REGINALD DAEWOON..."Dad mabait ba sila lolo at lola?" tanong ng kan'yang anak habang lulan sila ng eroplano na maghahatid sa kanila sa Belgium.Kinabukasan matapos nilang mag-usap ni Goldy at magkasundo na iiwan muna pansamantala sa bahay ng kan'yang mga magulang ang kanilang anak ay agad s'yang nagpasundo sa piloto ng ama para sunduin sila.At ngayon ay lulan silang tatlo ng pribadong eroplano ng pamilya nila."Yes they are, son! Huwag ka ng matakot dahil mababait ang lolo at lola mo. Magugustohan mo sila anak," sagot n'ya sa bata at bahagyang ginulo ang buhok nito. "Kukunin n'yo pa ba ako ni mommy pagkatapos ng trabaho n'yo?" tanong ni Braxx sa kan'ya. Natigilan s'ya at napatingin kay Goldy at nakita n'ya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ng kasintahan."What kind of question is that, Braxx? Of course, kukunin ka namin ng mommy mo. Tatapusin lang namin ang problema sa pamilya natin, ok? At kailangan kita dito, anak. Kailangan ka namin ng mommy mo dito, katulad ng ginawa mo noong
REGINALD DAEWOON...Narating nila ang bahay ng kan'yang mga magulang ng matiwasay. Agad silang sinalubong ng kan'yang mga magulang ma tuwang-tuwa ng makita ang apo ng mga ito.Ganon din si Braxx na noong una ay may pag-alinlangan pa sa mukha ngunit ng yakapin ito ng lolo at lola ay agad ding nawala ang pag-alinlangan nito at napalitan ng tuwa."Oh my gosh! Napaka gwapo ng apo ko!" papuri ng kan'yang ina at hinaplos ang mukha ni Braxx."Mana po ako kay daddy, lala," mayabang na sagot ng kan'yang anak na ikinalapad ng kan'yang ngisi."Yeah! Like father, like son! Pero sana ay hindi ang ka pilyo ng ama mo ang namana mo apo," sagot naman ng kan'yang ama na ikinaangal n'ya."Ay hindi po, lolo! Mas mabait po ako kaysa kay dad," nakangising sagot ni Braxx sa abuelo nito. Bahagyang natawa ang kan'yang ina na katabi ni Braxx at bahagyang ginugulo ang buhok ng apo nito."I can see that, sweetheart at hindi ako naniniwala na mas mabait ka kaysa sa daddy mo. Sa tingin ko ay mukhang mas malala ka
REGINALD DAEWOON...Masaya silang kumakain at pinagsaluhan ang masarap na mga putahe na ang kan'yang mommy mismo ang nagluto. Reyna ito sa totoong buhay ngunit marunong ito sa mga gawaing bahay at napakasarap magluto katulad din ni Goldy. Kaya masasabi n'ya na napakaswerte n'ya dahil kapareho ng ugali ng kan'yang ina ang babaeng minahal n'ya."So, iiwan n'yo muna dito ang apo namin?" tanong ng kan'yang daddy sa kanilang dalawa ni Goldy."Yes dad! Dito muna si Braxx habang hindi ko pa naaayos ang problema ko," sagot n'ya sa ama."Walang problema sa amin ng mommy, masaya kami na dito ang apo namin kaya wala kayong dapat na ipag-alala sa kan'ya. Aalagaan namin s'ya ng maayos dito," seryosong sagot ng kan'yang ama sa kan'ya na ikinapagpasalamat n'ya dito.Habang kumakain silang mag pamilya ay nakatanggap s'ya ng tawag mula sa kan'yang taohan at sinabi nito na mayroong grupo ng mga kalalakihan na kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan ng mga ito sa Belgium kung nasaan sila.Ayon sa spy n
