Share

Chapter 4

Author: zaaaxy
last update Last Updated: 2020-09-01 10:17:01

Kiss away the pain


Maaga akong gumising kinabukasan. Today officially starts a whole new chapter of my life. I can't afford to make any mistake on this day. 

Malaki ang ngiti ko habang nakatitig sa salamin. The fitted dark slacks and polo top that perfectly hugs my body is our uniform for this morning habang pencil cut terno naman para sa clubhouse mamaya. Tingin ko ay bagay na bagay sa akin ang uniporme.

Natawa ko sa pagiging feelingera sa isip. Feel na feel ko lang talaga siguro dahil first time ko magsuot ng ibang damit bukod sa kadalasang pambahay.

"Wow excited na excited talaga! Ang aga ha!" natatawang sabi ni Rafa na kakalabas lang sa CR. Lumingon ako sa kanya at natawa na rin. Masaya rin ako dahil siya ang roommate ko sa dorm, hindi siya mahirap pakisamahan.

Hindi nagtagal ay nagtungo at nakarating na kami sa hotel. Masaya akong naglalakad nang maramdaman ang magaang kamay sa may braso.

"Miss," sabi ng baritonong tinig.

Napatigil kami ni Rafa at nilingon ang isang morenong lalaki na naka-uniporme din tulad namin. Nakalahad ang kamay niya at nakapatong doon ang ID ko na kakakuha lang namin kanina.

"Nalaglag." sabi niya nang makitang marahil ay nagulat at nagtaka ako kung pano napunta sa kanya iyon.

"A-ah salamat." Sabi ko at dali daling kinabit iyon sa ID lace.

"Mali," muling nagsalita ang lalaki at nagulat ako nang siya na mismo ang nagkabit nang maayos noon.

Seryoso lang ang ekspresyon niya at hindi nagbabago. Hindi siya ngumingiti pero nakikita ko ang sumisilip na dimple niya sa kanang pisngi.

Nang matapos ay tinignan niya lang ulit ako saglit sa mata at walang sabi-sabing tumalikod.

Blangko lang ang ekspresyon niya at ni hindi kumurba ang mga labi. May galit ba sakin yon? Naalala ko tuloy si Papa sa kanya. Saglit ko pa siyang sinundan ng tingin at napabuntong-hininga dahil sa iniisip.

"Suplado talaga nun." narinig kong bulong ni Rafa at napalingon ako sa kanya. "Tara na?" dagdag niya agad.

Tumango ako at hindi na rin nagkumento pa.

Nang makita ang iba pang empleyado ay natuwa akong tignan ang pare-pareho naming damit. Lahat kami ay pinahilera nang magkakatapat habang pabalik-balik ang lakad ni Mrs. Paz sa gitna naming lahat at maraming paalala.

Napagtanto kong siguro ay pare-pareho lang ang sinasabi ni Mrs. Paz sa bawat araw nang mapansing hindi na masyadong nakikinig ang iba.

Naging alerto lang ang lahat nang ibigay ang room assignment ng bawat isa.

"Ikaw, Nari sa last floor ka ngayon. Yung pinakadulong opisinang makikita mo 'ron." sabi niya pagdating sakin. Tumango naman ako agad.

"Di ba si Mang Larry naman ang laging pinaglilinis dun sa opisina ni Sir, Ma'am?" biglang sabat ng nasa kabilang gilid ko.

Saka ko lang narealize na iyon pala yung silid kung san ko nakita iyong si Sir Colton kahapon. Pinilig ko ang ulo nang maramdaman ang pagtaas ng balahibo sa batok.

"Oo, eh pero basta ganto ang order ngayon eh." sabi ni Mrs. Paz atsaka pinalakpak ang mga palad bilang signal na kailangan na naming magsimula.

Nagpaalam na sakin si Rafa at sinabing sabay kaming kumain mamaya.

Nang pumasok sa elevator ay ginaya ko lang ang ginawa ni Rafa kahapon, pinindot ko ang palapag na pupuntahan at binantayang maigi ang nagfaflash na numero.

Hindi ko alam kung bat bigla akong nakaramdam ng kaba nang makarating sa last floor at naglalakad na patungo sa destinasyon. Siguro ay dahil magsisimula na nga ang unang araw ko sa trabaho.

Pero parang hindi na ko makumbinsi ng isip ko noong dumoble lang lalo ang kaba matapos agad salubungin ng mabigat na tingin ni Sir Colton pagpasok sa pinto. Ang mga mata niya'y tila kanina pa naka-abang ngunit mabilis na nag-iwas pagtama sa akin.

Nakabaling na siya sa mga papeles sa harap niya ngayon at kunot noo habang abala sa tinitignan.

Lumunok ako. Pinilit kong hanapin ang boses dahil pakiramdam ko'y dapat lang na batiin ko siya lalo pa't unang araw ko ito.

"Good morning, Sir." tila imposibleng ngumiti dahil sa kaba.

Tumango lang siya nang hindi inaalis ang mata sa binabasa. Saglit pa kong nanatiling nakatayo doon na parang may hinihintay na hindi ko rin naman alam kung ano.

Nang natauhan ay nagsimula na rin naman akong kumilos. Pansin kong hindi naman ganoon karumi dito at parang hindi naman kailangan ng puspusang paglilinis.

Ang salaming dingding na lamang kung saan kita ang tanawin sa labas ang pinagdiskitahan ko. Nagsimula ako sa pinakagilid na bahagi para sa mas organisadong trabaho. Inumpisahan ko sa pagsspray ng likidong panlinis at sinundan ng pagpunas dito.

Narinig ko ang bahagyang pag-ubo ni Sir Colton kaya't napalingon ako sa kanya ngunit hindi naman nagpang-abot ang mata namin dahil agad ding gumalaw ang ulo nya pabalik sa binabasa.

Tinuloy ko na lamang ang ginagawa at nagconcentrate.

Ngunit habang tumatagal ay nararamdaman ko na ang mabibigat na titig niya. Pinipigilan ko namang lumingon sa banda niya dahil natatakot lang din akong makatitigan siya.

Kahit malakas ang aircon ay halos pagpawisan na ko sa pagsisikap na umaktong normal sa kabila ng nakaka-ilang na tingin na ginagawad niya.

"Nayeli.." halos mapatalon ako nang bigla siyang magsalita.

Parang tangang lumingon ako sa kanya.

"That's your name right? Nayeli.." sabi niya ulit, ang buong atensyon ay ngayo'y nasa akin na.

"Nari na lang, Sir." hindi ko alam kung saan niya nakuha ang buong pangalan ko pero namulat kasi akong Nari na ang tawag sa akin.

Tumaas lang ang kilay niya at sumandal sa inuupuan. "Why... didn't you call me?" maya-maya'y tanong niya.

Nung una'y hindi ko pa makuha ang ibig niyang sabihin ngunit nang maalala ang tungkol sa bracelet ay agad ding sumagot.

"Ah, madali lang naman pong ayusin yun kaya hindi na kailangan."

Nanatili siyang nakasandal na parang isang haring nakatitig sa alipin.

"Do you have it with you now?" natigilan ako sa tanong niya ngunit tumango rin nang maalalang nasa bulsa ko iyon dahil hindi ako sanay na hindi iyon suot o bitbit.

"Give it to me, I'll have it fixed." ma-awtoridad na sabi niya. Aangal pa sana ko pero naisip kong boss ko siya at hindi makakabuti kong pahahabain ko pa ang diskusyon.

Nangangatog akong lumapit sa kaniya. Nakalahad ang palad niya sa lamesa at inaabangang iabot ko iyon.

Hindi ko alam ngunit nang magdikit ang kamay namin ay tila nakaramdam ako ng boltahe kaya't mabilis kong binawi ang kamay. Dahilan para masagi ko ang tasa ng kape sa lamesa niya at mabasag.

