Hindi maipaliwanag ni Rose ang kabang nararamdaman sa mga oras na iyon habang tinatahak ang pasilyo ng isang magarang ospital. Kasalukuyang nasa loob ng operating room ang kanyang kapatid at isinasagawa na ang surgery.
Nanginginig ang mga kamay niya, nangangambang hindi magiging successful ang operasyon.
Dinala siya ng mga paa sa restroom upang maghilamos. Kagabi pa siya panay iyak, hindi niya na nga alam kung ano na ang itsura niya.
She heaved a deep sigh, walking like a zombie. Nang sumalubong ang malammig na tubig sa kanyang mukha, Rose felt the sudden refreshment. Tinignan niya ang mukha sa salamin.
The dark circle around her eyes seemed to appear, making her look like she just had gone from several break-ups.
Saka lang pumasok sa sistema niya ang ginawa niya. She just agreed to be someone's baby bearer. Ni hindi niya pa nga nakikita ang mukha ng lalaki, pero nagawa na niyang pumayag.
Tonight, magkikita na sila. At sa posibilidad na baka ay nakakatakot ang appearance nito dahil sa ilang beses nitong pagtanggi na makita sa publiko.
An unknown affluent and eligible bachelor but no one has ever seen his face. Nabasa niya iyon sa isang article about kay Xavion Nero. Gumagamit pa ito ng ibang pangalan para talagang itago ang kanyang pagkatao sa publiko. Xeron Ledesma, what a hunk.
"The surgery went well. Ligtas na ang kapatid mo. Pero oobserbahan pa din siya. You can take a rest." pagbabalita sa kanya ng doctor.
Nakahinga siya ng maluwag at hindi napigilan ang luhang pumatak sa mga mata niya habang papalapit sa hospital bed kung saan nakahiga si Riel.
Sinalubong siya ng yakap ni Aling Nely. "Salamat sa diyos..." naluluhang bulalas ng ginang.
She walks slowly towards her sleeping brother. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Ang makitang ligtas lang ito, pakiramdam niya ay magiging maayos na siya, wala na siyang pakialam kung ano ang kahihinatnan ng naging desisyon niya.
Para kay Riel, gagawin niya lahat ng makakaya niya.
Alas kwatro na ng hapon nang tumawag sa kanya si Nikolas, ito ang magsusundo sa kanya papunta kay Mr. Nero, pero mukhang napaaga ata ito.
Hindi na siya nag-abala na magtanong pa at naghanda na.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo, Rose? Bakit ka pumayag sa bagay na 'yon?" pasigaw na sabi ni Sally sa kanya nang sabihin niya ang tungkol sa bagay na 'yon.
"Wala na akong ibang choice, Sally. Buhay ni Riel ang nakasalalay kung hindi ako magdedesisyon agad. Wala akong sapat na kakayahan na mapagamot kaagad si Riel. Kung hindi ako kikilos, sino sa tingin mo ang tutulong sa atin?" sagot niya na nakapagpabuntong-hininga sa kaibigan.
"Pero hindi mo pa kilala ang taong 'yon, paano ka nakakasigurong hindi lilihis sa kasunduan niyo 'yan. Kapalit ng pera, hahayaan mong ibaba ang sarili mo. Rose, naman!"
Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. "Magtiwala ka, alam ko ang ginagawa ko. Para kay Riel, gagawin ko 'to."
Walang nagawa si Sally at hindi na umalma pa. "Kailan kayo magkikita?" pag-iiba nito sa usapan, mas kalmado na ang boses nito.
"Mamayang gabi."
"Sasamahan kita."
Nanlaki ang mga mata ni Rose sa sinabi niya. "Sally, hindi na kailangan-"
"Kailangan ko makasiguro na ligtas ka. Saka, hindi naman ako lalapit sa inyo. Gusto kong makilatis kung mapagkakatiwalaan ang mga taong 'yan. Hayaan mo na akong gawin 'to."
Sumuko na si Rose at hinayaan na lamang si Sally. Wala din naman siyang magagawa kapag ito nagsabi. Sa kanilang dalawa, si Sally ang mas bata pero kung umasta ito ay para na niyang ate at nanay. Natural na makulit at hindi siya makakapalag.
Nakaupo lang si Sally sa hindi kalayuan habang pinagmamasdan sila Rose at Nikolas na nag-uusap. Kasalukuyan silang nasa isang fancy restaurant, katapat ng motel.
"Ito ang magiging kontrata mo, read it. If you have any rule to include, you're free to do it." ani Nikolas sabay higop ng kanyang kape.
