REGINALD DAEWOON...Mabilis ang mga kilos na lumabas s'ya sa kan'yang pinagtataguan at gumanti ng baril sa mga kalaban.Bakit ba s'ya maghihintay sa mga ito na tumigil sa pamamaril sa kan'ya eh mukhang wala namang plano ang mga hayop na titigil sa pag-ataki sa kan'ya.Bawat bala na pinapalabas n'ya mula sa kan'yang baril ay walang palya. May isang tao na natatamaan at bumabagsak sa lupa ng walang buhay. Tumakbo s'ya sa kabilang sulok at doon pumwesto. Nang makakuha ng magandang tyempo ay kinapa n'ya ang kan'yang bulsa at may pinindot doon.Maya-maya pa ay narinig n'ya ang sunod-sunod na pagsabog sa lahat ng sulok ng shipyard. Nakita n'ya din mula sa kan'yang kinaroroonan ang pagtakbohan ng mga kalalakihan habang may mga bitbit na mga matataas na kalibre ng baril.Mamaya n'ya na pasasabugin ang lahat ng mga bomba na inilagay n'ya sa naturang lugar. Kaya n'ya pa namang lumaban sa mga ito gamit ang kan'yang baril at katana. Lumabas s'ya mula sa kan'yang pinagtataguan para harapin ang m
REGINALD DAEWOON...Sunod-sunod na bala ang nagliparan sa buong lugar at nasa likod lang s'ya ng mataas na shelf na iyon nagtatago. Pinapakiramdaman n'ya muna kung saang direksyon galing ang mga bala bago nagpasyang lumabas para harapin ang mga ito.Para lang silang naglalaro ng counter strike ng lumabas s'ya sa kan'yang pinagtataguan. Tumatakbo s'ya habang nagpapaulan ng mga bala sa kalaban at ganon din ang mga ito na nakasunod sa kan'ya sa mula sa kabilang bahagi ng basement na iyon. Napapagitnaan sila ng isang mataas na shelf na mula sa kabilang side hanggang sa dulo sa kabila ang haba ito.Hindi s'ya tumigil hangga't hindi nauubos ang mga ito. Ngunit mukhang hindi nga maubos-ubos ang mga taohan ng Blazing Titans dahil pagkalipas ng ilang segundo ay mas lalo pang dumami ang mga kalalakihan.Naubos na rin ang kan'yang bala at ang mga magazines na extra ay isa na lang ang natira kaya kailangan n'yang maghanap ng paraan kung paano s'ya makakakuha ng armas mula sa mga ito.Kung close f
REGINALD DAEWOON..."Who are you?" matigas at malamig na tanong n'ya sa tao. Dahan-dahan itong tumayo at naghanda s'ya sa pag-ataki nito sa kan'ya.Sa bilis nitong gumalaw ay hindi n'ya na nakikita na tao pala ito. Naging anino ito sa paningin n'ya dahil sa sobrang liksi ng mga kilos. Dahan-dahan itong humarap sa kan'ya at ganon na lang ang pagkagulat n'ya ng makita ang hitsura nito ng humarap sa kan'ya."Fvck!" malutong na mura n'ya ng makita na may takip ang buong mukha nito ng telang itim at ang tanging nakalabas lamang ay ang mga mata nito. Ang mga mata nito ay parang nanunuot sa kan'yang kaibutoran kapag tumingin sa kan'ya.Bumaba sa katawan ng taong kaharap ang kan'yang mga mata at doon n'ya na lang napagtanto na isang babae ang kan'yang kaharap."Who do you think?" malamig ang boses na sagot nito sa kan'ya na patanong rin. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay ng marinig ang boses ng babae. Pamilyar sa kan'ya at parang narinig n'ya na ito ngunit hindi n'ya lang matandaan kung saan
REGINALD DAEWOON...Imbes na bumalik sa bahay ni Troy ay nagpasya s'yang dumiretso sa headquarters ng Black Wagon dito sa Italy. Ngayon n'ya lang naalala ang Black Wagon pagkatapos ng lahat ng nangyari.Magulo ang kan'yang isip dahil sa mga babaeng bigla na lamang naglabasan mula sa kung saan at pilit na lumalapit sa kan'ya. Ngayon ay nadagdagan na naman ng isa at isa pang ninja assassin. Dati naman ay hindi s'ya namomroblema ng ganito sa mga babae ngunit ngayon ay halos mabaliw-baliw na s'ya sa kakaisip kung sino-sino ang mga ito.Kaya naisip n'ya na puntahan ang headquarters ng Black Wagon dito dahil nalaman n'ya na nandito si Nicollai ng mag notify sa tracker n'ya ang location ng kaibigan. Kapag nandito si Nicollai ibig sabihin ay nandito din ang asawa nito na s'yang may hawak ng buong Black Wagon.Hindi s'ya myembro ng Black Wagon ngunit malapit s'ya rito dahil ang founder nito ay ang lolo ni Nicollai at ang mga membrong assassin ay halos mga kilala n'ya rin at ang mga matataas
REGINALD DAEWOON..."Bakit mo s'ya hinahanap Red?" tanong ni Michelle sa kan'ya matapos nitong makipag-usap kay Cassy sa pamamagitan ng mga tingin. Iba talaga ang dalawang babae na ito. Idagdag mo pa ang asawa ni Howald at ang isa pa nitong kaibigan na si Phoenix.Naturingan ang mga ito na mga babae ngunit mas masahol pa sa kanilang mga lalaki kung gumalaw at magtrabaho."I just want to know her whereabouts!" seryosong sagot n'ya rito na ang tinutukoy ay ang tungkol kay Black Lily."Lalabanan mo s'ya? S'ya ba ang misyon na ibinigay sayo ng superior n'yo?" nakataas ang kilay na tanong ni Cassandra. "It doesn't matter Cas, I just need some random information about her at mukhang obvious naman na kilala n'ya s'ya," sagot n'ya rito. Nakikita n'ya sa dalawang babae na kilala ng mga ito si Black Lily at may alam ang mga asawa ng kan'yang kaibigan tungkol sa hinahanap n'ya."Of course we know here at alam namin na hindi mo s'ya kakayanin. She is more dangerous than us Red at baka pagsisisha
REGINALD DAEWOON..."Anong plano mo ngayon Red?" tanong ni Nicollai sa kan'ya. Sumeryoso na ang mukha nito at alam n'ya na seryosong usapan na ito sa kanila ng kaibigan."To stop him! Kailangan n'ya ng matigil sa lahat ng ka demonyohan nya," igting ang panga na sagot n'ya kay Nicollai."Are you going to confront him?" tanong ni Michelle sa kan'ya. "No!" tipid na sagot n'ya sa asawa ng kan'yang kaibigan. Mahinang natawa si Michelle ng marinig ang kan'yang sinabi."Yan tayo eh! Do it on your own Red, hindi lahat ng bagay ay idinadaan sa batas. Kung ako ang ginawan ng gan'yan ng impaktong matandang yon ay baka natadtad ko na ng bala ang katawan ng hayop na matanda na yon," nanggigil na sagot ni Michelle sa kan'ya."Ang harsh mo talaga wife! Kaya mahal na mahal kita eh, dahil wala kang sinasanto," singit naman ni Nicollai sa pag-uusap nila ng asawa nito."Shut up Evans! Baka ikaw ang tatadtarin ko ng bala dahil sa pabida-bida mo d'yan," singhal ni Michelle sa asawa nito. Agad naman na n
REGINALD DAEWOON....Nakauwi s'ya ng Pilipinas ng matiwasay. He is exhausted at ang dami n'yang iniisip. Ngayon lang naging magulo ng ganito ang isip n'ya.Dumiretso s'ya sa kan'yang condo. Gusto n'ya munang mapag-isa ngayon kaya naisip n'ya na dito dumiretso.Pumasok s'ya sa loob at pabagsak na naupo sa sofa. Isinandig n'ya ang kan'yang ulo sa likod ng sofa at marahas na nagbuga ng hangin. Pakiramdam n'ya ay hapong-hapong s'ya pagdating sa kan'yang condo.Nanatili s'ya ng ilang minuto sa ganong posisyon. Ipinikit n'ya ang kan'yang mga mata para makapaghinga saglit. Kailangan n'yang maipahinga ang katawan bago gagawin ang susunod na mga hakbang.Mukhang s'ya nga ang trip ngayon ng kanilang supremo pero hindi n'ya ito bibigyan ng pagkakataon na paglaruan s'ya. Kailangan na matigil ang mga ginagawa nito habang wala pa itong nasasaktan na ibang tao.Kung s'ya lang ay ayos lang sa kan'ya ngunit kapag may nadamay ng iba ay hindi na iyon tama. Kaya gagawin n'ya ang lahat para matigil na an
