Share

Chapter 2

Author: zaaaxy
last update Huling Na-update: 2020-09-01 10:13:54

Save it


Golden-pink, sunrise hues and dawn is staring right into my eyes. Wow. That's the only word on my mind right now. I feel like my eyes are being blessed with such a beautiful view as I walk on my bare feet, feeling the softness of the white sand on my skin. My heart is full of warmth and.. I don't know, tila ba yakap ako ng mundo at pinaparamdam sakin kung gaano ako ka-welcome para mabuhay. It's.. wonderful.

I can't help but admire everything on my way. The seagulls soar above the surf, the sun reflects and gleams while people come from miles around to stroll upon the beach. The trees, the skies, the busy people, everything. So these are what I've been missing my whole life. What a shame, I've just been out here appreciating my surroundings for just about 3 hours yet it seems to me that the world looks like a lovely place to live at.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, waiting to feel a sense of regret and sadness but my heart feels.. full. I know my decision of running away from home may be a bit selfish thinking na mag-aalala si kuya. He would probably panic and look for me. But despite anything, this choice would be the best for all of us. I can't keep on living there, torturing my father mentally. Aminin ko man o hindi, my mere existence is despised by my father. He won't be at peace hangga't nandoon ako. Kahit sila ni kuya ay nagkakairingan na dahil sakin.

I sighed remembering Kuya Zeno and the letter I left him. I would reach out to you in the future, Kuya. At that moment, I wish that everything else is fine and I already attained your wish for me.

Nang matauhan at matapos damhin ang paligid ay sinimulan ko nang medyo bilisan ang lakad. This would be such a long day. Minsan nga iniisip ko, makaka-survive kaya ko knowing na I've been locked up for years? Well I hope so. I need to.

Sa totoo lang, I've been eyeing this chance for a long time. I mean, I know I just can't keep living the life I used to have. And now, while trying to figure out what I specifically want to become, kailangan ko munang kumita ng pera. Tama. Siguro naman kahit wala akong pormal na pinag-aralan ay matatanggap ako sa trabahong hindi kailangan ng degree.

Kailangan ko rin gumawa ng paraan para may matuluyan at makain. Nagdala ako ng mga delata at biscuit galing sa bahay pero alam kong hindi iyon sobrang magtatagal kaya kailangan kong magsipag. Natawa ko nang maaalala ang mga binaong pagkain galing sa bahay. Sorry kuya, papa.

Ilang hingang malalim ang ibinubuga ko bago maipon ang lakas ng loob sa bawat nilalapitan kong mga kainan o establisiyemento sa tabing-dagat para magtanong kung kailangan ba nila ng trabahante. Buong buhay ko si Kuya at Papa lang ang mga taong nakakapalitan ko ng salita pero kailangan ko nang masanay.

"Pasensya ka na Ineng wala kaming hiring ngayon eh. Maganda ka pa naman, sayang nga rin naman yan kung dito ka lang sa karinderya magtatrabaho." Bigo pa rin ako sa pang-apat na subok.

Sinilip ko ang oras sa lumang cellphone ni Kuya, hindi niya na to ginagamit at minabuti kong dalhin na lang din muna nang makita ko sa kwarto niya bago nag-iwan ng sulat kanina dahil alam kong kakailanganin ko to. Ipinaalam ko naman sa kaniya 'to sa liham pati na ang ilang pagkaing dinala ko. I know Kuya would find it in him to understand me one day.

Mas binilisan ko ang lakad habang nasa telepono pa rin ang mata nang maramdaman ang medyo marahas na pagsagi sa isang pigura.

"Shit", dinig kong sabi niya, tila abala rin sa cellphone ang mata at tuloy-tuloy ang lakad.

Nadistract ako nang maramdaman ang pag-kalas ng bracelet sa kanang kamay. Hala, regalo sakin ni Kuya yun last Christmas. Sinundan ko ng tingin ang nakatalikod na lalaking naglalakad pa rin, napansin ko sa pilak na relo niya'y nakakawit at tila na-magnet ang bracelet ko. Putol na.

Hinabol ko siya at bahagyang tinapik ang balikat. "U-uh, excuse me po." Tumigil siya at nanatili pang nakatalikod nang ilang sandali, kita kong medyo tumaas at bumaba ang balikat niya na parang huminga nang malalim bago dahan-dahang humarap.

Saglit akong natigilan nang makita ang mukha niya. Naalala ko bigla yung sinabi ni Kuya Zeno nung nakatitig ako sa kanya habang nilalagyan niya ng gel yung buhok niya para sa prom nila. 'Gwapo ko 'no?'

Pitch black eyes, makapal na kilay, matangos na ilong, at naka-awang na labi. Gwapo. Yun ang nasa isip ko kahit di ako sigurado sa ibig sabihin nun.

Ramdam ko rin na natigilin siya at ginala ang tingin sa buong mukha ko. Nang makabawi at napansing walang lumabas sa bibig ko ay nagtaas siya ng kilay. "What, miss? You want an autograph?" tanong niya.

Autograph? Ano yun hindi ko alam yun..

Tumitig lang ulit siya sakin nang nakaawang ang mga labi habang hinihintay ang sagot ko. "Uh, ano... yung.." nakita kong medyo kumukunot ang noo niya sa paghihintay sa sasabihin ko. His eyes are now fixed directly on my lips, probably growing impatient or something, I thought.

"Y-yung bracelet ko sumabit sa relo mo, sorry." ni hindi ko alam kung bakit ako nag-sorry.

Bahagya siyang napanganga at tumingin sa relo niya. Nakita kong namula ang tainga niya. Walang lumabas na salita sa bibig niya at tinitigan pa ko ng ilang saglit bago dahan-dahang inalis ang pagkakawit ng bracelet ko sa relo niya. Mabagal din ang pag-angat ng kamay niya para mai-abot sa akin ito.

Mabilis ko itong kinuha. "Salamat, sorry ulit." yumuko pa ko ng konti para magpaalam bago mabilis na tumalikod para mag-lakad. Anong oras na nga pala, kailangan ko nang magmadali.

"A-ah, Miss." Nagulat ako nang marinig ang boses ng lalaki at naramdaman ang marahang paghawak niya sa braso ko. May pag-iingat sa mga mata niyang nakatitig sa akin. Ginawaran ko siya ng tingin at tinaas nang konti ang dalawang kilay bilang simbolo ng pagtatanong kung anong sadya niya.

Slight panic flashed into his eyes bago nahanap ang boses. "I.. noticed na nasira yung bracelet mo. I feel responsible for it so hayaan mo kong bayaran ang pagpapagawa." Nagulat ako sa sinabi niya.

Kinaway ko ang dalawang kamay sa harap niya, "Hindi na kailangan,"

"Kung nagmamadali ka I can give you my number so you can just contact me." mabilis na sabi niya at inilahad ang kamay, "I'll type my number for you."

"Ayos lang tala-" hindi ko natapos ang sasabihin nang nagsalita siyang muli.

"I insist." wala kong nagawa kung hindi iabot ang teloponong dala. Saglit siyang nagpipindot doon bago ibinalik sa akin. "Save it."

Tinignan ko iyon at wala pang nakalagay na pangalan. Tila hinahayaan niyang ako na ang maglagay. "Uh.. ano bang pangalan mo?" tanong ko.

Nakita kong napaawang ulit ang labi niya at matamang tumitig sakin. "Y-you don't know me?" mabagal na tanong niya.

Matagal akong tumingin sa kaniya, hindi alam ang isasagot bago dahan-dahang umiling. "Uhm paki-type na lang din nagmamadali kasi ako." sabi ko kalaunan.

Napalunok siya at dali-daling nilagay ang pangalan niya. Binulsa ko na agad nang hindi sinisilip ang telepono at tinanguan ang lalaki.

"Sige," paalam ko.

Aktong may sasabihin pa siya nang tumalikod na ako at nagmadali na ulit sa paglalakad.

Bago tuluyang makalayo ay may narinig pa kong matinis na boses ng babae, turista ata.

"OMG, si Colton Jace ba yun? May shooting? Tara papicture tayo!"

Tuloy-tuloy ang lakad ko at hindi na muling lumingon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

  • Grow with the Flow   Epilogue

    With you

  • Grow with the Flow   Chapter 40

    WholeA/N: A huge thank you to everybody for coming this far! As we reach this last chapter, I hope we all realize that it is never okay to treat someone like your possession nor make them feel like an object that you own. May we all grow with the flow of life and be the best versions of ourselves. See you all on the Epilogue (Colton's POV) as well as on my next stories! Ily xx

  • Grow with the Flow   Chapter 39

    Make out"How did you know Danelle?"Kasalukuyan akong nakaupo sa high chair ng kitchen counter sa condo ni Colton habang pinapanood siyang magluto.

  • Grow with the Flow   Chapter 38

    Yabang"So final na? Wala na raw talaga?" tanong ko nang makitang binaba na ni Rafa ang telepono."Yup," sabi niya saka tumabi sakin sa sofa.

  • Grow with the Flow   Chapter 37

    AddictingSunod-sunod ang pagpalis ko sa mga luhang umaagos.Walang hikbi na lumalabas sa bibig ko ngunit tila awtomatiko ang pagbagsak ng bawat patak ng luha.

  • Grow with the Flow   Chapter 36

    Blurry"Kuya!" I almost jumped to him as soon as I saw him."Hoy! Hoy! Halos magkasingtangkad na tayo, Nari! Mag-hunos dili ka!"

  • Grow with the Flow   Chapter 35

    AllthatmattersMaganda ang gising ko sa sumunod na araw. I don't remember being this energized as soon as I wake up before. Ngayon pa lang ata.Agad kong kinapa ang ilalim ng unan para sa cellphone. Awtomatikong umarko para sa isang ngiti ang labi ko nang makita roon ang pangalan na inaasa

  • Grow with the Flow   Chapter 34

    Always"Tawang-tawa ko sa mga conspiracy theories nila. May nabasa kong isa na before ka pa raw sumikat girlfriend na kita tas tinatago ko lang. 10 years na raw talaga tayong in a relationship." sabi ni Kaiden habang humahalakhak.I laughed so hard with him as we go through the fan accounts.

  • Grow with the Flow   Chapter 33

    Take careMatagal pa kaming nanatili sa ganoong posisyon. Magkadikit ang noo, magkalapit ang mukha, ramdam ang mainit na hininga ng bawat isa, habang ang dalawang palad niya ay nasa magkabilang pisngi ko.Maya-maya'y unti-unti niyang inilayo nang bahagya ang ulo. "Sleepover here for tonight." saka muling hinaplos ang aking pisngi.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status