Inangat ni Rose mula sa pagkakalapag ang isang folder. Humugot siya ng hininga. Tama pa kaya 'tong ginagawa niya? Pero wala ng ibang paraan na umatras pa, they already paid Riel's hospital bills, kasama na rin ang gagastusin nila sa pang-araw-araw. Kung tutuusin, hindi sapat ang ilang taon niyang pagkakayod.
Ipinilig niya ang ulo at walang pagdadalawang-isip na kinuha ang ballpen sa tabi. Wala naman na siyang pananagutan dito e. After she gave birth, ibibigay niya ang anak niya sa mga ito. Pagkatapos ay pwede na silang mamuhay ng normal.
"You seemed nervous. Anyway, here's the key," Nikolas grinned at inilahad ang susi ng kwarto na pupuntahan niya. "First time mo, right? Don't worry, you can handle it. Just goodluck. He can get overwhelmed sometimes."
Hindi na siya sumagot pa at napalingon na lang sa kinaroroonan ni Sally. Pero sandali lamang iyon dahil muling nagsalita si Nikolas.
"We'll continue monitoring you after this night. Kapag nabuntis ka agad matapos ang isang buwan, goods. But if hindi, you have to do it again."
"What?" gulat niyang sabi.
Nikolas laughed. "You can't do anything about it. We have a contract. Isa pa, kapag nabuntis ka nga, you'll be living in the same roof with him."
Natigilan siya. So, this is hell.
She stopped on her track nang marating na niya ang kwarto. Kapag pumasok siya sa kwartong 'to, she'll either choose to face the consequences of her decision or regret everything. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago tuluyang binuksan ang pinto. She was welcomed in an intense kind of silence.
Nakahinga siya ng maluwag nang wala pang tao doon. Dumeritso siya sa banyo para maihanda ang sarili. Matapos niyang magbabad sa bathtub ay nagsuot na siya ng robe bago lumabas ng ng banyo.
Halos manigas ang buong katawan niya nang may madatnan siyang tao na nakaupo sa dulo ng kama. Walang reaksyon ang mukha nitong nakatitig sa kanya. Titig na tutunawin ang buong pagkatao mo.
Nagkamali siya sa pag-aakalang wala itong itsura. Because he's fucking god! Naglalaro sa batok nito ang kanyang buhok. Those piercing forest green eyes that could froze her to death. And his hot body was exposed as he was not wearing a top.
Napalunok siya sa sobrang kaba at hindi na nagawang makagalaw.
"You smell nice..."
Napakurap siya nang makita itong ngumisi habang naglalakad papalapit sa kanya.
Rose cannot bear to look straight at him. Ang presensya nito ay naghahatid ng kakaibang sensasyon sa kanya. He's just too much to handle. Ni hindi niya na magawang igalaw kahit dulo ng daliri niya sa sobrang kaba.Mas lalo siyang napahigit ng hininga nang tuluyan na itong makalapit sa kanya.He touched her chin, making her look at him. "Are you really worthy of 30 million?" makahulugang wika nito.Parang naging insulto iyon sa kanya. She must be worth of that huge amount, for god's sake! Napaigtad siya as his fingers tracing down her body. Halos manginig ang buong kalamnan niya nang tumigil ang daliri nito sa kanyang dibdib, right at her nipple! Wala pa naman siyang suot na panloob. Gumawa ito ng maliit na bilog roon na naghahatid ng erotikong klase ng kiliti sa kanya.She bit her lip, hindi niya masisigurong magtatagal siya sa ganoong sitwasyon. Her knees are trembling, parang matutumba na siya."You're hard already just by that." May panunuya sa boses nito. "I wondered how long cou
"Happy Birthday and welcome home, Riel..." halos mangiyak-ngiyak na bungad nila Rose and Sally nang tuluyang makapasok sina Aling Nely at Riel. Marahan siyang naglakad papalapit sa mga ito. Hinagod niya ang mukha ng kapatid. Naiiyak siya habang pinagmamasdan ang mukha nitong bumalik na sa dati. Hindi na rin siya namumutla at nagkaroon na ng laman ang pisngi. Mas gumwapo pa ito."Maligayang pagbabalik, Riel," nakangiting bati niya.Ngumiti rin ito pabalik sa kanya, "Salamat sa sakripisyo niyo, Ate. Kung wala kayo, hindi ako gagaling. Hayaan niyo po, kapag tuluyan na akong gumaling, babawi ako sa kanya--"Hindi na niya pinatapos ang kapatid sa gusto nitong sabihin. "Huwag kang magsalita ng ganyan. Malaking pambawi mo na sa amin ang kalusugan mo. Hindi kami nagpakahirap para lang bumawi ka sa amin. Mamuhay ka ng normal. Magpasalamat tayo sa diyos na binigyan ka niya ng pangalawang buhay. Huwag ka mag-iisip ng ibang bagay. Positive lang dapat, okay?"Kahit kelan, hindi pabigat sa kanya i
Intense kind of silence invaded the whole room. Hindi siya makapagsalita. Habang kumakain siya ay hindi niya mapigilang mailang sa klase ng tingin na ipinukol sa kanya ni Xavion. Napakagat siya sa kanyang labi.Sa suot nito na cowboy outfit ay halatang kagagaling lang nito sa pangangabayo. Mas gumwapo pa ito sa ganoong postura. Hindi niya maikakaila ang bagay na iyon dahil talaga namang napakalakas ng dating nito. Dagdag pa ang kanyang shoulder-length hair na nakatali ngayon. It feels like she's seeing a new version of Mr. Nero."Like what you see, baby?" he teased.Agad siyang napaiwas ng tingin.Gusto niyang tumalon sa bintana pero baka ikamatay niya. Syempre, hindi naman niya talaga gagawin. Napayuko siya sa kahihiyan. Hindi niya man lang namalayan na nakatitig ito sa kanya.Inabot niya ang baso ng tubig pero natigilan siya nang makaramdam siya na parang babaliktad ang sikmura niya. Mabilis siyang napatakbo papunta sa makita niyang pinto at mabu
Malalim na ang gabi at hindi pa rin makatulog ng maayos si Rose. Panay ang paglilipat-lipat niya ng pwesto. Hindi siya mapakali sa kung saan siya babaling.Mag-isa lang siya sa kamang iyon. Halos 11 na ng gabi at walang Xavion na sumulpot. Nagtataka siya. Posible kayang ayaw nito na makatabi siya? Sa bagay, hindi naman nila mahal ang isa't isa pero kailangan nila magtabi sa iisang higaan. Ang awkward nun sa part nila pareho.Nakaramdam siya ng pagkagutom kaya naisipan niyang lumabas muna ng kwarto at maghanap ng pwedeng makain. Patay na ang ilaw sa ibang bahagi ng napakalaking bahay na iyon at tiyak na natutulog na ang lahat ng tao sa kanila. Sa hagdan pa lang ay tumunog na naman ang tiyan."Secret lang natin 'to ha?" nakangiting bulong niya habang hinahaplos ang tiyan niya.Natanaw na niya ang dining area. Sa laki ng bahay na iyon ay nakakapagtakang nasaulo niya agad ang bawat pasilyo. Pero may isang parte ng bahay na ipinagbabawal na puntahan ng kung sino man maliban sa Nero Clan.
Habol ni Rose ang paghinga nang bigla siyang magising mula sa masamang panaginip. Umupo siya mula sa pagkakahiga. Pagkuwan ay niyakap niya ang unan sa kaniyang tabi. Isinubsob niya roon ang kanyang mukha.Nangingilakbot pa rin siya sa kanyang napanaginipan. Nakalaya na raw ang tiyahin niya at ang sumunod na eksena ang mas nagpaluha sa kanya, hawak nito ang kapatid niya. Mas lalo siyang nag-alala sa kapatid niya. Pero imposible namang may magpapiyansa rito dahil wala naman silang ibang kamag-anak. Mariin siyang napapikit. Pagkuwan ay muling nagmulat at huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Sinulyapan ang wall clock, alas nuebe na rin pala. Nilingon niya ang bahagi ng kama kung saan huli niyang nasilayan si Xavion, wala na ito.Kumibot ang labi niya nang maalala si Xavion. Sariwa pa rin sa alaala niya ang nangyari sa kanilang dalawa. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya ulit ang bagay na 'yon.Ingay ng bumukas na pinto ang nagpabalik sa kanya sa sariling katinuan. Dumag
