Sinikap ni Knox na iwasan ang atake ni Caitlin. Kilala niya ang galaw nito, kilala niya ang boses ngunit ni minsan never niyang nakita ang mukha nito. Ganoon din ito sa kaniya, hindi niya lang alam kung makikilala siya nito sa boses ngunit napuna na nito ang boses at mga mata niya na tila kinikilala siya nito. Ilang beses nitong hinagis ang abaniko o ang tinatawag na Tai chi fan. Ibang klaseng weapon iyon, gawa sa metal, at maraming hidden blade. Delikado ito once matamaan siya dahil kaunting sugat lang delikado na ang buhay niya. May lason kasi ang weapon na iyon, at paboritong sandata ito ni Caitlin. Mabilis siyang lumiyad upang maiwasan ang pagtama nito sa leeg niya. Isa sa mga natutunan niya sa martial art ay ang makiramdam lalo na sa dilim. Naaninag niya ang galaw ni Caitlin, at pagbalik ng Tai chi na iyon, yumuko na naman siya. Nang nangyari iyon wala pang limang segundo. Kailangan mabilis siya dahil kung hindi pâtây siya.Kailangan niyang makuha ang espada niya sa loob ng kwa
"Li Wei and Clary?" Nakasalampak sa sahig si Cassandra kaya sa gulat niyang pagtanong halos dadapa na sa sahig sa kakasilip sa mukha ni Caitlin na nakaupo na parang Budha sa bean bag chair, nakapikit ang mga mata nito na nakikipag-usap sa kaniya. Pero dahan-dahan niyang inaabot ang maliit na bowl nito na ang laman noon ay pansit. "Nakita mo ang mukha ni Wei?" tanong pa niya dahan-dahang hinila ang bowl. Ubos na kasi ang sa kaniya, at ang daming ritual style pa itong kapatid niya imbis na kumain. Ngunit bumukas ang mga mata nito, at mabilis na inipit ng chopsticks ang bowl. Napangisi siya sabay hila, pero mabilis rin ang kapatid niya, natabig nito ang chopstick niya at nakuha ang bowl. Binitbit na lang nito iyon sabay lamon ng laman. "Of course, firstly, nakita ko siyang kasama niya si Clary, secondly nakita ko ang relo niya, tatak Moretti, kaya sinundan ko siya. Pinatay ko ang ilaw sa unit niya para ma-identify ko ang boses niya and it's Wei's," paliwanag nito. Si Wei member ng
Malaking hotel ang Luminara, mahigit isang daang palapag rin ito at napakalawak. Kasalukuyan siyang nakahawak sa braso ni Knox. Kabado siya hindi dahil sinabi nitong may posibilidad na makakaharap niya ang ex-wife nito, kundi dahil sa presensya nito mismo. Ine-enjoy niya ang bawat sandaling kasabay niya ito sa paglalakad. Nakasunod sa likuran nila ang dalawa, Walter and Viana. Sa likuran naman shempre hindi mawawala si Hake and Ian, at ang alalay rin ni Knox na si Darwin. Welcome ang dalawa sa party na ito dahil mayroong permission ni Viana and Walter. Para siyang reyna ng gabi, lalo na nang huminto sila sa entrance, para sa exclusive card na ibinigay, permission na sila ay qualified na makapasok sa mismong party. Nauna na silang pumasok, sinalubong sila ng mga kumikislap na paparazzi, tila hangang sa dulo nito ay may nakaabang at click lang click ng mga camera ang mga ito. May nag-imbita pa sa kanila na magpakuha ng litrato sa photo wall, na my disenyong Welcome to Luminara Gala
Mabilis ring umupo ang waiter at nag-alalang hinawakan siya. "Sorry ma'am hindi ko kayo nakita."May mga lumapit pa, si Hake at agad siyang hinawakan sa braso. "Nasaktan ka ba ma'am?" Tinapunan muna niya ang tingin ang silver shoes ng babae kung nakaapak na ito sa gown niya pero nakita niya itong tumalikod matapos siyang sabihan ng ganoon. "Clary!" mabilis ring lumapit si Knox. Inagaw nito sa mga kalalakihan ang pagtulong sa kaniya para makatayo. Tinanggap niya ang alalay nito, at pinagpagan ang sarili. Nilalamon siya ng hiya lalo na't lahat ng mga mata ay nakatutok sa kaniya. Nagkikislapan pa sa pag-click ang mga camera, kitang-kita ang kahiya-hiyang nangyayari sa kaniya. May mga nagtatanong pa ng, "Anong nangyari?" Ang ilan naman ay nagbubulong-bulungan. "Sino ang babaeng iyon?" "Bakit niya ginawa iyon?""Si Knox Wolthorn ba itong lalaki?"Hinawakan siya sa braso ni Knox. "Nasaktan ka ba?"Tiningnan niya ito. "Puno ng bubog ang katawan ko, sa tingin mo?" matigas niyang sabi at