REGINALD DAEWOON..."Fvcking hell Spike, someone enter my house," nangangalaiti sa galit na sumbong n'ya sa kaibigan. Pag-aari ni Nicollai ang building na tinitirhan nilang magkakaibigan at alam n'ya kung gaano katindi ang security sa building ng prinsipe dahil s'ya mismo ang nag-ayos ng mga security system nito sa lahat ng mga negosyo."That's impossible Red! Paanong may nakakapasok sa unit mo, eh ikaw ang nag-ayos at gumawa ng lahat ng security system sa mga building ni Nicollai. At ang bahay mo ay hindi ganon-ganon mapapasok na gago ka!" sagot ng kaibigan sa kan'ya. Tinawagan n'ya ito habang nagmamaneho patungo sa kanilang headquarters. Isang camera ang nakita n'ya kanina na nasa ibabaw ng isang shelf sa kan'yang walk in closet.Kung hindi mo ito tututukan ay hindi mo mapapansin na isa itong camera. Napaka mautak ng naglagay nito dahil alam nito kung saan ilalagay na hindi agad-agad napapansin.At sigurado s'ya na hindi s'ya ang naglagay ng cctv camera sa kan'yang kwarto at sa clo
REGINALD DAEWOON... "Whooohhhh! That was awesome!" bulalas ng halos karamihan ng makabawi sa pagkagulat. "More! More! More!" sigaw naman ng iba na parang natutuwa sa nakikitang laban ng dalawa. Matandang babae na nakatungkod at isang malakas, malaki ang katawan, bata at mayabang na lalaki ang kalaban. Sino ang hindi ma excite lalo na ng makita ng lahat ang duguan at namamaga na mukha ng lalaki habang ang hinamon nitong matanda ay hindi man lang nahahawakan ng kalaban. "Fvck!" malutong na mura n'ya ng biglang sumugod ang lalaki kay Black Lily. Ngunit ang inakala n'ya na madadali na ito ng lalaki ay hindi nangyari. Kung bibilangin n'ya ay tatlong hakbang lang paatras ang ginawa ni Black Lily para mailagan ang ataki ng lalaki. Ngunit hindi nito binigyan ng pagkakataon na makabawi ang kalaban. Hindi pa ito nakakabalik sa maayos na posisyon ay bumagsak ulit ito sa sahig dahil sa paghataw ng matanda ng hawak na baston sa maselan na parti ng katawan nito. Makikita na hindi naman kalakas
REGINALD DAEWOON... Naghiyawan ang lahat ng e-anunsyo ni Cassandra ang nakagawiang duel sa mga bagong opisyal na myembro ng underworld. Kung gaano kalakas ang hiyawan ng lahat ay ganon naman ang pagkalabog ng kan'yang puso dahil sa sobrang kaba. Hindi n'ya alam kung bakit ganito ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Kinakabahan s'ya na hindi mawari. Siguro ay dahil napakatanda na nito para sumubok pa sa dwelo. Rules sa underworld na ang lahat ng bagohan na pillar ay kailangan na sasabak sa dwelo para malaman ang kakayahan ng mga ito. Kung makitaan ba ito ng kakayahan na protektahan ang underworld kung sakaling may gustong sumira at magpabagsak dito. Kung kaya ba nitong protektahan at ilaban ang underworld against the enemy. Kailangan na malakas at marunong makipaglaban ang lahat ng nasa taas. At para malaman ito ng lahat ay kailangan na makikipag dwelo ang bagong opisyal at ito ang pinakamahalagang pangyayari sa pagtitipon na iyon. "Whooooohhh! No offense pero kaya mo pa
REGINALD DAEWOON...Nasa underworld sila ng araw na iyon. Kasama ang kan'yang mga kaibigan at mga asawa nito ngunit hindi sila nag-uusap. Kapag nasa underworld sila ay parang hindi sila magkakilala at nag-uusap lang sila gamit ang kanilang mga mata.Kanina pa s'ya hindi mapakali sa kan'yang kinauupoan sa paghihintay kay Black Lily na ipakilala. Ngayong araw ipapakilala sa lahat ang mga bagong pillar ng underworld kaya halos lahat ng myembro ay nasa underworld.Lahat ng mga malalaking tao ay nandoon kaya sobrang higpit ng seguridad ng bawat isa. Hindi ka dapat nagtitiwala sa mga nakakaharap mo sa lugar na ito dahil bawat isa ay may mga lihim na agenda.Nakatayo s'ya sa sulok habang may hawak na isang baso ng whiskey na kinuha n'ya sa mga waiter na naglilibot para magbigay ng mga inumin. Inilibot n'ya ang kan'yang tingin sa paligid para magmanman.Namataan n'ya ang ibang kaibigan na kan'ya-kan'ya ng pwesto sa mga sulok ng lugar. Hindi pa nagsisimula ang assembly at hindi pa rin lumalaba
REGINALD DAEWOON... Dalawang linggo na ang nakalipas ng matapos silang mag-usap ni Goldy. Marami s'yang gustong malaman tungkol sa kan'yang ina at gusto n'ya itong tawagan ngunit naisip n'ya ang sinabi ng kan'yang daddy sa kan'ya noon. Pagdating ng tamang oras ay sasabihin ng mga ito sa kan'ya ang lahat. Marami din s'yang iniisip na iba sa ngayon kaya ipinagpaliban n'ya na lang muna ito. Naalala n'ya din na kailangan n'ya pa palang hanapin si Laurice. Naunsyami na ang paghahanap n'ya sa kan'yang kapatid dahil sa sunod-sunod at hindi inaasahang pangyayari sa kan'yang buhay. Pero kahit ganon ay hindi n'ya naman kinakalimutan ang kan'yang paghahanap dito kahit ilang dekada na ang dumaan sa kan'yang paghahanap. Hindi pa rin s'ya nawawalan ng pag-asa at malakas ang kan'yang paniniwala na buhay pa ito. Nagpatong-patong na ang kan'yang mga kailangan gawin at mga iniisip at kailangan n'ya ng magbawas para naman gumagaan-gaan naman ang kan'yang trabaho. Nagmamaneho s'ya patungo sa secre
REGINALD DAEWOON... "What is our plan now?" tanong n'ya kay Goldy habang nagmamaneho sila pauwi. Matapos ang mahabang pag-uusap nila ay mas pinili n'yang intindihin ito kaysa magalit sa dalaga. Dahil kung tutuusin ay mas malaki ang sinakripisyo ni Goldy kaysa sa kan'ya kaya wala s'yang karapatan na magalit dito. Naipaliwanag na nito ang side nito at kahit alam n'ya na marami pang mga bagay na tinatago si Goldy sa kan'ya ay ipinagwalang bahala n'ya na lang muna ito. Katulad sa nangyari ngayon kapag dumating ang araw na magsasabi na ito sa kan'ya ay pipiliin n'ya pa rin na intindihin ito kaysa magalit sa kasintahan. Siguro ay ganon lang katindi ang pagmamahal n'ya kay Goldy kaya nasasapawan ng pagmamahal ang mga tampo n'ya sa dalaga. Tunay nga ang kasabihan na love works in mysterious ways at isa na s'ya sa nakaranas ng ganon. Kahit ano pa ang tampo, galit at inis n'ya ngunit nasasapawan lang ito palagi ng pagmamahal n'ya kay Goldy. Pero kahit ganon ay wala s'yang kahit na katiting
REGINALD DAEWOON... "I'm sorry! I'm sorry!" paulit-ulit na paghingi n'ya ng tawad sa kasintahan habang pareho nilang sapo ang kani-kanilang pisngi at pareho din na umiiyak. "Wala kang dapat na ihingi ng tawad Red! Desisyon ko ang lahat at ako ang dapat na humingi ng tawad sayo. Sa pagtago ko kay Braxx mula sayo at sa paglayo ko sa anak natin. Soon, you will understand why I did all of those. Basta ang tanging gusto ko lang ay mailigtas ang anak natin at mailayo sa kapahamakan," sagot ng kasintahan sa kan'ya. Sunod-sunod s'yang tumango dito at mas sinapo pa ng mahigpit ang pisngi ng dalaga. Inilapit n'ya din ang kan'yang sarili para halikan si Goldy sa noo. Mariin itong napapikit ng dumampi sa noo nito ang kan'yang labi. "I love you! Mahal na mahal kita babe," puno ng pagmamahal na sabi n'ya sa kasintahan habang sapo pa rin ang pisngi nito. Alam n'ya sa kan'yang sarili na mahal n'ya si Goldy at totoo ang kan'yang nararamdaman dito. "Mahal na mahal din kita Red! Kayong dalawa ng an
