Lumusot ang ulo ni Argon sa palumpong na ikinagulat ni Rose. Nakangiti ito sa kanya. Maya-maya ay sumunod naman ang tatlo.Sa tagal nilang nakatengga roon ay natuyo na ng sadya ang mga damit nila. Nakabalot na sila ngayon sa dahon ng saging para maibsan ang ginaw sa katawan nila."Ate, marunong kayo kumanta?" kuryosong tanong nito.Kumunot ang noo niya. "Bakit?""Kantahan niyo po kami. Ang tahimik kasi, mas natatakot kami kapag sobrang tahimik." saad ni Shai.Nag-init ang pisngi niya sa naging request ng mga bata. Hindi naman sa hindi maganda ang boses niya, nahihiya lang talaga siya. Simula noong mawala ang inay niya, itinigil na niya ang pagkanta sa mga publikong lugar na lubhang ikinadismaya ni Sally sa kanya.Huminga siya ng malalim. "Okay, isa lang.""Yeyyy!" tuwang-tuwa na nagpalakpakan ang tatlo. Tumikhim siya bago nagsimulang itono ang boses niya. Isang kanta lang ang madalas niyang kantahin at hindi makalimutan. It was one of her all-time favorite song from the movie Moana,
Mahigit isang linggo na ang nakalilipas nang mangyari ang insidenteng iyon sa gubat. Hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataon na makitang muli pa sila Argon dahil sa paghihigpit ni Xavion. Nagdoble-ingat na rin ito sa kanya dahil ayaw na nitong mangyari pa ang nangyari noong nakaraan. Minsan gusto na rin niyang magmaktol dahil palagi na lang siyang nasa loob ng bahay. Nalibot na siguro niya ang buong bahay dahil sa kabagutan. Dagdag pang todo-bantay pa ito sa kanya. Isang buwan mahigit pa lang naman ang tiyan niya pero pakiramdam niya ay kabuwanan na niya.Tinalo pa niya ang lumpo sa sobrang OA ni Xavion. Katulad ngayon, mailapat niya lang ang paa sa sahig ay may nakaabang na agad na wipes. Ewan niya ba pero naiinis na siya kapag nakikita niya ang pagmumukha nito. Gusto niyang pigain ang ulo nito sa sobrang inis. Nailipat na ata niya sa lahat ng channel at hanggang ngayon wala pa rin siyang matipuhang panoorin."Bakit kasi hindi na lang siya magbuntis ng anak niya, nananamay pa ng
Nanlaki ang mga mata ni Rose nang magsimulang maghubad si Xavion ng kanyang mga damit. Dumagundong ang kaba sa dibdib niya nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung Mabilis niyang iniwas ang mga mata niya sa gawi ng binata. A playful smirk plastered on his face. Hindi niya aakalaing magrereact ng ganito si Rose.Kinapa ni Rose ang tabi niya kung saan niya nilapag ang mga damit niya pero mabilis ang mga kamay ni Xavion at napigilan siya. Mas lalong napasigaw si Rose dahil nasa mismong harapan na niya ang binata. Mabilis siyang lumipat ng pwesto at nagtago sa ilalim ng bula habang ang mga mata ay nakapikit pa rin ng mariin.Kahit na dalawang beses na may nangyari na sa kanila at ilang beses na niyang nakita ang katawan nito ay hindi pa rin niya magawang masanay."Nasisiraan ka na ba ng ulo?" sigaw niya kay Xavion."Maybe I am." Mas lumapad ang ngisi sa labi nito.Sinabuyan niya ang direksyon kung saan narinig niya ang boses ni Xavion, tanging mahinang tawa lamang nito ang natanggap
Tiningnan ni Rose ang sarili niya sa salamin. Sakto lang ang dress na binigay sa kanya ni Xavion. Iyon nga lang ay hapit na hapit sa katawan niya, revealing her curves. Ngayon lang siya nakapgsuot ng damit na ganoon.Inangat niya ang mga kamay niyang nanginginig. Muli na naman niyang makakaharap ang ina ni Xavion, at ngayon pati na rin ang ama nito. Paano kung ganoon din ang tingin sa kanya ng ama ni Xavion? Ayaw niyang magmukhang kawawa.Isa pa sa posibilidad na mangyayari ay ang maitanong ang buhay niya sa syudad. Hindi niya pwedeng sabihin na hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo o nagkaroon ng maayos na trabaho. Mas lalo siyang mamaliitin.Pero kung magsisinungaling siya, paano kung magbackground check ang mga ito sa kanya? Napasapo siya sa kanyang ulo sa kaiisip ng mga bagay-bagay. Siguro hindi na lang siya magsasalita.Napaigtad siya nang biglang may kumatok sa pinto. Tiningnan niya muna ang itsura sa salamin at sinuri kung may kulang pa ba. Hindi naman siya mahilig sa make-up kay
Sobrang tahimik ng paligid. Tanging mga kutsara't kubyertos lamang ang maririnig na nagkakalampagan. Wala ring nangahas na putulin ang katahimikan dahil lahat ay abala sa kanilang mga kinakain. Katabi niya sa upuan si Xavion na tahimik lang at pinagbabalat siya ng hipon. Kaharap naman nila ay Donya Evasha na maya't maya kung ngitian siya, hindi niya alam kung bakit. Ginagantihan niya naman ng ngiti pero pilit dahil hindi niya pa rin makalimutan kung paano siya nito nilait noong wala si Xavion. Malinaw pa rin sa alaala niya ang pangyayaring iyon. "Rose, hija, mind if I ask something," basag ni Donya Evasha. Iyan na nga ba ang sinasabi niya. Hindi pa naman siya handa sa ganitong question and answer portion. Masyado siyang abala magpanic. "Paano kayo nagkakilala nitong anak ko? You must have something interesting to tell about. I'm just curious since my son won't bother telling us." She was caught off guard by that question na inihagis sa kanya, napatingin siya kay Xavion na nakating
The sun rays hit Rose' face through the half open shutters making her groan and hide her face in her soft pillow. It smelled so nice. Lavender? Agad siyang bumangon nang makaramdam na babaliktad na naman ang sikmura niya. Argh... Morning sickness again. Siya ay nagngingitngit, isinandal ang kanyang ulo sa kanyang braso na nakapatong sa toilet. Mariin siyang napapikit dahil sa hirap, wanting the nausea to stop. Lahat ng kinain niya kagabi ay lumabas. Matapos niyang magsuka ay naghilamos na siya at nagtoothbrush. Ang pangit ng pakiramdam niya at hindi niya kaya ang maligo, siguro mamaya na lang. Pagkalabas niya ng banyo ay naamoy niya ulit ang lavender dahilan para maduwal siya ulit kaya tinakpan niya kaagad ang ilong niya. Sakto namang may kumatok sa pinto, naglakad na siya para pagbuksan kung sino man iyon. Sinalubong siya ni Donya Evasha, napakaaliwalas ng mukha nito at may dala pa itong tray ng pagkain. Napamaang siya sa ginawa nito, mabilis niyang kinuha ang tray at pinapasok it
Pumasok sila sa loob ng botique na iyon at sinalubong ng isang bakla. Hinalikan nito sa pisngi si Donya Evasha habang siya ay nakatingin lang sa kanila. Nang dumapo ang tingin sa kanya nito ay nag-iwas siya. Pinagmasdan niya ang mga damit na nakadisplay sa mga mannequins. Hindi niya mapigilang mamangha sa ganda ng mga gawa roon."Hi!" Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses. "Mamsh, siya na ba si Rose? Ang ganda niya pala sa personal."Tumikhim ang Donya. "Masyadong exaggerated. So, shall we?"Sinundan niya lang ng tingin kung paano magsukat ang ginang, hindi niya alam kung para saan. Kung simpleng shopping lamang ito, hindi naman na kailangan ng tape measure, hindi ba?Habang tumatagal ay inaantok lang siya, gusto na niyang umuwi at kumain. Hindi naman agad sinabi ng ginang na sasamahan niya lang pala ito para magsukat. Binalingan niya ng tingin si Roldan na may kinakausap sa telepono nito.T-teka? Cellphone. Ibig sabihin may signal dito sa bayan. Tumayo na siya sa sofa na inuupua