REGINALD DAEWOON...Malakas na putokan ang maririnig sa buong lugar. Ang babae na sakay ng motorsiklo ay nasa harapan pa rin nila at nakikipag barilan sa mga kalaban habang sakay sa motor nito."Fvck! Halimuyak!" mura n'ya sabay sigaw sa pangalan ng babae na bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan. Mabilis s'yang tumakbo palapit dito nang makita na bumaba ito sa motor na dala at walang takot na nakipag barilan sa mga kalaban n'ya."What are you doing here?" pasigaw na tanong n'ya sa babae habang nakikipag barilan na din sa mga kalalakihan sa unahan."Saving your ass again, my love," malokong sagot nito sa kan'ya habang ang mga mata ay nasa mga kalalakihan na kabarilan nila."Shut up! And don't call me love dahil iisang babae lang ang pwedeng tumawag sa akin ng endearment na yan at hindi ikaw yan!" inis na singhal n'ya rito. Mahina itong natawa at umikot sa kan'yang likoran para lumipat sa kabila at doon naman pumwesto."At sino naman ang tangang babae na naniwala sayo, Red? Sinong
REGINALD DAEWOON...Matapos ang kanilang pakikipaglaban sa mga kalaban ay mabilis n'yang nilingon ang kinaroroonan ng dalaga ngunit wala na ito. Nagpalinga-linga s'ya paligid para hanapin si Halimuyak ngunit hindi n'ya na ito makita."Fvck! Nasaan na yon? Parang kabute talaga ang babaeng ito na bigla na lang susulpot at bigla lang din mawawala," nanggigil na sabi n'ya sa sarili habang inilibot pa rin ang tingin sa buong paligid at nagbabasakali na makita ang babae ngunit wala na talaga ito.Paanong nakaalis ito na hindi n'ya napansin ang tunog ng motorsiklo ng dalaga."Boss, tumawag na ako ng maglilinis dito. Umalis na tayo ngayon din," pagbibigay alam sa kan'ya ng kan'yang taohan ng lapitan s'ya nito."Did you see the woman just now?" wala sa sariling tanong n'ya sa taohan."Hindi ko napansin boss, bigla kasing napuno ng puting usok ang kinaroroonan mo dito," sagot nito sa kan'ya. Siguro ay masyado lang s'yang naka focus sa mga kalaban at hindi man lang napansin ang usok na sinabi ng
"M-Maddy?" nuutal na tawag n'ya sa pangalan ng babae. Hindi n'ya alam kung ano ang kan'yang mararamdaman ng mga oras na iyon.Hindi n'ya inakala na makikita n'ya sa lugar na ito si Maddy. At mas lalong hindi n'ya inaasahan na sa ganitong pagkakataon mag krus ang landas nilang dalawa."R-Red? I-Ikaw ba talaga yan?" naiiyak na tanong nito sa kanya. Kita n'ya ang pamamasa ng mga mata ng babae at ang panginginig ng labi nito habang nakatingin sa kan'ya."I-I'ts me, how about you? I-Ikaw ba talaga to Maddy?""I-Ikaw nga Red! I-Ikaw nga! Thanks God at nakita kita!" umiiyak na bulalas nito sabay lapit sa kan'ya at sinugod s'ya ng yakap. Hindi s'ya nakahuma at natulos lamang sa kan'yang kinatatayuan dahil sa sobrang pagkagulat.Parang kailan lang ay hindi s'ya mapakali sa paghahanap dito ngunit ngayon ay nasa harapan n'ya na ang babae na matagal n'ya ng hinahanap."B-Buhay ka?" wala sa sarili na tanong n'ya rito. Kumalas ito sa kan'ya at nag-angat ng tingin habang hilam sa luha ang mga mata.