"Shit."

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang nangyari. Nadali ng bubog ang kamay niya at may nakikita akong dugo sa bandang daliri niya.

Halos manginig ako habang iniisip na katapusan ko na ata ito.

Nang makita ang magkasalubong niyang kilay habang nakatingin sa daliri ay hindi na ko nagdalawang isip pa at ginawa ang madalas ginagawa sa akin ni kuya noon tuwing may masakit sa akin.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kanyang kamay. I pulled it closer to my face and let my lips touch his fingers, trying to kiss away the pain. My soft lips felt sensitive against the roughness of his skin.

"What the fu-" marahas na binawi ni Sir Colton ang kanyang kamay at agad na tumayo.

Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya na sumisimbolo sa mabilis na paghinga.

Hindi ako makapagsalita sa bilis ng mga pangyayari. Gusto kong maiyak sa mga katangahan ko.

"S-sir-"

Mabilis pa rin ang paghinga niya.

"Y-you.. just.. what kind of a fucking person are you?" litong tanong niya.

His expression is a mixture of being confused, problematic, and.. something else I can't pinpoint.

Umiiling na niluwagan niya ang necktie niya at mabilis na lumabas.

I was left in that empty room, dumbfounded.

Bumigay ang mga tuhod ko sa halu-halong damdamin.

Related chapters

Latest chapter

  • Grow with the Flow   Epilogue

    With you

  • Grow with the Flow   Chapter 40

    WholeA/N: A huge thank you to everybody for coming this far! As we reach this last chapter, I hope we all realize that it is never okay to treat someone like your possession nor make them feel like an object that you own. May we all grow with the flow of life and be the best versions of ourselves. See you all on the Epilogue (Colton's POV) as well as on my next stories! Ily xx

  • Grow with the Flow   Chapter 39

    Make out"How did you know Danelle?"Kasalukuyan akong nakaupo sa high chair ng kitchen counter sa condo ni Colton habang pinapanood siyang magluto.

  • Grow with the Flow   Chapter 38

    Yabang"So final na? Wala na raw talaga?" tanong ko nang makitang binaba na ni Rafa ang telepono."Yup," sabi niya saka tumabi sakin sa sofa.

  • Grow with the Flow   Chapter 37

    AddictingSunod-sunod ang pagpalis ko sa mga luhang umaagos.Walang hikbi na lumalabas sa bibig ko ngunit tila awtomatiko ang pagbagsak ng bawat patak ng luha.

  • Grow with the Flow   Chapter 36

    Blurry"Kuya!" I almost jumped to him as soon as I saw him."Hoy! Hoy! Halos magkasingtangkad na tayo, Nari! Mag-hunos dili ka!"

  • Grow with the Flow   Chapter 35

    AllthatmattersMaganda ang gising ko sa sumunod na araw. I don't remember being this energized as soon as I wake up before. Ngayon pa lang ata.Agad kong kinapa ang ilalim ng unan para sa cellphone. Awtomatikong umarko para sa isang ngiti ang labi ko nang makita roon ang pangalan na inaasa

  • Grow with the Flow   Chapter 34

    Always"Tawang-tawa ko sa mga conspiracy theories nila. May nabasa kong isa na before ka pa raw sumikat girlfriend na kita tas tinatago ko lang. 10 years na raw talaga tayong in a relationship." sabi ni Kaiden habang humahalakhak.I laughed so hard with him as we go through the fan accounts.

  • Grow with the Flow   Chapter 33

    Take careMatagal pa kaming nanatili sa ganoong posisyon. Magkadikit ang noo, magkalapit ang mukha, ramdam ang mainit na hininga ng bawat isa, habang ang dalawang palad niya ay nasa magkabilang pisngi ko.Maya-maya'y unti-unti niyang inilayo nang bahagya ang ulo. "Sleepover here for tonight." saka muling hinaplos ang aking pisngi.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status