Share

Special Chapter

Tatlong buwan na lang bago ang kasal nina Blessy at Ryan ngunit stressed pa rin ang bride-to-be.

Hindi kasi mahagilap si Lady na siya sanang mag-aasikaso sa food buffet. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin makapag-decide si Alice sa kung anong dapat ihain sa mga bisita, lalo na at mga business tycoon rin ang mga dadalo.

Nasa kulang isang libo katao ang nakalagay sa guest list nila.

"Akala 'ko ba civil wedding ang gusto mo para sa anak natin? Eh karamihan ng nandito sa listahan mga kaibigan mo?!" Masama ang tingin na sabi ni Alex kay Alice.

"Ano'ng mga kaibigan 'ko? Nasa business world ang mga 'yan! Mga board of directors, business partners mo at ng hotel--"

"Mama, Papa! Pwede bang pagkatapos na kayo ng kasal magbangayan?!" Napaupo na lang si Blessy sa sofa katapat ng mga magulang. Tagaktak ang pawis niya dahil sobrang init sa labas.

Natahimik ang dalawa ngunit nanatiling masama ang tingin sa isa't isa.

"Si Hendrix pala, Mama?"

"Nasa ninong Bryson niya. Dinala sa mall. Third wheel daw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status