"I'm sorry, hindi ko 'yan kayang gawin."
Tumayo na si Rose sa kanyang inuupuan. Buong akala niya ay totoong trabaho ang ibibigay sa kanya. 30 million kapalit ng pagbibigay niya rito ng supling? Hindi ganon kadali 'yon para sa kanya. Oo, malaking halaga na ang 30 million pero hindi niya pa rin kaya."Ms. Verdejo, hindi kita masisisi kung nabigla ka sa inooffer niya sa'yo, but isn't 30 million a good deal? Hindi pa kasali doon ang gagastusin sa surgery ng kapatid mo. He made sure you won't be offered low hand." Desidido pa rin itong kumbinsihin siya.Hindi siya makapaniwala na ganoon na lamang kababa ang tingin nila sa kanya. A woman worth of something. Nangako siya sa sarili na isuko ang pagkabirhen sa kanyang magiging asawa, at hindi sa kung sino man. Ni hindi niya nga kilala kung sino ang lalaking makakasiping niya at bibigyan niya ng anak.Hindi charity case ang isang bata."Bakit ako?" tanong niya."Well, the fact that you-"Bumuntong-hininga siya para panatilihin ang kanyang composure."Pwes mali kayo ng nilapitan, hindi ako baby machine tulad ng iba. Kung ganyang trabaho na lang din naman ang ibibigay niyo, I'm sorry, hindi ko kaya. Hahanap ako ng ibang paraan para mapagaling ang kapatid ko, at hindi sa ganito iyon. Kung wala na po kayong sasabihin, aalis na po ako." sabi niya.
Nakakatatlong hakbang pa lang siya nang matigilan siya, muli niyang hinarap si Nikolas."Have you changed your mind?" A satisfying smirk plastered on his face, na para bang nagtagumpay ito sa kanyang misyon.Kinuha niya ang sobre sa kanyang bag at inilahad iyon kay Nikolas, nawala ang panandaliang tuwa sa ekspresyon nito. "Salamat pero hindi ko po ito kailangan.""Ms. Verdejo, it's a-""Aalis na po ako."Hindi niya na hinintay ang pagsagot ni Nikolas at nilisan na ang opisinang iyon. So that's it. Ang pag-asang natanaw niya, tila mas lalong lumayo. Bagsak ang mga balikat na bumalik siya sa kanyang trabaho, back to zero na naman. Wala siyang ibang choice kundi humanap ng ibang paraan para matustusan ang mga pangangailangan niya pero hindi sapat ang limang trabaho para mabayaran ang lahat ng hospital bills ng kapatid.Napahilamos siya sa kanyang mukha."Kumain ka muna. Huwag mong pabayaan ang sarili mo. Kung magkakasakit ka rin, paano na si Riel?" nag-aalalang wika ni Sally.Inilapag nito ang isang chicken sandwich sa kanyang harapan, sinalinan na din siya nito ng juice. Nginitian niya lang ito at walang ganang kinuha ang sandwich."Thank you, Sally. Ibabalot ko na lang, paborito 'yan ni Riel e," malungkot na sabi niya at akmang kukunin ang sandwich."Kainin mo na 'yan, may binukod ako para kay Riel," Naghila na rin ito ng upuan at umupo sa harapan niya. "Ano na nga pala nangyari doon sa nagbigay sa 'yo ng sobre?" pag-iiba nito sa usapan.Umiling na lang siya bilang sagot. Iniiwasan niya na na mapag-usapan ang mga bagay na iyon, nagbibigay lamang iyon sa kanya ng inis. Hindi niya lubos maisip na nagkaroon siya ng ganoong tagpo sa mga taong hindi niya man lang muna kinilala bago siya makipagkita sa mga ito."Sally, pwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?" pagbabago niya sa usapan."Ano 'yon?" sagot ni Sally.Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Pwede ko ba gamitin ang shift mo ng isang lingo? Alam kong nagmumukha na akong makasarili sa pabor na 'to. Kailangan ko na kasing doblehin ang kayod."Inabot ni Sally ang mga kamay niya at tiningnan siya sa mata. "Hindi mo na kailangan pahirapan ang sarili mo. Hindi ka nag-iisa sa labang 'to. Ibibigay ko na lang sa 'yo ang sasahurin ko ngayong linggo." sabi nito na nagpaiyak sa kanya.Hindi talaga siya pinapabayaan ng diyos, kahit na inulin na siya ng problema, nanatili pa rin ang mga taong ito sa buhay niya para tumulong sa kanya. Hindi siya hinahayaan ng mga itong pasanin ang lahat ng mag-isa. At labis siyang nagpapasalamat sa biyayang iyon.Tumunog ang cellphone ni Sally at unregistered number ang lumitaw sa screen. Nagdalawang-isip pa ito na sagutin dahil baka isa na namang prank call na bubwesit ng araw niya. Pagkasagot niya ay bumungad ang umiiyak na boses ng babae. Agad niya namang nakilala kung sino ito."Aling Nely?" sambit niya, napatingin naman agad sa kanya si Rose.Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito dahil sa ingay sa paligid, dagdag pa ang garalgal na boses ng ginang. "Si Riel, kailangan niyo na pumunta rito."Halos liparin na nila ang patungong hospital noong mga oras na 'yon, hindi mapakali si Rose sa kanyang inuupuan, hawak-hawak ni Sally ang kanyang nanginginig na kamay. "Magiging okay lang si Riel, manalig tayo na hindi siya pababayaan ng nasa taas. Malakas si Riel, hindi siya susuko. Babalik pa siya sa school." pagpapakalma ni Sally pero maski siya ay nanghihina na din.Maging si Aling Nely ay hindi magkandaugaga sa pag-abang sa pintuan ng silid ni Riel. Ilang minute pa ang lumipas nang lumabas na ang doctor."Doc, kamusta po ang kapatid ko?" tanong niya agad pagkalapit sa doctor.Dr. Salcedo heaved a deep sigh. "Tatapatin ko na kayo, hindi na talaga maganda ang kalagayan ni Riel. Lumalaki na ang tumor sa ulo niya. Kapag pinatagal pa ito, baka ikamatay niya na. Sa pagdaan ng mga araw, dahan-dahang bumibigay ang katawan ni Riel kaya kailangan na nating maipa-schedule ang operasyon niya."Tila nanghina ang tuhod ni Rose sa narinig, kaagad naman siyang inalalayan nina Sally. Para siyang sinaksak ng isang libong kutsilyo sa buong katawan niya. Hindi masikmura ng sistema niya ang mga balitang natanggap. Ilang minuto din siyang tulala matapos iyon. Nang matauhan ay hiniram niya ang cellphone ni Sally. Hawak ang nakatuping calling card, tinahak niya ang pinakadulong pasilyo kung saan walang makakarinig sa kanya.Dinial niya ang numerong nakasulat doon. Tatlong ring lang ang inabot bago may nagsalita sa kabilang linya."Hello?" baritonong boses ang bumungad sa pandinig niya, hindi ito boses ni Nikolas.She bit her lip before answering it. "Pumapayag na ako sa kasunduan." wala sa sariling sabi niya.Hindi maipaliwanag ni Rose ang kabang nararamdaman sa mga oras na iyon habang tinatahak ang pasilyo ng isang magarang ospital. Kasalukuyang nasa loob ng operating room ang kanyang kapatid at isinasagawa na ang surgery.Nanginginig ang mga kamay niya, nangangambang hindi magiging successful ang operasyon.Dinala siya ng mga paa sa restroom upang maghilamos. Kagabi pa siya panay iyak, hindi niya na nga alam kung ano na ang itsura niya.She heaved a deep sigh, walking like a zombie. Nang sumalubong ang malammig na tubig sa kanyang mukha, Rose felt the sudden refreshment. Tinignan niya ang mukha sa salamin.The dark circle around her eyes seemed to appear, making her look like she just had gone from several break-ups. Saka lang pumasok sa sistema niya ang ginawa niya. She just agreed to be someone's baby bearer. Ni hindi niya pa nga nakikita ang mukha ng lalaki, pero nagawa na niyang pumayag.Tonight, magkikita na sila. At sa posibilidad na baka ay nakakatakot ang appearance nito dahil
