Kasalukuyang inaayos ni Maxim ang pagkain ng mga bata na hindi pa rin naka-recover sa pagkámátay ng kapatid. Kahit siya, masakit para sa kaniya na wala na si Andrei. Masyado pang bata ang mga ito para masaksihan ang mga ganitong klaseng insidente at walang ibang tatayo bilang guardian ng mga ito kundi siya. Ngunit nandiyan ang ama niyang nagbulontaryo rin na maging ama ng mga ito. Nasa Auckland na ang mga nasalantang miyembro pero sila Arian and Alec pati ang anak ni Hake ay naiwan. Walang guardian ang mga ito kaya pinaiwan na lang muna. Pero sasama ang mga ito kapag bumalik na ang kaniyang ama kasama ang grupo sa Auckland.Lumapit naman ito sa kaniya at sinabing, "Ibigay mo na sa akin ang mga bata, punta ka muna kay Mother Huimei, gusto ka niyang makausap."Heto na naman, mararamdaman na naman niya ang parang nasa loob na madilim na sulok nagtatago sa mabangis na halimaw. Natatakot siya sa Moretti Queen dahil alam niya ang kaya nitong gawin sa loob ng isang segundo lamang. "Eh...ba
Isang malaking barko rin ngayon ang mula sa D'Arco ang paparating. Nagsitayuan na ang mga sundalo, at nagsalita si Pvt. Santos, "War na ba, Sarge?"Sa tanong na iyon lahat ng kasama nila tumingin sa kaniya. "Atras siguro muna tayo," ani ni Sarge na nakatitig sa kaniya. "Wag niyo nga akong ituring na weakling dito? Isang barko rin ng mga lumusob sa isla ng asawa ko noon ang pinalubog ko sa dagat ah," rason naman niya. Kaya lalo niyang naramdaman na defenseless siya kasi lahat inaalala siya, tinuturing siyang dapat protektahan, pakiramdam niya umaasa lang siya. Tumahimik naman ang mga ito. "Sugod kung sugod. Moretti nanay ko, assasin mga kapatid ko, boss ang asawa ko. Kaya ko ito.""At ang anak mo?" tanong ni Darwin."Bakit inaano ka ba ng anak ko? Safe siya sa tiyan ko, okay?" Bumusangot siya. "Tama siya, wala ba kayong tiwala?" kunsinte naman ni Cassandra. "Lagot tayo kay Boss kapag napahamak ang asawa niya ha!" singit naman ni Jolo. "Wag niyong maliitin si Clary. Dahil sa abilid
Paulit-ulit ginagawa ni Maxim ang sinasabi ni Xiang Fei na spiral whipstrike technique pero ilang beses niyang ginawa, bagsak lang ulo niya sa sahig, balikat, likod hindi man lang siya nakakaikot. Minsan pa ay siya ang sinasakal ng Bullwhip niya, kung nakalabas ang blade nito kanina pa siya pâtây. Ayon kasi kay Xiang Fei, tatambling raw siya at kapag nasa baba banda ang ulo niya dapat nakaikot siya, as in 'spin' at naka-spiral formation ang latigo niya pero nakailang ulit siya nabugbog lang siya ng sahig hindi pa rin niya makuha. "Sigurado ka ba ginagawa ko ito?" duda na naman niyang tanong, hingal na hingal na at pinagpapawisan pa.Nag-cross lang ito ng mga braso at palakad-lakad sa harapan niya habang siya naman ay nakaupo sa sahig, himas-himas ang ulo kasi nauntog na naman. "Alam mo ba kung bakit ka tinawag na smasherserpent?" "Dahil dito?" tinuro niya ang sarili pero technique niya ang tinutukoy. "Hindi katawan mo ang kumikilos ahas kundi ang bullwhip," pagtama nito. Nilatag
"Grabe first time ito ang lakas ng ulan!" puna ni Caitlin sa malakas na buhos ng ulan. Malapit na rin kasi maghapon at sa mahigit isang linggo na nila rito, ngayon lang sila dinanas ng ulan. Mabilisang galaw naman ang mga sundalo para maglagay ng malapad na tolda para hindi mabasa ang lupa na nilalapagan ng mga tent nila."Buti na lang talaga naisipan ni Jolo magdala ng tent, laki ng tulong sa ganitong panahon," ani naman ni Cassandra, panay silip sa labas. Tent kasi ang laman ng isang bag na dala nito, ang mas malaki. Parang katulad sa tent ni Sarge na parang bahay, pinalubo lang. Kaya tatlo silang magkambal sa tent ni Sarge at si Sarge kasama nila Darwin at Jolo sa tent na iyon. "Hindi naman aabot ang alon dito kapag malakas no?" tanong naman niya, nakapulupot ang kumot sa katawan. "Mataas na dito kaya hindi iyan," sagot naman ni Caitlin. Sa ganitong sitwasyon ni Clary, for sure ayaw ni Knox na maranasan niya ito. Ano kaya ang iniisip ng asawa niya ngayon? Hinahanap kaya siya
Naging malupit na ang dagat, malaki ang yate nila, ngunit kahit may protective shield ito at hindi na napapasukan ng tubig nauuga pa rin ito sa lakad ng alon at pakaliwa-kanan na ang mga gamit na hindi naka-fix sa sahig.Si Art, tinatalo ng antok niya, kasalukuyan siyang nasa deck at nakaupo sa lounge chair antok na antok dahil sa lamig ng panahon, ngunit nang umuga ang barko, as in tumagilid, gumalaw ang upuan niya papunta sa gilid dahilan para maalimpungatan siya't napaangat ng likod ngunit pagbalik higa ng yate nawalan siya ng balanse at nahulog sa sahig. Napasigaw ng, "What the hell?!" Muling tumagilid ang yate at dinala na naman siya sa gilid, dikit sa upuan at pagbalik naapakan nito ang likuran niya. Napamura siya sa sakit at mabilis na tumayo. Ngunit tumagilid ulit at binalik lang siya nito sa pag-upo at inuntog pa sa pader. Saka lang siya nakabawi sa ulirat niya at napahawak sa ulo. "Damn it."Sobrang katawa-tawa ng sitwasyon, kung may nakakita lang sa kaniya, sigurado lalaka
"Seriously?" tanong na lang ni Knox pagpasok niya sa galley at nadatnan niya ang dalawa, Maxim and Ian na tulog na pero nakayakap pa rin sa mga case ng alak at ang buong paligid ay puro crystal na basag. Kumalma na ang hangin, umuulan pa rin pero hindi na ganoon kalakas. Hindi na rin masyadong maalon ang dagat at umaga na. Napaawang na lang ang mga labi niyang maintindihan ang ginawa ng mga ito. Pero wala siya sa mood magalit, sobrang antok siya. Pinalitan kasi siya ni Art kung kailan wala nang bagyo. May dugo ito sa ulo pero hindi naman malala. Halata dahil maayos naman ang kilos. Ang mahirap lang talaga itimpi dahil iyong mga alak ang walang basag pero mga plato, baso, mamahaling frame at figurines, basag. Ayos lang ang mga mamahaling collections niya pero sana ang nga wine glass, ang refrigerator lalo na ang platera sana prinotektahan. Basag iyon lahat, kaya napahilot-hilot na lang siya sa noo niya. "I'm tired," inis niyang bulong at umalis na lang. Napatingin siya sa suot niya
Lumipas na ang isa pang gabi at mag-uumaga na naman ulit. Si Ian na naman ang nasa Bridge ng yate, para magpatakbo nito. Mabuti na lang may kaalaman si Ian tungkol sa bagay na ito, dati kasi itong tao ni Jasper at ayon rito ang obligasyon nito kay Jasper ay ang magmaneho ng mga barko. Dalawa sila ni Hake kaya kahit papaano maasahan niya ito sa barko. Nakikita niya kapag mag-isa ang lalaking iyon malungkot itong nag-iisip. Naintindihan niya na masakit pa rin ang pinagdadanan nito. Makitang sinusunog ng buhay ang ama at kapatid ay sobrang saklap talaga. Sana nga hindi ito babaliktad at kalabanin sila, sana mananatiling malawak ang pang-uunawa nito. Sa ngayon ang relasyon nila ay parehong kuya ni Margarette, asawa siya ni Clary at pinsan naman ito ng asawa niya. Masyadong malapit rin ang relasyon nila, at isa pa, bago siya ito muna ang pinagkatiwalaan ni Clary. Naputol lang ang pag-iisip niyang iyon nang umupo si Xiang Fei sa harapan niya, may dala itong tasa ng kape. "Lalim ng iniis
Dahil hindi mainit ang panahon, at umaambon lamang, naligo sila sa dagat. On Job naman ang mga sundalo, pero nag-iwan ng dalawa si Sarge para sa kanila at bukod doon mayroon silang Darwin and Jolo, in case for emergency lang naman. Nag-enjoy naman ang dalawang lalaki kasama nila at nasa barko lang naman ang dalawang sundalo, Logan and Pvt. Callian. "Aray! Aray! Aray!" Napaka-epic ng mukha ni Darwin habang sinasabi iyon. Lahat naman natingin rito at nagreklamo agad ito, "Andaming ano dito! Alam niyo iyon? Iyong mga maliliit na talaba?" Ramdam niya rin ang nararamdaman ni Darwin. "Oo kanina pa ako nasusugat!" sang-ayon naman ni Cassandra. "Kaya nga ako nag-tsinelas eh," singit naman ni Jolo. Si Caitlin kanina pa nakasisid sa ilalim at ganoon ang usapan nila nang umahon ito at nagtaas ng kamay. May kaunting layo lang sa kanila. "Tingnan niyo ang nakuha ko!" mahabang sabi nito at humalakhak pa sa tuwa. Napanganga rin siya dahil cray fish na malaki ang nakuha nito. Makatusok uto sa h
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
"You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi
Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala
Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg
Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl
Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si
Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal