GABI NA pero hindi pa siya umuwi sa condo. Pinatay niya ang kaniyang smartphone upang hindi siya matawagan ng kahit na sino. Gusto niya munang mapag-isa. Ayaw rin niya munang marinig ang boses ni Weiss dahil baka tuluyan siyang lamunin ng kaniyang konsensiya.Ilang oras pa siyang nagtagal sa park bago niya naisipan na umuwi. Pinasok niya sa account niya ang pera na natanggap niya kapalit nang paglayo niya kay Weiss. Mabuti na lang dahil pinayagan siya ni Senior Fortalejo na makasama muna si Weiss sa loob ng isang linggo bago niya ito tuluyang iwan. Huminga siya nang malalim dahil sa mabigat niyang pasanin. Tuluyan siyang umuwi sa condo. Nang makarating siya ay nakita niya ang kaniyang nobyo na nasa sala. Naka-upo ang lalaki sa ibabaw ng sofa at nakakunot ang noo nito. Halatang wala sa mood ang lalaki.Puwersa siyang umiling at agad siyang tumungo sa kaniyang nobyo. "Kamote!" panggugulat niya sa kaniyang nobyo. Wala sa mood ang lalaki kaya ay hindi man lang ito nagkaroon ng kahit
NAPABUSANGOT SI Weiss nang makita ang mukha ng kaniyang Abuelo. Pumasok sa opisina niya ang matanda. Hindi niya kayang alisin sa kaniyang isipan ang masasamang mga salita na sinabi ng Abuelo niya sa kaniyang kasintahan. "Won't you greet your Abuelo a good day, Weiss? Bawal ang nakasimangot kung umaga pa lang. Malas iyan sa negosyo," sabi ng matanda.Maharang huminga nang malalim si Weiss. Tumayo siya at agad niyang tiniklop ang folder na na hawak niya. Isa itong proposal mula sa isang gustong mag-invest sa Andromeda. Gusto nitong maging parte ng kompanya ni Weiss at kaniyang pinag-iisipan kung ano ang gagawin niya rito. "Kung babastusin mo lang din si Aiha at sisirain siya sa akin ay mas mabuti na lang na umalis kayo, Abuelo. Marami akong iniisip ngayon at sana ay huwag niyo muna akong gambalain pa," sabi niya sa matanda.Humalakhak ang Abuelo niya at agad itong umupo sa sofa na nasa harap ng kaniyang table. Dumequattro ang Abuelo niya habang nakahalukipkip itong nakatitig sa kaniya
HINDI NIYA mapigilan ang mapangiti dahil tumakbo sa isipan niya ang sabay nilang paghakbang ni Aiha habang nilibit nila ang park. Ngayon ay gusto niyang isurpresa ang babae. Gusto niyang dalhin ang babae sa private resort na binili niya noong nasa kolehiyo pa lamang siya. "Bebs, ano ang gusto mong gawin natin? We still have five days to do some things together," sabi niya sa dalaga.Tinitigan lang siya ni Aiha. Ilang saglit ang lumipas ay tumingala ang babae at tila ba ay nag-iisip. "Depende sa iyo. Parang hinanda mo naman yata ang lahat ng mga bagay na gagawin natin ngayong linggong ito."Inabot niya ang pisngi ng babae at inalis niya ang butil ng bigas rito. Kumakain sila ngayon. He realized that dinner was as tasteful as fuck when he and Aiha took it together. Magkaharap sila ngayon sa mesa habang patuloy lang na kumakain. Hindi na siya umuuwi sa mansion mula noong nandito na si Aiha. Ayaw niya na mawala sa paningin niya ang babae. Kung hindi lang niya iniisip ang trabaho niya
