Nagising si Jane na mabigat ang kaniyang pakiramdam. Hindi niya maimulat nang maayos ang kaniyang mga mata dahil namamaga iyon. Bumuga siya ng hangin at tumitig lang sa kisame. Napakagat siya ng kaniyang labi noong maalala niya na nakita niya si Rodrigo. I had a breakdown again, I guess, malungkot na sabi niya sa kaniyang isipan. Doon lang din niya naramdaman ang bahagyang pagkirot ng kaniyang braso. Limang taon, hindi pa rin pala siya maayos. Ang akala ni Jane ay handa na siya kung sakali mang magkita sila ulit ni Rodrigo. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nawawala ang takot niya rito. At hindi na ata mawawala pa ang traumang iniukit sa kaniya ng binata. Ilang minuto pa siyang nahiga roon bago niya naisipang tumayo na sa kama at bumaba. Nasa hagdan pa lang siya ay na aamoy na niya ang aroma ng pinipritong manok. Pagtingin niya sa kusina ay nakita niya si Rico na kumakanta-kanta pa habang nagluluto. Napatingin ito sa kaniya. “Finally, the sleeping beauty is aw
Pagkatapos magluto nila Jane ay agad din silang naghanda. Nagdagdag pa ng kanin at ng ilang ulam dahil mayroon pa silang kasama. Hindi rin nagtagal ay dumating na sila Renz. Agad na nakipaglaro si Renz kay Brian at si Jonax naman ay agad na nagbukas ng lata ng beer saka sumali sa dalawa. Napapangiti si Jane habang pinagmamasdan ang anak na nakikipaglaro sa dalawang tinuturing nitong mga tatay. Doon niya napagtanto na dapat ay hindi nga siya mangamba dahil mayroong mga tao na handa silang tulungan. Tumikhim si Rico. “Mukhang nakikita mo na ang future mo, ah?” makahulugang sabi niya. Agad namang napatingin si Jane kay Rico at pinandilatan ito. “Shut up, okay?” natatawa niyang sabi. “Natutuwa lang ako kasi sobrang malapit si Renz sa kanilang dalawa. Alam mo. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin kung hindi niyo ako nakita.” “Magdadramahan pa ba tayo? Alam ko na ‘yon and you don’t have to worry anymore. Don’t think about it. Ang kailangan mo lang ngayon ay maging masaya. Okay?” Tuma
Maagang nagising si Jane para maghanda papunta sa shop niya. Noong bumubuti na ang lagay niya ay ito ang naisipan niyang gawing negosyo. Nag-training pa siya kasama si Renz hanggang sa magdadalawang taon na ang kaniyang negosyo. Minsan ay sinasama niya sa shop si Renz. Pero noong tumuntong ito ng tatlong taon ay iniiwan na niya ito sa daycare center. Bukod kasi sa maagang natututo ang anak niya roon ay marami rin itong nakakalaro. Matapos niyang maihatid si Renz sa center ay nagpunta na siya sa kaniyang shop. Sarado pa iyon dahil mag-aalas-syete pa lang ng umaga. Alas-nwebe ang bukas ng kanilang shop at alas-otso naman ang dating ng dalawa niyang staff. Binuksan na ni Jane ang roll-up at ang shop pero hindi niya pa binuhay ang mga ilaw at inayos ang karatula. Kailangan pa niyang i-check ang nangyari kahapon dahil hindi siya nakapunta at ang sales nila. Hindi gano’n kalaki ang shop nila. Pero binabalak na ni Jane na maghanap ng lote dahil inaangkat lang nila ang binebenta nilang mga
Nagmamadaling naglakad papalabas ng ospital si Jane. Iyong takot na nararamdaman niya ay unti-unting napapalitan ng galit. Galit na galit siya dahil parang ang dali lang para sa binata ang lahat. Sa dami ng mga nangyari sa nakaraan ay akala ba nito na gano’n gano’n na lang ang pagpapatawad na gagawin niya rito? Hanggang ngayon ay may trauma si Lana dahil sa ginawa nito sa kaniya. Siya! Kinailangan niyang lumayo sa pamilya niya para lang maging ligtas sila! Hinding-hindi niya ito mapapatawad kahit na ano pa ang gawin nito sa kaniya. “Ouch!”Muntik nang matumba si Jane noong biglang may nabunggo siyang matigas na bagay. Maigi na lang at may kumapit sa kaniyang baywang kaya hindi siya tuluyang natumba. “Hannah!” “Brian?” Agad na umayos nang tayo si Jane at nagtatakang tiningnan ang binata. “What are you doing here?” “Checking on you? Ano’ng nangyari sa ‘yo?” “Ha?” Bumuntonghininga si Brian. “Your staff called me. Kanina pa sila nag-aalala sa ‘yo. Pagdating daw nila sa shop ay bukas
