang iba pang naabot niya. Nakatali ang mga kamay at paa nila. Sinunod ko naman si Salmon, at si Dhino.At nang makalagan ko na sila ay pinalabas ko na sila upang makalapit sa mga pulis. "Bilisan niyo lumabas na kayo, Dhino kayo nang bahala sa anak ko." sabi ko dahil nilapitan ko naman si Edmon, na noon ay nakahandusay at halos hindi na makakilos. "Edmon kaya mo pa ba?" tanong ko. Ngunit sinigawan ako nina Shimen at Salmon.
Si Don Fabian ay nakaupo sa upuang kumikinang sa ginto at umaastang parang hari. Naisip kong maaaring nababaliw na ito. Sa sobrang dami ng pera niya ay hindi na niya alam kung saan niya ilalagak at gagamitin kaya kung ano-ano na lang ang naiisip nito."Ano Don Fabian? Inaakala mo na bang hari ka kung nakaupo ka na sa mamahaling upuan mo? Ang mabuti pa ay tapusin na natin ang usapang ito!" malakas kong sigaw sa kanya."Kalma ka lang Dave! Darating din tayo sa gusto mong mangyari!" At sinabayan pa nito ng malakas na tawa."Sige lang tumawa ka! Pwede ba? Ilabas mo na ang pamilya ko! Pakawalan mo na sila!" sigaw kong muli sa baliw na matanda.Tumayo muna ito sa kinauupuan nito at lumakad ng bahagya papunta sa amin. "Ano Dave ang hari pa ang lalapit sa'yo?" seryoso nitong sabi sa kanya nang makalapit sa amin ni Churles. Si Charles naman ay bahagyang niluwagan ang pagkakatali sa mga kamay ko sa aking likod