KINAUMAGAHAN AY tumungo siya sa ospital kung saan sinugod si Weiss. Pumunta siya sa nurse station at agad siyang nagtanong kung saan ang room ni Weiss. "Good morning po. Nasaan po ang room ni Mister Lorden Weiss Fortalejo?" agad niyang tanong sa nurse na dumungaw sa maliit na butas. "Ano po ang pangalan nila?" sa halip na sumagot ay tanong ang sinambit nito sa kaniya."Aiha po. Kaihannah Kaguran," sabi niya. Nakita niya na nagtinginan ang mga nurse. Hindi mapakali ang mga ito. Mapait siyang ngumiti sa kanila. Alam niya na kagagawan na naman ito ni Senior Fortalejo. "Ma'am Aiha, pasensiya na po talaga. Hindi po kami puwedeng sumuway sa gusto ng pamilya ng mga pasyente namin dito. Pinagbabawal po kasi na dumalaw kayo kay Mister Fortalejo," sabi ng nurse.Tumango siya at patuloy lamang siya sa pagngiti nang sapilitan. Lumunok siya. Ayaw niyang umiyak dito kaya ay huminga siya nang malalim at kinagat niya ang kaniyang ibabang labi. "Naiintindihan ko po," malungkot na sabi lamang niy
HINILA NIYA papasok sa silid na tutuluyan niya ang kaniyang maleta. Nasa Davao na siya ngayon. Napagod siya kaya ay hindi na siya nag-atubili pang magpahinga na lamang. Ilang oras na ang lumipas mula nang lumabas ang araw bago siya nagising. Ngayon ay nakalublob ang katawan niya sa indoor pool ng Seda Abreeza. May iilang mga tao ang nasa paligid ng pool. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa tubig na bumalot sa kaniyang katawan. Nasira ang tahimik na paligid nang lumapit sa kaniya ang isang estranghero."Hi, Miss," bati sa kaniya ng lalaki.Umirap siya at agad na lamang siyang lumangoy patungo sa malayo. Gusto niyang mapag-isa ngayon at ayaw niyang maabala."Umalis ka sa harapan ko ngayon kung ayaw mong sipain ko ang itlog mo," sabi ni Aiha sa lalaki.The man was handsome and has an athletic build but the only man she could bear was Weiss. Nakakalungkot nga dahil binalik na naman siya ng kapalaran niya sa katotohanan na ang layo ng agwat nila ng lalaki. Langit ang lal
UNANG UMAGA sa kaniyang pagbalik sa Kibala. Sumilip na ang araw kaya ay gumising na siya. Gustuhin man niyang matulog pa ay nagising na siya dahil sa ingay sa paligid. May mga tandang na tumitilaok at may mga taong sumisibak ng kahoy. Kinurot niya pa ang kaniyang sarili upang makumbinse siya na nasa bukid na nga siya. Hindi kasi niya lubos matanggap sa sistema niya ang katotohanan na wala na siya sa Maynila. Malungkot siyang ngumiti at tumingala siya sa bubong ng bahay nila. May iilang butas ang kanilang bubong dahil higit sampung taon na ang lumipas nang nagpagawa sila ng bahay. Hanggang ngayon ay hindi pa ito matapos-tapos dahil nga sa kakapusan sa pera. Binato na naman niya ang kaniyang titig sa bintana nilang tanging kawayan lang ang humarang. May mga mantsa pa ang kurtinang nakalugay sa bintanang kawayan. Ang aga-aga ay malungkot na realidad ang nakita ni Aiha. Kung hindi lamang sila mahirap ay tiyak siyang maayos ang buhay nila ngayon. Umahon siya mula sa kaniyang kama at l
SA ORAS ng kaniyang paggising, ang kaniyang mga mata ay agad na hinanap ang mukha ni Aiha. Tatlong tao ang nasa loob ng silid kasama niya. Nakita niya ang mukha ni Kloudette na ang lapad ng ngiti habang nakatingin ito sa kaniya. Nandito rin ngayon ang kaniyang Abuelo. Walang emosyon ang matanda na nakasulyap sa kaniya. Ni hindi niya nakitaan ng tuwa ang mga mata nito kahit na gusing na siya. Kahit na ang kaniyang kapatid na si Nigoel ay nandito rin. He was asking himself if it was really his brother. Nang matiyak niya na si Nigoel ito ay bigla na lang siyang umupo kahit na hindi pa masyadong kaya ang kaniyang katawan.Lumunok siya. Tuyung-tuyo ang lalamunan niya at pakiramdam niya sobra siyang napagod. "Ano ang ginagawa ko rito?" tanong niya na hindi nakatitig kanino man. "Fuck the hell," aniya lamang nang maalala ang lahat-lahat. Tumingin siya sa kaniyang Abuelo. Hindi na siya nagtaka pa kung bakit hindi niya makita sa silid na ito ang mukha ni Aiha. The woman wasn't here because o
WALA SIYA sa sarili niya sa mga panahong ito. He wanted to return time but he couldn't afford to do it. Tapos na ang nangyari. Nasa loob ngayon ng silid sa ospital ang kaniyang Abuelo dahil sa kaniya. He swallowed as he realized what he did. Nagpadala siya sa inis na nasa puso niya. He should at least think about who he was talking too. Ngayon niya lamang napagtanto ang pagmamalabis na pananalita niya sa kaniyang Abuelo. Kahit na ano ang sabihin niya ay kasalanan niya kung bakit nalagay sa sitwasyon na ito ang kaniyang Abuelo.Bumuga siya nang marahas. "This is all your fault," sabi ng kapatid niya.Tumingala siya. Hindi niya alam kung ani ang erereact niya sa sinabi ng Kuya Nigoel niya. Magagalit ba siya dahil sinisisi siya ng kapatid niya o hahayaan na lamang niya ito dahil totoo ang sinabi nito."Hindi ko alam kung bakit ka humantong sa ganito, Weiss. Sa ating tatlo ay ikaw ang palaging sumusunod sa mga utos n Abuelo kahit na gaano pa ito kahirap. Alam mo ba na ikaw ang paborito
ITO ANG alam niyang tama. Hindi niya kakayanin na mawala sa kaniya nang tuluyan si Aiha. Ginawa niya ang lahat para lang makarating sa lugar na ito. Bago sa kaniya ang paligid at hindi niya man lang alam kung makakalabas pa ba siya rito nang buhay. Tinuro lang sa kaniya ng ale sa daan kanina ang daan patungo kuno sa tinutuluyan nila Aiha ngayon. "Fuck the hell! Ano bang lugar ito?" tanong niya sa sarili niya. Pakiramdam niya ay nawawala siya. Napatitig na lang siya sa kaniyang puting damit na puno na ng putik. Katatapos lang kasi ng ulan kaya masyadong maputik ang daan. Nagtanong siya kanina sa daan kung makakapasok ba ang sasakyan sa loob pero pinagtawanan lang siya ng mga tao. He sighed. Napatingala siya. Para siyang maiiyak dahil sa takot na naramdaman niya.Kabaliktaran ng pagkatao niya ang nangyayari sa kaniya ngayon. Hinamak nita talaga ang sarili niya para lang makita si Aiha at makasama itong muli. Hindi pa nakauwi galing sa Morocco si Cleint kaya si Joseph ang ginawa niy
HE WAS missing her so much. Gayunpaman ay hindi niya hinamak na makipagkita o magkaroon ng komunikasyon sa babae. Sa totoo lang, gusto niyang hagkan si Aiha pero tiniis niya ito. Ayaw niyang mapahamak ang babae. He knew that Aiha might get hurt even more if he will confront the Toresses. Handa na siya ngayon na tumungo sa Andromeda. Nagulat ang mga stakeholders ng kompanya dahil bigla na lang siyang nagpatawag ng meeting. Nang nalaman niya ang plano ng nga Torres ay agad siyang nakapagdesisyon na magpa-emergency meeting. Hindi niya hahayaan ang mga ito na maisakatuparan ang masama nilang balak. Nasa loob pa rin siya ng kaniyang kotse kahit na nasa building na siya ng Andromeda. Kaniyang tinanod ang pagdating ng bawat stakeholders niya. He breathed heavily. Gusto niyang pakalmahin ang sarili niya. He was feeling deep anger towards the Torreses. Sa tingin niya nga kung hindi niya makontrol ang sarili niya ay masapak niya agad ang ama ni Kloudette. Pumitik ang ugat sa gilid ng ulo niy
