NAGKATINGINAN SINA Tonet at Nanay Becca nang makitang kasama niya si Gabriel. Makahulugan ang tinging ipinukol ng mga ito sa kanya na waring sinasabing: Nagkabalikan na ba kayo? Paki explain nga para hindi kami nagugulat ng ganito?
Pinandilatan lang niya ng mga mata ang mga ito.
“Eh. . .mabuti naman naligaw ka. . .dito,” bati ni Nanay Becca kay Gabriel, hindi niya alam kung genuine ba ang mga ngiti nito o napipilitan lang, “Pasensya na medyo makalat ang bahay, alam mo namang ang daming mga bubuwit dito.”
“Bubuwit?” Kunot nuong tanong ni Gabriel.
“Eh bubuwit ang tawag ni nanay sa mga anak ko,” paliwanag ni Tonet, “Kumain na b
HINDI makapaniwala si Gabriel nang lumabas ang DNA result ni Stacey. Ngayon niya nakumpirma na siya nga ang ama ng bata. Masaya siyang malaman na anak niya ang bata pero nagagalit rin siya dahil matagal ring panahon itong ipinagkait sa kanya ni Olivia. Bakit kailangan nitong itago sa kanya ang katotohanan? Bakit kailangan nitong lumayo? Kahit balak sana niyang mag-golf kasama ng mga investors ng linggong iyon ay nag-cancel siya para puntahan si Olivia. Anu-ano pa ba ang mga itinatago nito sa kanya? Halos paliparin niya ang kanyang sasakyan makarating lang sa tinutuluyan nito. Nagkagulatan sila ni Javier nang magpakita sa bahay nina Olivia. Nagtatanong ang kanyang
“KAHIT KAILAN naman sarili mo lang ang iniisip mo,” yamot na sagot ni Gabriel kay Olivia.Bakit sa halip na humingi ito ng sorry sa kanya sa ginawang pagkakait sa karapatan niya sa kanyang anak, ito pa ang matapang magalit sa kanya ng ganito?Na para bang kasalanan niya kung bakit sila nagkahiwalay nuon?Siya ba ang basta na lang umalis ng walang paalam?Siya ba ang lumayo?Hindi naman siya ang nang-iwan pero bakit parang siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay?“Pero kung inaakala mong basta mo na lang maiaalis ang karapatan kong maging ama sa bata, dyan ka nagkakamali, gagawin ko ang lahat para makuha ko saiyo ang bata!” banta niya dito at handa niyang gawin talaga iyon kung kinakailangan. Hindi niya hahayaang lumaki ang anak niya sa ganitong environment.&
“P-PWEDE bang bigyan mo pa ako ng at least two weeks para naman makapag-adjust saiyo si Stacey?” Pakiusap ni Olivia kay Gabriel nang tawagan siya nito kinabukasan. Nasa trabaho siya at kasalukuyang lunch break ng tumawag ito. “Susunduin kita mamaya dyan sa trabaho mo, ako na ang maghahatid saiyo pauwi,” iyon lang ang narinig niyang sagot nito pagkatapos ay tinapos na nito ang pakikipag-usap sa kanya. Daig pa nito ang nakikipag-usap sa isang bata kung ituring siya. Ni hindi man lamang hinintay kung payag ba siyang pasundo dito. Naiinis siya talaga sap ag-uugaling iyon ng lalaki. Ginagawa talaga siya nitong sunod-sunuran palibhasa ay alam na alam nito ang mga kahinaan niya. “So, nagpang-abot pala ang magkapatid sa bahay nyo,&
“STACEY, anak. . .” Hindi alam ni Olivia kung paano sisimulan ang pagpapakilala niya sa anak kay Gabriel, “Anak, siya ang Daddy Gabriel mo. Nagmeet na kayo nung isang araw di ba?” Tumango ang bata. Nagulat siya nang basta na lamang ito kumandong sa hita ni Gabriel. Hindi ito ganuon sa ibang bago lamang nitong kakilala. Maski kay Javier, mga ilang oras muna bago ito naging paloob dito ngunit kay Gabriel ay wala itong pangingilag. Iba nga siguro ang lukso ng dugo. “Anak, may pasalubong saiyo si Daddy,” sabi ni Gabriel, iniabot dito ang shopping bag ng mga pinamiling laruan. Naexcite si Stacey, bumaba ito sa ama at patalon talon na itinaktak ang lamang ng shopping bag. Ang lakas ng tili nito ng makita ang baby aliv
NAKAHILATA sa salas si Javier, lasing na lasing nang datnan ni Gabriel. Napabuntong hinga siya ng malalim saka mabilis na itong tinalikuran. Pagod na siyang pagsabihan pa ito at pangaralan ng paulit-ulit. Panahon na para sarili nama niya ang asikasuhin niya. Malaki na si Javier para isipin at alalahanin pa niya. “Kuya, ano bang meron ka na wala ako? Anong lamang mo sakin, bakit ikaw ang pinili ni Olivia?” dinig niyang tanong nito. Huminto siya sa paglalakad at nakinig sa sasabihin nito. “Ako etong mahal na mahal siya, handa ko syang ipaglaban kahit na kanino. Hindi kagaya mo na takot panindigan yung nararamdaman mo sa kanya and yet, bakit ikaw. . .ha Kuya, bakit
PAGLABAS ng kuwarto ni Javier ay inabutan niya ang Kuya Gabriel niya na nag-aalmusal. Humila siya ng bangko at sumabay na dito pagkain. “Okay ka na ba? Uminom ka ng orange juice para mawala ang hang-over mo,” kaswal na sabi sa kanya ng kuya niya. Tumango siya. Kung tutuusin ay wala namang kasalanan sa kanya ang Kuya Gabriel niya dahil nagmamahal lang din naman itong tulad niya. Alam niya, hindi man ito umamin, mahal nito si Olivia. Kilala niya ang kapatid niya, hindi ito mag-aaksaya ng panahon sa isang babae kung hindi naman ito mahalaga para dito. It’s just that magkaiba sila ng pagpapakita kung paano ang magmahal. Hindi naman kasi ganuon ka-expressive ang kuya niya unlike
NIYAKAP nang mahigpit ni Olivia sina Nanay Becca at Tonet. “Diyos ko naman kung umakting ka naman dyan parang di na tayo magkikita-kita ah,” maluha-luhang sabi ni Nanay Becca sa kanya, “Pati tuloy ako naiiyak sa iyo. Dadalaw ka naman dito lagi, di ba? Naku, mamimiss ko tong maganda kong apo. . .” “Welcome po kayo anytime sa bahay, Aling Becca,” dinig niyang sabi ni Gabriel sa matanda. “Si Nanay Becca lang, ba? Pano naman kami nitong mga bata?” “Welcome kayong lahat dun. Mas mabuti ngang pasyalan nyo si Olivia dun para di mainip. Pwede kayong magswimming dun para mag-enjoy ang mga bata.”&nbs
NAPAPIKIT si Olivia sa kiliting idinulot sa kanya ng mga halik na iyon ni Gabriel. Parang naririnig na naman niya iyong kanta ni Roselle Nava sa utak niya. Bakit nga ba mahal na mahal kita? Pakiramdam niya ay nasa loob ng kuwarto nila si Roselle Nava habang kinakantahan sila nito. OMG, bakit kung anu-ano na itong naiisip ko? Ganito ba talaga kapag naiinlab? Nagiging korni at masyadong madrama? Akalain mong pati itong love scene nila ay nalalagyan pa niya ng back ground music sa utak niya? Kapag ako ay nagmahal My God, bakit parang paulit-ulit kong naririnig ang bawat kataga ni Roselle Nava ng mga sandaling ito? Bakit nga ba mahal na mahal kita Gabriel? Hindi ko kayang sagutin ang tanong na iyan kahit paulit ulit ko mang itanong sa sarili ko. Ang sigurado ko lang, mahal na mahal na mahal talaga kita. And God knows, kahit sino pang lalaki ang makilala niya, hindi siya makakaramdam ng