Dahil hindi mainit ang panahon, at umaambon lamang, naligo sila sa dagat. On Job naman ang mga sundalo, pero nag-iwan ng dalawa si Sarge para sa kanila at bukod doon mayroon silang Darwin and Jolo, in case for emergency lang naman. Nag-enjoy naman ang dalawang lalaki kasama nila at nasa barko lang naman ang dalawang sundalo, Logan and Pvt. Callian. "Aray! Aray! Aray!" Napaka-epic ng mukha ni Darwin habang sinasabi iyon. Lahat naman natingin rito at nagreklamo agad ito, "Andaming ano dito! Alam niyo iyon? Iyong mga maliliit na talaba?" Ramdam niya rin ang nararamdaman ni Darwin. "Oo kanina pa ako nasusugat!" sang-ayon naman ni Cassandra. "Kaya nga ako nag-tsinelas eh," singit naman ni Jolo. Si Caitlin kanina pa nakasisid sa ilalim at ganoon ang usapan nila nang umahon ito at nagtaas ng kamay. May kaunting layo lang sa kanila. "Tingnan niyo ang nakuha ko!" mahabang sabi nito at humalakhak pa sa tuwa. Napanganga rin siya dahil cray fish na malaki ang nakuha nito. Makatusok uto sa h
Walang magawa si Logan kundi ang iabot kay Knox si Clary. Labis namang nag-aalala si Knox sa kalagayan ng asawa. "She's still breathing, right?" alalang tanong naman ni Art gustong hawakan ang nakapikit na kapatid. "Of course!" pabulyaw na sagot ni Knox ayaw isipin na ang asawa ay hindi na humihinga. Nakasunod ang lahat sa likuran niya nang dalhin niya si Clary sa buhangin at pinahiga doon. "Bakit niyo ba kasi iniwan ito? Hindi naman kayo mga tángá no? Diba?!" Wala nang preno ang bibig ni Knox dahil sa galit, bahala na kung may ma-offend. Deretso lang siya pump sa dibdib ng asawa at ni-perform ang CPR. "Come on! Come on! Clary!" "Sorry...akala ko—""Tama nang akala, letchê Cassandra!" gigil niyang sigaw. Tuloy-tuloy lang ang pag-pump niya dumugtong pa. "Maraming namamatay sa akala! Alam mo iyon? Kaya dapat check! Check! Check!" Wala nang may humingi pa ng pasensya kasi halatang magagalit siya. Tuloy-tuloy lang ang pag-CPR niya, nagsilapitan na rin ang mga sundalo. "Next time kasi
Sa ibabaw banda nilagay ang tolda ng mga sundalo, pero pa-slide para maka agos ang tubig sa tuwing umuulan. Nakatali ito sa mga panggitnang parte ng mga puno. Ang tolda naman na dala nila Knox since may mga stand ito, iyon ang tinayo ng mga ito sa ilalim ng naka-slide na tolda. Sa ilalim ng tolda naman iyon na naka-slide, malapad na iyon, hinakutan ito ng mga buhangin ng mga sundalo para panlaban sa putik. Ginawa nilang sahig hangang labas ng tolda. Kung baga sa ilalim ng tolda na iyon sa ibabaw at ang may stand ay iyon ang hapag kainan nila. Nilagyan nila ng mantle ang mahabang lamesa kaya naging maayos tingnan at hindi pahirapan ang paggalaw ng bawat isa. May paparating raw kasi na isa pang-bagyo, kailangan nilang manatili muna roon bago bumiyahe pabalik sa Dreadblood. Bukod sa tolda na iyon, naglabas sila ng tent mga, sampong tent, iyong mas matibay at halatang mahal pero sisiw lang iyon para kay Knox. Tulong-tulong ang mga ito sa paghakot Shempre mas malaki ang tent para sa kan
"Ba't di kayo nagpatayo ng shelter dito? Mukhang buwanan naman transaksyon niyo dito ah," tanong ni Art kay Sergeant Carreon. Kakatapos lang ng hapunan nila at ngayon nakaharap lang sila sa lamesang punong-puno naman ng alak ang nasa ibabaw. Si Knox naman, kasalukuyang nagcu-cut ng crab leg para kay Clary na kumakain pa rin sa tabi niya pero galing iyon sa pouch na may tatak BlueSand. Isa iyon sa mga pagkain na dala nila. Marami kasing stock ng pagkain na karga ang yate nila, kaya pinalabas niya ang tatlong box na malalaki rito at ang dalawa naman sa ibaba, doon sa dinaungan nila, may grupo rin kasi na mga sundalo roon at kasalukuyang naroon sila Ian and Zhou Shen kasama si Xiang Fei at Maxim. "Iyong totoong mission talaga namin Malvulis. Pero delay, hindi namin malapit-lapitan kasi may umaangkin yata. Bawat punta ng mga kasama namin doon hindi nakakabalik," sagot naman ni Sarge. "Malvulis, Y'Ami," turo niya kay Sarge. Tumango si Sarge bilang kumpirmasyon. "Pero ngayon alam na na