NAGING SANDIGAN niya ang alak. Nakailang lata na siya ng beer habang naglalakad siya sa gitna ng maraming tao. Gabi na at mas dumami pa ang mga tao. Bakit ganoon? Alam niyang kasalanan niya dahil hindi niya inalam kung may sakit ba si Senior Fortalejo o wala. Pero parang sobra naman iyong ginawa ni Weiss at sinabi nito sa kaniya. Hindi siya manhid para hindi niya maramdaman na tuluyan na siyang pinaaalis ng lalaki sa buhay nito. Wala na siyang pinagkaiba sa mga manginginom sa kanilang lugar. Pagewang-gewang na siyang naglalakad ngayon at ang masahol pa ay hindi niya alam kung saan siya tutungo. Hindi niya maiwasan na masaktan. Nang gumawa siya ng isang hakbang ay pumatak ang luha niya. Nang sumunod niyang mga hakbang ay doon na tumodo ang pagpatak ng sandamakmak niyang mga luha.Gusto niya lang naman mailigtas ang lalaki at ang angkan nito mula sa kapahamakan pero pinaramdam ni Weiss sa kaniya na mali ang ginawa niya. Sinabihan pa siya ng lalaki na huwag nang makisali pa dahil probl
HE GULPED the drink from his cup. Inom sila nang inom ng Kuya Nigoel niya. Nakailang Jack Daniels na sila. Sa totoo ay medyo nahihilo na siya. "Basta ako, kahit na sino papakasalan mo ay susuportahan kita," sabi ng kapatid niya sa kaniya."Nasa loob ng kuwarto na iyan ang gusto kong pakasalan, Kuya," aniya at tinuro ang silid kung saan pumasok si Nigoel.Tumayo siya. Gusto niyang makatabi ngayon ang babae. Nagtatampo iyon sa kaniya dahil nagsinungaling siya rito. Inayos niya ang sarili niya. Susuyuin niya ang babae ngayon mismo. Ayaw niyang umabot pa bukas ang tampo na nararamdaman ng babae sa kaniya.Halos matumba siya pero nasalo siya ng kaniyang kapatid."Saan ka pupunta!?" Sumenyas siya na tutungo siya sa silid ni Aiha. Umiling ang kapatid niya pero wala itong nagawa dahil humiwalay na siya rito. Humakbang na ito papunta sa silid ni Aiha."Lorden Weiss, baka magising si oldman," anang Kuya Nigoel niya.Lumingon siya sa kaniyang kapatid. Nanliliit ang kaniyang mga mata patitig sa
PAGTINGIN NI Aiha sa loob ay nakita niyang dumaan si Mang Kanor kaya ay tinawag niya ito. "Manong Kanor!" tawag niya sa mama.Nakilala siya ng lalaki agad kaya ay tumungo sa gate si Mang Kanor. Tinaasan ni Aiha ng kilay ang bagong guwardiya na ayaw siyang papasukin dahil hindi raw siya kilala nito. "Kanor, hindi ko kasi kilala ang babaeng iyan kaya hindi ko siya pinagbuksan ng gate. Kanina pa niya ako kinukulit na papasukin ko raw siya. Sino ba ito?" tanong ng guwardiya.Huminga nang malalim si Aiha. Ngayon ay kay Mang Kanor na naman siya tumitig. Halos isang oras na siyang pinaghintay ng guwardiya. Sinabihan na nga niya ito kanina na tawagin si Weiss dahil kakilala niya ito pero hindi naniwala ang guwardiya. Lumabas na ang mga ugat niya kanina habang pinapaliwanag niya sa guwardiya ang katayuan niya sa kasal ni Weiss pero hindi pa rin siya pinapasok ng guwardiya. Ang rason nito ay walang sinabi sa kaniya ang mga amo niya na may darating na handler ng kasal."Mang Kanor, kanina pa a
ISANG BAGAY ang kumuha ng atensyon niya. Ito ay ang isang wallet na nasa upuan. Inabot niya ito at agad niyang nakita ang mukha ng ama ni Kloudette sa loob nito. "Nakakainis. Bibigyan ka pa nila ng obligasyon," reklamo niya at piniga pa niya ang pitaka.Nagmadali siyang lumabas sa bahay at agad siyang bumaba. Hinanap niya ang ama ni Kloudette pero hindi niya ito nakita. Tumawag siya sa security personnel at nagtanong siya tungkol sa taong nakasuot ng kulay black na suit. Sinabi nila sa kaniya na na nasa labas ito ng banyo sa ikalawang palapag. Nagduda siya kung ano ang ginawa ng lalaki sa lugar na iyon. Tumungo siya kung saan tinuro ng mga security personnel kung nasaan si Mister Torres. Didiretso sana siya pero nabitawan niya ang wallet kaya nahulog ito sa sahig."Ayaw ko na magkaroon ng bakas ang pinapatrabaho ko sa iyo. Dapat ay malinis mong gagawin ang trabaho mo nang sa ganoon ay walang magiging problema."Nalito si Aiha sa kaniyang narinig. Tiyak siya na boses iyon ng ama ni
