Nanatili sila Clary sa China, katulad ni Ian, may mega mansion din si Knox roon. Malamang hindi magpapahuli ang asawa niya. Si Caitlin naman ang nag-aasikaso ng pagpapatayo ng hospital building nila. Kapalit iyon ng Nautical kaya ang Nautical Building ay pinasira upang gawing mas malaki, na nababagay rin sa pagiging Hospital. Nais ni Knox na laging nasa tabi ng asawa niya, kaya ang nag-aasikaso ng Dreadblood ay si Darwin at Barth kasama na rin ni Cassandra. Ang ganap naman doon ay ang pagbabalik sa dating sitwasyon ng patag, at iba pang isla na may sira. Nagpatayo ulit sila ng mga bagong bahay para sa mga myembro. Sa Auckland pa rin naka destino ang ama ni Yun Xiao, at pinasa rin ang MetalCrown dito, para hindi na habulin pa ni Lilith. Kahit wala naman itong rights para maghabol.Nagsimula na ring mag-train si Ian. Inuna muna nito ang pagiging assasin bumalik ito sa Moretti at nanatili ng limang buwan sa Ebon kasama ni Margarette at Marcus para sa pagsasanay. Hindi naging madali sa
"Okay, okay, the baby is getting closer!" mahinahon na wika ng doctor na nagpapaanak sa kaniya, babae ito base sa boses. Umalingawngaw ang boses ni Clary sa sigaw habang umiire sa kaniyang panganganak. Sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman, para bang buong katawan niya nabibiak. "Nurse Tristan, scissors please," pakiusap ng doctor. Hingal na hingal na siya, naiiyak sa sakit, nanghihina, pero agaw pansin pa rin niya ang pangalan na naririnig. Nakatuon lang kasi ang attention niya sa sarili niyang nararamdaman, halos hindi na niya alam kung sino itong doctor niya at kung sino pa ang nag-aassist rito. Nakita niya ang familliar na brasong nag-abot ng makintab na gunting sa nurse. Pawis na pawis na siya, inaantok pa siya sa kabila ng sakit, pero naging malinaw sa kaniya ang galaw ng lalaking iyon. "W-Why...why are you here?" hingal niyang tanong halos pabulong. Naramdaman niyang may ginupit sa kaniya, pero mas matindi ang sakit nang pagpipilit ng bata na lumabas mula sa katawan niy
Nagsidatingan mula Pilipinas ang mga kapatid ni Clary, bumaba rin ang ina nila, pati ang ina ni Knox, tumungo rin si Margarette at Ian, bali sa tao ni Knox si Darwin lang ang nandoon. Isang malaking kwarto ang kinaroroonan nila, pinakamalaking kwarto na iyon doon sa hospital kaya kahit magsabay-sabay ang mga itong pumasok. Kasalukuyan namang nasa braso ni Clary ang anak niya, at nasa tabi niya nakaupo si Knox na nilalaro ng bata ngunit kinuha ito ng mommy nila, para kargahin. "Hello, Kade, grandma is here, how are you? Are you happy? Welcome to the world," ngiting-ngiting bati nito sa sanggol kahit na tulog, at pahikab-hikab. Natawa naman siya, at nagsalita ang ina ni Knox na nakikisilip, "He got Caitlin's birth mark! Look!" Tinuro nito ang mukha ng sanggol. Nakisilip si Margarette, nakisilip si Cassandra, si Caitlin nasa gilid nag-pose at nilagay ang kamay sa baba para sabing kasing ganda nito ang sanggol. Nakita ito ni Cassandra, kaya inirapan ito ng kapatid. "Why do you look j
Nakalabas sila ng hospital, at bumalik ng mansion, nakatanggap naman ng maraming bisita si Baby Kade, at halos lahat may dalang regalo. Pati sila Viana, lumuwas pa talaga para makita ang baby nila. "Ang gwapo!" tuwang-tuwa na sabi nito.Tuwang-tuwa rin pati si Walter, "Kamukha mo boss ah!" "Shempre ah, kanino pa ba?" pagmayabang naman ang isa. Hiniram naman ito ni Viana mula sa braso niya at sumayaw-sayaw. "Bagay ba sa akin?" tanong nito kay Walter. "Gusto mo na ba?" tanong naman ng isa. Natawa naman siya. "Bakit nga pala ayaw niyo pang magpakasal?" tanong niya. "Saka na kapag malaki na si Baby Kade, atleast may ring bearer," sagot nito. "Pwede naman si Art ring bearer," biro naman ni Walter. Nagtawanan sila, napatingin naman si Art na iinom sana ng juice. "Cool nga ng kasal niyo, damulag ang ring bearer," biro pa ni Viana."Bagay naman sa kaniya ring bearer, kasi mukhang iyon ang maging papel niya ulit sa dalawang paparating na kasal," singit ni Yun Xiao at tinutukoy si Cassa