REGINALD DAEWOON...Hindi s'ya mapakali habang nagmamaneho pauwi ng bahay. Okupado ni Maddy ang kan'yang isip at kahit anong gagawin n'yang pag-iwas na hindi maisip ang babae ay hindi n'ya mapigilan ang sarili.May panghihinayang din s'yang nararamdaman sa kaibutoran ng kan'yang puso ngunit kapag sumasagi naman sa isip n'ya si Goldy at Braxx ay nakaramdam s'ya ng pang-uusig ng konsensya.Hindi s'ya dapat na makaramdam ng ganito kay Maddy dahil may pamilya na s'ya. At naisip n'ya din kung coincidence lang din ang pagkikita nila ni Maddy. Sa dinami-dami ng lugar na pwede silang magkita ay sa gitna pa ng daan at sa oras na ito kung kailan ay katatapos n'ya lang sumabak sa gyera.Ang tagal n'yang hinanap ang babae ngunit hindi n'ya ito matatagpuan. At bigla-bigla na lang ay susulpot ito mula sa kung saan at humarap sa kan'ya sa hindi inaasahang pagkakataon.Gusto n'yang paniwalaan agad na si Maddy ang kaharap n'ya dahil kahit saang anggulo tingnan ay walang pinagkaiba ang babae kanina sa
REGINALD DAEWOON..."R-Red? What do you mean?" nauutal na tanong ni Goldy sa kan'ya. Nakikita n'ya sa mga mata nito ang pagdaan ng sakit. Hindi pa s'ya nakapagsimula sa pagkwento dito ngunit nasasaktan na ang kasintahan at ngayon pa lang ay inuusig na s'ya ng kan'yang kunsensya ngunit wala s'yang magagawa. Kailangan n'yang sabihin kay Goldy ang lahat-lahat para sa ikakatahimik na rin ng kan'yang isip."Let's go to our room and I will tell you everything. Ayokong may itinatago sayo, baby," aya n'ya kay Goldy. Hinawakan n'ya ang kamay nito at inakay ito paakyat sa kanilang silid para sabihin ang lahat sa kasintahan.Pagkapasok nila ay agad n'yang isinarado ang pinto at ni-lock iyon. Inakay n'ya si Goldy patungo sa kama at inalalayan na makaupo. Lumuhod s'ya sa harapan nito at hinawakan ang dalawang kamay ng kasintahan.Tumikhim muna s'ya ng ilang beses bago nagsimulang mag kwento tungkol sa kan'yang nakaraan. Nakikinig lamang ang dalaga sa kan'ya at walang reaction ang mukha nito haban
REGINALD DAEWOON... "Whooohhhh! That was awesome!" bulalas ng halos karamihan ng makabawi sa pagkagulat. "More! More! More!" sigaw naman ng iba na parang natutuwa sa nakikitang laban ng dalawa. Matandang babae na nakatungkod at isang malakas, malaki ang katawan, bata at mayabang na lalaki ang kalaban. Sino ang hindi ma excite lalo na ng makita ng lahat ang duguan at namamaga na mukha ng lalaki habang ang hinamon nitong matanda ay hindi man lang nahahawakan ng kalaban. "Fvck!" malutong na mura n'ya ng biglang sumugod ang lalaki kay Black Lily. Ngunit ang inakala n'ya na madadali na ito ng lalaki ay hindi nangyari. Kung bibilangin n'ya ay tatlong hakbang lang paatras ang ginawa ni Black Lily para mailagan ang ataki ng lalaki. Ngunit hindi nito binigyan ng pagkakataon na makabawi ang kalaban. Hindi pa ito nakakabalik sa maayos na posisyon ay bumagsak ulit ito sa sahig dahil sa paghataw ng matanda ng hawak na baston sa maselan na parti ng katawan nito. Makikita na hindi naman kalakas
REGINALD DAEWOON... Naghiyawan ang lahat ng e-anunsyo ni Cassandra ang nakagawiang duel sa mga bagong opisyal na myembro ng underworld. Kung gaano kalakas ang hiyawan ng lahat ay ganon naman ang pagkalabog ng kan'yang puso dahil sa sobrang kaba. Hindi n'ya alam kung bakit ganito ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Kinakabahan s'ya na hindi mawari. Siguro ay dahil napakatanda na nito para sumubok pa sa dwelo. Rules sa underworld na ang lahat ng bagohan na pillar ay kailangan na sasabak sa dwelo para malaman ang kakayahan ng mga ito. Kung makitaan ba ito ng kakayahan na protektahan ang underworld kung sakaling may gustong sumira at magpabagsak dito. Kung kaya ba nitong protektahan at ilaban ang underworld against the enemy. Kailangan na malakas at marunong makipaglaban ang lahat ng nasa taas. At para malaman ito ng lahat ay kailangan na makikipag dwelo ang bagong opisyal at ito ang pinakamahalagang pangyayari sa pagtitipon na iyon. "Whooooohhh! No offense pero kaya mo pa
REGINALD DAEWOON...Nasa underworld sila ng araw na iyon. Kasama ang kan'yang mga kaibigan at mga asawa nito ngunit hindi sila nag-uusap. Kapag nasa underworld sila ay parang hindi sila magkakilala at nag-uusap lang sila gamit ang kanilang mga mata.Kanina pa s'ya hindi mapakali sa kan'yang kinauupoan sa paghihintay kay Black Lily na ipakilala. Ngayong araw ipapakilala sa lahat ang mga bagong pillar ng underworld kaya halos lahat ng myembro ay nasa underworld.Lahat ng mga malalaking tao ay nandoon kaya sobrang higpit ng seguridad ng bawat isa. Hindi ka dapat nagtitiwala sa mga nakakaharap mo sa lugar na ito dahil bawat isa ay may mga lihim na agenda.Nakatayo s'ya sa sulok habang may hawak na isang baso ng whiskey na kinuha n'ya sa mga waiter na naglilibot para magbigay ng mga inumin. Inilibot n'ya ang kan'yang tingin sa paligid para magmanman.Namataan n'ya ang ibang kaibigan na kan'ya-kan'ya ng pwesto sa mga sulok ng lugar. Hindi pa nagsisimula ang assembly at hindi pa rin lumalaba
REGINALD DAEWOON... Dalawang linggo na ang nakalipas ng matapos silang mag-usap ni Goldy. Marami s'yang gustong malaman tungkol sa kan'yang ina at gusto n'ya itong tawagan ngunit naisip n'ya ang sinabi ng kan'yang daddy sa kan'ya noon. Pagdating ng tamang oras ay sasabihin ng mga ito sa kan'ya ang lahat. Marami din s'yang iniisip na iba sa ngayon kaya ipinagpaliban n'ya na lang muna ito. Naalala n'ya din na kailangan n'ya pa palang hanapin si Laurice. Naunsyami na ang paghahanap n'ya sa kan'yang kapatid dahil sa sunod-sunod at hindi inaasahang pangyayari sa kan'yang buhay. Pero kahit ganon ay hindi n'ya naman kinakalimutan ang kan'yang paghahanap dito kahit ilang dekada na ang dumaan sa kan'yang paghahanap. Hindi pa rin s'ya nawawalan ng pag-asa at malakas ang kan'yang paniniwala na buhay pa ito. Nagpatong-patong na ang kan'yang mga kailangan gawin at mga iniisip at kailangan n'ya ng magbawas para naman gumagaan-gaan naman ang kan'yang trabaho. Nagmamaneho s'ya patungo sa secre
REGINALD DAEWOON... "What is our plan now?" tanong n'ya kay Goldy habang nagmamaneho sila pauwi. Matapos ang mahabang pag-uusap nila ay mas pinili n'yang intindihin ito kaysa magalit sa dalaga. Dahil kung tutuusin ay mas malaki ang sinakripisyo ni Goldy kaysa sa kan'ya kaya wala s'yang karapatan na magalit dito. Naipaliwanag na nito ang side nito at kahit alam n'ya na marami pang mga bagay na tinatago si Goldy sa kan'ya ay ipinagwalang bahala n'ya na lang muna ito. Katulad sa nangyari ngayon kapag dumating ang araw na magsasabi na ito sa kan'ya ay pipiliin n'ya pa rin na intindihin ito kaysa magalit sa kasintahan. Siguro ay ganon lang katindi ang pagmamahal n'ya kay Goldy kaya nasasapawan ng pagmamahal ang mga tampo n'ya sa dalaga. Tunay nga ang kasabihan na love works in mysterious ways at isa na s'ya sa nakaranas ng ganon. Kahit ano pa ang tampo, galit at inis n'ya ngunit nasasapawan lang ito palagi ng pagmamahal n'ya kay Goldy. Pero kahit ganon ay wala s'yang kahit na katiting