Rose cannot bear to look straight at him. Ang presensya nito ay naghahatid ng kakaibang sensasyon sa kanya. He's just too much to handle. Ni hindi niya na magawang igalaw kahit dulo ng daliri niya sa sobrang kaba.Mas lalo siyang napahigit ng hininga nang tuluyan na itong makalapit sa kanya.He touched her chin, making her look at him. "Are you really worthy of 30 million?" makahulugang wika nito.Parang naging insulto iyon sa kanya. She must be worth of that huge amount, for god's sake! Napaigtad siya as his fingers tracing down her body. Halos manginig ang buong kalamnan niya nang tumigil ang daliri nito sa kanyang dibdib, right at her nipple! Wala pa naman siyang suot na panloob. Gumawa ito ng maliit na bilog roon na naghahatid ng erotikong klase ng kiliti sa kanya.She bit her lip, hindi niya masisigurong magtatagal siya sa ganoong sitwasyon. Her knees are trembling, parang matutumba na siya."You're hard already just by that." May panunuya sa boses nito. "I wondered how long cou
"Happy Birthday and welcome home, Riel..." halos mangiyak-ngiyak na bungad nila Rose and Sally nang tuluyang makapasok sina Aling Nely at Riel. Marahan siyang naglakad papalapit sa mga ito. Hinagod niya ang mukha ng kapatid. Naiiyak siya habang pinagmamasdan ang mukha nitong bumalik na sa dati. Hindi na rin siya namumutla at nagkaroon na ng laman ang pisngi. Mas gumwapo pa ito."Maligayang pagbabalik, Riel," nakangiting bati niya.Ngumiti rin ito pabalik sa kanya, "Salamat sa sakripisyo niyo, Ate. Kung wala kayo, hindi ako gagaling. Hayaan niyo po, kapag tuluyan na akong gumaling, babawi ako sa kanya--"Hindi na niya pinatapos ang kapatid sa gusto nitong sabihin. "Huwag kang magsalita ng ganyan. Malaking pambawi mo na sa amin ang kalusugan mo. Hindi kami nagpakahirap para lang bumawi ka sa amin. Mamuhay ka ng normal. Magpasalamat tayo sa diyos na binigyan ka niya ng pangalawang buhay. Huwag ka mag-iisip ng ibang bagay. Positive lang dapat, okay?"Kahit kelan, hindi pabigat sa kanya i
Intense kind of silence invaded the whole room. Hindi siya makapagsalita. Habang kumakain siya ay hindi niya mapigilang mailang sa klase ng tingin na ipinukol sa kanya ni Xavion. Napakagat siya sa kanyang labi.Sa suot nito na cowboy outfit ay halatang kagagaling lang nito sa pangangabayo. Mas gumwapo pa ito sa ganoong postura. Hindi niya maikakaila ang bagay na iyon dahil talaga namang napakalakas ng dating nito. Dagdag pa ang kanyang shoulder-length hair na nakatali ngayon. It feels like she's seeing a new version of Mr. Nero."Like what you see, baby?" he teased.Agad siyang napaiwas ng tingin.Gusto niyang tumalon sa bintana pero baka ikamatay niya. Syempre, hindi naman niya talaga gagawin. Napayuko siya sa kahihiyan. Hindi niya man lang namalayan na nakatitig ito sa kanya.Inabot niya ang baso ng tubig pero natigilan siya nang makaramdam siya na parang babaliktad ang sikmura niya. Mabilis siyang napatakbo papunta sa makita niyang pinto at mabu
Malalim na ang gabi at hindi pa rin makatulog ng maayos si Rose. Panay ang paglilipat-lipat niya ng pwesto. Hindi siya mapakali sa kung saan siya babaling.Mag-isa lang siya sa kamang iyon. Halos 11 na ng gabi at walang Xavion na sumulpot. Nagtataka siya. Posible kayang ayaw nito na makatabi siya? Sa bagay, hindi naman nila mahal ang isa't isa pero kailangan nila magtabi sa iisang higaan. Ang awkward nun sa part nila pareho.Nakaramdam siya ng pagkagutom kaya naisipan niyang lumabas muna ng kwarto at maghanap ng pwedeng makain. Patay na ang ilaw sa ibang bahagi ng napakalaking bahay na iyon at tiyak na natutulog na ang lahat ng tao sa kanila. Sa hagdan pa lang ay tumunog na naman ang tiyan."Secret lang natin 'to ha?" nakangiting bulong niya habang hinahaplos ang tiyan niya.Natanaw na niya ang dining area. Sa laki ng bahay na iyon ay nakakapagtakang nasaulo niya agad ang bawat pasilyo. Pero may isang parte ng bahay na ipinagbabawal na puntahan ng kung sino man maliban sa Nero Clan.