Five months later back to Philippines.Para kasi sa kanilang lahat hindi si Lilith ang kokontrol sa buhay nila. May mga bagay silang dapat asikasuhin sa Pilipinas, lalo na siya na nagpapatayo ng hospital. Kailangan ni Caitlin mag-aral, kaya kinuha niya ang obligasyon na sa kaniya naman talaga at hinayaan itong mag-aral kasama ni Cassandra, lagi namang nasa tabi niya ang asawa niya para magawa iyon.Sa ngayon, hindi pa buong building ng Nautical ay natitibag na, ngunit ang nasa kanan na bahagi na natibag nito ay napapatayuan na ng mga pillar, nagdagdag siya ng mga taong taga-gawa, si Keegan pa rin ang katransaksyon niya rito. Sa mansion ni Knox sila umuwi na renovated na rin. Mas lalong lumaki ang bahay na iyon at talagang puno ng gamit na pabor lahat sa anak nila. May isang kwarto talaga ito na puro foam kahit sa sahig maging sa gilid para maiwasan ang pagkabagok kapag natutumba. Malayang makagalaw ang bata roon at talagang sandamakmak na laruan pa. Tatlo ang yaya nito, napapalibuta
"So they revealed..."Boses iyon over the phone, na hindi naman alam ni Lilith kung sino basta ang alam niya ang may-ari ng boses na iyon ay leader mismo ng El Trado na tinatawag bilang ghost. Kahit sino kay Hector o Malachi ay hindi nakakilala sa taong ito, kahit ama niya, hindi alam kung sino ito. Sumagot lamang siya ng, "Yes, Ghost."Ang sabi pa ng ilan isang General ang taong ito, pero natuklasan niya na ang general ay tao lang din pala nito. Ang kausap pa rin niya ang pinakamataas. "And your ex husband had 14 companies..." "Yes, Ghost." "And they have a child...""Yes Ghost.""And Keegan is Caitlin's boyfriend.""Exactly Ghost, and for sure for sure Keegan's ring came from Caitlin," sagot niya pero kahit yes ghost lang siya ng yes ghost, sinisikap naman niyang kilalanin ang boses nito."Hm. Let them be, but I want you to get the child," utos nito. Kumunot ang noo niya. "Ghost?" "You can't?" tanong nito, nang-iinsulto. "I mean, that's Knox Wolthorn's child, and they're More
Pagkarating nila sa Alliarez residence, dali-dali bumaba ng sasakyan si Clary, dala-dala niya ang anak niya. "Wait! Hintayin mo ako," pigil ni Knox nang tumakbo siya. "Madapa ka! Yaya, bilis!""Ma'am Clary dahan-dahan lang po!" sigaw naman ng yaya sa kaniya at naramdaman niyang humabol din si Knox. Sinalubong siya nila Emily and Dessy, "Ma'am, dahan-dahan po.""Where's dad? Where's he?" apura niyang tanong. Hindi na niya napansin na tawa pala nang tawa ang anak niya dahil sa kakatakbo niya. "Nasa loob po, hinihintay po kayo," sagot ni Dessy at kinuha si Kade sa kaniya. "Hello baby Kade, ang saya mong naaalog ah." Pero siya, dumiretso na siya sa loob, at sa sala nadatnan niyang naghahalukay ang ama niya sa likuran ng TV tila may inaayos. "Dad?" Hindi talaga nawawala ang pagiging conservative nito sa mga gamit.Napaangat ito ng mukha at napatayo ng tuwid, kitang-kita niya ang saya sa mukha nito. "Clary!""Dad!" Halos tatlong hakbang lang ang ginawa niya, para makalapit agad rito. "O
"Talaga bang daddy natin siya?" tanong ni Caitlin kay Cassandra pagkagaling nila kila Clary. Kasalukuyan nagmamaneho si Cassandra at hayahay buhay naman si Caitlin sa tabi nito. "Bakit mo naman nasabi iyan? Hindi ka ba masaya na okay na bumalik na siya, atleast sa buong buhay natin na wala tayong ama mararanasan na natin," ani naman nito. Pero para kasing ang bigat sa pakiramdam niya, may iba talaga. "Talaga bang masaya ka? Baka kasi nae-excite ka lang kasi may tatay tayo.""Ano bang klaseng tanong iyan, Cai? Nagdududa ka ba? May napapansin ka ba? Kasi ako wala naman eh, natutuwa siyang nakita niya tayo, maalaga siya sa atin pinagluto pa nga tayo, siguro iyong napansin ko ay ang nahihiya siya kunti. Shempre hindi natin siya nakasama pero si Clary, kitang-kita naman natin mahal na mahal niya," rason naman ni Cassandra. Nanahimik na lang siya, baka magkairingan pa silang dalawa. "Nasa Moretti na kaya si Mom?" tanong na lang niya. "Wala pa siguro, nasa china pa yata, malay natin. C
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
"You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi
Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala
Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg
Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl
Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si
Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal