~~~
It was any other day in International Sanders Academy at kahit na-injure si Vince sa basketball, nagawa namang ibawe ng team ang laro kaya sila ang nanalo. Pagkatapos na lumipas ang ilang araw, doon din nagamot ang injury ni Vince sa kanyang tuhod kaya nakakalakad na siya ng mabuti.
Kasama ni Vince ngayon sina Zend at Clyne at nag-uusap ang tatlo habang naglalakad sa hallway. Kahit na alam ni Vince na mga senior na ang dalawa niyang kasama at sa kabilang building pa sila, madalas mag-usap silang tatlo para maghanap ng oras na magkasama.
Hindi rin maiwasan na tuwing naglalakad ang tatlong ito sa hallway, madalas silang pagmasdan ng mga babae sa tabi dahil sa mga itsura nila. Madalas, ang sentro ng atensyon nila ay syempre ang nag-iisang prinsipe ng eskwelahang iyon. Minsan, inggit ang ilang mga babae sa dalawang kasama ng prinsipe dahil kaswal lang siya kapag kasama nga sila, na parang magbabarkada lang talaga... kahit pa nakasimangot ang mukha ng prinsipe.
Chapter 9It was a night like any other nights back in Barangay Dyes back inside the Hounded Pastry Café. It's almost 8 in the evening..."Ala sorry Xania. Kailangan ko na kasi talagang umalis," paalam ni Iris na nakabihis na ng kanyang kaswal na damit. "Emergency eh.""Oo na, oo na," sagot naman ni Xania. "Kahit naman pwede niya kasing gawin yun bukas," bulong niya sa huli."Ano yun?""Wala," ngiti ni Xania. "O sige na ah. Akala ko ba emergency?""Promise Xania babawi ako sa iyo," sabi ni Iris."Oo na. Sige na, alis na," paalam ni Xania.Kumaway paalis si Iris habang kumaway pabalik si Xania.“Waitress,” tawag bigla ng isang babae kaya napatingin siya roon.“Ah yes Ma’am. Coming right up,” sagot naman ni Xania ng ngiti at nilapitan sila. At kahit mukhang estudyante pa ang tatlong babaeng ito na nakasuot ng uniform, tawag niya pa rin sa kanila ay Ma’am. Nagulat nga siya n
XANIANaglalakad ako papasok ng eskwelahan at hindi ko maiwasang humikab sa antok. Alam ko sanay na ako na matulog ng 5 oras lang pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog kagabi.Aaminin ko, unang beses kong naransan yung may nang-hold-up kagabi sa café. Tapos malalaman ko na lang, ako ang hinahanap ng mga lalaking iyon. Nahuli man sila, hindi ko maiwasang isipin kung bakit ako ang target nila?Humikab ako muli. Hayst. Kung ano man ang gusto ng mga lalaking iyon, importante nakakulong na sila. Iidlip na lang ako mamayang lunch para makapagpahinga. Tatago ako sa tsonggong iyon kung kinakailangan.Pagkarating sa classroom, agad akong pumunta sa upuan ko at pagkaupo, walang sabi-sabi na hiniga ko ang ulo ko sa mesa. Iidlip lang talaga ako, pramis.Lumipas ata ang 10 minuto nang may kumalabit sa akin. Nagising naman ako ng di oras at napatingin sa taong iyon... ang katabi ko.Wala siyang sinabi at nakasimangot lang pabalik sa aki
Chapter 10Nanatiling gulat si Vince sa kanyang lugar dahil sa kanyang nakitang mga mata... mga matang... ano nga ba? Anong klaseng mga mata iyon? Bakit ang..."Prince Vince..." tawag ng isa sa mga babae kaya lang siya bumalik sa katotohanan at napatingin sa babae."...are you okay?" tanong niya.Unti-unting sumeryoso ang expression ng mukha ni Vince habang nakatingin sa babae."Anong nangyari rito?" makamandag na tanong ni Vince na sinimulang ikatakot ng mga babae."Uhm no-nothing much Pri-prince Vince," sagot pa ng babae. Napakunot naman ng noo si Vince. "It's just—""Nothing? Bakit basang-basa si Xania?" pasigaw na tanong niya sa kanila.Hindi sila nakaimik because of his outburst. Nagsimulang mahalata ang galit sa mukha ni Vince kaya natakot halos lahat ng nakakita."You three are going to report to my office tomorrow first thing in the morning!" turo niya sa tatlong babae na kaharap ni Xania kanina. "Kapag wal
Nagulat ako sa utos niya sabay napatingin sa tatlong bruha na biglang napayuko ng mga ulo sa hiya at hindi makatingin sa akin.Alam niyo yun. Gusto ko silang ilaglag. Gustong-gusto kong piliin hindi lang yung isa kundi silang tatlo para makita nila ang bangis ng badboy prince nila pero... napatingin ako kay Tsong. Teka, bakit niya ulit ginagawa ito?"Well then, choose Xania," galit na saad sa akin ni Tsong. At kaaga-aga, galit na ang tsonggo. Ilang minuto pa lang ang lumipas. Wala talagang pinagbago.Naglabas na lang ako ng buntong hininga. "Wala akong pipiliin." sagot ko na kinagulat niya."Hah?" pagtataka niya."Sinabi ko na nga. Wala akong pipiliin," ulit ko."What do you mean wala kang pipiliin? Wala ba sa tatlong ito ang tinutukoy ko kaya hindi ka makapili?" tanong naman niya."Pwede ba Vince huwag ka nang umakto parang bata diyan," sagot ko naman. Oo, tinawag ko siya sa pangalan niya. "Kalimutan na lang natin iyon. Pagod na ako.