Habol ni Rose ang paghinga nang bigla siyang magising mula sa masamang panaginip. Umupo siya mula sa pagkakahiga. Pagkuwan ay niyakap niya ang unan sa kaniyang tabi. Isinubsob niya roon ang kanyang mukha.Nangingilakbot pa rin siya sa kanyang napanaginipan. Nakalaya na raw ang tiyahin niya at ang sumunod na eksena ang mas nagpaluha sa kanya, hawak nito ang kapatid niya. Mas lalo siyang nag-alala sa kapatid niya. Pero imposible namang may magpapiyansa rito dahil wala naman silang ibang kamag-anak. Mariin siyang napapikit. Pagkuwan ay muling nagmulat at huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Sinulyapan ang wall clock, alas nuebe na rin pala. Nilingon niya ang bahagi ng kama kung saan huli niyang nasilayan si Xavion, wala na ito.Kumibot ang labi niya nang maalala si Xavion. Sariwa pa rin sa alaala niya ang nangyari sa kanilang dalawa. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya ulit ang bagay na 'yon.Ingay ng bumukas na pinto ang nagpabalik sa kanya sa sariling katinuan. Dumag
Marahang ibinaba ni Xavion si Rose sa medyo malilom na pwesto kung saan tanaw ang pinagkakarerahan ng mga magkakaibigan. Hindi lang pala sila ang mga naroon at nailang pa siya nang bumaling sa kanya ang atensyon ng mga ito. Hindi niya mawari kung ano ang klase ng tingin na ipinukol ng mga ito. Pero naiintindihan niya naman iyon dahil bagong salta lang siya sa lugar na iyon, at ang makitang nakasakay siya sa kabayo ni Xavion ay isang bagay na talagang magiging kuryoso ang mga tao.Pinagmasdan niyang magtipon sila Xavion. Dito madalas nagkakatuwaan ang mga ito lalo sa mga ganitong panahon na nasa lugar si Xavion at Nikolas, hindi maiiwasang magkakayayaan.Hindi niya maiwasang mamangha sa kakisigang taglay ni Xavion. Sa suot nitong puting polo na hapit na hapit sa kanyang matipunong pangangatawan. Dumagdag pa ang suot nitong khaki pants na pinaresan ng itim na paddock boots. He's so damn attractive. Hindi na nga rin nakaligtas sa kanya ang klase ng tingin ng mga kababaihang nanonood kasa
"Fuck!" Hindi na magkamaling si Xavion sa kung ano ang dapat na gawin. Nakasilip lang sa ginagawa niya sa kusina ang mga kawaksi nila at hindi alam kung hahagalpak na ng tawa. "Ngayon lang nakahawak si Sir ng kawali, baka maihagis niya 'yan sa labas," ani Yanna.Napailing naman si Colet. "Ano ba kasi naisip niya at ginagawa niya 'yan, pwede namang tayo na lang e.""Ayaw daw mo pagbuot! Syempre gusto niya ipagluto si Ma'am Rose. Hawa daw bi," Hindi naman nagpatalo si Renalyn."Tigilan mo nga kami kaka-bisaya mo, sungalngalin kita e." saway ni Colet sa kanya."Huwag kayo maingay."Samantalang si Rose ay tapos sa kanyang ginagawa sa banyo at napag-isipan nang bumaba para tingnan ang ginagawa ni Xavion sa kusina. Mula sa malayo ay amoy na niya ang napakabangong halimuyak kaya paniguradong masarap ang niluluto nito. Sa amoy pa lang, alam niya na. Kagabi pa talaga siya nagc-crave sa luto nito sa hindi niya maintindihang dahilan. Sabi ng iba, baka daw pinaglilihian niya iyon. Wala sa sari
Mahabang minuto rin ang tinakbo nila at huminto ang kotse sa isang mataas na gate, may kinuha lang si Nikolas na remote control at kusa nang nagbukas ang gate. Manghang-mangha ang mga bata sa ganda ng kanyang bahay."Is this really your house, Tito Nik?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dahlia habang nakadungaw sa bintana."Dito na po kami titira?" Si Lily naman ang nagsalita.Nilingon ni Nikolas ang mga bata. "Yes, my house is your house now.""Yeyyy!"Bumaba na sila sa sasakyan, nakaalalay naman si Sally sa mga kambal. Nasa garahe pa lamang sila Rose ay tanaw na nila sa kanang bahagi ng bahay ang malapad na hardin, namumukadkad ang bawat bulaklak na nakatanim. Muli na namang pumasok sa kanyang isipan ang Spy Creek.Kung ikukumpara ang bahay ni Nikolas sa bahay ng Nero Clan ay lubhang wala itong binatbat. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang maalala na naman ang pamilyang iyon. Agad namang napansin ni Nikolas ang pagtigil niya."Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas sa kaniya.Tu