Sunod ang mga mata ni Clary kay Knox na sinundan pa ng tingin si Logan. Napakagat labi pa siyang hinawakan ito sa pisngi at pinatingin sa kaniya. "Hayaan mo na iyon." "What's wrong with him?" tanong ng asawa niya, iba ang tono ng pananalita. "N-Namisinterpret ko," mahinang sabi niya at kumagat ng labi. "Na-misinterpret? What do you mean by that?" mas lalo lang nagkaroon ito ng hint about Logan. "Wala—I mean...a-ano...""Ano?"Kabado siyang nag-isip ng irarason at may sumagi sa isipan niya. "Hindi naman ako bawal makipagkaibigan sa iba no? I mean, halimbawa may lumapit sa akin, makipagkaibigan lang, hindi ko naman kailangan lumayo no? Lumalayo kasi ako baka magalit ka, mas okay na magtanong muna, di ba?""Pwede kang makipagkaibigan pero sa kaniya bawal," deretsong sabi nito..Nagitla siya. "S-Sa kaniya?" "Dahil pagdating sa kaniya nakikita kong kabado ka. Natatakot ka, kasi may nararamdaman ka—""Anong nararamdaman? Pinagsasabi mo?" tumaas ang boses niya, deretso titig na siya sa
Pangisi-ngisi na lang si Knox habang sinusulyapan ang asawa na nakaupo sa tabi niya. Nasa loob sila ng tent, habang sila Cassandra nasa labas lang, nasa bungad ng tent nila, inaalok sa kahit kanino ang akala nitong yoti na pagkain. "Sarge, gusto mong yoti? Ikaw, SPC? Want mo?" "Yoti?" tanong naman ni Sarge. "Ito," ani naman ni Cassandra, habang si Clary humahaba na naman ang nguso. "Yoti? Ito?" takang tanong pa ni Sarge. Narinig niya ang boses ng sundalong babae. "Yoti? Dates ito eh.""Yoti tawag ni Clary," ani naman ni Cassandra. "Pahingi pa nga," boses ni Darwin. "Bakit yoti?" tanong ng babaeng sundalo. "Ewan ko kay Clary," sagot naman ng inosenteng kambal ng asawa niya. "Yoti," natatawang bulong ni Sarge. "Bagong pangalan ng dates.""Hindi lang dates, feeling ko lahat ng ganitong klaseng pagkain, dried kung baga, yoti tawag niya," paliwanag ni Cassandra. Humagikhik naman siya. Bumulong-bulong si Clary, "Kainis." Lalong lumakas ang tawa niya. Dumugtong pa ito. "Kinalat ang
Malaking yate ang aasikasuhin ni Clary, at nang nasa loob na siya ng bridge nito, bigla siyang nahilo sa mga digital screen na nasa paligid nito. Sobrang high-tech ang yate at hindi kayang paandarin ng iisang tao lang o baka may ginawa si Knox dito kung paano paandarin ito nang nag-iisa lang. "Oh god! Paano ito?" Napahawak siya sa ulo niya. Napakagat ng labi at random na binuksan ang system. May alam siya kahit paano pero ang mga access nito ang hirap siya. Binuksan niya ang monitor, at nagkunwaring bingi sa mga putukan na narinig niya. Magkahalo ang kaba at pag-alala, nalilito siya sa gagawin niya. "I'm not prepared..." bulong pa niya.But luckily, ang nabuksan niyang part ay ang pag-check sa engine part ng yate. Understood malaki ang engine nito at nangangailangan siya ng assistant. "Ma'am Clary!" Luckily pumasok si Darwin. "I need your help!" sigaw niya. "Sige ma'am," anito at mabilis na kumilos, binuksan lahat ng system. Nagsi-ilawan lahat ng device. "Pinapasok na tayo.""Si
Sa isla naman, naiwan sila Sarge patuloy na pinuprotektahan ang shelter nila. Hindi nila hinayaan na makarating sa kuta nila ang pambobomba ng mga ito. Marami na silang speedboat na pinasabog, pero hindi maiwasan na may makapasok na mga kalaban. Lugmok na ang isang barko, pero mayroon pang dalawa, ngunit ang isa ay umalis, lumayo, nag-iba ng direction. Ang isa, hinabol ang yate nila Knox. May tama na si Sarge, isa sa balikat at tagiliran. Pero tuloy lang ang laban, at dahil sa tulong ng mga assasin, mas marami ang nabawas sa mga kalaban nila at hindi na mahirap para sa kanila ang sugpuin ang mga ito. Ngunit nakatanggap siya ng report kay Knox na may kailangan iligtas ang mga ito papunta sa pacific ocean. Delikado na doon at nag-aalala siya. "Si Caitlin?" "Nasa yate siya, pero don't worry okay lang siya," anito. Tumango siya kahit hindi nito nakikita. Alam naman niyang maging okay lang iyon. "Sige sir, kami na ang bahala dito."Napàígik pa siya nang higpitan ni SPC Sanchez ang pagt
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
"You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi
Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala
Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg
Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl
Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si
Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal