"Opo Nanay,aalagaan ko ang sarili ko at si maam Chloe para sa inyo ni Mr. Robles." Pangako nya rito,at ngumiti sya ng napakatamis.
"Hmmm...Binata na talaga ang anak ko. At napakagwapo pa." Pambobola nito sa kanya.
"Si Nanay nambola pa oh. Siyempre po gwapo talaga ako dahil nagmana ako sayo." Paglalambing nyang sagot.
"Bakit hanggang ngayon wala ka pang girlfriend ah. Eh sa gwapo mong yan,matalino at makisig.Baka hindi babae ang hanap mo ah." Pang aalaska ng nanay nya.
"Hala si Nanay grabe oh,syempre hindi ko pa iniisip yun. Gusto ko makagradute muna ako at may stable na trabaho bago ako pumasok sa isang relasyon. Hindi ko naman kailangan magmadali diba." Mahaba nyang paliwanag sa nanay nya.
"Sabagay tama ka anak,magpakasawa ka muna na maging binata kasi mahirap ang magkaroon ng obligasyon." Pagsang- ayon ng kanyang nanay.
"Punta na po ako sa komedor Nay, baka malate na po kami sa klase." Paalam na nya rito. At h******n nya ito sa pisngi at agad na umalis.
"Good morning sa napakaganda kong Binibini." Pagbati nya kay Chloe at ngumiti sya sa harap nito ng pagkatamis-tamis.
"Anong problema mo Superman ko. Bakit ganyan ka makangiti. Mukhang nakatulog ka ng maayos kasi wala kang toyo ah... hahah" Pang-aasar na sbi nito sabay tawa ng malakas ni Chloe.
"Kung ayaw mo di wag,susungitan nalang kita buong araw yun pala ang gusto mo eh" Pagsungit na sabi niya.
"Sorry na superman ko. Medyo nanibago lang ako. Hahah,siguro may girlfriend ka na noh. Mabuti naman para makahanap na din ako ng boyfriend." Pang aasar pa rin ni Chloe kay Clyde.
"Ihahatid kita sa classroom mo para dun ako maghahanap ng girlfriend ko at aayain ko ng date sa linggo." Pang aasar din ni Clyde.
"Sige marami akong ipapakilala sayo. Mamili ka lang." Pagsagot ni Chloe.
"Tapos ka na ba mag almusal. Alis na tayo Binibini." Pasuplado nyang sabi.
"Hindi ka na ba mag-aalmusal Superman ko." Pagtatakang tanong nya.
"Wala pa akong gana. Tara na..." Inis na sa sabi nito at nauna nang umalis.
"Teka sandali lang,ito naman hindi na mabiro eh." Paghabol ni Chloe.
Hanggang sa pagsakay ng kotse, hindi sila nag iimikan. Kunwari na lang na nagcecelphone si Chloe. Si Clyde naman nakatingin lang sa labas ng bintana. Kunwari seryoso lang, pero pasimple na tumitingin sa celphone ni Chloe. Pero nakaidlip sya,at nagising na lang sya ng may narinig syang click ng camera.
Kinuhaan sya ng picture ng kanyang Binibini. At narinig nya itong tumawa ng malakas.
"Ipopost ko ito,ang hearthrob ng aming university ay sobrang puyat kakahanap ng kadate." Pang-iinis na sabi nito.
"Ano na ba yan Chloe, Burahin mo nga yan" Inis na sabi ni Clyde
"Bahala ka jan,halika na nandito na tayo sa school. Tama na yang day dreaming mo." Sabi nya at nauna nang bumaba sa kotse. Sumunod naman si Clyde na nakasimangot at napipikon. Sinusundan nya lang si Chloe.
"Ang gwapo talaga ni Clyde,gosh" bulong ng isa sa mga school mate nila.
"Hi Clyde ang hot mo talaga,ayiiii...I'm gonna die" Tili pa ng isa.
"Baby... Your so handsome talaga. Excuse me,lumayo nga kayo sa asawa ko" Paglapit ni Scarlet sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. Na pilit naman siyang bumibitaw.
"Bitawan mo nga ako Scarlet at hindi mo ako asawa." Iritable niyang sabi.
"Ang baby ko talaga nagsusungit na naman." Paglalambing ni Scarlet at yumakap pa ng pabahagya.
Sinamaan sila ng tingin ni Scarlet,at padabog na naglakad ng mabilis. Natatawa na kinikilig si Clyde nang makita nya ang reaksyon ni Chloe. Mabilis nyang iniwasan ang pagyakap ni Scarlet at mabilis na sinundan si Chloe na nakapasok na sa kanyang classroom.
"Binibini...?!? Chloe...Heto oh... yung project mo ,baka makalimutan mong ipasa." Natatawa nyang sabi kay Chloe.
"Akin na, oh ano pa hinihintay mo. Alis na pumunta ka na dun kay Scarlet mo. Maharot" Inis na sabi ni Chloe... Wala siyang pakialam kung ano magiging reaksyon ng mga classmates nya. Basta galit sya.
"Ayyiee... ang arte mo Chloe! " Kantyaw ni Jenny.
"Pakialam nyo ba ah,alis na!" Pagsusungit pa rin ni Choe.
Natatawa naman si Clyde sa kinikilos ni Chloe,at sobrang nacutan tlga sya. Kaya bigla na lamang nya itong hinila at niyakap.
"Hayyy naku,ang Binibini ko nagpapababy na naman. Ang cute mo sa ganyang asal mo" Pabulong nyang sabi kay Chloe na nanlaki ang mga mata sa pagkagulat na niyakap sya ni Clyde sa harap ng kanyang mga kaklase.
"Bitaw,Anong ginagawa mo. Nababaliw ka na ba hah Clyde. Wag mo nga ako yakapin!" Inis na sabi nya.
Agad naman bumitaw si Clyde. Dahil nagulat din sya sa kanyang kinilos.
"Sorry Binibini...Alis na ako." Paghingi ng pasensya ay agad na sya lumabas ng classroom ni Chloe.
Napatulala na lang si Chloe habang pinagmamasdan na palabas si Clyde sa kanilang classroom. Samantalang ang mga classmate,lahat ay nakangiti kay Clyde at kumikinang ang mga mata.
Gwapo naman talaga si Clyde, matalino at maganda ang pangangatawan. Varsity nga ito sa kanilang campus. Literal na hearthtrob. Pero walang nakakaalam sa tunay nilang pagkakaibigan. Lagi itong malayo sa kanya,nakatanaw lang sa bawat nya galaw nya ... Pero ngayon hindi na ito nahihiya na lumapit sa kanya at niyakap pa talaga sya. Napailing na lang sya... At hinanap ang kanyang celphone sa bag.
May nag messge sa kanya.
Galing kay Clyde yun...
"Sorry sa inasal ko kanina Binibini... Nacutan kasi aq sayo kanina..kaya hindi ko napigilan na yakapin ka." -Clyde
"Ano ba problema mo huh?!! Pinagtitripan mo ba ako CLYDE?!!????"
-Inis na reply nya ,na medyo kinikilig.
"Sunduin na lang kita mamaya ah,May klase na kami. Baka makumpiska tong Celphone ko." -Clyde
"Buseettt ka!" -Inis nyang pag type. Sa sobrang busy nya sa pag text kay Clyde. Hindi nya napansin na nasa loob na pla ng kanilang classroom ang teacher nila.
"Miss Chloe, what are you doing?!?"
sita ng kanyang professor...
"Sorry Professor, nothing...." Nakangiti nyang sagot dito, at agad itinago sa bag ang kanyang celphone.
CLYDE'S POV
Nag-message agad sya kay Chloe at humingi ng pasensya sa inasal nya at pagyakap rito.
Hindi din nya maintindihan ang kanyang sarili,ngayon mga huling araw lagi nya ito namimiss gusto nya itong lagi na nakikita. Gustong gusto nyang pagmasdan ang mga ngiti at mga mata na kumikinang. Napabuntong hininga na lang sya,mukhang inlove na sya sa kanyang bestfriend at little sister na tinuturing. Siguradong galit ito sa ginawa nya knina. Nakatanaw lang sya sa bintana,wala pa talaga ang kanilang professor. Nagdahilan lang talaga sya kay Chloe.
"Clyde,hindi makakapasok si Prof..."
Pagbabalita sa kanya ni Jude.
"Ahh kaya pala hanggang ngayon wala pa sya. May lakad ka ba?!?" Tanong nya rito.
" Wala naman, punta tayo sa canteen."
Pag-aaya sa kanila ni Brent.
"May training daw lahat ng varsity sa basketball ngayon. At ngayon na" Pagsulpot ng kanilang team captain na si James.
"Hayyy ano ba yan... Kainis naman!"Pagrereklamo ni Jude."Talagang sumakto noh" Inis din na sabi ni Brent.Pumunta na sila sa mga locker nila at nagbihis na ng kanilang basketball uniform.Habang nagpapalit na sya ng kanyang uniform, narinig nyang may nag-uusap. At nabanggit ang pangalan ni Chloe."Alam mo may maganda pala tayong kabatchmate hindi ko lang alam kung saan department sya eh. Pero ang alam ko Chloe Robles ang ang pangalan nya eh.Maganda at sexy pare,kaso parang pakawala. Laging lasing sa mga bar... Pero pwedeng pwede pangdisplay,hindi nga lang pang seryoso." Mahabang litanya ng isa sa mga ka-teamate nyang si Jonard."Kilala ko yun, classmate sya ng girlfriend ko. Anak mayaman kasi kaya ganon, spoiled brat daw." Sagot na naman ni George.Lumabas na sya ng cubicle at hinarap ang dalawang ka-teammates."Sino na naman yang prospect nyo ahh." Seryoso na pasimpleng tanong nya sa kanila."Yung Chloe Robles pare. Ang ganda at napakasexy pa. Ang ganda ng mga mata." Papuri na sab
"Superman ko... Mag girlfriend ka na kasi para may mag alaga na sayo." Sabi ni Chloe."Binibini ko gusto mo tayo na lang ang mag-away ahh...." Sagot nya kay Chloe.Napatingin ng masama si Chloe sa binata, kinurot niya ang tagiliran ng binata at humalakhak ng malakas si Clyde. Napaka-gwapo at kisig ng kanyang superman, pero hindi niya pwedeng ibigin ito dahil sa estado ng kanilang mga buhay."Hahah sige... Ok na ba yan lagyan q na ng bandage." Saad ni Chloe.Habang nilalagay ni Chloe ang bandage napapatitig sya sa mga mata ni Clyde. Ang ganda ng mga mata nito kulay abo, kumikinang at nakangiti. Nagkatitigan silang dalawa at natigil sya sa paglalagay ng bandage. Nang bigla na lang siyang yakapin ni Clyde."Salamat Binibini ko sa pag-alala. Maasahan mo ako sa lahat ng oras. Hayaan mo lang ako na lagi nasa tabi mo" Malambing na sabi nito habang yakap sya."Oo naman Clyde... Maraming salamat din sa lahat... Sa pagiging mabuting bestfriend at tagapagtanggol ko." Napangiti nya ding sabi at n
Naglalakad na ulit pauwe sina Chloe sa kanilang mansiyon, nakasunod naman sa kanya si Clyde. Pinagmamasdan lamang siya ng binata, habang papunta silang 7/11, nakaugalian na talaga nila ang pumunta sa convenience store pagkatapos mag inom. Doon muna siya nagppalipas ng ilang oras para mahimasmasan bago umuwe, para mawala ang tama ng alak. "Anong gusto mo binibini???..." Nakangiting tanong ni Clyde kay Chloe. " Hmmm, gusto ko ng siopao asado at isang cup noodles superman ko." Paglalambing na sagot ni Chloe. "Okey sige maupo ka dun, hintayin mo na lanag ako dun ahh." Ani ni Clyde habang papunta na sa counter. Pinagmamasdan ni Clyde ang kanyang kababata na amo din niya. Nakakaawa ang dalaga dahil sa naghahangad ng atensyon ng kanyang ama ay nagrerebelde ito. Nauunawaan niya ang dalaga, kaya tinanggap niya ang alok sa kanya ni Don Robles na bantayan at alagaan ito. Mabait naman si Chloe, pero namimili ito ng makakasama at magiging kaibigan. Binilihan na din ni Clyde ang dalaga ng corne
Nasa silid niya si Clyde... Iniisip niya kung totohanin niya kayang ligawan ang kanyang bestfriend at isekreto ang kanilang relasyon sa Daddy nito. Pero ang iniisip niya siguradong magagalit ang Daddy nito dahil para na din niya tinraydor si Don Robles. Tiningnan ni Clyde ang kanyang celphone hinihintay niya na mag message si Chloe sa kanya. Pero wala namang mensahe, kaya umidlip muna siya.Nagising siya sa ringtone ng kanya celphone... Si Chloe tumatawag, kaya agad niya itong sinagot."Hello Chloe... napatawag ka...???" Sagot ni Clyde sa kabilang linya."Hello superman ko... pakisundo mo naman ako dito sa bar nila Stacey..." Sabi ni Chloe kay Clyde."Akala ko nandito ka lang sa bahay, nasa labas ka pala...???" Inis na sagot ni Clyde sa kanyang amo."Sige huwag na lang kung nakakaabala ako sayo.." Malungkot na sagot ni Chloe sa kabilang linya at ibinaba na ang celphone nito."Hello binibini...???" Sigaw ni Clyde sa kabilang linya, pero hindi na sinasagot ni Chloe.Kaya agad na siyan
Habang masayang kumakain si Chloe ay nakatanaw siya sa overlooking ng antipolo. Napakaromantiko ng lugar, at ang kanyang kasama ay ang kanyang ultimate crush na si Clyde."Oh bakit kana naman nakatingin diya...??? Gusto mo ba ng beer???" Nagtatakang tanong ni Clyde."Pahingi ako isa superman ko." Natatawang sabi ni Chloe.Inabot ni Clyde ang isang beer in can sa dalaga, binuksan na din niya ito."Salamat superman ko..." Ani ng dalaga at sumandal sa balikat ng binata habang iniinom ang beer na binigay ni Clyde."Ang ganda dito noh at tahimik pa..." Saad ni Clyde."Oo nga eh, napakaromantiko at kalmado." Sagot naman ni Chloe."Clyde...ayaw mo ba talaga na subukan na magkaroon tayo ng relasyon bilang maggirlfriend at boyfriend..." Seryosong tanong ni Chloe sa kanyang bestfriend ."Ano ba yang pinagsasabi huh... Binibini ko..." Natatawang tanong ni Clyde."Hindi ako nakikipagbiruan sayo Clyde, seryoso akong natatanong..." Inis na sabi ni Chloe at napanguso na lang kay Clyde. Si Clyde nam
Gumising na ng maaga si Clyde para hindi sila malate ni Chloe sa kanilang klase lalo at last semester na nila ngayon. Nakaligo na siya , bago n iya tinungo ang silid ng dalaga para gisingin na niya ito. "Binibini... Gising ka na po, maaga po tayo papasok ngayon..." Pagtawag ni Clyde. "Uhmm... Opo gising na ako superman ko, maliliso at mag-aayos na ako." Pag sagot naman ni Chloe. Pagkarinig ni Clyde ng boses ni Chloe at alam niyang gising na ang dalaga ay agad na siyang bumaba sa kusina para ipaghanda ito ng almusal. Gumawa na lamang siya ng sandwich at fresh orange juice. Alam niyang hindi nag-aalmusal si Chloe, kaya baabunin na lang nil ito at sa sasakyan na lamang kakainin habang nasa biyahe sila papunta sa kanilang campus. Nang matapos na magprepared ng almusal si Clyde ay nagulat na lamang siya ng may yumakap mula sa kanyang likod at hinalik-halikan pa ang kanyang likod at pisngi. "Binibini baka po may makakita sa atin..." Mahinang sabi ni Chloe. Natawa naman si Chloe sa in
Sa sasakyan na lamang kakain si Clyde, ayaw na niyang bumalik sa canteen dahil siguradong nandoon pa sila Stacey at lalo pa madagdagan ang galit ni Chloe sa kanya. Nang malapit na siya sa parking lot ay agad niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan para makakin na siya sa loob. Pero pagbukas niya ay bumungad ang magandang mukha ni Chloe na natutulog ng mahimbing. Napangiti na lamang si Clyde, dahil marahil nakatulog ang dalaga sa sobrang inis sa kanya at selos kay Stacey. Agad na siyang sumakay at inayos ang pagkakasandal ng kanyang nobya, sinuotan niya ito ng seatbelt. Nang maayos na niya ang pagkakaupo at sandal ni Chloe ay h******n niya ang tungki ng ilong nito at napangiti na lamang siya ng gumalaw ito pero nakapikit pa rin. Pupunta na lamang sila sa parke na malapit sa kanilang school at doon na silang sabay kakain ng kanilang tanghalian para hindi na magalit si Chloe sa kanya. Nang makarating na sila sa parke ay naghanap siya ng malilim na maparkingan ng sasakyan. H******n ni
Pagkatapos na maglaro at nanatili sa parke, ay umuwe na sila Clyde at Chloe para makapag- paalam si Chloe sa kanyang daddy na sasama sa kanila outing sa zambales. Habang nagmamaneho ay hawak- hawak ni Clyde ang isang kamay ni Chloe. Huminto sila sa isang convenience store para kumain ng miryenda dahil nagutom na naman sila dahil sa paglalaro sa parke. "Aong gusto mo baby ko..." Tanong ni Clyde habang pababa na sila ng sasakyan." Asado siopao na lang baby at tubig nauuhaw ako." Sagot ni Chloe at nauna nang naupo sa bakante upuan sa loob ng convenience store.Habang naghihintay ay binasa niya ang isang magazine na nakadisplay doon. Tiningnan niya ang mga naggagandahang modelo. Pangaray niya talagang maging modelo pero dahil nag-iisang anak lang siya ng kanyang daddy kailangan niya matutunan ang pagpapatakbo ng kanilang negosyo kaya kaialngan niya munang tapusin ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Naaliw siya sa pagbabasda at pagtingn ng mga larawan kaya hindi niya napansin na nakalapi
Umiyak lamang ng umiyak si Chloe habang yakap siya ng kanyang pinaka- mamahal na lalaki. Matagal din niyang hinintay ang araw na ito na muling mayakap ang kanyang dating kasintahan. Sobrang sarap sa kanyang pakiramdam na may masasandalan at mapag- kakatiwalaan siyang muli. Ang tagal niyang tiniis lahat ng kanyang paghihirap akala niya hindi siya hinanap ni Clyde at wala na siyang halaga sa binata. Pero mali ang kanyang mga akala, dahil matagal na din siya nitong hinanap at hanggang ngayon ay siya pa rin ang mahal ng nito. Halos gumuho na ang kanyang mundo dahil sa mga taong mapang- abuso at mga taong pinag- samantalahan ang kanyang kahinaan."Clyde... Superman ko! Ang tagal kitang hinintay... Akala ko habang buhay na nila akong aabusuhin at bababuyin. Naisipan ko na din na kitilin ang buhay ko. Pero naisip ko... paano na si nanay Minerva...???" Umiiyak at hikbi na sabi ni Chloe kay Clyde. Inalo ni Clyde ang likod ni Chloe at niyakap pa ito ng mahigpit. Naluha din siya dahil alam niya
Naoperahan na si nanay Minerva , gumaling ang matanda at nagpapagaling na lamang. Masaya si Clyde dahil natulungan niya ang kanyang tinuring na kanyang pangalawang ina. Nagbantay lamang siya sa ospital, sobrang mahal niya ang mag- ina kaya hindi niya magawang pabayaan na lamang. Si Chloe naman ay umuwe muna para kumuha ng kanilang mga damit at gamit. Nang makabalik ang dalaga ay agad siya nitong kausapin "Sir Clyde... Nag-papasalamat po ako nang marami sa tulong mo sa amin ni nanay. Hindi man ngayon pero darating ang araw na makaka- bayad ako sayo." Naiiyak na sabi ni Chloe kay Clyde na dati niyang nobyo. "Hindi mo na kailangan gawin yun yun Chloe, masaya ako na matulungan kayo. Sana naman huwag mo na ako iwasan binibini ko. mag- simula tayong muli..." Sagot ni Clyde at nakikiusap sa kanyang minamahal na babae. "Hindi pa ako handa na muli kang makasama at sa tuwing nakikita kita bumabalik ang dating nakaraan na pait at sakit na nagyari sa atin dalawa." Malungkot na sagot ni Chloe
"Let's go! Saan naka- confine si nanay Minerva..???" Seryoso niyang tanong kay Chloe."Sa Evangelista Hospital... bakit ba at ano ba ang agagwin mo doon??? Hindi ka na niya kailangan lalong hindi ka na niya kilala Clyde." Saad ng dalaga kay Clyde."I don't care.. basta gusto ko siyang makita." Matapang na sagot ni Clyde.Pinagbuksan niya ng pinto si Chloe at pinapasok niya ito sa loob ng kanyang kotse. At agad na siyang nagmaneho papunta sa ospital na sinabi nito. Tahimik lang sila habang nasa biyahe, hindi na din niya kinausap ang dalaga. Sa totoo lang ngayon na lamang niya ulit makikita ang kanyang nanay Minerva, pinag- bawalan kasi siya ng kanyang manager. Dahil nagalit ito sakanya, sinusulyapan lamang niya si Clyde habag nagmamaneho. Lalo itong gumwapo , maging ang katawan nito ay lalong naging macho. Ang sarap sigurong sumandal sa brusko nitong mga balikat at dibdib. Hanggang ngayon ang binatang ito pa rina ng nag- papatibok ng kanyang puso , at hindi yun magbabago kahit pa kail
Nagising si Chloe ng maaga dahil may photoshoot siya sa isang malaking kumpanya ng alak. Kakatext lang kaninang madaling araw sa kanya ng kanyang walang- hiya na manager. Tinatanaw niya na malaking utang na loob ang pag- ampon sa kanila ng kanyang nanay noon nito. Kaya hindi niya magawang tumanggi sa mga pinapagawa nito sa kanya, kagaya na lamang nag pagbebenta nito sa kanya sa mga mayayaman na negosyante. Humarap siya sa salamin at tinakpan ang pasa ng kanyang labi, kinapalan niya pa ang kanyang foundation. Maging ang kanyang mga mata ay namumugto pa. Pero hindi maaring pumunta sa photoshoot, kaya kahit ganito ang kanyang sitwasyon ay kailangan niyang maging propesiyonal. Nakahanda na siya sa pag- alis. Nag- suot siya ng sunglasses, para maitago ang namumugto niyang mga mata. Mag- isa lang siya sa loob ng elevator, pero bigla itong bumukas at pumasok ang isang lalaki. Hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin, ganon na siya kamanhid ngayon wala na siya pakialam sa mga tao. Iniisip
CLYDE'S POVSabay sila Clyde lumabas ng lalaki sa elevator, maangas ang galawan nito at mukhang may lahing amerikano. Sa isip niya napakamalas nang babae na kausap nito sa kabilang linya. Sa daming lalaki ay ito pa ang nakatagpo nito, mukha namang mayaman pero balahura ang ugali. Nauna nasiya naglakad papunta sa kanyang condo unit. Magkatabi pala ang kanilang unit, hindi na niya muling nilingon ang lalaki dahil nabububwesit siya sa kayabangan at pagmumukha nito.Nang makapag- bihis na siya ay nahiga na siya sa kanyang kama. Pero hindi siya makatulog dahil may naririnig siyang umiiyak na boses ng babae at sumisigaw na lalaki. Ayaw na sana pa niyang pansinin dahil maaring away mag- asawa lamang. Pero tumibok ang kanyang puso nang marinig ang boses ng babae dahil parang kilala niya ang boses na iyon, at hindi niya makakalimutan kahit kailan ang boses ng babae na kanyang minahal. Nakatulala siya sa kisame habang nakikinig lang ng tahimik sa kabilang unit, Dinadalangin niya na sana hindi
CHLOE'S POV"Ang your using your mother's health... Para magsinungaling sa amin Model number five." Sarkastikong tanong ni Clyde kay Chloe."Kung yan po ang iniisip niyo... wala po akong magagawa, pero kahit kailan hindi ko idadahilan o gagamitin sa kasinungalingan ang aking ina. Thank you, i'll better go now." Seryosong sagot ni Chloe ka.Dahil napahiya siya sa tanong ng binatang CEO, agad siyang tumalikod palabas ng kwartong yun. Hinanap niya ang kanyang mga damit at bag. Agad niyang hinanap kung nasaan ang comfort room, pero nagulat siya nang may maglagay sa kanyang likuran ng itim na coat at nang lingunin niya ito ay nagulat siya nagkatitigan silang dalawa ng binata."Takpan mo yang katawan mo, public place pa rin dito." Baritonong boses na sabi ni Clyde."Sana'y na akong mabilad ang katawan ko at pagnasaan ng tingin ng mga tao. Hindi na bago sa akin yun Mr. CEO." Mataray na sabi niya at tinanggal ang coat na nilagay nito sa kanyang likuran."Binibini... I'm sorry kung napahiya ki
