Share

Chapter 3

Kinabukasan nagising sya sa tunog ng cellphone na nasa maliit na mesa sa gilid ng kama.

"Hello" Inaantok na sagot nya sa telepono.

"Ellise anak!" Tili ng Mommy nya na gumising sa inaantok nyang diwa.

"Mommy! ano po'ng nangyari?"

"Anak pumunta kanina rito si Mr. Crisostomo ay buti nalang di sya pumasok kung di makikita sya ng Daddy mo"

"Ano oh ang sabi nya?" Tanong nya at nasalo ang nananakit na ulo.

"Isang linggo nalang daw ang ibibigay nyang palugit sa atin, dahil nagmamadali na daw ang buyer nya sa bahay anak"

"Ano oh? isang linggo?!" Tigalgal na tanong nya.

"Oo anak, ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong ng Mommy nya na di mapigilan ang umiyak sa kabilang linya.

"Ma, huwag na po kayong umiyak ako na po ang bahala, gagawan ko na po ng paraan. basta si Daddy po asikasuhin nyo saka sina Evan at Elvie, ako na po ang bahala. tawagan ko po kayo mamaya" Sabi nya at mabilis ng nagpaalam sa ina. Dahil di na rin nya mapigilan ang maiyak.

Napahagulgol sya ng iyak. Ano ng gagawin nya? saan sya kukuha ng limang milyon? Ano ng mangyayari sa kanil? Mga tanong nya sa sarili habang umiiyak.

Tila ba wala na talagang ibang paraan kundi kumapit sya sa patalim. kailangan na nyang magdesisyon ngayon, dahil wala na syang sapat na panahon. Dinampot nya ang cellphone at tinawagan ang Ate Lenny nya. Wala na syang ibang alam na paraan. kailangan na nyang pumayag para matapos na ang lahat.

Kinagabihan Nakipag kita uli sa kanya si Lenny sa dating restaurant.

"So ano, this time ba eh sigurado ka na?" Tanong nito. mabilis syang tumango.

Wala namang ibang paraan pa, ito nalang ang tanging paraan para matapos na ang lahat ng problema nya. at sa oras na mabawi nya ang bahay at lupa nila. uuwi na sya sa San Miguel at doon nalang hahanap ng trabaho may konting ipon naman sya maaari syang magtayo ng sarili ng negosyo tulad ng boutique, maliit na puhunan lang naman ang kailangan nya doon. Basta ang mahalaga ngayon mabawi na nila ang bahay at lupa nila.

"Ok. Actually alam ko naman na papayag ka rin eh, kaya naman, naihalok na kita sa mga kakilala kung businessman" Nakangiting sabi nito napangiwi sa kanya. Naihalok ano ba sya pagkain?

"And you are lucky dahil, kakilala ka ni Mr. Pangilinan, kaya agad syang pumayag ng ihalok kita" Patuloy nito, di naman sya makakibo.

"And he want's to see you tomorrow evening"

"Bukas agad?" gulat na tanong nya.

"Ellise ikaw ang mas nangangailangan, ikaw dapat ang sumunod" Sita nito sa kanya.

"Sorry" Tanging sagot nya at kung anu-ano pa ang pinaliwanag ni Lenny sa kanya, na hindi naman nya naiintindihan, nais na nyang itanong kung kailan ba nya makukuha ang kabayaran sa serbisyo nya.

"Thi is him" At pinakita ni Lenny ang lalaking marahil nasa singkwenta na ang edad na naka business suit. kokonti nalang ang buhok, malaki pa ang tiyan. napalunok sya at bumuntong hininga.

"Masasanay ka rin Ellise, sa simula lang mahirap, pero pag nakasanayan mo na, balewala nalang sa iyo yan"

"I guess so" malungkot na sagot nya at inubus ang laman ng kopita na wine.

"Anyway about the payment" Narinig nyang sabi ni Lenny na nagpagising at nagpabuhay sa kanya.

"I didn't offer anything, si Mr. Pangilinan ang nag presyo and guess what kung magkano?"

"Magkano?" mabilis na tanong nya.

"10 Million Ellise!"

"What?!" Ang napasigaw na sabi nya at mabilis na tinakpan ang sariling bibig.

"Yes, Elise after that isa ka ng millionarya" nakangiting sabi ni Lenny.

"Bakit ang laki naman? kailangan ko lang naman limang milyon"

"Ayaw mo non, magkakapagtabi ka ng extra five million for yourself"

"But isn't to much? ano bang balak nya sa akin?" Di nya maiwasan magtanong dahil di naman sya babayaran ng ganoong kalaki kung di rin malaki ang kapalit.

"Well, according to him, he want's you to be his woman for the whole month" Nagulat sya sa sinabi ni Lenny.

"Whole month?" nanlalaking mga matang tanong nya rito.

"Yes"

"Anong gagawin namin sa loob ng isang buwan?"

"F*ck each other ano pa nga ba! syempre susulitin nya ang bawat sentimo na binayad nya sa iyo" Sagot ni Lenny na nagpahina sa kanya.

Isang buwan syang pagsasawaan ng matandang yon. Isang buwan sya gagamitin at dudungisan, kapalit ng sampung milyon. Well di narin naman masama pero anong klase pagtatalik kaya ang gagawin non sa kanya? Lalong gumulo ang isip nya pero ayaw na muna nyang isipin yon ang mahalaga may maibabayad na sya kay Mr. Crisostomo matatapos na ang problema nya at haharap sya sa panibagong problema.

"I guess wala naman akong choice" Malungkot na sagot nya.

"Yeah, and he want's to see you tomorrow sa VincElla Hotel in San Miguel"

"What?! bakit sa San Miguel pa?"

"Hindi ka nya pwedeng i-meet dito, delikado for you at lalo na sa kanya he is married ok."

"Pero bakit sa San Miguel? did you told him na I'm from San Miguel?"

"No, I don't know why he know that place, basta ganoon lang ang sinabi nya sa akin"

"But-"

"Ellise, hindi tayo ang magdedesisyon rito, binabayaran tayo kaya kailangan natin sumunod" Putol nito sa sasabihin nya.

"I see"

"So ready yourself and good luck cheer!" Nakangiti pang sabi nito.

"Thank you" Alanganing sagot nya at naki cheer na rin. Kahit alam nyang isang malaking pagkakamali ang gagawin nya, pero kailangan nyang gawin para sa pamilya para sa Daddy nya.

Matapos silang mag-usap ni Lenny kaagad na itong nagpaalam at naiwan nanaman syang mag-isa sa restaurant sinusulit ang mga mamahaling pagkain at wine na inorder ni Lenny sa kanila. at nagpapasalamat sya ito lagi ang nag nagbabayad ng mga kinakain nila sa mamahaling restaurant na yon. Matapos nyang maubus lahat tumayo na sya para lumabas ng Restaurant ng mamataan si Luke na papasok sa loob. iiwas sana sya dahil nais nyang iwasan ang binata, dahil alam nyang kukulitin lang sya nito na makipag date rito. minsan na syang sumama rito at hindi nya nagustuhan ang mga nangyari kaya ayaw na nyang maulit pa. sikat ito at alam nyanh sikat rin sa pambababae.

"Ellise" Tawag nito sa kanya ng makita sya kahit anong iwas nya.

"Hey" Tanging sabi nya at nagtuloy sa paglabas ng Restaurant. sumunod ito sa kanya.

"Wait, ikaw ang sadya ko rito" Sabi nito sabay pigil sa braso nya.

"Ako? bakit? isa pa paano mo nalaman na narito ako?"

"I asked Lenny where you at, kaya pinuntahan kita rito"

"Bakit?" Tanong nya at pasimpleng binawi ang braso.

"To talk to you, di mo kasi sinasagot mga tawag ko sa iyo, pati na mga messages ko"

"Luke busy kasi ako, marami akong inaasikaso, wala akong time sa mga-"

"Ellise, why don't you give us a chance?"

"Chance?"

"Commo'n let's talk in my car" Yaya nito at hinawakan sya sa braso.

"No, Luke uuwi na ko, I'm sorry ok. Kung ano ang napag-usapan na natin noon yun na yon" Inis na sagot nya, binawi ang braso at mabilis na lumakad palapit sa kotse nya. sumunod parin sa kanya si Ryan.

"Shit" mura nya at mabilis na sumakay sa kotse. bago pa nya naisara yon napigilan ni Luke ang pinto.

"You want to talk to your place? I'll follow you" Sabi nito at bago pa sya makapag protesta ito na mismo ang nagsara ng pinto ng kotse nya.

"Bakit naman kasi sinabi pa ni Ate Lenny kung nasaan ako" Maktol nya habang ini-istart ang makina.

Habang binabaybay nya ang daan, nakita nyang nakasunod nga sa kanya si Luke at lalo syang naiinis. Paano ba nya mapapatigil ng kakabuntot sa kanya ang lalaking to naiinis na sya at di na sya natutuwa. Sa unang date palang nila nakitaan na nya ng kabastusan si Luke at masyadong mabilis pagdating sa babae na agad nyang kinainisan rito, kaya naman ng matapos ang date nila sinabihan nya ang binata na yon na ang una't huling date nila na ewan nya kung bakit pilit parin itong namimilit ngayon.

Wala pa syang nagiging boyfriend, yung seryoso halos lahat ng nakarelasyon nya mula noong college eh mga fling fling lang, parang puppy love ganon, walang seryoso tila dala lang ng kabataan at panunukso ng mga kaibigan, kaya naman ng mapunta sya sa Maynila marami ang nagparamdam sa kanya at tanging si Lukr lang ang inin-tertain nya dahil gwapo ito at sikat naman talaga sa mga kabataan.l, pero ng makilala na nya ito nawalan na sya ng gana rito.

Pagdating sa Condo building hindi parin nya maiwasan si Luke hanggang makarating sa pinto ng unit nya.

"Luke please, magpapahinga na ko, hindi kita maaasikaso ngayon" Inis na sabi nya ng nasa tapat na sila ng pintuan nya.

"Bakit ba ang hilap mo ah Ellise? ano bang pinagmamalaki mo at masyado kang pa hard to get!" May himig na galit sa tono nito.

"Luke! I'm not playing hard to get here! hindi mo lang maintindihan na di kita gusto"

"Come on Elise, I'm Luke!" Sagot nito at hinawakan ang mukha nya, sinubukan nya iiwas yon pero mahigpit ang pagkakahawak nito.

"Luke ano ba?!"

"Who do you think you are huh Ellise? isa ka lang namang pipityuging model!" Matalim na sagot nito at sinubukan syang halikan sa mga labi, mabilis nyang iniwas ang mukha at dumapo ang mga labi nito pisngi nya.

"Let me go!" Tili nya at tinulak ito at nang makawala mabilis syang nagtatakbo palayo rito.

"Ellise!" narinig nyang tawag sa kanya ni Lukw pero di na sya lumingon pa. nagtatakbo lang sya ng nangtatakbo.

Nakarating sya sa rooftop ng building. at doon nag-iiyak naupo sya sa upuan malapit sa swimming pool. Wala ng tao roon pag ganoong oras bawal na ang mag swimming kaya sya lang mag-isa roon. At doon nya nilabas ang lahat ng sama ng loob.

"Damn it! damn it!" Sigaw nya at napatingala sya ng lumakas ang hangin at umingay sa paligid. Tila may helicopter na nais bumaba sa area na yon. Halos di nya mabuksan ang mga mata habang nakatingin sa helicopter na palapit ng palapit kaya naman lalong lumalakas ang hangin at umiingay sa paligid.

Nang makalapag ang helicopter isang lalaki ang bumaba, na naka maong pants at long sleeve polo na dahil sa lakas ng hangin tila nabuksan ang ilang butones ng polo nito. maliwanag sa buong paligid dahil buong gabing bukas ang magagandang ilaw ng building sa rooftop para makita ang magandang view sa taas. Nanatili syang nakamata sa lalake, hanggang sa lumipad muli ang helicopter na sinasakyan ng lalake.

"Sino sya?" Bulong nya na tila ba nakalimutan nya ang problema ng makita ang gwapong lalake. napasinghap pa sya ng mapansin ng lalaki ang kinauupuan nya. Nanlaki ang mga mata nya ng makilala ang lalaki. Ito ang lalaking nakabungo nya sa Mall at nakita nya sa Restaurant noong isang araw, bakit ba lagi nyang nakikita ang lalaking ito? sino ba ang lalaking ito? tanong nya sa sarili habang nakatingin sa lalake. Sinulyapan lang sya nito na walang ekspresyon sa mukha na muntik pang nyang ika tigil sa paghinga ng magtagpo ang kanilang mga mata

Shit ang gwapo nya.


Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
laging pinagtatagpo ibig sabihin kayo ang nkatadhana sa isat isa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status