Marahang ibinaba ni Xavion si Rose sa medyo malilom na pwesto kung saan tanaw ang pinagkakarerahan ng mga magkakaibigan. Hindi lang pala sila ang mga naroon at nailang pa siya nang bumaling sa kanya ang atensyon ng mga ito. Hindi niya mawari kung ano ang klase ng tingin na ipinukol ng mga ito. Pero naiintindihan niya naman iyon dahil bagong salta lang siya sa lugar na iyon, at ang makitang nakasakay siya sa kabayo ni Xavion ay isang bagay na talagang magiging kuryoso ang mga tao.Pinagmasdan niyang magtipon sila Xavion. Dito madalas nagkakatuwaan ang mga ito lalo sa mga ganitong panahon na nasa lugar si Xavion at Nikolas, hindi maiiwasang magkakayayaan.Hindi niya maiwasang mamangha sa kakisigang taglay ni Xavion. Sa suot nitong puting polo na hapit na hapit sa kanyang matipunong pangangatawan. Dumagdag pa ang suot nitong khaki pants na pinaresan ng itim na paddock boots. He's so damn attractive. Hindi na nga rin nakaligtas sa kanya ang klase ng tingin ng mga kababaihang nanonood kasa
"Fuck!" Hindi na magkamaling si Xavion sa kung ano ang dapat na gawin. Nakasilip lang sa ginagawa niya sa kusina ang mga kawaksi nila at hindi alam kung hahagalpak na ng tawa. "Ngayon lang nakahawak si Sir ng kawali, baka maihagis niya 'yan sa labas," ani Yanna.Napailing naman si Colet. "Ano ba kasi naisip niya at ginagawa niya 'yan, pwede namang tayo na lang e.""Ayaw daw mo pagbuot! Syempre gusto niya ipagluto si Ma'am Rose. Hawa daw bi," Hindi naman nagpatalo si Renalyn."Tigilan mo nga kami kaka-bisaya mo, sungalngalin kita e." saway ni Colet sa kanya."Huwag kayo maingay."Samantalang si Rose ay tapos sa kanyang ginagawa sa banyo at napag-isipan nang bumaba para tingnan ang ginagawa ni Xavion sa kusina. Mula sa malayo ay amoy na niya ang napakabangong halimuyak kaya paniguradong masarap ang niluluto nito. Sa amoy pa lang, alam niya na. Kagabi pa talaga siya nagc-crave sa luto nito sa hindi niya maintindihang dahilan. Sabi ng iba, baka daw pinaglilihian niya iyon. Wala sa sari
Kung maaari lang talaga na hindi na sumalo pa sa hapunan si Rose ay mas gugustuhin pa niya. Sa nakakakabang tagpong iyon na nga lang kanina ay para na siyang aatakehin. Kung paano siya tignan ng ina ni Xavion ay isa sa mga bagay na talagang hindi niya na papangaraping mangyari. Pero wala naman siyang choice kung hindi ang sumabay sa palabas na ito ni Xavion.Humugot siya ng lakas ng loob bago siya naglakad pababa ng hagdan. Pagkarating niya sa mismong hapag-kainan ay naroon nga si Donya Evasha at Nikolas pero wala pa si Xavion. Napalunok siya."Rose, maupo ka na. Hindi pa makakauwi si Xavion, may inasikaso pa. Come," nakangiting bati sa kanya ni Nikolas.Naghila ito ng upuan sa kabilang side ng mahabang lamesa. Gusto niyang tumakbo palabas dahil sa nalamang wala siyang magiging kakampi bukod kay Nikolas.Akmang uupo na siya nang magsalita ang ginang, "I did not tell you to sit, young lady," mariing saad nito."Tita--" Nikolas interrupted.Nag-angat ito ng kamay. "I'm not talking to yo
Mahabang minuto rin ang tinakbo nila at huminto ang kotse sa isang mataas na gate, may kinuha lang si Nikolas na remote control at kusa nang nagbukas ang gate. Manghang-mangha ang mga bata sa ganda ng kanyang bahay."Is this really your house, Tito Nik?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dahlia habang nakadungaw sa bintana."Dito na po kami titira?" Si Lily naman ang nagsalita.Nilingon ni Nikolas ang mga bata. "Yes, my house is your house now.""Yeyyy!"Bumaba na sila sa sasakyan, nakaalalay naman si Sally sa mga kambal. Nasa garahe pa lamang sila Rose ay tanaw na nila sa kanang bahagi ng bahay ang malapad na hardin, namumukadkad ang bawat bulaklak na nakatanim. Muli na namang pumasok sa kanyang isipan ang Spy Creek.Kung ikukumpara ang bahay ni Nikolas sa bahay ng Nero Clan ay lubhang wala itong binatbat. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang maalala na naman ang pamilyang iyon. Agad namang napansin ni Nikolas ang pagtigil niya."Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas sa kaniya.Tu
"Are you all okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas habang sinusuri ang mga katawan ng mga bata."Yes po, Tito Nik." sagot naman ni Dahlia.Lumapit naman si Rose sa mga bata. "Sa kwarto muna kayo."Tumango lang ang mga bata at sumunod na sa sinabi ng ina. Dumeritso si Rose sa mini-kitchen nila at kumuha ng tubig, nakasunod lang naman sa kanya si Nikolas. Hindi ito mapakali sa kanyang likuran."Bakit ka pa pumunta rito? Iniwan mo pa ang trabaho mo," walang ganang hinarap niya si Nikolas. "Hindi ko matiis na hindi kayo puntahan kaagad nang marinig ko ang nangyari. Rose, ano bang nangyari talaga?""Nagkaroon lang ng gulo sa school, may mga akusasyon laban sa mga bata na hindi naman totoo. Hindi ko kayang manahimik lang, kaya't pumunta ako roon. Mukhang masususpende ata ako sa school, maging ang mga bata.""Transfer to another school then, may kaibigan akong nagmamay-ari ng isang private school. Pwede ko kayong tulungan na lumipat doon."Agad siyang napailing. "No, hayaan mo na. Hindi nam
Hinila ni Rose ang buhok ng babae at nagsisigaw na ito sa sakit. Halos mabunot na niya ang anit nito sa sobrang higpit. Agad naman siyang pinigilan ng principal. Binalandra niya ito sa sahig."Ms. Verdejo, enough!" sigaw ng principal.Nanginginig na siya sa galit sa mga salitang binitawan ng babaeng nakasalampak na ngayon sa sahig. Pinalaki niyang mabuti ang mga anak niya at kailanman ay hindi ang mga ito gagawa ng paraan na ikagagalit niya. Besides, truth always appear in the most exciting part."Kapag nalaman ko na may kasalanan ang mga anak ko, hindi ko sila kukunsintihin pero kung hindi naman sila ang tunay na nagsimula, sisiguruhin kong makikita kita sa husgado."Nangibabaw ang galit sa sistema niya sa mga sandaling iyon."You can leave now, Ms. Verdejo," sabi nito.Hindi na siya nagsayang ng oras na humarap sa mga ito. Bukod sa hindi niya magawang kontrolin ang galit niya ay baka may magawa pa siyang hiindi nito nanaisin. Lumabas siya ng office na iyon na namumula sa pagkayamot
Sa isang silid-aralan na puno ng kulay at mga dekorasyon na nagbibigay-buhay sa bawat sulok. Ang mga bata ay nakaupo sa mga upuan, ang kanilang mga mata'y nababalot ng paghanga at pagtataka habang sila'y nakikinig sa bawat salita na binibitawan ng kanilang guro, si Rose.Ang mga bata ay abala sa kanilang mga upuan, ang ilan ay nakatingin nang direkta sa kanya habang ang iba naman ay ipinamalas ang kanilang imahinasyon, na parang sila mismo ay naroon sa lugar na kinukwento ni Rose.Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagtuturo nang bumukas ang pinto ng classroom na iyon. Agad namang nalipat ang atensyon ng lahat roon.Pumasok ang kanyang co-teacher na si Edna, bakas pa ang pagkabalisa sa mukha nito."Excuse me, Rose," pagbungad nito."Ano 'yon, Teacher Eds? May problema ba?" tanong niya saka ibinaba ang hawak na libro sa kanyang mesa.Nagdadalawang-isip pa si Edna kung magsasalita siya. "Pasensya na sa abala pero... pinapatawag ka kasi sa Office ni Mrs. Zaldivar. Tungkol sa mga anak mo."
Nanlaki ang mga mata ni Rose nang masilayan ang kaibigan ni Xavion matapos ang ilang taon niyang pagtatago sa kanyang lungga. Napapikit siya ng mariin, ngayon na nga lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makalabas pero ito na agad ang sumalubong sa kanila.Hindi pwedeng malaman ni Xavion na buhay ang mga anak nila dahil posibleng bawiin nito ang mga bata. Hindi na niya hahayaan ang sariling bumalik sa piling ng lalaking kinamumuhian. At ngayong kaharap niya ang isang taong malapit dito ay kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi pwedeng masayang ang lahat ng sakripisyo niya para makawala sa kadena nito."Rose..." Hindi makapaniwalang napangiti si Draco. After so many years ay nagkita na rin sila.Pero mukhang hindi nasiyahan si Rose sa tagpong iyon. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Tila may hinahanap na hindi niya nais na makita. Gusto niya lang makasiguro na walang nakamatyag sa kanila."May kasama ka ba?" tanong niya kay Draco."Mag-isa lang ako. Teka, bakit ngayon ka l
"Kids, be careful. Your mommy said no running," paalala ni Nikolas sa dalawang bata. Abala si Rose sa pamimili ng mga damit ng mga bata habang nakasunod lang sa likuran niya si Kamal na sinusukatan niya. Ang dalawang babae naman ay inaalalayan ni Nikolas habang tuwang-tuwa ang mga ito sa pamimili ng mga dresses nila. Hindi maiwasang panoorin sila ng mga saleslady ng naturang shop. They look cute as a family, but Rose didn't mind them. "I like this one!" masayang sabi ni Lily. Napaismid si Dahlia. "Pangit, hindi bagay. I think this one looks good on you," Kinuha nito ang isang purple dress at binigay sa kakambal. "You're right, thank you..." Hindi sila masyado nagtagal doon at napagdesisyunan nilang pumunta na lang sa playground dahil iyon ay request ng mga bata. Hindi naman na nakakontra pa si Kamal kahit pa na wala naman na siyang interes sa mga ganoong bagay pero sa huli ay napilit pa rin siya ng mga kakambal at hinila siya ng mga ito para makipaglaro. Wala na siyang choice pa.
Marahang sumilip ang liwanag sa manipis na kurtina ng kwarto ni Rose, na naging dahilan para magising siya sa kanyang masarap na pagkakahimbing. She heard giggles and little feet running around. Isa lang ang ibig sabihin no'n, mapapangaralan na naman siya. "Mommy, wake up! It's time to get ready for our big day!" masiglang umakyat si Lily sa kama niya at pilit siyang pabangunin. Napangiti siya. "Hmm..." pagbibiro niya. "Mommy, tayo na po ikaw dyan!" si Dahlia naman ang nagsalita. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magmulat na at sumalubong sa kanya ang maliliit nilang mga mukha. Lahat sila ay mukhang nakaligo na at nakaayos na. Pero hindi na siya nagulat doon, they independently take good care of themselves. Kahit pa na magrepresenta siya, mas prefer nila kumilos ng kanila. "Good morning, Mommy!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita niya. "Good morning, mga mahal ko..." As she swung her legs over the edge of the bed, napansin niyang may
Marahang sumilip ang liwanag sa manipis na kurtina ng kwarto ni Rose, na naging dahilan para magising siya sa kanyang masarap na pagkakahimbing. She heard giggles and little feet running around. Isa lang ang ibig sabihin no'n, mapapangaralan na naman siya. "Mommy, wake up! It's time to get ready for our big day!" masiglang umakyat si Lily sa kama niya at pilit siyang pabangunin. Napangiti siya. "Hmm..." pagbibiro niya. "Mommy, tayo na po ikaw dyan!" si Dahlia naman ang nagsalita. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magmulat na at sumalubong sa kanya ang maliliit nilang mga mukha. Lahat sila ay mukhang nakaligo na at nakaayos na. Pero hindi na siya nagulat doon, they independently take good care of themselves. Kahit pa na magrepresenta siya, mas prefer nila kumilos ng kanila. "Good morning, Mommy!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita niya. "Good morning, mga mahal ko..." As she swung her legs over the edge of the bed, napansin niyang may
Anim na taon... anim na taong sinubukan ni Rose na mamuhay ng payapa. Sa loob ng mga taong iyon ay natuto siyang tumayo mag-isa at magsikap na buhayin ang kanyang apat na supling. Sa mga panahong hinang-hina na siya at gusto na niyang sumuko ay naging inspirasyon niya ang mga ito para magpatuloy at huwag paghinaan ng loob. Sila ang nagsilbing liwanag niya sa madilim at magulong mundo na pinasok niya. Marami na rin ang nangyari sa loob ng anim na taon. Napagtagumpayan niya ang hamon ng pagiging isang ina sa kanyang apat na anak. Sa kabila ng mga pagsubok at kahirapan, pinagbuti niya ang pagpapalaki sa kanila nang mag-isa. Sa bawat araw na lumipas, hindi nawala sa kanyang alaala si Xavion. Sa kabila ng ginawa nito ay hindi niya ito magawang kamuhian dahil kung hindi dahil dito ay hindi siya magkakaroon ng pag-asa para magsimula ulit. Hindi na rin niya inalam pa kung ano ang nangyari noong araw na 'yon. Kung anuman, alam niyang wala na siyang kinalaman pa doon. Ayaw na niyang idawit an