Narinig ko ang pagtigil ng makina kaya napalingon ako kay Hanz. Nasiraan ba kami? Hindi kasi gilid yung pinagtigilan namin kung hindi sa gitna talaga, mukha namang hindi siya masyadong dinaraanan ng sasakyan but still hindi ba pwedeng sa gilid mag park? "Go down, nandito na tayo." Bumaba ako agad at napasigaw kasi matarik pala dito. Nakakagulat naman, medyo malayo pa naman ako sa palusong pero kitang-kita ko na yung lalim niya. "Are you okay? Nag park talaga ako sa malayo sa bangin." Kaya naman pala, nasaan ba kami? "Ayos lang, nagulat lang ako kasi sobrang lalim." Inilibot ko ang paningin ko at napansin na may burol sa taas. Ang ganda, yung mga damo niya ay parang alagang-alaga kasi pantay-pantay ang pagkaka trim. Tapos may paikot na mga bulaklak, may ganito pala sa Sta. Ana. "Do you like here? Nakita ko lang ito sa map ng Sta. Ana and I didn't expect too na ganito siya ka-peaceful." I agree with him, hindi nakakasawang tingnan yung paligid ng burol.
"Hi Elisa." Bati sa akin nila Ella at Jake pagkapasok kaya binati ko rin sila pabalik bago pumunta sa locker area at magpalit. "Uy Elisa, boyfriend mo ba yung gwapong naghatid sa'yo kanina?" Ang chismoso naman nitong si Jake, nagkakalalaki eh. "Hindi ah, kaibigan ko lang iyon." "Ang taray naman, pang showbiz ang sagot" Natawa na lang ako sa sinabi ni Ella. Magkaibigan lang naman talaga kami ni Hanz kaya wala ako'ng iba'ng explanation para doon. Nagpatuloy na kami sa pagtatrabaho nang biglang pumasok ang Tita ni Bert. "Balita ko may gustong bumili ng cafe pero ayaw ibenta ni Ma'am." Ang chismoso talaga. "Narinig ko rin iyan, malaking halaga raw yung iniaalok pero ayaw pa rin." Talaga? Maganda kasi yung pwesto ng cafe pero mas marami naman yung maganda ang pwesto kesa dito kaya bakit ito pa rin ang bibilhin nila?
Habang nasa room ay iniisip ko pa rin si Nanay, iba kasi ang ayos niya kagabi at iba rin siya magsalita kahit galit sa akin. Pakiramdam ko ay may itinatago siya, ganoon rin ang kilos ni Grace nang tanungin ko siya pero imposibleng may kinalaman ang sikreto nila dahil ayaw ni Grace kay Nanay. Pinilit ko'ng ibahin ang topic sa isip ko dahil kung anu-ano na lang yung naiisip ko'ng scenario. Nang pumasok na si Ma'am Jonna ay dali-daling umayos ng upo ang mga kaklase ko at d*****g dahil may surprise quiz si Ma'am. 1-15 lang naman kaya bakit ba sila nagrereklamo? "Okay, exchange your paper at the back." Iniabot ko naman ang papel ko sa aking nasa likuran at kinuha ang papel nang nasa aking unahan. Nang matapos mag check ay napakunot ang noo ko, wala ako'ng nachekan sa papel niya. Seriously? "Who got 15?" Tanong ni Ma'am at inilibot ang paningin sa room. "Si Ms. Soriano po Ma'am." Tumingin naman agad sa akin si Ma'am at ngumiti. "As expected." I alwa
I never heard anything from Hanz until my shift in Cafe, and I never saw him again in random places. I don't know why I'm looking for him where in the first place, he's the one who left and ignored me. Nagtampo lang naman ako kasi kahit saan na lang ay dala niya yung mga information about Brie. Anything we do ay palagi siyang may kwento tungkol kay Brie. At the end, siya pa ata ang nagalit. I just told him that I want a silent way of eating which is somehow true, pero hindi niya ba naramdaman na nagtatampo ako kasi lahat na lang naiirelate niya kay Brie. She's not here but everytime we are together, he will see me as a shadow of Brie. Naiinis ako sa kanya pero mas naiinis ako sa sarili ko kasi kahit iniwan niya ako'ng mag isa kanina at pinauwi niya ako'ng mag isa matapos niya ako'ng dalhin sa resto, ay hinahanap ko pa rin siya. Hayst, I hate how attached I am to him. Sa bagay, wala naman talaga ako'ng maling ginawa. He's the one who did something wrong, parang hindi