Mabilis na lumipas ang limang taon. Hindi na muli pang nagkita sila Chole at Clyde. Nagtatrabaho siya ngayon bilang modelo sa isang sikat na agency sa pilipinas. Pero nakikita niya sa balita na isa nang CEO at bilyonaryo ang kanyang ex- boyfriend. Sikat na business tycoon at pinapantasiya ng maraming kababihan, pero hindi na siya kasama roon dahil tinaga niya sa bato na hindi na mamahalin muli pa si Clyde at kakalimuta na niya ang kababata. Nagsisipag siya ngayon dahil kailangan maoperahan ang kanyang nanay minerva dahil may colon cancer ito. Kahit anong raket ay kanyang tinatanggap na, kumita lang ng pera. Kahit ang paghuhubad sa harapo ng kamera ay gagawin niya maligtas lang ang buhay ng kanyang ina.Si Clyde naman ngayon ay namamahala na sa kumpanya nang kanyang ama, malaki na din ang kanyang pinagbago bukod sa kanyang pisikal na anyo. Mas nag- matured na siya at gumwapo pang lalo. Hinahanap pa rin nang kanyang puso ang kanyang minamahal na si Chloe pero dahil sa sobrang nauubos ang
Pagkalabas nila sa mansiyon ay agad na hinila ni Chloe si Clyde para ayain nang itanan ang kanyang mga boyfriend. Pero hinabol sila ni Aling Minerva at kinausap."Anak Clyde... hindi kayo pwedeng umalis! may kailangan kayong malaman na dalawa." Hinihingal pa na saad nito."Nay... patawarin niyo po sana ako sa gusto kong gawin. Mahal ko si Chloe at handa ko siyang panagutan" Saad ni Clyde at yumakap poa sa kanyang ina."Bumalik muna kayo sa mansiyon... sige na may sasabihin akong importante sa inyo." Pag- mamakaawa na sabi nito sa kanilang dalawa."Aling Minerva kailangan na po namin umalis ni Clyde dahil kung baka kung ano ang gawin sa amin ni daddy." Pakiusap ni Chloe sa matanda."Hindi pwede dahil si Clyde ang totoong anak ng mga Robles. Patawarin mo ako Chloe ako ang tunay mong ina. Nagawa ko kayong pagpalitin noon dahil iniwan ako nang tatay mo na foreigner. Gusto ko lang na mabigyan ka nang maayos na buhay." Umiiyak na pag- amin ni Aling Minerva kila Clyde at Chloe."Nanay... ano
Nagmadali na silang umuwe ni Clyde dahil alam niyang galit ang kanyang daddy. At nag- aalala siya dahil baka kung ano ang gawin nito sa kanyang boyfriend. Ayaw niyang masaktan si Clyde, iba magali ang kanyang daddy."Prinsesa ko... huwag ka nang kabahan... magiging okey din ang lahat." Nakangiting sabi ni Clyde at hinawakan ang mga kamay ni Chloe."Alam natin na iba magalit si Daddy Clyde... paano kung may gawin siyang masama sayo..??? Hindi ko kakayanin yun." Nag-aalala pa rin na sabi ni Chloe."Alam naman natin na hindi naman ganon kasama ang daddy mo, tatanggapin ko lahat ng galit niya at ipaglalaban kita kahit na anong mangyari." Mariing sabi ni Clyde."Hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala Clyde..." Kinakabahan na sabi ni Chloe.Mabilis lang ang kanilang biyahe dahil wala naman traffic. Pagkarating sa kanilang mansiyon ay agad nang bumaba ng sasakyan si Chloe para salubungin ang kanyang Daddy. Pinuntahan niya ito sa opisina sa loob ng kanilang tahanan. Nang pumasok siya seryoso