REGINALD DAEWOON... "I'm sorry! I'm sorry!" paulit-ulit na paghingi n'ya ng tawad sa kasintahan habang pareho nilang sapo ang kani-kanilang pisngi at pareho din na umiiyak. "Wala kang dapat na ihingi ng tawad Red! Desisyon ko ang lahat at ako ang dapat na humingi ng tawad sayo. Sa pagtago ko kay Braxx mula sayo at sa paglayo ko sa anak natin. Soon, you will understand why I did all of those. Basta ang tanging gusto ko lang ay mailigtas ang anak natin at mailayo sa kapahamakan," sagot ng kasintahan sa kan'ya. Sunod-sunod s'yang tumango dito at mas sinapo pa ng mahigpit ang pisngi ng dalaga. Inilapit n'ya din ang kan'yang sarili para halikan si Goldy sa noo. Mariin itong napapikit ng dumampi sa noo nito ang kan'yang labi. "I love you! Mahal na mahal kita babe," puno ng pagmamahal na sabi n'ya sa kasintahan habang sapo pa rin ang pisngi nito. Alam n'ya sa kan'yang sarili na mahal n'ya si Goldy at totoo ang kan'yang nararamdaman dito. "Mahal na mahal din kita Red! Kayong dalawa ng an
REGINALD DAEWOON..."Fine! Kung ayaw mong sabihin sa akin ang totoo ay ayos lang basta sa susunod na may malalaman pa ako tungkol sayo ay hindi ko maipapangako kung magiging maayos pa rin tayo. I just want you to be honest with me Goldy dahil ganon din ako sayo. Wala akong inilihim at alam mo ang lahat sa akin," matigas na sabi n'ya rito ng hindi ito sumagot sa mga tanong n'ya.Parang may kung anong pumipigil dito na hindi masabi sa kan'ya ang totoo.Nakamata lamang ito sa kan'ya at hindi nagsasalita kaya wala s'yang nagawa kundi ang bumuga ng hangin para alisin ang bigat na nararamdaman sa kan'yang puso. Sa hitsura ng kasintahan ngayon ay malabong mapakwento n'ya ito ng gusto n'yang malaman.Inilibot n'ya ang tingin sa paligid hanggang sa magawi ang kan'yang tingin sa isang mesa sa sulok kung saan ay may iba't-ibang prosthetic mask na nakapatong. Dali-dali s'yang lumapit dito at isa-isa itong tiningnan ngunit wala sa mga ito ang kan'yang hinahanap."That's Liam's project," narinig n
REGINALD DAEWOON..."I'm sorry, Red," mababa ang boses na paghingi ni Goldy ng paumanhin sa kan'ya. Walang kahit isa sa kan'yang mga tanong ang sinagot ng babae. Napailing s'ya habang mapait na ngumiti dito.Umasa s'ya na sasagutin nito ang kan'yang pakiusap para maayos n'ya ang lahat at makapamuhay na sila ng maayos at tahimik na tatlo ng anak nila ngunit bigo s'ya sa may makuhang sagot mula rito."How can we fix this kung ayaw mong magsalita, Goldy?" puno ng hinanakit na tanong n'ya sa kasintahan. Nagbuga ito ng hangin ngunit hindi pa rin nagsalita. Wala s'yang magawa kung ayaw nitong ibuka ang mga labi para sabihin sa kan'ya ang lahat.Walang mangyayari kung pipilitin n'ya ito. Mas lalo lang magulo ang lahat at mag-aaway lang sila. Mahal n'ya ito at nasaktan s'ya ng malaman ang paglilihim nito sa kan'ya ngunit hindi kabawasan iyon sa kan'yang pagmamahal sa babae.S'ya na lang ang gagawa ng paraan para malaman ang lahat dahil kung hihintayin n'ya ito ay baka abutin na sila ng syam-s
REGINALD DAEWOON..."Ikaw? What are you doing here?" sunod-sunod na tanong n'ya sa babae ng makabawi mula sa pagkagulat. Hindi n'ya inaasahan ang biglang pagsulpot nito sa lugar kung saan s'ya dinala ni Goldy."This is my house, remember? Dito mo ako sinundan noon," nakataas ang kilay na sagot nito sa kan'ya. Napasapo s'ya sa kan'yang ulo ng marinig ang sagot nito. Hindi ito nagsisinungaling, dito n'ya ito sinundan noon at dito n'ya rin ito naabutan."Got your tongue cut, Red?" tanong ng babae sa kan'ya ng hindi s'ya nakapagsalita na agad n'ya namang ikinatingin dito. Ibang-iba ang tono nito at hindi s'ya pwedeng magkamali.Naririnig n'ya sa babae ang boses ni Goldy ng mga oras na iyon. Mariin n'ya itong pinakatitigan at sinusundan ang bawat galaw ng eyeballs nito at ng labi para malaman ang totoo. At sa bawat galaw ng labi nito at galaw ng mga mata ay may napagtanto s'ya sa kan'yang sarili ngunit gusto n'yang siguraduhin kung tama ang kan'yang hinala.At ng hindi pa s'ya makuntento