Titig na titig si Knox sa madahong parte ng puno ng kahoy, nang mahagip ng paningin niya ang Tai Chi fan na biglang bumulusok papunta sa alaga ni Lilith. Alam niyang si Caitlin iyon, at nalilito na naman siya sa ginagawa nito, bukod doon siguradong narinig nito ang sinabi ni Lilith tungkol sa pagiging leader niya ng Dreadblood.Panigurado iisipin ni Caitlin na ang organisasyon na mayroon siya ang maisip nitong dahilan kung bakit umalis siya ng China. "Hâyôp ka! Sino ka?!" Sa galit ni Lilith, kumuha ito ng baril sa loob ng sasakyan at pinaulanan ng bala ang puno ng kahoy na iyon. Pero sa di kalayuan nakita na niya ang naka-hoodie black cloak na naglalakad pabalik sa loob ng venue. "Polar! Anong ginawa mo sa alaga ko?! Hâyôp ka! Polar!" Napailing na lamang siyang pinapanood itong humahagulhol. Para sa kaniya ang pusa ay pusa lang. Badtrip nga lang siya kay Caitlin, imbis na magagamit niya ang pusa na iyon laban sa ex-wife niya, hindi na ngayon. Patuloy sa pag-iyak si Lilith, depress
Nilunok na lang ni Clary ang kirot na gumuguhit sa puso niya habang pinapanood ang pagkuha ni Knox sa armas mula sa asawa. Marahang hinawakan ng lalaki ang braso ng babaeng iyon at mukhang kinausap ng mahinahon. Nangibabaw ang bulong-bulongan sa buong paligid tungkol sa pananaksil na ginawa ni Knox harap-harapan sa babaeng iyon. Siya ang nasasaktan lalo na't sa kaniya binabato ang titulong kabit. "Do you want me to stop?!" malakas na sigaw ng babae sa mukha ni Knox. Tila nagtiwala rin si Hake and Ian kay Knox na mapigilan nito ang asawa kaya minabuti na lang ng dalawa na umalis. Hindi niya marinig ang boses ni Knox. Kay Lilith lang naman ang malakas kasi sumisigaw. "Then kiss me!" Nagulat siya sa hamon ni Lilith sa lalaki. Para siyang mauubusan ng hininga sa kaba. "Show them all that I am your wife!" Napalunok siya ng mariin. Nangasim ang ilong niya dulot ng nagpipintong mga luhang nais lumabas mula sa kaniyang mga mata. Lalong tumindi ang bulong-bulongan. Alam niyang may mga naka
"Hindi ka haharapin ni Clary ngayon dahil gusto niyang mag-lay-low muna." Nasa labas ng gate ng mansion ni Viana si Knox at ito ang humarap sa kaniya upang sabihin ang mga salitang iyon. Napasingkit ang mga mata niya, tama lang na maghatid ng katakot-takot na aura niya dito sa babae, pero nag-cross lang ito ng mga braso. Walang talab."Hindi maganda ang nangyari sa Luminara Gala Night, may gasgas na ang image niya. At ayaw kong mapunta sa wala ang pagtatanggol ko sa kaniya. Wala kayong relasyon at iyon ang panindigan mo sa ngayon," deretsong sabi pa nito. Nairita siya rito, pero hindi niya pwedeng gawin rito ang ginagawa niya sa mga babae sa Spratly. "Bakit mo ba kasi sinabing wala kaming relasyon?""Mr. Wolthorn, kakahiwalay mo lang sa asawa mo, kakahiwalay lang ni Clary sa ex-boyfriend niya. Kung sasabihin kong may relasyon kayo, hindi ba't kahina-hinala? Kayo agad? Baka isipin nila, habang committed pa kayo sa iba may namamagitan na sa inyong dalawa? Masisira ang image niya, nain
Mulagat ang mga mata ni Clary na nakatitig sa mga mata ng taong umatake sa kaniya. Nakatalukbong ang hood nito sa ulo. May takip ang mukha nito at mga mata lang nito ang makikita. Pero ang mga matang iyon ay familiar sa kaniya at naging dahilan iyon ng pagtibok nang malakas ng puso niya. Katakot-takot ang aura nito ngayon, dahil tila bihasa ito sa assasin na galawan, idagdag pa ang suot nitong itim na cloak. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa dahil may tape ang bibig niya. May ginamit itong bagay, tila lock-hook na ni-lock nito sa coil na nasa katawan niya at sa tagiliran nito. Sunod na ginawa nito, ay hinawakan siya nito sa baywang, at mas lalong naging familiar ang mga higpit ng braso nito sa katawan niya. Isang assasin ang lalaking ito, halata sa mga bagay na ginagamit nito ngayon. Snake chain, maliit lang pero halatang matibay. Mula sa relo nito, lumabas ang tila wire din, halatang matibay at saka lang niya narealize na bukas ang pintuan papuntang balcony dahil nang lum
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
"You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi
Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala
Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg
Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl
Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si
Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal