Share

GAVIN
GAVIN
Author: MrsDarcy

Chapter 1

"Ellise! Ano ba ikaw na!" Sigaw ng event organizer sa kanyan ng halos hindi pa siya naglalakad palabas ng stage.

"Sorry, sorry," paumanhin  niya.  Humugot muna ng malalim na paghinga bago naglakad palabas ng stage, sa kilalang mall sa Maynila.

Isa siyang freelance model, kung anu- ano ang minimodel n'ya, pero madalas kinukuha s'ya ng mga ilang sikat na clothing brand sa pilipinas. She's 21 years old kaka graduate lang niya ng tourism, pero dahil wala pa naman s'yang permanenteng trabaho sumabak muna s'ya sa pag momodelo. Malaki-laki na rin naman ang kita, kaya ok na para sa kanya. Taga San Miguel  siya  at sa San Miguel University siya naka graduate, pero nakarating siya ng Maynila dahil sa paghahanap ng trabaho. Six months na rin siya sa pag mo-modelo at tila nakakasanayan na n'ya at aaminin n'yang nag eenjoy na s'ya sa trabaho. Marami na siyang nakikilala at mga nagiging kaibigan na mga artista at modelo ding tulad niya. Hindi naman niya pinangarap maging modelo pero na inspired siya sa kwento ni Anya Tragora, na dating sikat na modelo bago ito ikinasal kay Joshua Tragora sa San Miguel. Kaya ng may mag alok sa kanya ng pagmomodelo agad niyang tinanggap at eto na siya halos ito na yata ang magiging career niya.

"Ellise may problema ka ba?" Tanong ni  Lenny. Ang tumatayong Manager nila.

"Wala naman po," sagot niya. Habang inaayos ang mga gamit sa bag. Katatapos lang ng event at nag-aayos na sila para makauwi na.

"Iba ang lakad at aura mo kanina Ellise. Alam ko may problema ka, halatang may gumugulo sa isip mo," sabi nito. At hinawakan ang kamay niya.

"Bakit hindi mo sabihin sa akin baka makatulong ako," patuloy nito. Sinulyapan n'ya ito. Alam n'yang matutulungan siya nito pag sinabi n'ya rito ang problema niya. Pero baka mapasama naman ang lahat.

"Pagod lang po ako Ate Lenny" tanging sagot niya lang.

"Ok sige. Basta pag may problema ka, sabihin mo agad sa akin ah. Lalo na pagdating sa pera. Alam mo naman na marami tayong solusyon diyan," paalala nito bago tuluyang lumabas ng dressing room.

Napaupo siya at tinitigan ang sarili sa salamin. She's beautiful, and she got the perfect body. Alam niya iyon, dahil pagdating palang n'ya ng Maynila kung sinu-sino na ang lumapit sa kanya at nagpakilala at nagtangkang ligawan siya, pero hindi niya pinansin ang mga yon. Pumunta s'ya ng Maynila para magtrabaho at magkapera. Para matapos na ang problema nila sa San Miguel. Nagkibit balikat siya. Habang nanatiling nakatingin sa salamin.

"Huwag mong gawin Ellise. May isang buwan kapa. Kapit lang," bulong niya sa sarili.

Isang buwan nalang kasi ang natitirang palugit ni Mr. Crisostomo sa kanila sa bahay at lupa nila sa San Miguel. At kung hindi pa daw sila makabayad ng buo sa loob ng isang buwan palalayasin na daw sila roon. Bagay na hindi pwedeng mangyari, dahil iyon lang ang naipundar ng Ama. Ang bahay at lupa na 'yon ang tanging naipundar ng Daddy niya sa pagtatrabaho sa ibang bansa bago ito nagkasakit. Dahil nagkasakit ang ama nagdesisyon sila ng Mommy at mga kapatid niya na isangla ang bahay at lupa na hindi alam ng Daddy nila para lang maipagamot ito. Pero dahil sadyang mahal ang gamutan sa sakit na canser, kaya halos malugmok sila sa utang. Muntik pa nga siyang hindi maka graduate pero buti nalang tinulungan siya ni Donya Feliza ang may-ari ng Unibersidad. Kaya nakapagtapos pa rin s'ya ng pag-aaral.

Ngayon malapit na ang isang buwan palugit ni Mr. Crisostomo sa kanila. Baka tuluyan ng mawala sa kanila ang bahay, kung hindi sila makakabayad.

Isama pa na baka humina ulit ang kalusugan ng ama. Kapag nalaman ang tungkol sa bahay nila. Nakakabawi na rin naman ang ama kahit papano, hindi na nga lang tulad ng dati pero kahit papano sumigla-sigla na ang katawan nito.

Ang kinikita niya sa pagmomodelo ay siyang ginagamit ng dalawa pa niyang kapatid sa pag-aaral ng mga ito. Kaya hindi nila magawang makabawas man lang ng utang kay Mr. Crisostomo.

Naglalakad siya palabas sa mall na malalim pa rin ang iniisip. Kaya naman ng may mabunggo s'ya ay muntik na siyang bumagsak sa semento.

"Ouch!" Tili niya. Naramdaman ang braso sa bewang niya. Dahil na rin sa takot na bumagsak napakapit siya sa braso ng kaharap.

"Are you ok?" Tanong ng kaharap.  Nag angat s'ya ng ulo. At tila siya napatulala ng makita kung gaano kagwapo ang  kaharap. Makapal ang kilay nito na nakasalubong. Magagandang mata na nakatitig sa kanya. Matangos na ilong. Mga labing mamula-mula at ang amoy nito na napakalakas ng dating na nasasamyo n'ya. Nakasuot  ito ng business suit na halatang mamahalin.

"Are you ok?" Tanong ulit nito sa kanya. Na halos hindi pa rin siya gumagalaw. Nananatiling nakamata rito. Wala naman itong kangiti-ngiti sa mga labi o kahit anong ekspresyon sa mukha.

"Ah... yeah....," tila natauhan na sagot niya. Mabilis na inalis ang kamay sa matipunong braso ng kaharap. Naramdaman din niya ang dahang-dahang pag alis ng kamay nito sa bewang niya, na ewan niya kung bakit tila may kuryente siyang naramdaman doon.

"Sorry...," nahihiyang sabi niya. Mabilis na inayos ang bag sa balikat.

"Yeah... Just take care yourself," sabi lang nito. Saka nagtuloy na sa paglalakad. Nilingon n'ya ang lalaki. At napansin niyang may kasunod itong dalawang pang lalaki na naka puting polo, na tila ba mga bodyguard nito.

"Bodyguard? Sino kaya siya?" Tanong niya sa sarili habang nakasunod pa rin ng tingin sa lalaki.

"Baka anak ng pulitiko. Gwapo pero mukha masungit,"  bulong niya. Saka nagtuloy na sa paglalakad papunta sa parking area.

May condo at kotse siya. Noong una ayaw niyang kumuha dahil kailangan niya ng pera. Pero nahihirapan naman siya kung wala siyang sasakyan papunta sa mga event. Ang condo naman sinubukan niyang makisama sa ibang mga katrabaho, pero dahil hindi naman siya sanay sa buhay maynila ay hindi niya natiis, kaya kumuha s'ya ng sariling condo sa hindi masyadong sikat na building, pero maganda naman at may seguridad siya.

Pagdating nya sa condo kaagad niyang tinawagan ang Mommy niya para kumustahin ang mga ito.

"Anak si Mr. Crisostomo masyado na tayong minamadali. Hindi ko na nga mapakiusapan eh. Nahihirapan na ako, baka marinig ng Daddy mo," Sabi ng Mommy niya sa kabilang linya.

"Don't worry Ma, titignan ko po kung makakapag loan ako para kahit 1/4 muna maibigay na natin kay Mr. Crisostomo,"

"Elise hindi kita minamadali, sadyang naiipit na tayo. Ang Daddy mo baka humina ang katawan pag nalaman n'ya ang tungkol sa bahay," May hagulgol na sabi ng ina.

"Sige po. Kakausapin ko na po ang handler ko para matulungan ako mag loan," sagot n'ya sa ina. Agad na siyang nagpaalam, dahil naiiyak na rin siya.

Kailangan na niyang gumawa ng paraan bago pa makahalata ang Daddy nya. Hindi na maaaring humina pa ang katawan ng Daddy niya, dahil baka hindi na ito makarecover pa. Nang biglang tumunog ang telepono niya.

Luke

Bumuntong hininga siya ng mabasang si Luke ang tumatawag. Sikat na artista si Luke sa isang TV station. Nakasama na niya ito ng ilang beses sa event, at lagi siya nito pinapansin hanggang sa makuha nito ang number n'ya kay Ate Lenny. Minsan na siyang sumamang kumain sa labas kay Luke, utos na rin ni Ate Lenny. Para daw sa trabaho naman, alam n'yang may girlfriend ito na non-showbiz, kaya ayaw n'yang pansinin. Isa pa wala pa siyang balak pumasok sa ano mang relasyon. Marami pa s'yang problemang dapat ayusin bago ang sariling kaligayaan.

Hinayaan nalang niyang mag ring ang cellphone. Alam n'yang magsasawa din ito sa pangungulit sa kanya. Matapos niyang magbihis kaagad niyang tinawagan si Ate Lenny. Alam niyang ito ang makakatulong sa kanya ngayon.

"Sige magkita tayo mamayang 7pm sa Taguig. Doon ko sasabihin ang gagawin mo para matapos na ang problema mo," sagot nito ng sabihin niyang kailangan n'ya ng pera. At kung makakautang siya rito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status