"Uy, baka dumating na si Ma'am." Nagulat ako nang bigla ako'ng kalabitin ni Ella, napatingin naman ako sa relo ko at nakitang 8 minutes na pala ako dito. "Sorry Duke, kailangan ko nang bumalik sa trabaho." Pagpapaalam ko dito, hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa table nila Hanz. Napansin ko'ng paalis na sila habang nakayakap sa braso ni Hanz si Ruth. Mukha namang wala lang sa kaniya ang nangyari. Nginitian ko na lang ulit si Duke bago umalis. "Girlfriend ba ni pogi yung kasama niya?" Tanong ni Ella nang nasa may counter na kami. Alam ko'ng si Hanz ang tinutukoy niya kasi ito lang naman ang may kasamang babae kanina. "Bakit hindi siya ang tanungin mo para hindi ako ang lagi mo'ng kinukulit tungkol sa kanila?" Pagtataray ko dito, puro na lang si Hanz at Duke ang itinatanong niya. "Gagalit? Wag ka na magselos, mas maganda ka naman don. Saka ang arte kanina nang umoorder, gusto ay si pogi pa ang magsabi." Maarte naman talaga si Ruth, mas maganda rin
Ngayon ang event na dadaluhan ni Hanz, I don't know if ako pa rin ang date niya since hindi ko pa siya ulit nakikita and ayaw ko naman mag first move just to reach him out. Hindi nga siya gumagawa ng way para makausap ako samantalang siya naman ang may kasalanan, his ego will just destroy him. Kung hindi man ako ang date niya ngayon, it's okay. Wala ako'ng magagawa doon kasi siya pa rin ang masusunod. If ako naman ay ayos lang rin, I will act normal since I already agreed with this. Napakarupok ko naman ata? Maagang umalis si Nanay , hindi ko alam kung saan siya pupunta pero naka-ayos siya. May lipstick ulit siyang suot at naka-sandals na ngayon ko lamang nakita. Iba ang pakiramdam ko sa nangyayari pero pinipili ko na lamang isang-tabi ito dahil matanda na si Nanay. Alam ko'ng kahit ayaw niya sa akin ay gagawin niya pa rin ang tama para man lang sa sarili niya. Nag ayos na ako ng mga bracelet na ibebenta ko sa mga turista. Sabi kasi ni Grace ay nasa Isla ang mga kapa
Naligo ako ulit at ibinalik sa kahon ang ibinigay niyang gamit, I will just give these to him personally. Kung akala niya ay wala ako'ng mukhang ihaharap sa kanya dahil sa pag a-assume ko, then he's wrong. Nakarinig ako ng katok sa labas namin kaya lumabas ako, wala pa rin pala si Nanay. "Hi Elisa, I know it's already night pero can you join me sa may dagat." Itinaas pa ni Duke ang dala niyang basket. Nginitian ko ito ng tipid at sinabing hintayin ako kasi magpapalit muna ako nang pajama at magjajacket. "May problema ba?" Alam kong pansin niya ang pamamaga ng mata ko pero umiling lang ako, baka kapag nagsalita ako ay mapansin niya rin na paos ang boses ko. "You can also share me your problem kapag ready ka na." Tumango lang ako. Nang makarating sa tabing-dagat ay inilatag niya ang dalang blanket at inilabas ang beer in can at snacks, may lemon juice rin in can. "Ikaw may problema ka?" Tanong ko dito, hindi na nito pinuna ang pagiging paos ko na ipinagpasalama
"Nay, saan po ito galing?" Tanong ko kay Nanay dahil inabutan niya ako bigla ng sampung-libo. Masyado ito'ng malaki lalo pa at alam ko na walang trabaho si Nanay. Ayaw ko siyang pagdudahan pero nagtataka na talaga ako dahil bigla niya ako'ng binibigyan ng pera para sa kuryente at pagkain. "Istupida” Mahina ako’ng d*****g nang hampasin niya ang aking braso. Huwag sanang magpasa ito, pero siguradong mapula na iyon dahil ang sakit. "Bakit mo ba kailangan pa'ng kwestyunin ang pagbibigay ko? Hindi porket nagtatrabaho at nag aaral ka ay may karapatan ka’ng magtanong nang magtanong sa mga ginagawa ko." "Hindi naman po sa ganoon, Nay." "Tumahimik ka nga Elisa, kaya ko'ng magbayad dito sa kuryente natin. Kung nagrereklamo ka dahil kailangan mo pa na magtrabaho at umuwi nang ganitong oras, edi tumigil ka na." Kitang-kita ko na naman ang galit niyang mukha, sana pala ay hindi na lang ako nagtanong. Nagtataka lang kasi talaga ako kaya hindi ko na napigilan. Nakalimutan k