SHE SLOWLY closed the door as she was ready to leave. Masama pa ang pakiramdam niya pero tiniis niya ito dahil parang ikamamatay niya kung mananatili lang siya sa loob ng unit niya na mag-isa.Maharan siyang lumakad patungo sa elevator. Sumakay siya at sumandal siyang nakahalukipkip. Hindi niya namalayan kung ilang beses na huminto ang elevator at ang tunig ng sapatos ng mga taong pumasok at nakisabay sa kaniya pababa dahil nakatitig lang siya sa screen ng kaniyang smartphone. She was waiting for Weiss' message. Tanga na kung tanga pero naghihintay talaga siya. Umaasa siya na kahit isang mensahe lang mula sa lalaking iyon ay may matatanggap siya. She was heading up to K Events building now. Hindi niya pa nakikita ang kompanya niya dahil nilaunch ito ni Marie mag-isa. Kahit ang opisina niya ay hindi niya pa rin nakikita sa personal. Kuwento ni Marie sa kaniya na ang building ay may apat na palapag. Nasa basement ang mga mananahi ng mga kurtina, table and chair clothes, damit na isusu
HER HEART was a half happy and a half bothered. Ang hirap ng sitwasyon nila ni Weiss. Kung tutuusin ay pagtataksil ito kay Kloudette. Napabuga na lamang siya ng mainit na hangin dahil sa nangyari. She slept with the who was to marry someone. Siya naman ang nauna pero hindi parin tama ang ginawa niya. Wala siyang nagawa dahil sa pagdominante ng puso niyang taksil sa katotohanan na mali ang ginagawa nila ni Weiss. Nakalabas na sa banyo si Weiss at tanging puting tuwalaya na lamang ang nakatabon sa pribadong katawan nito. The man walked to her way and he bowed to kiss her. Sinalubong niya ang halik ng lalaki. Weiss' lips tastes like heaven. Matamis ito at nakakaadik ang kalambutan nito. She was like kissing a marshmallow with a flavor of strawberries and a magic sugar. "Ughm," daing niya nang pinasok ng lalaki ang dila nito sa kaniyang bibig. Shit! Parang bawal na gamot ang lalaki at siya ang konsyumer na nalulong na rito. Umatras ang lalaki pero hinabol niya ito. Sinipsip niya ang la
HE SLOWLY opened his eyes. Umangat ang dulo ng mga labi niya nang matanto niya na nasa mga bisig niya pa rin si Aiha at natutulog nang mahimbing ang babae. Hinalikan niya ang ulo nito. The woman hugged him even more tighter. Pinikit niyang muli ang kaniyang mga mata. Alam niya na alas sais na at oras na para umuwi dahil kailangan niyang dumalaw sa ospital pero mas pinili niyang manatili muna sa ibabaw ng kama at yakapin ang babae. Pakiramdam niya ay nasa kalawakan siya at nakasakay sa mga ulap habang ang hangin ay marahan siyang pinapatulog muli dahil sa kalmado at puno ng pag-ibig na kapaligiran. "Fuck the hell," bulong niya nang lumipas pa ang ilang minuto.Ayaw niya pang umahon pero tigas na tigas ang mahaba niyang batuta dahil sa morning erection niya. Naiihi pa siya kaya ay marahan siyang humiwalay kay Aiha. Tumungo siya sa banyo at agad siyang umihi.Napabitaw siya nang hininga nang pumaibaba sa kaniyang alaga ang kaniyang pagsulyap. Kung ang iba ay namomroblema dahil maliit l