"Are you all okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas habang sinusuri ang mga katawan ng mga bata."Yes po, Tito Nik." sagot naman ni Dahlia.Lumapit naman si Rose sa mga bata. "Sa kwarto muna kayo."Tumango lang ang mga bata at sumunod na sa sinabi ng ina. Dumeritso si Rose sa mini-kitchen nila at kumuha ng tubig, nakasunod lang naman sa kanya si Nikolas. Hindi ito mapakali sa kanyang likuran."Bakit ka pa pumunta rito? Iniwan mo pa ang trabaho mo," walang ganang hinarap niya si Nikolas. "Hindi ko matiis na hindi kayo puntahan kaagad nang marinig ko ang nangyari. Rose, ano bang nangyari talaga?""Nagkaroon lang ng gulo sa school, may mga akusasyon laban sa mga bata na hindi naman totoo. Hindi ko kayang manahimik lang, kaya't pumunta ako roon. Mukhang masususpende ata ako sa school, maging ang mga bata.""Transfer to another school then, may kaibigan akong nagmamay-ari ng isang private school. Pwede ko kayong tulungan na lumipat doon."Agad siyang napailing. "No, hayaan mo na. Hindi nam
Hinila ni Rose ang buhok ng babae at nagsisigaw na ito sa sakit. Halos mabunot na niya ang anit nito sa sobrang higpit. Agad naman siyang pinigilan ng principal. Binalandra niya ito sa sahig."Ms. Verdejo, enough!" sigaw ng principal.Nanginginig na siya sa galit sa mga salitang binitawan ng babaeng nakasalampak na ngayon sa sahig. Pinalaki niyang mabuti ang mga anak niya at kailanman ay hindi ang mga ito gagawa ng paraan na ikagagalit niya. Besides, truth always appear in the most exciting part."Kapag nalaman ko na may kasalanan ang mga anak ko, hindi ko sila kukunsintihin pero kung hindi naman sila ang tunay na nagsimula, sisiguruhin kong makikita kita sa husgado."Nangibabaw ang galit sa sistema niya sa mga sandaling iyon."You can leave now, Ms. Verdejo," sabi nito.Hindi na siya nagsayang ng oras na humarap sa mga ito. Bukod sa hindi niya magawang kontrolin ang galit niya ay baka may magawa pa siyang hiindi nito nanaisin. Lumabas siya ng office na iyon na namumula sa pagkayamot
Sa isang silid-aralan na puno ng kulay at mga dekorasyon na nagbibigay-buhay sa bawat sulok. Ang mga bata ay nakaupo sa mga upuan, ang kanilang mga mata'y nababalot ng paghanga at pagtataka habang sila'y nakikinig sa bawat salita na binibitawan ng kanilang guro, si Rose.Ang mga bata ay abala sa kanilang mga upuan, ang ilan ay nakatingin nang direkta sa kanya habang ang iba naman ay ipinamalas ang kanilang imahinasyon, na parang sila mismo ay naroon sa lugar na kinukwento ni Rose.Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagtuturo nang bumukas ang pinto ng classroom na iyon. Agad namang nalipat ang atensyon ng lahat roon.Pumasok ang kanyang co-teacher na si Edna, bakas pa ang pagkabalisa sa mukha nito."Excuse me, Rose," pagbungad nito."Ano 'yon, Teacher Eds? May problema ba?" tanong niya saka ibinaba ang hawak na libro sa kanyang mesa.Nagdadalawang-isip pa si Edna kung magsasalita siya. "Pasensya na sa abala pero... pinapatawag ka kasi sa Office ni Mrs. Zaldivar. Tungkol sa mga anak mo."