Bukas na ang nasabing gaganapin na welcoming party pero hindi niya man lang magawang tumulong dahil ayaw ni Xavion na pakialam pa siya sa ganoong bagay na hindi niya naman responsibilidad in the first place. "You'll just exhaust my child,"Umikot ang mga mata niya dahil sa mga paalala nitong masyadong exaggerated. Hindi naman siya magbubuhat ng isang toneladang mesa. Matagal din siyang nagtrabaho bilang waitress kaya hindi na siya bago doon. A little help will do.Pero sa huli ay nagtagumpay si Xavion kaya wala rin siyang nagawa. Mas lalo lang siyang na-stress na wala siyang ginagawa. Nababagot lang siya lalo.Napagdesisyunan niyang umakyat na lang sa terrace at magpahangin. Bitbit ang isang mangkok na may lamang gummies ay tinungo na niya iyon. Napapikit siya nang sumalubong sa kanya ang maaliwalas na hangin. Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya ang kabuuhan ng bakuran kung saan ang venue ng party.Nilapag niya sa lamesa ang mangkok at akmang uupo na nang mapansin niya ang isang
Mahabang minuto rin ang tinakbo nila at huminto ang kotse sa isang mataas na gate, may kinuha lang si Nikolas na remote control at kusa nang nagbukas ang gate. Manghang-mangha ang mga bata sa ganda ng kanyang bahay."Is this really your house, Tito Nik?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dahlia habang nakadungaw sa bintana."Dito na po kami titira?" Si Lily naman ang nagsalita.Nilingon ni Nikolas ang mga bata. "Yes, my house is your house now.""Yeyyy!"Bumaba na sila sa sasakyan, nakaalalay naman si Sally sa mga kambal. Nasa garahe pa lamang sila Rose ay tanaw na nila sa kanang bahagi ng bahay ang malapad na hardin, namumukadkad ang bawat bulaklak na nakatanim. Muli na namang pumasok sa kanyang isipan ang Spy Creek.Kung ikukumpara ang bahay ni Nikolas sa bahay ng Nero Clan ay lubhang wala itong binatbat. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang maalala na naman ang pamilyang iyon. Agad namang napansin ni Nikolas ang pagtigil niya."Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas sa kaniya.Tu
"Are you all okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas habang sinusuri ang mga katawan ng mga bata."Yes po, Tito Nik." sagot naman ni Dahlia.Lumapit naman si Rose sa mga bata. "Sa kwarto muna kayo."Tumango lang ang mga bata at sumunod na sa sinabi ng ina. Dumeritso si Rose sa mini-kitchen nila at kumuha ng tubig, nakasunod lang naman sa kanya si Nikolas. Hindi ito mapakali sa kanyang likuran."Bakit ka pa pumunta rito? Iniwan mo pa ang trabaho mo," walang ganang hinarap niya si Nikolas. "Hindi ko matiis na hindi kayo puntahan kaagad nang marinig ko ang nangyari. Rose, ano bang nangyari talaga?""Nagkaroon lang ng gulo sa school, may mga akusasyon laban sa mga bata na hindi naman totoo. Hindi ko kayang manahimik lang, kaya't pumunta ako roon. Mukhang masususpende ata ako sa school, maging ang mga bata.""Transfer to another school then, may kaibigan akong nagmamay-ari ng isang private school. Pwede ko kayong tulungan na lumipat doon."Agad siyang napailing. "No, hayaan mo na. Hindi nam
Hinila ni Rose ang buhok ng babae at nagsisigaw na ito sa sakit. Halos mabunot na niya ang anit nito sa sobrang higpit. Agad naman siyang pinigilan ng principal. Binalandra niya ito sa sahig."Ms. Verdejo, enough!" sigaw ng principal.Nanginginig na siya sa galit sa mga salitang binitawan ng babaeng nakasalampak na ngayon sa sahig. Pinalaki niyang mabuti ang mga anak niya at kailanman ay hindi ang mga ito gagawa ng paraan na ikagagalit niya. Besides, truth always appear in the most exciting part."Kapag nalaman ko na may kasalanan ang mga anak ko, hindi ko sila kukunsintihin pero kung hindi naman sila ang tunay na nagsimula, sisiguruhin kong makikita kita sa husgado."Nangibabaw ang galit sa sistema niya sa mga sandaling iyon."You can leave now, Ms. Verdejo," sabi nito.Hindi na siya nagsayang ng oras na humarap sa mga ito. Bukod sa hindi niya magawang kontrolin ang galit niya ay baka may magawa pa siyang hiindi nito nanaisin. Lumabas siya ng office na iyon na namumula sa pagkayamot
Sa isang silid-aralan na puno ng kulay at mga dekorasyon na nagbibigay-buhay sa bawat sulok. Ang mga bata ay nakaupo sa mga upuan, ang kanilang mga mata'y nababalot ng paghanga at pagtataka habang sila'y nakikinig sa bawat salita na binibitawan ng kanilang guro, si Rose.Ang mga bata ay abala sa kanilang mga upuan, ang ilan ay nakatingin nang direkta sa kanya habang ang iba naman ay ipinamalas ang kanilang imahinasyon, na parang sila mismo ay naroon sa lugar na kinukwento ni Rose.Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagtuturo nang bumukas ang pinto ng classroom na iyon. Agad namang nalipat ang atensyon ng lahat roon.Pumasok ang kanyang co-teacher na si Edna, bakas pa ang pagkabalisa sa mukha nito."Excuse me, Rose," pagbungad nito."Ano 'yon, Teacher Eds? May problema ba?" tanong niya saka ibinaba ang hawak na libro sa kanyang mesa.Nagdadalawang-isip pa si Edna kung magsasalita siya. "Pasensya na sa abala pero... pinapatawag ka kasi sa Office ni Mrs. Zaldivar. Tungkol sa mga anak mo."
Nanlaki ang mga mata ni Rose nang masilayan ang kaibigan ni Xavion matapos ang ilang taon niyang pagtatago sa kanyang lungga. Napapikit siya ng mariin, ngayon na nga lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makalabas pero ito na agad ang sumalubong sa kanila.Hindi pwedeng malaman ni Xavion na buhay ang mga anak nila dahil posibleng bawiin nito ang mga bata. Hindi na niya hahayaan ang sariling bumalik sa piling ng lalaking kinamumuhian. At ngayong kaharap niya ang isang taong malapit dito ay kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi pwedeng masayang ang lahat ng sakripisyo niya para makawala sa kadena nito."Rose..." Hindi makapaniwalang napangiti si Draco. After so many years ay nagkita na rin sila.Pero mukhang hindi nasiyahan si Rose sa tagpong iyon. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Tila may hinahanap na hindi niya nais na makita. Gusto niya lang makasiguro na walang nakamatyag sa kanila."May kasama ka ba?" tanong niya kay Draco."Mag-isa lang ako. Teka, bakit ngayon ka l
"Kids, be careful. Your mommy said no running," paalala ni Nikolas sa dalawang bata. Abala si Rose sa pamimili ng mga damit ng mga bata habang nakasunod lang sa likuran niya si Kamal na sinusukatan niya. Ang dalawang babae naman ay inaalalayan ni Nikolas habang tuwang-tuwa ang mga ito sa pamimili ng mga dresses nila. Hindi maiwasang panoorin sila ng mga saleslady ng naturang shop. They look cute as a family, but Rose didn't mind them. "I like this one!" masayang sabi ni Lily. Napaismid si Dahlia. "Pangit, hindi bagay. I think this one looks good on you," Kinuha nito ang isang purple dress at binigay sa kakambal. "You're right, thank you..." Hindi sila masyado nagtagal doon at napagdesisyunan nilang pumunta na lang sa playground dahil iyon ay request ng mga bata. Hindi naman na nakakontra pa si Kamal kahit pa na wala naman na siyang interes sa mga ganoong bagay pero sa huli ay napilit pa rin siya ng mga kakambal at hinila siya ng mga ito para makipaglaro. Wala na siyang choice pa.
Marahang sumilip ang liwanag sa manipis na kurtina ng kwarto ni Rose, na naging dahilan para magising siya sa kanyang masarap na pagkakahimbing. She heard giggles and little feet running around. Isa lang ang ibig sabihin no'n, mapapangaralan na naman siya. "Mommy, wake up! It's time to get ready for our big day!" masiglang umakyat si Lily sa kama niya at pilit siyang pabangunin. Napangiti siya. "Hmm..." pagbibiro niya. "Mommy, tayo na po ikaw dyan!" si Dahlia naman ang nagsalita. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magmulat na at sumalubong sa kanya ang maliliit nilang mga mukha. Lahat sila ay mukhang nakaligo na at nakaayos na. Pero hindi na siya nagulat doon, they independently take good care of themselves. Kahit pa na magrepresenta siya, mas prefer nila kumilos ng kanila. "Good morning, Mommy!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita niya. "Good morning, mga mahal ko..." As she swung her legs over the edge of the bed, napansin niyang may
Marahang sumilip ang liwanag sa manipis na kurtina ng kwarto ni Rose, na naging dahilan para magising siya sa kanyang masarap na pagkakahimbing. She heard giggles and little feet running around. Isa lang ang ibig sabihin no'n, mapapangaralan na naman siya. "Mommy, wake up! It's time to get ready for our big day!" masiglang umakyat si Lily sa kama niya at pilit siyang pabangunin. Napangiti siya. "Hmm..." pagbibiro niya. "Mommy, tayo na po ikaw dyan!" si Dahlia naman ang nagsalita. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magmulat na at sumalubong sa kanya ang maliliit nilang mga mukha. Lahat sila ay mukhang nakaligo na at nakaayos na. Pero hindi na siya nagulat doon, they independently take good care of themselves. Kahit pa na magrepresenta siya, mas prefer nila kumilos ng kanila. "Good morning, Mommy!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita niya. "Good morning, mga mahal ko..." As she swung her legs over the edge of the bed, napansin niyang may
Anim na taon... anim na taong sinubukan ni Rose na mamuhay ng payapa. Sa loob ng mga taong iyon ay natuto siyang tumayo mag-isa at magsikap na buhayin ang kanyang apat na supling. Sa mga panahong hinang-hina na siya at gusto na niyang sumuko ay naging inspirasyon niya ang mga ito para magpatuloy at huwag paghinaan ng loob. Sila ang nagsilbing liwanag niya sa madilim at magulong mundo na pinasok niya. Marami na rin ang nangyari sa loob ng anim na taon. Napagtagumpayan niya ang hamon ng pagiging isang ina sa kanyang apat na anak. Sa kabila ng mga pagsubok at kahirapan, pinagbuti niya ang pagpapalaki sa kanila nang mag-isa. Sa bawat araw na lumipas, hindi nawala sa kanyang alaala si Xavion. Sa kabila ng ginawa nito ay hindi niya ito magawang kamuhian dahil kung hindi dahil dito ay hindi siya magkakaroon ng pag-asa para magsimula ulit. Hindi na rin niya inalam pa kung ano ang nangyari noong araw na 'yon. Kung anuman, alam niyang wala na siyang kinalaman pa doon. Ayaw na niyang idawit an