Chapter 11Dumating ang weekend at ito ako ngayon, nasa trabaho dahil wala akong pasok sa paaralan. Pasalamat talaga ako kay Ma'am Safira at kay Axton kaya magaling na ako ngayon at nakakapagtrabaho, pero..."Huwag kami ni Axton ang pasalamatan mo. Kung hindi dahil kay Jacky at sa pamangkin niya, baka mas malala pa ang nangyari sa iyo…"At pagkatapos lang nun, bigla akong sinermonan ni Ma'am Safira dahil sa pagsisinungaling ko na hindi ako papasok at sa katigasan ng ulo ko. Pahiya talaga ako nun dahil pagkapasok ko rito sa trabaho, sakto yun ang sumalubong sa akin. Nakita nilang halos lahat kung paano ako pagalitan ni Ma'am Safira. Buti nga hinintay niya muna akong gumaling bago ako sermonan.Kasalanan ko naman talaga. Mahirap na kung nalaman ng mga tao na beast ako ng di oras. Ang mga gamot kasi na ibibigay ng normal na doctor pag isa kang normal na tao ay hindi pwede sa aming mga beasts. Buti nga raw hindi kinailangang kunan ako ng dugo para ibig
...Knock, knock."Sinabi ko na nga eh..." galit na saad ni Vince. "...na hindi ko kakainin—"Napatigil siya ng di oras nang makita kung sino ang pumapasok sa kwarto niya na may dala-dalang tray ng pagkain at gamot niya. Nagkatitigan nga kami sa isa't isa."Special delivery po para sa isang tsonggo na prinsipe rin daw kung makaasta na nagngangalang Vince," sabi ko full of sarcasm habang nakangiti.Kinainis naman yun ng prinsipe dahil kumunot bigla ang noo niya. May sakit na nga, nagmumukha pa ring tsonggo."Anong ginagawa mo rito?" pagtatakang tanong niya sa akin at halata ko naman na pinipigilan niya lang ang kanyang galit dahil naasar siya sa sinabi ko."Hindi mo ba narinig? Ganun na ba kalala ang sakit mo at hindi ka na nakakarinig?" mga sagot ko naman.Mukhang nadagdagan ang init ng lagnat niya sa galit. "Pwede ba umalis ka na lang dito Xania kung wala kang magandang sasabihin," sungit niya. "At wala akong sakit&mdash
Naghihintay sa kwarto si Vince nang biglang bumukas ang pinto."Ano ba yan. Wala na bang marunong kumatok—"Napatigil si Vince nang makita si Xania na papasok na sana pero nang marinig niya iyon, sinara niya agad ang pinto."Teka—"Wumpth. Sinara niya ang pinto. Nagsimulang mabwiset si Vince.Knock, knock. Katok sa pinto."Ah pasok," sagot ni Vince.Bumukas naman ang pinto at ngumiti si Xania. "Pagkain at gamot para sa prinsipe," ngiti niya sabay pasok at sara ng pinto. "Pasensya na Tsong kung hindi man lang ako kumatok."Dapat maiinis si Vince sa una niyang sinabi dahil mukhang nang-iinsulto na naman ang babaeng ito pero napawi rin ito nang makita niya ang ngiti niya at marinig ang paghingi niya ng pasensya."Ilagay mo na lang ang tray dito sa tabi ko," utos ni Vince na ginawa niya naman."Ang sabi ni Manang sa akin, kumain ko muna raw nitong mainit na lugaw na ginawa niya bago ka uminom ng gamot at m
Chapter 12Pagka-park ni Vince ng kanyang itim na kotse sa naka-reserve na parking space sa kanya sa eskwelahan, pinindot niya rin ang isang remote ng kotse niya para mag-lock ang mga pinto ng kotse. Nasa entrance na siya dala-dala ang bag niya at napatigil saglit sa taong nakita niya."Xania?"Nakuha niya agad ang atensyon ng taong tinawag niya na nakasandal sa pader ng entrance ng eskwelahan na parang may hinihintay."Vince," tawag naman ni Xania at agad nilapitan siya.Napakunot ng noo si Vince. "Anong ginagawa mo rito? May sinabi ba ako na maghintay ka?" mga tanong ni Vince."Wala," sagot naman ni Xania. "Pe-pero nabalitaan ko kasi yung nangyari sa iyo kagabi. Okay ka lang ba?" pag-aalala ni Xania.Hindi nakaimik agad si Vince sa inasta ng babae. It's so not what he knew about her."Paano mo nalaman?" pagtataka pa rin ni Vince.Bahagyang nagulat si Xania at napaiwas ng tingin at parang alinlangan ang kanyang mga gala