REGINALD DAEWOON..."Fine! Kung ayaw mong sabihin sa akin ang totoo ay ayos lang basta sa susunod na may malalaman pa ako tungkol sayo ay hindi ko maipapangako kung magiging maayos pa rin tayo. I just want you to be honest with me Goldy dahil ganon din ako sayo. Wala akong inilihim at alam mo ang lahat sa akin," matigas na sabi n'ya rito ng hindi ito sumagot sa mga tanong n'ya.Parang may kung anong pumipigil dito na hindi masabi sa kan'ya ang totoo.Nakamata lamang ito sa kan'ya at hindi nagsasalita kaya wala s'yang nagawa kundi ang bumuga ng hangin para alisin ang bigat na nararamdaman sa kan'yang puso. Sa hitsura ng kasintahan ngayon ay malabong mapakwento n'ya ito ng gusto n'yang malaman.Inilibot n'ya ang tingin sa paligid hanggang sa magawi ang kan'yang tingin sa isang mesa sa sulok kung saan ay may iba't-ibang prosthetic mask na nakapatong. Dali-dali s'yang lumapit dito at isa-isa itong tiningnan ngunit wala sa mga ito ang kan'yang hinahanap."That's Liam's project," narinig n
REGINALD DAEWOON..."I'm sorry, Red," mababa ang boses na paghingi ni Goldy ng paumanhin sa kan'ya. Walang kahit isa sa kan'yang mga tanong ang sinagot ng babae. Napailing s'ya habang mapait na ngumiti dito.Umasa s'ya na sasagutin nito ang kan'yang pakiusap para maayos n'ya ang lahat at makapamuhay na sila ng maayos at tahimik na tatlo ng anak nila ngunit bigo s'ya sa may makuhang sagot mula rito."How can we fix this kung ayaw mong magsalita, Goldy?" puno ng hinanakit na tanong n'ya sa kasintahan. Nagbuga ito ng hangin ngunit hindi pa rin nagsalita. Wala s'yang magawa kung ayaw nitong ibuka ang mga labi para sabihin sa kan'ya ang lahat.Walang mangyayari kung pipilitin n'ya ito. Mas lalo lang magulo ang lahat at mag-aaway lang sila. Mahal n'ya ito at nasaktan s'ya ng malaman ang paglilihim nito sa kan'ya ngunit hindi kabawasan iyon sa kan'yang pagmamahal sa babae.S'ya na lang ang gagawa ng paraan para malaman ang lahat dahil kung hihintayin n'ya ito ay baka abutin na sila ng syam-s
REGINALD DAEWOON..."Ikaw? What are you doing here?" sunod-sunod na tanong n'ya sa babae ng makabawi mula sa pagkagulat. Hindi n'ya inaasahan ang biglang pagsulpot nito sa lugar kung saan s'ya dinala ni Goldy."This is my house, remember? Dito mo ako sinundan noon," nakataas ang kilay na sagot nito sa kan'ya. Napasapo s'ya sa kan'yang ulo ng marinig ang sagot nito. Hindi ito nagsisinungaling, dito n'ya ito sinundan noon at dito n'ya rin ito naabutan."Got your tongue cut, Red?" tanong ng babae sa kan'ya ng hindi s'ya nakapagsalita na agad n'ya namang ikinatingin dito. Ibang-iba ang tono nito at hindi s'ya pwedeng magkamali.Naririnig n'ya sa babae ang boses ni Goldy ng mga oras na iyon. Mariin n'ya itong pinakatitigan at sinusundan ang bawat galaw ng eyeballs nito at ng labi para malaman ang totoo. At sa bawat galaw ng labi nito at galaw ng mga mata ay may napagtanto s'ya sa kan'yang sarili ngunit gusto n'yang siguraduhin kung tama ang kan'yang hinala.At ng hindi pa s'ya makuntento