Nanlaki ang mga mata ni Rose nang masilayan ang kaibigan ni Xavion matapos ang ilang taon niyang pagtatago sa kanyang lungga. Napapikit siya ng mariin, ngayon na nga lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makalabas pero ito na agad ang sumalubong sa kanila.Hindi pwedeng malaman ni Xavion na buhay ang mga anak nila dahil posibleng bawiin nito ang mga bata. Hindi na niya hahayaan ang sariling bumalik sa piling ng lalaking kinamumuhian. At ngayong kaharap niya ang isang taong malapit dito ay kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi pwedeng masayang ang lahat ng sakripisyo niya para makawala sa kadena nito."Rose..." Hindi makapaniwalang napangiti si Draco. After so many years ay nagkita na rin sila.Pero mukhang hindi nasiyahan si Rose sa tagpong iyon. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Tila may hinahanap na hindi niya nais na makita. Gusto niya lang makasiguro na walang nakamatyag sa kanila."May kasama ka ba?" tanong niya kay Draco."Mag-isa lang ako. Teka, bakit ngayon ka l
"Kids, be careful. Your mommy said no running," paalala ni Nikolas sa dalawang bata. Abala si Rose sa pamimili ng mga damit ng mga bata habang nakasunod lang sa likuran niya si Kamal na sinusukatan niya. Ang dalawang babae naman ay inaalalayan ni Nikolas habang tuwang-tuwa ang mga ito sa pamimili ng mga dresses nila. Hindi maiwasang panoorin sila ng mga saleslady ng naturang shop. They look cute as a family, but Rose didn't mind them. "I like this one!" masayang sabi ni Lily. Napaismid si Dahlia. "Pangit, hindi bagay. I think this one looks good on you," Kinuha nito ang isang purple dress at binigay sa kakambal. "You're right, thank you..." Hindi sila masyado nagtagal doon at napagdesisyunan nilang pumunta na lang sa playground dahil iyon ay request ng mga bata. Hindi naman na nakakontra pa si Kamal kahit pa na wala naman na siyang interes sa mga ganoong bagay pero sa huli ay napilit pa rin siya ng mga kakambal at hinila siya ng mga ito para makipaglaro. Wala na siyang choice pa.
Marahang sumilip ang liwanag sa manipis na kurtina ng kwarto ni Rose, na naging dahilan para magising siya sa kanyang masarap na pagkakahimbing. She heard giggles and little feet running around. Isa lang ang ibig sabihin no'n, mapapangaralan na naman siya. "Mommy, wake up! It's time to get ready for our big day!" masiglang umakyat si Lily sa kama niya at pilit siyang pabangunin. Napangiti siya. "Hmm..." pagbibiro niya. "Mommy, tayo na po ikaw dyan!" si Dahlia naman ang nagsalita. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magmulat na at sumalubong sa kanya ang maliliit nilang mga mukha. Lahat sila ay mukhang nakaligo na at nakaayos na. Pero hindi na siya nagulat doon, they independently take good care of themselves. Kahit pa na magrepresenta siya, mas prefer nila kumilos ng kanila. "Good morning, Mommy!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita niya. "Good morning, mga mahal ko..." As she swung her legs over the edge of the bed, napansin niyang may
Marahang sumilip ang liwanag sa manipis na kurtina ng kwarto ni Rose, na naging dahilan para magising siya sa kanyang masarap na pagkakahimbing. She heard giggles and little feet running around. Isa lang ang ibig sabihin no'n, mapapangaralan na naman siya. "Mommy, wake up! It's time to get ready for our big day!" masiglang umakyat si Lily sa kama niya at pilit siyang pabangunin. Napangiti siya. "Hmm..." pagbibiro niya. "Mommy, tayo na po ikaw dyan!" si Dahlia naman ang nagsalita. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magmulat na at sumalubong sa kanya ang maliliit nilang mga mukha. Lahat sila ay mukhang nakaligo na at nakaayos na. Pero hindi na siya nagulat doon, they independently take good care of themselves. Kahit pa na magrepresenta siya, mas prefer nila kumilos ng kanila. "Good morning, Mommy!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita niya. "Good morning, mga mahal ko..." As she swung her legs over the edge of the bed, napansin niyang may
Anim na taon... anim na taong sinubukan ni Rose na mamuhay ng payapa. Sa loob ng mga taong iyon ay natuto siyang tumayo mag-isa at magsikap na buhayin ang kanyang apat na supling. Sa mga panahong hinang-hina na siya at gusto na niyang sumuko ay naging inspirasyon niya ang mga ito para magpatuloy at huwag paghinaan ng loob. Sila ang nagsilbing liwanag niya sa madilim at magulong mundo na pinasok niya. Marami na rin ang nangyari sa loob ng anim na taon. Napagtagumpayan niya ang hamon ng pagiging isang ina sa kanyang apat na anak. Sa kabila ng mga pagsubok at kahirapan, pinagbuti niya ang pagpapalaki sa kanila nang mag-isa. Sa bawat araw na lumipas, hindi nawala sa kanyang alaala si Xavion. Sa kabila ng ginawa nito ay hindi niya ito magawang kamuhian dahil kung hindi dahil dito ay hindi siya magkakaroon ng pag-asa para magsimula ulit. Hindi na rin niya inalam pa kung ano ang nangyari noong araw na 'yon. Kung anuman, alam niyang wala na siyang kinalaman pa doon. Ayaw na niyang idawit an