Home / Romance / GOT TO BELIEVE IN LOVE / GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 116

Share

GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 116

Author: MIKS DELOSO
last update Huling Na-update: 2025-01-17 23:07:48

Napatigil si Lena, at agad niyang napatakpan ang bibig niya. “Dianne… bakit hindi mo sinabi sa amin? Bakit mo sinarili ang lahat ng ito?”

“Alam kong hindi ninyo matatanggap,” sagot ni Dianne, habang pumapatak ang luha sa kanyang mga mata. “Pero wala na akong ibang paraan, Ma. Kinailangan ko itong gawin para mailigtas si Eric. Ang pagiging surrogate ang tanging paraan para magkaroon tayo ng pera noon.”

“Pero anak…” dagdag ni Pedro, halatang hindi matanggap ang naririnig. “Bakit mo isinugal ang sarili mo para sa kanila? Bakit hindi ka lumapit sa amin?”

“Pa, alam ko pong gusto ninyong tulungan ako, pero alam kong wala rin kayong magagawa noon. Masakit man, kinailangan kong akuin ang lahat ng ito para sa pamilya natin,” sagot ni Dianne, habang umiiyak.

Nagpatuloy si Dianne, ipinaliwanag kung paano namatay si Tiffany sa isang aksidente at kung paanong ang relasyon nila ni Drake ay unti-unting nagbago. “Hindi ko po ito inaasahan, Ma, Pa. Pero sa kabila ng lahat, natutunan naming magmahalan
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 117

    Ang mga gabi ni Ruby ay punong-puno ng mga madidilim na pag-iisip. Sa bawat sandali ng kanyang pagkatalo, nararamdaman niyang ang kanyang mundo ay unti-unting gumuho. Si Dianne—ang babaeng patuloy na nagpapakita ng pagmamahal kay Drake, na parang hindi siya kayang tapatan. Ang sakit na dulot ng pagkatalo ay nagpapaalab sa kanyang galit. Hindi siya handang mawalan ng lahat ng ito. Kung hindi niya makakamtan si Drake, kung hindi siya ang pipiliin nito, wala na siyang pakialam kung anong madilim na landas ang tatahakin niya.Hindi siya puwedeng mawalan ng lahat ng ito. Kung hindi siya ang makikinabang, wala nang ibang makikinabang. Pinipilit niyang patahimikin ang kanyang konsensya, ngunit ang bawat hakbang patungo sa kanyang madilim na plano ay mas nagpapalakas sa kanya. Kung sa ngayon ay nagnanais lang siya ng pagkakaroon ng kapangyarihan at kontrol, nagsimula nang magbago ang lahat. Nais niyang magsimula ng isang mas malupit na hakbang.Lumapit siya sa isang underworld contact—isang l

    Huling Na-update : 2025-01-18
  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 118

    “Isang hakbang na lang,” sabi niya sa sarili, ang tinig niya ay puno ng determinasyon. “Kapag natapos na ito, ako na. Si Drake lang ang magiging akin.”Ang mga mata ni Ruby ay puno ng galit, at habang iniisip ang bawat detalye ng plano, ang kanyang konsensya ay unti-unting lumilipad sa dilim. Hindi na siya makaramdam ng awa. Ang tanging layunin niya ay makuha si Drake, at handa siyang gawin ang anumang kinakailangan. Ang kanyang galit at pagkatalo ay naging gabay sa kanya, at sa pagnanais na muling magkaroon ng kontrol, niyakap niya ang plano ng walang pag-aalinlangan.Tinutok ni Ruby ang kanyang tingin sa lahat ng aspeto ng kanyang plano. Hindi siya magpapakita ng kahinaan. Ang bawat hakbang ay minanipula, at ang bawat detalye ay pinlano nang maayos. Isang malaking sakripisyo para kay Dianne, ngunit isang panalo para kay Ruby—iyan ang tanging inisip niya.Ang lalaki na kanyang kinontak upang tumulong ay patuloy na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga galaw ni Dianne. “Magiging ma

    Huling Na-update : 2025-01-18
  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 119

    Sa kabilang banda, habang masaya si Dianne at Drake sa kanilang bagong simula, unti-unti namang umuusad ang madilim na plano ni Ruby. Ang mga taong hinire niya ay nagsimula nang magplano ng eksaktong detalye ng pagkidnap kay Dianne. Sa isang madilim na silid na puno ng usok ng sigarilyo at amoy ng lumang kahoy, nagtipon ang grupo ng mga bayarang tauhan ni Ruby, handang isakatuparan ang anuman para sa tamang halaga.“Dapat eksakto ang kilos natin. Walang sablay,” sabi ng lider ng grupo, isang lalaking may malaking peklat sa kaliwang pisngi, habang pinapakita ang blueprint ng lugar kung saan kadalasang dumadaan si Dianne at Drake.“Siguraduhin nating malinis ang trabaho. Hindi pwedeng malaman kung sino ang nasa likod nito,” dagdag pa niya, kasabay ng malamig na tingin sa bawat isa sa mga kasama niya. Ang mga tauhan niya’y tahimik na nakikinig, ngunit halata sa mga mata nila ang kawalan ng alinlangan sa gagawin. Isa lamang itong "negosyo" para sa kanila.“Paano kung lumaban siya?” tanong

    Huling Na-update : 2025-01-19
  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 120

    Habang ang mga araw ay dumadaan, ang buhay ni Dianne at Drake ay puno ng pagmamahal at kaligayahan. Isang simpleng buhay na puno ng pag-aalaga at pagmamahal sa kanilang anak na si Elise. Ngunit sa kabila ng kanilang tahimik na buhay, may madilim na anino na palihim na lumalapit.Isang hapon, habang naglalaro si Elise sa garden, magkahawak kamay sina Dianne at Drake, nag-uusap at nagpaplano ng kanilang hinaharap. Ang saya ng mga sandaling iyon ay hindi nila alam na malapit na silang madurog ng isang kasamaan.“Alam mo, Drake, hindi ko na kayang isipin pa ang mga nangyari sa nakaraan,” sabi ni Dianne habang pinapanood ang anak na masaya. “Minsan, naiisip ko kung magiging ganito pa rin tayo, walang sagabal, walang mga takot.”Ngumiti si Dianne at napayakap kay Drake, ang puso niya’y puno ng pasasalamat at pagmamahal. “Alam ko, Drake,” sagot niya habang dahan-dahang tinatapik ang likod nito. “Tama ka. Lahat ng ito, ginagawa natin para kay Elise. Para sa pamilya natin. Kaya’t hindi ko na m

    Huling Na-update : 2025-01-20
  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 121

    “Ha! Ganyan ba ang tingin mo sa akin, Drake? Tanging si Dianne lang ang kaya mong mahalin?” Sumabog ang galit sa bawat salita ni Ruby. “Hindi mo ba nakikita? Pinilit kong gawin ang lahat para sa iyo, Drake. Pinilit kong patunayan na kaya ko, na ako ang tamang babae para sa'yo. Pero ikaw... ikaw ay bulag sa mga sakripisyo ko. At ang masakit, hindi ka pa rin natuto na ang pagmamahal ko sa’yo ay hindi isang laro! Hindi ko kaya na ikaw ang maging maligaya sa iba!”Tumapik si Drake sa balikat ni Dianne, na nakatayo sa kanyang tabi, at tinitigan si Ruby ng malalim na mata. “Hindi ko kayang pahirapan ang puso mo, Ruby. Hindi ko kayang ipagpatuloy ang galit na ito. Pinili ko na ang landas na ito kasama si Dianne. Kung hindi mo kayang tanggapin ito, wala na akong magagawa.”Si Ruby ay huminga nang malalim, ang mga mata ay tila naglalabas ng apoy. “Bakit, Drake? Bakit si Dianne na lang? Hindi mo ba ako minahal kahit kaunti? Ano bang kulang sa akin na wala siya? Kung alam mo lang kung gaano ko p

    Huling Na-update : 2025-01-20
  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 122

    Sa kabila ng mga pangakong binitiwan ni Drake, nanatili pa rin ang kaba sa dibdib ni Dianne. Alam niya sa kanyang puso na hindi basta-basta titigil si Ruby. Ang sinabi nito—puno ng galit at determinasyon—ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan.Habang mahimbing na natutulog si Elise sa kanyang kuna, tahimik na nag-usap sina Dianne at Drake sa sala. Hawak ni Dianne ang isang tasa ng mainit na tsaa, ngunit hindi iyon sapat upang palamigin ang tensyon sa kanyang pakiramdam."Drake," panimula ni Dianne, "hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis sa isip ko si Ruby. Ramdam ko, may mas malalim siyang binabalak. Hindi ito basta selos lang. Parang... parang may panganib na paparating."Napabuntong-hininga si Drake, pinipilit na panatilihin ang pagiging kalmado. "Alam ko, Dianne. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Pero hindi natin hahayaang guluhin niya ang buhay natin. Magiging maingat tayo. Magpapalakas tayo ng seguridad sa bahay. At kung kinakailangan, hihingi tayo ng tulong mula sa

    Huling Na-update : 2025-01-21
  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 123

    “Maghintay kayo,” muling sabi ni Ruby sa sarili habang tumatayo, pilit pinapakalma ang nagngangalit na emosyon sa kanyang dibdib. Ang desisyon niyang maghintay ay pansamantala lamang—isang paraan upang pag-isipan ang susunod na hakbang, mas maingat at mas tiyak. Ngunit sa ilalim ng lahat ng ito, alam niyang hindi pa tapos ang laban niya.Lumapit siya sa salamin, tinitingnan ang sariling repleksyon na puno ng galit at pagkadesperado. “Hindi ko pwedeng pabayaan na maging masaya sila habang ako’y nagdurusa,” bulong niya, ang kanyang mga mata’y punong-puno ng determinasyon. “Kapag nawala si Dianne, lahat ng ito ay matatapos. Si Drake at Elise ay magiging akin.”Habang naglalakad papunta sa kanyang mesa, kinuha niya ang isang notepad at sinimulan ang bagong plano. Mas tiyak, mas madugo, mas walang kapatawaran. Ang kunsensiyang nagpahinto sa kanya kanina ay unti-unting naglalaho sa gitna ng kanyang kagustuhang makuha ang lahat ng ninanais.“Dapat wala nang sagabal,” aniya habang nagsusulat

    Huling Na-update : 2025-01-21
  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 124

    Habang papalabas na ang pamilya nina Drake mula sa ospital, maingat na tumayo ang isa sa mga tauhan sa likod ng isang sasakyan. Sinubukan niyang kumuha ng mas magandang anggulo para masundan ang kilos ng mag-anak.Samantala, si Dianne ay nananatiling alerto. Habang karga si Elise, naramdaman niyang tila may mga matang nakamasid sa kanila. Naglakad siya nang mas malapit kay Drake, hawak ang kanyang braso. “Mahal, parang may kakaiba. Parang may nakatingin sa atin,” bulong niya.Tumigil si Drake at tumingin sa paligid, ngunit hindi niya nakita ang mga tauhang nagtatago sa malalayong sulok. “Relax, Dianne. Walang masama. Marami lang tao dahil weekend ngayon. Siguro nai-stress ka lang.”Ngunit hindi mapakali si Dianne. Ang kanyang puso ay tila nagpapahiwatig ng panganib na hindi niya maipaliwanag.“Boss, papalapit na sila sa parking lot,” sabi ng isa sa mga tauhan sa radyo.“Maghintay pa. Gusto kong tiyakin na walang makakaharang sa atin,” sagot ng lider habang pinipisil ang kanyang baril

    Huling Na-update : 2025-01-21

Pinakabagong kabanata

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 135

    Napansin iyon ng tauhan ni Ruby na nakaupo sa harapan. Agad itong bumaling sa kanya, ang mga mata ay galit at mapanganib. “May balak ka pang lumaban, ha?!” sigaw nito habang mabilis na nilapitan si Dianne. Sa galit, sinampal nito si Dianne nang malakas, dahilan upang mapangiwi siya sa sakit.“Huwag ka nang magmatigas!” dagdag ng lalaki, ang boses ay puno ng pananakot. “Huwag ka magmadali, malapit na tayo sa katapusan mo!”Hindi umimik si Dianne, ngunit ang galit sa kanyang puso ay lalong lumaki. Sa kabila ng sakit at takot, pinilit niyang magpakatatag. Alam niyang hindi siya pwedeng sumuko. Pilit niyang itinatago ang bakal na nasa kanyang kamay, naghihintay ng tamang pagkakataon.“Ang tapang mo,” muling sabi ng lalaki. “Pero tingnan natin kung gaano katibay ang loob mo kapag nasa harapan ka na ni Ma’am Ruby.”Sa kabila ng mga salita nito, hindi pinakawalan ni Dianne ang bakal sa kanyang kamay. Ang kanyang puso ay malakas na tumitibok, ngunit ang kanyang isip ay malinaw: kailangang mak

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 134

    Habang nasa daan papunta sa Davao Municipal Hospital, magkahalong kaba at pag-asa ang nararamdaman nina Dianne at Drake. Si Dianne ay tahimik na nakatingin sa labas ng bintana habang mahigpit ang hawak ni Drake sa manibela. Nang makarating sila sa ospital, maingat nilang binaba si Pedro na dinala agad ng mga nurse sa emergency room. Nakaluwag ng kaunti ang pakiramdam ni Dianne nang masigurong maasikaso ang kanyang ama."Mahal, sigurado ka bang magiging okay si Papa dito?" tanong ni Dianne, ang boses ay puno ng alalahanin."May mga tao akong iniwan dito para magbantay," sagot ni Drake habang hinahaplos ang likod ng asawa. "Hindi natin pwedeng pabayaan si Elise, kaya kailangan na nating umalis. Mas ligtas tayo kung hindi tayo magtatagal sa iisang lugar."Napilitan si Dianne na sumunod, bagama’t mabigat ang kanyang puso. Nang makalabas sila ng ospital, sumakay sila agad sa sasakyan. Si Drake ay tumingin sa rearview mirror, binabantayan kung may mga sasakyan o taong kahina-hinala.Habang

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 133

    Habang nakaupo si Dianne sa gilid ng kama ng kanyang ama, mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. Ang bawat hibla ng kanyang puso ay nagdarasal na gumaling si Pedro sa lalong madaling panahon. Sa likod niya, si Drake ay nananatiling alerto, ang kanyang mga mata ay hindi nagpapahinga sa pagmamasid sa bawat galaw sa paligid ng ospital."Dianne," bulong ni Drake, ang boses ay puno ng pag-aalala ngunit mahinahon. "Alam kong mahalaga si Papa Pedro sa'yo, pero kailangan nating maging handa. Hindi tayo pwedeng magpakampante. Nandito ako para sa'yo, pero kailangan mo rin akong tulungan na panatilihin tayong ligtas."Napatingin si Dianne sa kanyang asawa, ang mga mata ay puno ng emosyon. "Drake, naiintindihan ko. Pero sa sandaling ito, ang gusto ko lang ay maramdaman ni Papa na hindi siya nag-iisa. Naiintindihan ko ang panganib, pero hindi ko pwedeng pabayaan ang pamilya ko."Bago pa man makasagot si Drake, biglang tumunog ang telepono nito. Mabilis niya itong sinagot, at sa kabilang linya a

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 132

    Habang si Drake ay nakatayo sa labas ng ospital, pinapanood niya ang bawat galaw ng mga tao sa paligid. Sa kabila ng tila normal na araw, ang kanyang kutob ay mas lalong nagiging mabigat. Ang bawat tunog ng pintuan, bawat yabag ng tao, at kahit ang mahinang ingay ng mga sasakyan sa paradahan ay tila may dalang babala."Sir," tumawag ang isa sa kanyang mga tauhan mula sa earpiece. "May gumalaw sa loob ng kahina-hinalang sasakyan. Isang lalaki ang bumaba at naglakad papunta sa harap ng ospital. Nasa paligid niya ang dalawa pang kasamahan, pero nanatili sila sa loob ng sasakyan."Agad na naging mas alerto si Drake. "Huwag kayong kikilos hangga't hindi kinakailangan. Manatili kayong nakaantabay, pero siguraduhin ninyong hindi sila lalapit sa entrance.""Roger that, Sir," sagot ng tauhan.Sa kabila ng kanyang tahimik na panlabas na kilos, si Drake ay nakikipaglaban sa loob. Ang ideya na nasa panganib si Dianne at ang kanyang pamilya ay nagpapabigat sa kanyang dibdib. Ngunit kailangan niyan

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 131

    Isang tahimik na umaga sa mansyon nina Dianne at Drake nang biglang tumunog ang telepono. Tumigil si Dianne sa pag-aasikaso kay Elise, at agad na sinagot ang tawag. Ang tinig mula sa kabilang linya ay nagdala ng matinding kaba sa kanyang puso.“Dianne, anak…” basag ang tinig ng kanyang ina, si Lena. “Ang tatay mo... naaksidente sa bukid. Ang traktora, muntikan na siyang lamunin ng gulong!”Natigilan si Dianne, nanginginig ang mga kamay habang pilit pinoproseso ang narinig. Napalitan ng alala ang kanyang mukha at agad siyang tumayo.“Drake!” sigaw niya, nanginginig ang tinig at halatang nag-aalala. “Naaksidente si Papa! Kailangan natin siyang makita ngayon din!”Agad na tumayo si Drake mula sa kanyang inuupuan. Kita sa kanyang mukha ang pag-aalala, ngunit pinilit niyang manatiling kalmado. Lumapit siya kay Dianne at hinawakan ang kanyang mga balikat. “Mahal, huminahon ka muna. Tatawag ako sa mga bantay natin. Sisiguraduhin nating ligtas ang lahat bago tayo umalis.”Ngunit umiling si Di

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 130

    Sa mga sumunod na araw, patuloy na nagbabantay ang mga tauhan ni Ruby, ngunit ang pamilya nina Dianne at Drake ay mas naging alerto. Tinututukan ni Drake ang bawat galaw ng kanilang mga bantay at sigurado siyang walang makakalapit sa kanilang tahanan nang hindi nila alam.Isang araw, habang naglalakad si Dianne at Drake sa paligid ng bahay, napansin ni Dianne ang isang lalaki na mabilis na dumaan sa kanilang kalsada. “Drake,” tawag ni Dianne nang mapansin ang lalaki. "Parang may nakita akong hindi pamilyar na tao na dumaan."Tinutok ni Drake ang kanyang mata sa direksyon na tinutukoy ni Dianne. "Mahal, sigurado kang hindi lang iyon ang nagmamasid sa atin? Wala na yatang nakalusot sa atin," sagot ni Drake habang pinapakita ang kanyang mga mata na puno ng pag-aalala."I don’t know, Drake... Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan, pero may pakiramdam akong hindi normal ang nangyayari," sagot ni Dianne, ang boses ay puno ng takot. "Puwede bang may plano si Ruby?"Nais man ni Drake na magb

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 129

    Habang ang pamilya nina Dianne at Drake ay nagsasama-sama sa isang sandaling tahimik na kaligayahan, ang mga anino ng nakaraan ay patuloy na nagmumulto sa kanilang mga isip. Ang mga saloobin nila ay hindi maiwasang mapuno ng alalahanin, habang ang lihim na plano ni Ruby ay patuloy na naglalakad sa dilim, naghihintay ng pagkakataon upang magpataw ng kahatulan.Si Dianne, habang nag-aalaga kay Elise at tinitingnan ang mga mata ng magulang ni Tiffany, ay hindi maalis ang tensyon na nararamdaman sa kanyang dibdib. Ang bawat galak na nararamdaman niya sa presensya ng mga magulang ni Tiffany ay may kasamang takot at pangarap na sana hindi na ito magbago."Mag-ingat tayo," ang bulong ni Drake habang hawak ang kamay ni Dianne. "Hindi pa tapos ang laban na ito. Si Ruby, hindi titigil hangga't hindi niya nakakamtan ang gusto niya. Pero hindi natin siya papayagan."Tinutok ni Dianne ang mata kay Drake, ang mga labi ay nagngingipin ng determinasyon. "Hindi ko kayang makita kayong nasasaktan. Si E

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 128

    Si Ruby, sa kabila ng lahat ng takot at pangarap, ay patuloy na naglalakbay sa landas ng dilim. Ang mga mata niya'y puno ng galit at pangarap ng paghihiganti. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakakamtan ang layunin niyang makuha si Drake at sirain ang buhay ni Dianne. Bawat hakbang ay may kabigatan, ngunit ang determinasyon niya ay mas matindi pa. Alam niyang ang bawat pagkatalo ay maghahatid sa kanya ng higit pang galit, at sa kabila ng lahat ng iyon, naniniwala siyang siya ang may huling halakhak.Habang ang mga tauhan ni Ruby ay patuloy na nagsasagawa ng kanilang plano, nagiging mas mahigpit ang seguridad nina Drake at Dianne. Ngunit hindi pa rin alam ng mga ito na si Ruby ay patuloy na nagmamasid mula sa dilim, naghihintay ng pagkakataon na kumilos at tuluyang makuha ang lahat ng gusto niya.Isang gabi, habang ang mag-asawa ay nagpapahinga sa bahay, ang takot ay muling dumapo kay Dianne. Tinutukso siya ng mga alaala ng mga banta at ang pakiramdam ng pagkakaroon ng kaaway sa

  • GOT TO BELIEVE IN LOVE   GOT TO BELIEVE IN LOVE CHAPTER 127

    Tinutok ni Dianne ang mga mata kay Drake, naramdaman ang bigat ng sitwasyon, ngunit nagpasya siyang maging malakas para sa kanilang pamilya. “Hindi tayo magpapatalo, mahal. May mga taong nagmamahal sa atin at magtutulungan tayo upang malampasan ito.”Sa kabila ng kanilang mga plano, hindi nila maaalis sa kanilang isipan na ang banta ay patuloy na kumakalat sa paligid nila. Ngunit ang pagmamahal at dedikasyon nila sa isa’t isa ay nagsilbing lakas upang patuloy na lumaban.Habang si Ruby ay tahimik na nagmamasid mula sa malayo, ang kanyang galit ay naglalagablab, at sa kanyang mga mata, ang pagkatalo ni Dianne ay tila isang misyon na hindi matitinag. Alam niyang darating ang oras na magiging tadhana na nila si Drake—ngunit sa kabila ng lahat ng plano, hindi pa rin siya makakapaghanda sa mga susunod na pagsubok na maghuhubog sa kanilang mga buhay.Sa bawat sandali, ang galit ni Ruby ay lumalalim. Hindi niya kayang tanggapin na, sa kabila ng lahat ng ginawa niyang pagsusumikap at sakripis

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status