“Oh, my God, Hannah! You scared me!” salubong ni Rico pagbaba ni Jane sa kotse. Agad niyang nilapitan ang dalaga at niyakap nang mahigpit. “Ano ba ang nangyari sa ‘yo?” “Can we go inside first?” Balisang tumingin sa paligid si Jane. Pakiramdam niya ay mayroong mga matang nakamasid sa kanila. “Okay.” Inakay ni Rico si Jane papasok ng kwarto. Sinensyasan niya si Brian na pumasok na lamang sa bahay. Tumango naman ang binata. Pumasok silang tatlo sa loob. Pinaupo ni Rico si Jane sa sofa saka nagmamadaling kumuha ng tubig. Pagkabalik niya ay agad niya itong inabot sa dalaga at pinainom. Naupo si Rico sa tabi ni Jane. “Now tell me. Paano ka napunta sa ospital? Ano ‘yong kinukwento ni Brian? I almost call Jaxon to gather up his men!” Pinagsaklob ni Jane ang kaniyang mga palad at mahigpit na hinawakan iyon. Sandali niyang tiningnan si Brian na nakatitig lang din sa kaniya bago muling tumungo. Naiiyak na tiningnan niya si Rico. “H-He’s back, Rico. I told you. Hindi niya ako titigilan.”
“What do you mean you will go to the Philippines?” nagtatakang tanong ni Rico kay Jane habang pinapanood itong mag-ayos ng mga gamit. “Narinig mo siya, Rico. I need to go there. Kinuha niya ang anak ko!” “Hindi sila makakaalis dito nang hindi nakikita ng mga tao ni Jaxon, Jane. Can we just wait for their update?” Inis na binitawan ni Jane ang mga damit sa kama. “You don’t know him, Rico. For now, sigurado ako na nasa eroplano na sila at bumabyahe na pauwing Pilipinas! And I need to go there!” “You’re not safe there, Jane! Kailan ka ba makikinig sa akin?!” Nagtaas na ng boses si Rico. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya pinakikinggan ni Jane. Kanina niya pa ito tinatawag at sinasabing maghintay at huminga muna dahil ginagawan na nila ng paraan ngunit hindi naman ito natigil. “I can’t wait, Rico! My son is out there with that monster! I can’t just wait here!” “Okay!” Biglang namagitan si Brian sa kanilang dalawa na nakatayo lang kanina sa may pinto ng silid. Hinarap niya si Rico. “
“Rodrigo! Mabuti naman umu– What the hell is that?!” gulat na tanong ni Clarixto noong makita ang batang akay-akay ni Rodrigo. Agad itong kumapit sa binti ni Rodrigo at bahagyang nagtago. Nagtatakang tiningnan niya ang pamangkin. Nakangisi ito na para bang tuwang-tuwa pa.“What?” “Anong what? Sino ‘yan?” Lalong napangiti si Rodrigo. Naupo siya at hinarap si Renz. “Uncle, he is my son, Renz. Your grandson.” Tiningnan niya si Clarixto na nakanganga pa ring nakatingin sa kanila. “Greet your, Lolo.” Tiningnan ni Renz si Clarixto. “Hello, Lolo,” magalang na sabi nito pero mababakas ang pag-aalinlangan. Pinagpalit-palit ni Clarixto ang tingin kay Renz at Rodrigo. Kilala niya ang pamangkin mula pa lamang noong maliit ito. Hindi niya nga maitatanggi ang pagiging magkamukha nito. Halos parang pinagbiak na bunga ang mga ito. Kamukhang-kamukha ng bata si Rodrigo noong bata pa lamang ito. Tumalikod siya at marahas na napabuga ng hangin. “Are you–” Tiningnan ni Clarixto ang bata. Muli siyang
Huminga nang malalim si Jane. Habang papalapit nang papalapit ang sasakyang naghahatid sa kaniya papunta sa mansyon ni Rodrigo ay lalong bumibilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Pagbaba niya kanina mula sa eroplano ay may nag-aabang na sa kaniyang kotse. Mukhang alam ni Rodrigo na parating na siya. Tama ang naging desisyon nila ni Brian na mauna siyang umalis papuntang Samar. Naiwan ang binata para ihanda ang ilang mga kailangan nilang gawin para makaalis sa puder ni Rodrigo. Hindi nagtagal ay narating na nila ang mansyon. Doon ay parang mayroon nang nagkarerahan sa kaniyang dibdib. Binuksan ng driver niya ang pinto sa kaniyang gilid at bumaba roon. Wala pa ring pinagbago ang hitsura ng mansyon. Kagaya pa rin noong huli niyang na aalala. Ngunit kataka-takang wala na ang mga armadong mga tauhan ni Rodrigo na nagkalat sa paligid. Mayroon pa ring mga bodyguards pero hindi na kagaya rati na nakatatakot talagang humarap sa kanila. Naglakad na si Jane papasok sa loob. Unti-unting bumalik
Hello, readers! Kumusta po? Thank you so much for reading this story! Haha! Maraming salamat po sa inyong suporta. Sana po ay nagustuhan niyo ang kwento ni Rodrigo Navarro at ni Jane Acosta kahit na... Hehe! Salamat pa rin po! Ang kwento na ito ay tapos na pero ang kwento ng mga Savage Men ay hindi pa tapos. Opo, may dalawa pa pong story ang Savage Men Series. Susubukan ko pong mai-post agad dito pero sa ibang platform ko po muna ita-type. Sana po ay suportahan niyo rin iyon kagaya ng pagsuporta niyo sa Governor's Possession! Maraming salamat po! ~Ameiry Savar
8 months later Napangiti si Jane habang pinagmamasdan si Brian at Renz na tumatakbo sa dalampasigan. Nakaupo siya sa beach chair habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon pero ginusto pa rin niyang magbakasyon. Wala rin naman siyang ginagawa kundi ang mahiga lamang at tumitig sa malawak na karagatan. Pinag-iisipan na nga niyang bumili ng bahay na malapit sa dagat. Napabuga ng hangin si Jane at isinandig ang likod sa upuan. Kasama niya ang kaniyang pamilya. Maging sina Rico at Jaxon ay narito sa Pinas para samahan siya sa panganganak. Matapos ang mga nangyari ay unti-unti na ring nagmo-move on si Jane. Lalo na at buntis siya ngayon. At oo, si Rodrigo pa rin ang ama. Muling napabuga ng hangin si Jane at sinapo ang kaniyang tiyan. Isang buwan matapos mamatay ni Rodrigo ay nalaman niyang buntis pala siya. Noong una ay hindi niya alam ang gagawin sa ipinagbubuntis niya. Mayroong nagsabi sa kaniya na pwede niyang ipatanggal iyon. Ngunit noong makita ni Jane si Ren
Ilang sandali na silang nagbabyahe noong biglang pinara ni Brian ang kotse. Nagising bigla si Jane dahil sa lakas niyon at napatingin siya sa labas. May nakita siyang iilang mga kotseng nakaparada rin at sa unahan nila ay may mga lalakeng may hawak na mga baril. “B-Brian. Ano ‘to? Ano ang nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Jane. Humigpit naman ang hawak ni Brian sa manibela. Hindi na siya magugulat kung tauhan ng ama niya ang mga ito. “H’wag kang lalabas,” utos ni Brian. Tumango lamang si Jane at bahagya pang nagtago sa ibaba. Pinanood niya si Brian na lumapit sa mga taong may hawak na baril. Ngunit nagulat siya noong makita niyang tinutukan ang binata ng baril. Ilang sandali pa ay may lumakad na rin papalapit sa kaniya at marahas na binuksan ang pinto sa kanyang tabi. Napasigaw si Jane noong bigla siyang hinila palabas ng lalake. “Bitawan niyo siya!” sigaw ni Brian. Lalapitan sana niya si Jane ngunit biglang may humarang sa kaniya. “Sir, sumunod na lang kayo. Utos ito ni Gov.
Kanina pa nakalabas si Rodrigo ngunit wala pa ring tigil si Jane sa pag-iyak. Mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatabing sa kaniyang katawan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan habang pilit na kinakalma ang sarili. Buong akala niya ay nagbago na ang binata. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon ay isa pa rin pala itong demonyo. Isang demonyo na hindi titigil hanggat hindi hindi nakukuha ang gusto. Kaya ba nito naisipang ipa-kidnap siya ngayon? Para makuha nito ang gusto nito? Sana lamang talaga ay hindi nito isinali ang anak nila. Muling napaluha si Jane noong maalala si Renz. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan niyang makaalis dito. Hindi na siya muli pang magpapakulong sa binata! Muling huminga nang malalim si Jane na para bang makatutulong iyon para bumuti ang kaniyang lagay. Kahit manlang makaalis siya rito ay dapat niyang gawin. Inayos ni Jane ang pagkakapulupot ng kumot sa kaniyang katawan. Napailing na lamang siya noong makita na sirang-sira ang kaniyang pan
Kanina pa nakatayo si Brian sa may gilid ng mansyon nila Rodrigo. Kanina pa rin niya sinusubukang pumasok doon dahil nakita niya si Renz na dito dinala ng tauhan ng kaniyang ama. Pero palagi siyang pinipigilan ng mga bantay ng mansyon dahil hindi raw siya pwedeng pumasok sa loob. Hindi niya maiwasang mainis dahil halatang ginawa na ng kaniyang ama ang lahat para lang hindi siya makalapit sa mag-ina. Alam nito na gagawin niya ang lahat para makita ang mga ito. Kanina niya pa rin nakita na hindi dumadating si Rodrigo o ang kaniyang ama. Kaya noong mapagtanto niyang wala siyang mapapala roon ay minabuti niyang umuwi sa bahay nila. “Brian. Saan ka nagpunta?” salubong ni Cathy sa anak noong makita nitong pumasok ang binata sa bahay. “Mom!” Agad na lumapit si Brian sa ina. “May pupuntahan ka?” Nangunot ang noo ni Cathy. “Yes. Kaya nga kanina pa kita hinihintay. Nakalimutan mo ba na ilalabas mo ako ngayon?” Sandaling napaisip si Brian. Muli niyang na alala ang pangako niya rito na magba
Blangko ang isipan habang nagmamaneho si Rodrigo papalayo sa bahay-bakasyunan nila. Kanina pa tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Ayaw niyang maniwala na nagawa niya iyon kay Jane. Hindi niya masisisi si Jane kung talagang gusto nito mapawalang bisa ang kanilang kasal. Oo, hindi niya kayang mawala ang dalaga sa kaniya ulit. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa para mapatawad siya nito. Kaya hindi niya mawari ngayon kung bakit at paano niya ba iyon nagawa. Inis na tumigil sa pagmamaneho si Rodrigo sa gilid ng kalsada at sumandig sa upuan. Bumuntonghininga siya at tumitig sa kisame ng kotse niya. Mali ba na gustuhin niyang makasama si Jane? Unti-unting nangilid ang mga luha niya habang bumabalik sa kaniyang isipan ang takot na takot at galit na imahe ng dalaga. Kulang na lang ay murahin siya nito kanina. I will never love a monster like you! Parang kutsilyong tumatarak ang mga salitang iyon sa kaniyang dibdib. Lahat ay ginawa ni Rodrigo. Mahirap para sa kaniyang baguhin
Napasinghap si Rodrigo noong bigla siyang nagising. Masakit pa ang kaniyang ulo at medyo nahihilo pa. Dahan-dahan siyang naupo at ipinikit ang mga mata. Sinapo niya ang kaniyang na para bang binibiyak sa dalawa. What happened? nagtatakang tanong niya sa sarili. Ang huli niyang na aalala ay kausap niya ang kaniyang tiyuhin. May pinagtatalunan sila ngunit hindi niya maalala kung ano. Napabuga ng hangin si Rodrigo at muling nahiga. Dadapa sana siya noong may matamaan ang kamay niyang malambot at mainit na bagay. Agad siyang napatingin sa kaniyang tabi at napaupo noong may makita siyang babae sa kaniyang tabi. Did I just– “Jane?!” gulat na sabi ni Rodrigo noong mapagsino niya ang babaeng katabi niya. Hinawakan niya ang balikat nito at akmang ihaharap sa kaniya noong biglang naupo ang kaniyang asawa at pinandilatan siya ng mga mata. Nakaramdam siya nang pagkalito noong makita niya ang matinding takot sa mga mata nito. Kapansins-pansin din ang pamumula ng mga pisngi nito at mga mata na pa
Habol ang hininga na biglang nagising si Jane. Madilim ang kaniyang paningin noong minulat niya ang kaniyang mga mata. Noong sinubukan niyang sumigaw ay tanging mahinang ungol lamang ang kumawalang tunong mula sa kaniya. Sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kamay. Where am I?! Biglang napaiyak si Jane noong maalala niya ang nangyari sa kaniya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang lalakeng iyon ang bumaril sa kaniya noon! Pinilit ni Jane gumalaw ngunit siya talaga ay nakatali. Kahit ano ang pilit niyang paggalaw ay wala siyang magawa. Ang anak ko? Diyos ko! Renz! Lalong nagkumawala si Jane sa kaniyang pagkakagapos ngunit unti-unti lamang naubos ang kaniyang lakas ay hindi siya nakawala. Hinihingal na tumigil siya at nakiramdam sa paligid. Napakatahimik. Wala siyang ibang naririnig kundi ang mabilis at malalim niyang mga paghinga. Diyos ko. Ano ang nangyayari? Sino ang gumawa nito? Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nasa ganoong posisyon
“What brings you here, Rodrigo?” tanong ni Clarixto noong biglang pumasok ang pamangkin sa loob ng kaniyang opisina. Wala pang tanghali pero mamula-mula na ang mga pisngi nito at ang mga mata. “Why? Last time I check, ako pa rin ang may-ari nito,” tugon ni Rodrigo. Napangisi si Clarixto. “Yes.” Umiling-iling siya. “I heard na hinayaan mo raw ang mag-ina mong umalis at pumunta sa Cavite.” Napabuga ng hangin si Rodrigo. Tumayo siya at lumapit sa mini-bar ng kaniyang tiyuhin at nagsalin ng alak. Ilang araw nang wala ang kaniyang mag-ina at wala siyang balita pa sa mga ito. Medyo na iinip na nga siya kaya inaaliw na lamang niya ang sarili sa pagpunta sa bar nila. “Yep. I thought it is right. Magulang naman iyon ni Jane. They have a right to know that she is back.” Bahagyang umarko ang mga kilay ni Clarixto at hindi makapaniwalang tiningnan ang likod ng pamangkin. Sumandal siya sa kaniyang swivel chair at ibinaba ang hawak na papel. “At kailan pa naisip ng isang Rodrigo Navarro ang k